Kaya buong klase sa araw na iyon masaya ang kahinatnan dahil sa nangyari nitong umaga. Naibsan na rin ang pananakit ng puson ko dahil sa hot compress at medisina na pinadala ni Austine sa akin. Nagamit ko rin ang napkin na binigay niya. Tatlong brands pa ang nilagay niya sa plastic. Mas lalo tuloy akong nahiya. Kailan niya kaya ito binili? Kaninang umaga kaya? Wala naman akong stock na maraming napkin sa kuwarto niya. Bumuti na rin ang pakiramdam ko. Nang mag-uwian na agad akong sinundo ni Austine sa kanyang dalang sports car. And our day was so smooth between us. Pinaglutuan ko siya ng dinner at sabay kaming kumain. Walang makakapantay ang saya ko dahil pakiramdam ko. Tapos na ang kalbaryo ng buhay ko sa mga kamay ni Austine. Sa pagiging strikto ng boss ko, may tinatago rin pala siyang