Nakaya ko pa ang pag-uugali ni Austine doon sa Hacienda nila pero dito sa Manila, kung saan nakakasama ko siya sa iisang bahay. Masasabi kong may mas malala pa pala sa ugali na meroon siya. Isang araw ko pa lang siyang nakakasama. Hirap na akong intindihin ang ugali niya. Hindi ko makuha kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanyang isipan. Kagaya na lang ngayon, kumakain kami sa mamahaling restaurant. Paiba-iba ang emosyong pinapakita niya sa akin. Nahihirapan akong intindihin ito. Pagkapasok namin rito nalula na naman ako sa sobrang ganda ng ambiance ng lugar. Wala masiyadong kumakain sa lugar na ito. Pero mahalatang social ang mga taong nandito. Mga mayayaman lang ang puwedeng makapasok. Nanliit tuloy ako sa suot ko. Hindi na babagay sa ganitong lugar. Kompara kay Austine na bumagay tal