AUSTINE SALAZAR POV "Sir kahapon pa na approved ang malaking proyekto ng Salazar and Villamonte Holdings. Approbado na ng Herrera Incorporated. Nabasa niyo na ang email?" Tinigil ko ang pagpirma ng files nang marinig ko ito sa secretary. Hindi na ako nagulat sa pagkat alam ko na ang tungkol rito. Alam kong approbahan talaga ang proyekto na iyon lalo na't malaki ang plano ko para lang makamit ang project. Masiyado akong naglaan ng oras para hindi mabigo rito. "I already did. Is that it?" Inangat ko ang tingin sa aking secretary. Nakangiti siya sa akin ng malawak. Hindi ko naman masuklian iyon. Walang kabuhay-buhay lang ang tingin ko sa kanya. "Hindi ba kayo natutuwa sa good news na ito Mr.Salazar? For almost 1 year sa wakas nagtagumpay rin ang una niyong proyekto. Puwede na kayong makip