"Blooming ka yata, Rocelyn?" tanong ni Emma sa akin nang magkaroon kami ng breaktime. Nagtagal ang titig ko sa kanya saka ko siya tinawanan. "Ano'ng blooming? Hindi, ah?" iniling ko ang ulo. Nagpatuloy ako sa pagkain habang pinipigilan ang pagtitimpi ng ngiti. "Weh? Iba ang mukha mo ngayon. Sobrang aliwalas. May nangyari bang maganda?" Sinundot niya ang tagilirin ko. Inaasar na naman ako sa babaeng 'to. "Kumain ka na lang nga!" natawa pa rin ako. Ngumuso na lang si Emma, pinanliitan niya ako ng mata. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Kahit nasa pagkain ang mga mata ko. Ang isipan ko nasa pangyayari nitong umaga. Bigla kong naisip ang nangyari bago ako umalis sa bahay ni Austine. This morning. Maagang gumising ang lalaking 'yun para magluto ng breakfast namin. Kagigising ko lang sa k