"Fill this form. Next week puwede ka nang pumasok sa University." Tiningnan ko sa lamesa ang nilapag niyang papel na kailangan ko raw fill-up-an. Gustong mag-tubig ang mga mata dahil sa tuwa. Isang linggo na ako sa bahay niya and so far ito ang pinakamagandang news na narinig ko. Hindi na ako makapaghintay na mag-aral na ulit. I can't believe, na proseso niya agad ito. "Di ba po, sir? Nagsimula na ang klase? Mabuti na lang pumayag silang makahabol ako," tuwang-tuwa kong saad. Kinuha ko ang papel saka ko ito sinulatan. Napansin kong tumitingin si Austine sa kamay ko habang nagsusulat sa lamesa. Ang hirap tuloy mag-focus sa ginagawa. Bakit kasi pati pagtitig nito sa ginagawa ko, big deal sa akin kahit alam kong wala naman siyang pakialam. "Isang buwan na ang nakalipas noong nagsimula a