Chapter 3: Strikto

1401 Words
Bitbit ang mainit na sabaw na gawa sa shrimp soup, tinahak ko ang kuwarto patungo sa silid ni Austine. Kabado ako sa mga oras na iyon dahil tahimik na ang buong bahay nila. Ako na lang ang mag-isang nag-iingay. Nang makarating ako sa likod ng pintuan. Ilang beses akong nanguha ng lakas. Mula kanina nag-practice pa ako ng sasasabihin kapag naka harap ko ulit si Austine. For me, it was the intense stare that he gave me earlier, bago niya kami iniwan ng Mommy niya sa labas ng bahay. Until now, it's on my esteem. "Sir, nandito na po ang sabaw niyo! Pampawala po ng sakit niyo sa ulo." Naka-tatlong katok ako sa pintuan ngunit walang nagbukas. Tulog na kaya siya? Kumatok pa ulit ako. Naghintay nang ilang segundo pero wala pa ring nagbukas ng pinto. Sinubukan kong pihitin ang seradura. To my surprised it was not lock. Sinilip ko ang ulo sa loob. Maliwanag naman ang kuwarto niya. Purong puti ang nakikita ko. Wala maski isang palamuti. Sa gitna may malaking kama. Walang tao sa kanyang higaan kaya pumasok na lang ako para ilapag ang mainit na sabaw sa bed side table niya lalo na't narinig ko ang shower sa kanyang bathroom. Naliligo yata siya. "Sir, nandito na po ang sabaw niyo. Higopin niyo po ito para mawala ang sakit ng ulo niyo... Uuwi na ho ako," paalam ko. Narinig ko ang pagkatigil ng shower. Bago pa siya makalabas ng banyo mabilis na akong lumabas ng kuwarto niya. Ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Ang hirap pa lang pakisamahan ni Austine sa iisang kuwarto. Baka kapag nadatnan niya ako sa loob baka matameme lang ako sa kanyang harapan. Mas mabuting hindi kami magkatagpo sa iisang lugar. Nagpahatid lang ako sa driver nila para makauwi na ako sa gabing iyon. Bitbit ko ang mga bigay na pagkain ni Ma'am Grace sa akin at ang sahod ko ngayong gabi. Kahit papaano naka hinga ako ng maluwag dahil may pambili na rin kami ng bigas bukas. Hanggang ngayon, baon sa aking isipan ang offer niya na maging katulong ako ni Austine doon sa bahay nila sa Manila. For me, it's a good opportunity. Siguro sasabihin ko muna kay Mama at Papa ang pagluwas ko ng Manila kasama si Austine. Mahirap mag-iwan ng pamilya rito sa probinsiya lalo na't isa ako sa inaasahan ni Mama para makapagtapos sa pag-aaral ang mga kapatid ko. Kinabukasan narinig ko agad ang sigawan ni Mama at papa na nag-aaway. "Palibhasa kasi sa'yo, Romulo puro alak ang inaatupag mo! Wala na nga tayong makain rito sa bahay tapos uuwi ka pang lasing!" "Nagtatrabaho naman ako, ah! Ano pa bang gusto mo, Joanna? Kahit magbalat ako ng buto sa sakahan. Hindi pa rin tataas ang sahod ko!" "Iyon na nga e! Maliit na nga ang sahod mo. Umiinom ka pa! Mas inuuna mo ang alak kay sa mapakain mo ang anak natin." Lumabas ako ng kuwarto at nakita kong nagtuturuan sina mama at papa. Nasa papag naman ang maliit kong kapatid. Naririnig bawat sigawan ng dalawa. Kahit naglalaro ang iilan kong kapatid sa bakuran. Naririnig talaga bawat batuhan nila ng salita. "Ma! Pa! Huwag na nga kayong mag-away. Araw-araw na lang puro kayo sigawan. Mahiya naman kayo sa mga anak niyo at sa mga kapit-bahay na nakakarinig," sita ko sa kanilang dalawa. Tuwing umaga ganito na lang lagi ang gumigising sa akin. Ang sigawan ng dalawa na walang nagpapatalo. "Ito kasing ama mo... Wala na nga tayong pera panay inom pa sa mga kasamahan niya sa trabaho. Kung walang kainan sa bahay nila Martin. Hindi tayo makakain kahapon. Kalam na naman ang sikmura natin." Napahilot ng noo si Mama. Umiiyak na ito. Nilapitan ko si Mama para pakalmahin siya. "Huwag na kayong mag-away. Meroon akong sinahod kahapon kina Ma'am Grace. Nagpadala na rin siya ng ulam natin. Nandoon po sa lamesa." Kinuha ko ang isang libong binigay ni Ma'am Grace sa akin kahapon pagkatapos binigay ko kay Mama. "Ibibili niyo po ito, Ma ng bigas." Humikbi pa rin siya. "Salamat anak. Itong ama mo kasi walang perang dala nang makauwi kahapon. Inubos na naman sa inuman," paninisi ni Mama saka niya tinanggap ang perang bigay ko. "Maliligo lang po ako dahil magtatrabaho pa po ako sa bahay ng mga Salazar. Huwag na kayong mag-away. Magtulungan na lang tayong... Ikaw naman, Pa. Bawasan niyo po ang pag-iinom." "Nilibre lang naman ako ng mga kaibigan ko sa inuman." Pagdadahilan niya. Namewang si Mama sa harapan ni papa. "Kung nilibre ka bakit wala ka ng pera, Aber? Kahit kailan talaga hindi ka na nahiya sa anak mo. Si Celyn na lang lagi ang inaasahan natin rito. Siya na ang kumakayod kay sa ikaw ang gagawa, wala ka ng magawa sa buhay kundi ang uminom na lang." Napailing na lang ako. Kahit ano'ng gawin kong pagtutol para hindi sila mag-away mas lumalala lang. Sa umaga na iyon inaasikaso ko muna ang mga kapatid ko. Sabay kong pinaliguan ang maliit kong kapatid pagkatapos pinakain ko sila sa bigay ni Ma'am Grace kagabi. Kumain na rin ako at nagpaalam na ako kay Mama at papa na aalis na para sa trabaho. Hindi pa rin sila tapos sa pag-aaway nang makaalis ako. Pagkarating ko sa bahay ng mga Salazar pasado alas sais na iyon ng umaga. Tahimik ang bahay nila. Baka tulog pa sila. Dumiretso agad ako sa kanilang kusina para paglutuan sila ng agahan. Nasa kalagitnaan na ako sa pagluluto nang biglang may pumasok sa kusina. Kung hindi ko lang ramdam na may dumaan sa likod ko, hindi ko malalaman na may pumasok sa kitchen. Tahimik kasi itong dumiretso sa refrigerator. "S-sir... A-Austine... Kayo pala?" kinakabahan kong sabi nang mapansin ko siyang kumuha ng malamig na tubig sa ref. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya nakita ang pagsuyod ko sa kanyang kabuuan. Pawis na pawis ang kanyang braso. Pati ang buhok niya. Nakasuot siya ng puting sleeveless at isang grey na jogging pants. Nakasuot rin siya ng puting sapatos. Sa pananamit niya pa lang mukhang galing siya sa pag-jogging. "M-magandang umaga, sir..." bati ko nang sa ganoon maibsan ang tensyon sa aming dalawa rito sa kusina. Sobrang tahimik niya kasi, nakaka-intimidate magsalita. Hindi ko siya narinig na tumugon sa bati ko. Diretso niya lang niyarok sa bibig ang bottled water. Tinuon ko pa balik ang mga mata sa niluto nang binalik na nito ang pinag-iinomang tubig sa loob ng ref. Sa gilid ng mata ko, na pansin ko ang pagharap niya sa akin. Hindi na ako umimik dahil naririnig ko na ang yapak niya papunta sa aking likuran. Aalis na yata sa kusina. Nagkunwari naman akong busy sa pagluluto ng breakfast nila. Ewan ko ba, sa mga oras na iyon nawawala ako sa sarili. Kahit walang salita si sir Austine. Nandito ang pagkaba ko. I heard him cleared his throat when his on my back. Ramdam ko talaga ang mainit niyang presensiya sa aking likuran. Huminto siya sa saglit. "Sa susunod ayaw ko ng matabang na sabaw at nilagyan mo pa ng hipon? You almost killed me last night. Allergic ako sa sea food. You better do your job well. Pinapasweldohan ka rito... Sana gawin mo nang mas maayos ang trabaho." Kinurap ko ang mga mata. Hindi makapaniwala na marinig ko iyon sa kanyang bibig. Nangapa ako ng sasabihin. "P-pasenisya na sir... H-Hindi ko alam na allergic—" "Sa susunod na gagawa ka ulit ng kapalpakan. Hindi ako magdadalawang isip na patalsikin ka rito," sabi niya sa malamig na boses. Para bang naiinis na agad siya sa unang araw na nakilala niya ako. Bago ko pa siya mabalingan. Narinig ko na lang ang mga yapak niya palabas ng kusina. Nabitawan ko ang sandok sa panghihina ng aking binti. Parang may sumuntok sa dibdib ko dahil hirap akong makahinga. Pakiramdam ko, unang beses akong na insulto. Unang beses na may nagreklamo sa serbisyo ko. Unang beses na nakaramdam ako ng ganitong kahihiyan. Last night, gumawa ako ng shrimp soup. Nagbabakasaling makakatulong iyon para bumuti ang pakiramdam niya. And I didn't know that he's allergic. Ilang beses akong tumikhim para mawala ang bumubukol sa lalamunan ko. Unang araw ko pa lang nakakasama si Austine, bakit parang sinasakal na ako? Paano na lang kaya kung makakasama ko na talaga siya sa iisang bahay. Masiyado siyang strikto, sa paraan pa lang ng pagbibigay niya ng babala sa akin. Alam kong katapusan ko na kung hindi ako mag-ingat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD