Hinatid nga ni Austine ang gamot para sa sugat ko. Binigyan niya rin ako ng masusuot, aniya'y kay Devina daw iyon binibigay na sa akin. Inabot niya lang sa akin ang damit saka first aid kit sa pintuan pagkatapos bumalik na siya sa kuwarto niya. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Mukhang pagod yata siya sa byahe kaya nawalan na ng enerhiya na magsalita. Naligo na ako para malinis akong hihiga sa malambot na kama, pagkatapos ginamot ko ang sarili. Sa gabing iyon kahit maganda ang higaan ko, kahit naka Aircon pa ako. Mabango ang kuwarto. Hindi ko maiwasang mangulila sa pamilya ko. Hindi mawala sa sistema ko kung gaano ka simple ang buhay namin sa probinsiya pero masaya kami sa tuwing wala si papa sa bahay. Ramdam ko ang pagkaka-isa namin. Nalulungkot ako habang iniisip sil