"Jasper! Hey?" Inangat ko ang tingin kay Emma nang bigla niyang tinawag ang lalaking nasa likuran ko. Malaki ang ngisi niya at winagayway nito ang kamay sa ere. Ngunit nawala rin ang masaya nitong mukha nang nilagpasan lang ang lamesa namin ni Jasper. Hindi siya pinansin. Binaba ni Emma ang kamay sa lamesa. Sabay kaming tumingin kay Jasper na naglalakad sa gitna ng cafeteria. Hanggang sa lumapit siya sa mga lalaki niyang kaibigan at nakipag-apiran. Nagkatinginan kaming dalawa. Parehong kunot noo ang reaksyon namin. Naninibago sa inasta ng kaklase. "Do you know what happened to him?" she asked confused. "Wala akong idea. Hindi ko rin alam," pag-iling ko. Humangalumbaba siya sa kanyang upuan. Ngumuso at nag-isip ng malalim. "Pagkatapos noong birthday ko, napansin kong nagbago si Jasper