CL POV
Nagising na lang ako na parang pagod na pagod at uhaw ako, napanaginipan ko naman ang mga pangyayari ng gabing yun. Magmula ng araw na kausapin ako ni kyle lagi ko na lang napapanaginipan ang lalaking yun.
Its almost a month na simula ng mangyari ang araw na yun. After that day ng makauwi ako talagang todo ligo ang ginawa ko. Nagbabad ako sa bath tub for an hour na para bang mababalik ang isang bagay na nawala sakin. I know nangyari na e. Wala nako magagawa pa, lasing ako e. Though alam ko ang ginagawa ko pero inakala kong panaginip lang lahat talaga. Pero diko maipaliwanag yung pangalawang beses na ginawa namin. Kase alam kong gising nako nun e. Parang wala na nga yung pagkalasing ko at alam ko hindi na siya panaginip kase naramdaman ko pa din ang kirot e. Pero bakit ako pumayag Hindi ko lubos maisip na nagawa ko ang mga bagay na iyon.
Maliwanag pa sa isip ko na laro lang yung kasal kasalan namin ng gabing yun e. Pero yung honeymoon totoo. Kung bakit kase sumama pa ako at pumayag na doon na lang gumamit ng toilet sa room niya.
Kay Kyle nga ayoko na ayoko na aakbayan or holding hands man lang e. Pero sa strange man na yun. Sa isang gabi id lost everything.
I'll swear hindi nako iinom kahit kailan. Grabe ang epekto sakin ng alak na yun. Mabuti na lang mukhang walang alam si JM sa tunay na nangyari ng gabing yun. Kung bakit kase bigla silang nawala nung isang lalaking yun e diko siya makita na lang bigla din.
Ill just pray it na lang na hindi sana mag krus ang landas namin ng lalaking yun dahil kung nagkataon diyos ko po diko alam ang gagawin ko talaga. sana lang talaga hindi na kami magkita pa.
Ang isang bagay na pinakaiingatan ko ay nawala lang bigla at ang masaklap sa lahat ay naibigay ko sa isang estranghero lamang....diyos ko! What have I done....galit na galit pa ako nun kay Kyle kapag hahalikan ako tapos..aishhhhh....
Pag nalaman ng parents ko to nakupo isang major major sermon ang mangyayari. And worst baka ipahanap pa ng daddy yun. Mabuti nang walang makaalam. Okay nako its just a past and secret lang.
**********
JM POV
Pasukan na naman parang kailan lang start ng vacation ngayon eto pasukan na naman. Kakatamad na naman pumasok, kung bakit kase hindi pa ako gumaya kay CL na pumunta na sa dorm kahapon pa para kahit tanghali na gumising. Alas nuebe pa na naman first subject ko today pero dahil malayo ang school dito sa bahay kaya i need to wake up and prepare early.
Parang familiar sakin ang mukha ng nasa newspaper. Nahihilo na ko kakatingin, kase naman tong daddy ko napaka likot magbasa ng diyaryo.
" anak baka naman mabalian ka ng ulo dyan kakatingin sa newspaper"...wika ng mommy ko napansin marahil niya ang ginagawa kong pagtingin sa newspaper.
" gusto moba basahin to anak?"..wika naman ng daddy ko na binaba ang newspaper na hawak niya..
" no need dad, hilo nako ayoko nang mahilo pa lalo and besides malelate nako"...wika ko sabay kain ng mabilis dahil malelate nako talaga.
Parang familiar lang sa akin ang guy na yun sa news paper naalala ko tuloy yung sa party na groom ni CL. He was so handsome, akala ko nga foreigner dahil mistizo si papa hahaha. Alam ko namang hindi type ni CL ang mga ganung tipo. Mas gusto ni CL ang chinito looks basta parang mga korean version ba like lee min ho at halos lahat na ata ng korean idol gusto niya. Katunayan na nga lang niyan sa dami ng bansang pwede naming puntahan, korea pa ang napili niya nung nag debut siya.
Which is hindi na kami umangal kase birthday naman niya at libre naman kami sa lahat. We were there for 5 days only at nagbaka sakaling makita ang idol niya kaso wala talaga e. Di nakatadhana ata na makita sila in person.
Kaya lakas ng pang aasar ko kay CL dahil ang groom niya malayo sa expectations niya at tipo niya.
Matagal na kaming magkaibigan at BFF ni CL at Aya. Since high school pa kami. Magkaiba lang kami ng course ng mag college kami. Dahil nasa lahi at dugo na ata namin ang medical field kaya pati ako ay medicine na rin ang kinuha.
Si CL ay naging classmate lang namin ni Aya nung graduating na kami sa Senior high. Accelerated siya from grade 9 to second year ng senior high. Transfer siya from another school galing abroad daw kaya curious kami ni Aya that time. Masyadong tahimik si CL nun never yan nakipag usap ng kusa. She only speak when you ask her into something , Ganun lang. Pero dahil si Aya ay pasaway talaga at makulit hindi niya tinantanan si CL hanggang sa maging friend na namin siya hanggang college.
Masyadong aloof sa tao si CL kaya lang niya naging BF si Kyle that time dahil na rin samin. Try lang ika nga, for experience ba .mabait naman kase si Kyle at matagal ding nanligaw sa kanya. Yun nga lang talaga may pagka manyak pala. Muntik na niyang ma rape si CL that day kundi lang marunong ng self defense si loka, na rape na siyang boyfriend niya.
Takot na takot si CL that day at todo hingi ng patawad ito sa kanya. Nagpaulan ba naman si loko e. Gayahin ba naman ang mga korean series. At dahil mabait ang bida siyempre pinatawad niya ito. At napatawad naman niya kaso talagang off limits na si Kyle sa kanya. Hanggang isang araw napagod na talaga si CL kay Kyle masyado kaseng babaero akala niya siguro magseselos si CL sa ganung gawain niya.
Kaya eto first day na first day at classmate ko tong mokong nato sa Psychology class,masyadong PDA sa new Jowa niya.
Mas guwapo pa nga yung husband ni CL ditojay Kyle e. Malaki lang talaga agwat ng idad niya dun sa husband kuno niya. Pero kung ako papipiliin mas gusto ko na yung lalaking yun kahit pa malaki ang agwat ng idad nila ni CL, doon sigurado na ang future ni CL. Kesa kay Kylena mukhang walang pangarap sa buhay kundi ang umasa sa yaman ng parents niya at gandang lalaki nito.
Pag naaalala ko talaga yung gabing yun e. Pag lasing pala tong si CL masyadong madaldal at nawawala ang pagiging mahiyain. Siya pa talaga ang ang insist na tapusin na agad ang kasalan hahaha, dami pa nga namang cheche buretche nung judge kuno na yun e. May seremonyas seremonyas pa siyang nalalamAn. Diko lang matandaan kung nailagay ko ata totoong name ni CL sa kunwaring marriage contract na yun e. Pasaway din naman kc tong si CL ibinigay pa birth certificate niya. Sinend pa dun sa judge. Talagang akala mo handang handa. Kunsabagay kahit yung birthcertificate ko naka pdf na din e. At naka save sa phone ko para just in case na kailanganin hindi nako pupunta pa sa bahay pa print ko lang mabilis na.
Pero Siguro naman di namin makikita yung mga yun.....saka game lang naman yun e pero yung kiss nila CL Hahaha.....grabe nakakakilig parang totoong totoo yung kasal nila sayang nga lang di saksihan ni Aya Masyado kasing busy sa paghahanap ng boylett nya e. Sobrang sweet nung guy na yun e biruin mo sa noo lang si CL hinalikan. Talagang di niya sinamantala ang kalasingan ni CL. Kung si Kyle yun naku patay na ang bataan...
Nakakatawa din yung judge na yun e. Father ng father si CL hahaha epic lang talaga.
FLASHBACK
" Ikaw Xyriel tinatanggap mo ba na maging kabiyak itong si ano nga ba name mo Miss beautiful ! .....Ako po" .............sagot ni JM
"Hindi ikaw ano kaba, sabi ko Kay JM....ako ang bride sis ikaw ang made of honor ko...ano kaba....Ay! Oo nga pala...na carried away lang sensya na.....tatawa tawang sagot ni JM..."
"I'm Sienna father....but my friends call me CL he! He!......"..-(CL)
"Anong Sienna....wag kayong maniwala father .....sis bawal magsinungaling Kaharap mo yung pari o....lagot ka..."
Pasuray suray at tatawa tawang salita ni JM...".
" girls hindi ako pari I'm only a Judge here...but well diko kayo masisi kung muka akong angel...he!he!..
"f**k ....!shut up man...ikaw mukang anghel....IWW....pero pwede rin anghel na pinatalsik sa langit kaya nung mahulog
Una ang muka ng bumagsak kaya ayan ang nangyari...".ha! Ha! Ha!......tawanan ang lahat ng magkakaibigan......
"Shut up man....masyado lang kyo naiingit sa kagwapuhan ko kaya nasasabi nyo yan...By the way nasan na nga pala tayo...."
"Father nandito pa din tayo nakatayo.......pilosopong sagot ni CL.....and in fairness seryoso pa siya habang sinasabi niya yun.
"Ok rin tong bride mo Xyriel ha May sense of humor...hahahaha ........"tawanan ulit ng grupo
" o siya siya ano nga pala name mo...?
" Siya po si Candiece Louise kya CL for short!.......mabilis na sagot ko, ewan ko ba kung bakit nasabi ko yung name niya, masyado na ata akong nadala kase sa sitwasyon, alam mo yun bagay na bagay talaga sila ng groom niya. Kakainggit nga. Kahit napakalaki ng katawan ng taong to kumpara sa katawan ni CL. Na kahit matangkad si CL masyado siyang petit kumpara sa groom niya.
Kaya kahit nung nagpirmahan na sila ng kontrata ay name talaga ni CL nakalagay and of course isa ako sa witness kaya pumirma din ako.
"Ok sige ano Xyriel tinatanggap mo ba maging asawa si. Candiece Louise bilang asawa mo at magsasama sa hirap
At ginhawa?............
Nakita kong Tumingin yung lalake kay CL na nakangiti ring nakatingin sa akin...habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ni CL . Iba talagaang chemistry ng dalawang to bagay na bagay sila kung nandito lang siguro si Aya malamang isa na siya sa boboto para sa lalaking to kay CL.
" yes I do".......... :)
"Ayun o!!!!!!!!! Yes! May asawa na si Xyriel ...."....sigaw ng mga kaibigan ni Xyriel ...
"Ikaw babae tinatanggap mo ba si Xyriel bilang asawa mo at magsasama sa hirap at ginhawa...
" yes I do"...............sagot ni CL
"Ok ...diko na patatagalin pa kayong dalawa ay mag asawa na...you may now kiss the bride"....
"Yes!" ...malakas na Sigaw ko excited much kase ako para sa kanilang dalawa.
"friend may asawa ka na...inggit much..."..wika ko. Kahit alam kong lasing na din ako pero mas kaya kopa at alam ko ang ginagawa ko, kumpara kay CL na mukhang wala sa sarili. Dahil di sanay yan uminom. Ngayon nga lang nasama namin yan sa ganitong okasyon. Masyado kaseng old fashion ang babaing yan ayaw na ayaw lalabas ng bahay.
At ngayon nga sa minsang pagsama pa sa amin ay masyadong naging memorable para sa kanya. Biruin mo may husband siya na di basta basta lang hahaha. I wonder what will happened tomorrow when she wokes up. Kung maaalala pa niya lahat ng pinaggagawa niya. I bet sobrang mahihiya yan at ayaw ng pag usapan pa ang pagka lokaret niya.
Pero alam kong nag enjoy din siya that night at least naka move on na siya kay Kyle, yun naman talaga ang plano namin ni Aya dahil kahit hindi siya magsalita alam naming stress siya kay Kyle, san ka ba naman nakakita ng kaka break niyo pa lang as in wala naman kayong formal break up personally through text message lang. After 2 days may jowa na siyang bago. Grabe lang, kung pwede nga lang si CL at yung groom niya sa party mas maganda e.
But I'm sure sa gandang lalaking nun may girlfriend na yun. Though di pa siya kasal dahil isa yun sa pinakilala sa party na Bachelor pa e. At naalala ko sa kuwentuhan nila dun masyado strikto daw sa mga empleyado niya kaya maraming takot dun. Diko lang alam kung ano ang propesyon or katungkulan sa trabaho niya. Though mukhang mataas gawa ng boss ang tawag sa kanya ng lahat dun e.
Sana ako din makatagpo ng cute na papa.