Nanghahapdi ang puso ko habang sumusunod kay Austine. Pupunta kami sa kuwarto niya. Hindi ko naman alam kung ano'ng ipaparusa niya sa akin. Dapat sana, ako ang nagagalit sa pinangagawa niya pero siya pa itong may ganang parusahan ako. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mainit niyang palad sa aking dibdib nang pinisil niya iyon kanina. Ang bastos niya, wala talaga siyang respeto sa akin. Wala ring awa kung pagsalitaan ako ng masama. Gusto kong umiyak. Nagdurugo ang damdamin ko. Nanliit na ako sa sarili ko. I feel like humilated. I am too weak to fight back. Pakiramdam ko nawawalan ako ng karapatan sa sarili. Dahil hinahayaan ko lang siya sa mga mali niyang ginawa. "Don't you fvcking run with your punishment," sabi ni Austine nang mabalingan niya ko saglit sa kanyang likuran. Akala niy