"May gagawin ka ba ngayong araw?!" Muntik na akong mahulog sa pagkatungtong sa upuan nang biglang magsalita si Austine sa likuran ko. Araw na sabado ngayon, kaya naglilinis ako ng mga kurtina sa kanyang glass window dito sa kuwarto niya. Hindi ko naman namalayan na pumasok pala siya at bigla na lang nagsasalita. Nangatog tuloy ang binti ko. "S-sir...Bakit po?" Binalingan ko siya sa kanyang pwesto. Naka-upo ito sa kanyang kama. Kaharap nito ang kanyang loptop na nakapatong sa kanyang hita. Nilagay ko muna ang basahan sa lalagyan. Natanggal ko na ang kurtina kaya bumaba na ako. "Just answer me directly. Huwag nang maraming tanong," untag niyang sabi. Hindi sa akin nakatuon ang kanyang atensyon kundi nasa loptop. Pansin kong panay galaw ang panga niya habang nagta-type sa keyboard.