"Huy, Celyn kanina ka pa tulala? Nagsasalita ako rito. Hindi ka naman nakikinig." Napatingin ako sa kaklase kong si Emma nang sinapak niya ang balikat ko. Nakuha niya ang atensyon ko. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch sa cafeteria ng School. Simula noong nag-aaral ako rito sa Southville International siya ang naging ka-close ko. Magkatabi rin kasi kami sa upuan at madaldal siya. Ang alam ko mayaman ang pamilya niya. Kaya medyo na iilang akong pakisamahan siya. Ngayon lang ako nagkaroon ng mayaman na kaibigan. "Tulala ba ako?" tanong ko sa kanya. Umawang ang aking labi. "Yeah. Mula sa klase tulala ka lang. Hanggang dito ba naman. Actually nitong nagdaang araw ka pa wala sa huwisyo? Ano'ng bumabagabag sa'yo? Magkuwento ka naman?" tanong niya habang kumakain ng shushi gamit ang chopstic