Chapter 2: Lasing

4324 Words
"Akalain mo 'yun, Celyn. Ang guwapo pala talaga ni sir Austine. Mukhang masungit nga lang. Kanina ko pa 'yan na pansin na hindi ngumingiti sa ating lahat," bulong ni Anjanett habang panay kain sa fruit salad. Kanina pa ako hindi mapakali habang naka-upo sa aking inuupuan. Kahit panay salita siya sa aking tabi. Buong atensyon ko nasa unahan kung saan nandoon si Austine at ang isa niya pang kapatid na lalaki na sa pagkakaalam ko Rickson ang pangalan. May iilang mga mayayaman ang lumalapit sa lamesa nila para magpakilala. Nandoon rin si Marina na anak ng Kapitana. Kanina pa malakas ang boses niya sa lamesa. Katabi niya si Austine na kinakausap niya ngayon nang nakangiti. Malalim na ang gabi kaya nagkakatuwaan ang lahat para sa inuman. Kami lang yata ni Anjanett ang hindi umiinom. Nandito lang talaga kami sa sulok, nasa madilim na parte, pasimpleng nagmamasid sa dalawang magkapatid na Salazar na nakikihalo sa mga mayayamang angkan. Ang dalawang anak na babae naman ng Salazar. Hindi na nakihalo sa mga bisita, pagkatapos silang ipakilala sa aming lahat agad na itong pumasok sa loob ng kanilang bahay. Hindi na lumalabas mula pa kanina. Nalaman ko na ang pinaka nakatandang anak talaga ay si Austine, sumunod si Rickson, pagkatapos si Devina saka si Rena. Iyan ang mga pangalan ng anak ni sir Martin at Ma'am Grace. Halatang hindi sanay sa tao ang mga anak nila lalo na ang mga babae. Ang dalawang lalaki lang talaga ang mahilig makihalubilo. Pero si Austine mukhang na pilitan lang makisama dahil sa kapatid nito na hinila lang siya pa upo sa lamesa para uminom. "Kanina pa talaga ako naiinis sa Marina na 'yan... Iyang anak ng Kapitana. Tingnan mo nga, Celyn? Kanina pa dikit nang dikit kay Austine akala mo talaga close sila," nangigil na sabi ng katabi ko. Humangalumbaba ako sa upuan. Pinagmasdan ang bawat galaw ni Austine. Umiinom siya ng tahimik, kasama niya sa lamesa ang mga babae at lalaki na tagarito lang din sa probinsiya pero may kaya sa buhay. Tama si Anjanett. Kanina ko pa siya na papansin na hindi talaga ngumingiti maski kaunti. Wala ring reaksyon ang pagmumukha. Kung kakausapin mo tumatango lang. Si Marina naman panay salita sa kanyang tabi pero mukhang hindi naman siya pinagtuonan ng pansin ni Austine dahil nasa baso nito ang mga tingin. Sa tuwing nagsasalin siya agad niyang ininom ng diretso. "Kung sana mayaman lang din tayo. Nakikihalo na sana tayo sa lamesa nila," sabi ko nang wala sa sarili. Kanina pa iyon tumatakbo sa isipan ko pero ngayon ko lang nasabi. "Hay, naku! Sinabi mo pa. Kung sana'y kagaya din tayo ni Marina na makapangyarihan ang pamilya. Hindi sana tayo rito. Hindi sana tayo nakaupo lang sa madilim na parte at naiingit sa mga taong nakapalibot sa anak ng Salazar," sabi naman ni Anjanett. Napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang titig na titig rin kay Rickson. Sa mga tingin niya pa lang mukhang gusto niya rin yata makihalo sa mga mayayaman. Pero dahil isa lang kaming low profile na trabahador ng planta. Wala kaming kakayahang makihalo sa kanila. Baka kapag lalapit kami, pagtawanan lang din lalo na't mapanglait ang mga kaibigan ni Marina sa katulad naming mahihirap. "Alam mo namang hindi iyon puwede. Kaya dito na lang tayo." Uminom ako ng tubig para mawala itong inggit sa kalooban ko doon kay Marina na malaya niyang nakakatabi si Austine. Dahil sa mapera ang mga nakapalibot sa kanila wala talaga kaming pag-asa na mapansin rito. Hanggang ngayon hindi mawala sa isipan ko kung paano nagkatagpo ang tinginan namin ni Austine kanina noong dumaan siya sa harapan ko sakay ang kabayo. Pero simula nun, maski isang beses hindi na niya ako binalingan rito sa inuupuan ko. Masiyado lang akong umasa na napansin niya. Siguro aksidente lang talaga na natingnan niya ako kanina. Sa daming bisita sa kanilang bahay impossibleng maalala niya ako rito sa upuan. Masiyado akong ilusyonada. Ang sabi nga ni Mama, huwag akong aasa na mapapansin ng anak ng mga Salazar. Isang hamak na mahirap lang naman kami at trabahador sa kanilang lupain. Dapat marunong akong lumugar. Tama na sa akin na natingnan ko lang siya mula rito sa inuupuan ko. "Celyn... Lasing na ang papa Romulo mo, kailangan na nating magpaalam sa mga Salazar para maka-uwi na tayo," sabi ni Mama habang akay si papa sa kanyang balikat para hindi ito matumba sa kanyang inuupuan. Pansin kong inaantok na rin ang mga kapatid ko. May iilan pa rin namang natira na nandito. Pero kami yata ang nagtagal dahil kanina pa ayaw umalis ni papa. "Sige, Ma... Uuwi na po tayo," wika ko pa. Naisip ko rin na baka kapag manatili pa ako ng matagal rito, habang pinagmasdan ang magkapatid na Salazar baka mas lalo lang akong lalamunan ng inggit dahil alam ko sa sarili na hindi ko siya malapitan. Hanggang pangarap na lang talaga na makausap ko si Austine. "Hawakan mo nga itong papa mo, magpapaalam lang ako kay Martin at Grace," sabi ni Mama na agad ko namang tinugunan. Pumunta ako sa likod ni papa para hindi ito matumba sa pagkakaupo. Natutulog na ang iba niyang mga ka inuman ang iba ay nagsi-uwian na. Si papa naman wala ng lakas para tumayo. Siya na lang ang natitira rito sa lamesa. Umalis na muna si Mama para lapitan ang mag-asawang Salazar sa kanilang lamesa upang magpaalam. Lasing na rin si sir Martin habang katabi nito ang asawang si Grace. Kasama nila sa lamesa ang mga bibigating tao sa probinsiya kagaya na lang ng ina at ama ni Marina nakakasalamuha nila. May binulong si Mama doon kay Ma'am Grace pagkatapos tumingin sa gawi ko ito. Biglang tumayo si Mrs.Salazar nagpaalam muna kay sir Martin. Sabay silang lumapit ni Mama sa kung saan ako ngayon nakatayo. Ngumiti si Ma'am Grace sa akin nang makalapit siya. "Hello, Celyn... Pasensiya na ngayon ko lang kayo nalapitan rito. Uuwi na ba kayo?" tanong niya sa akin. "Opo... Ihahatid na po namin si papa. Lasing na po kasi..." ngiti ko nang pilit. Sa tuwing nakakaharap ko itong si Ma'am Grace bigla akong nahiya. Sobrang bait kasi nito. Maski sa pagsasalita mahinhin rin. "Joanna? Aakayanin niyo lang ba si Romulo pauwi? Ipapahatid ko na kayo sa driver namin. Medyo malayo iyong bahay niyo," baling niya kay Mama na pati si Mama ay nahiya sa alok ni Ma'am Grace. "Huwag na po, Ma'am... Kaya naman naming umuwi." Si Mama na halos hindi makatingin sa kausap. "Hay! Naku, Joanna. Huwag ka ngang mag-Maam sa akin. Ilang beses ba kitang paalalahanin niyan... Kaibigan ka ni Martin mula pa noon. Hindi ba? Tinuturing na rin kitang kaibigan ngayon. Hindi ka na ibang tao sa amin. Kaya huwag na kayong mahiya sa gusto kong mangyari. Ipapahatid ko na kayo sa driver namin. Delikado na rin ngayon sa daan." Hinaplos ni Ma'am Grace ang braso ni Mama para hindi na ito makaramdam ng hiya. Hindi ko maiwasang humanga sa kabaitan nito lalo na kapag ngumingiti. "Grace? Ano'ng nangyari rito?" Biglang lumapit si Sir Martin, ang kanyang asawa na namumula na ang mukha dahil sa alak. Pumunta siya sa tabi nito at hinarap kaming dalawa ni mama. "Uuwi na raw si Joanna... Gusto ko sanang ipahatid na lang sila sa driver natin," suhestiyon ng asawa na agad sinang-ayunan ni sir Martin. "Tama si Grace, Joanna... Magpahatid na kayo sa driver namin. Hindi mo na yata kakayanin na akayin ang asawa mo. Lasing na si Romulo. May mga anak ka pang kasama." "Hindi ba't masiyadong nakakahiya iyon, Martin? Baka nakakaabala na kami sa inyo. Baka ano pang masabi ng mga kapit-bahay namin dahil sa daming bisita niyo rito kami lang ang hinatid niyo ng kotse," si Mama na hindi pa rin makatingin sa mag-asawa. "Hindi ka naman iba sa akin... Matagal na kitang kaibigan kaya maintindihan iyon ng lahat." Pabaling-baling lang ang tingin ko kay Mama at sir Martin. Naalala ko ang kwento ni mama sa akin na matalik niyang kaibigan itong si Sir Martin noon. Mula pagkabata sila na ang pinagtutukso ng lahat at iniiisip na magka relasyon sila at magkatuluyan na rin. Nagkagusto kasi si Mama Joanna kay sir Martin pero hindi naman siya gusto ng lalaki dahil mas gusto nito si Ma'am Grace. Hanggang sa nakahanap na lang si Mama ng lalaking papakasalan at iyon si papa Romulo. Nawala na rin daw ang pagkagusto niya kay sir Martin pero nahihiya na raw siya sa kanyang sarili na madikit sa kaibigan lalo na't sobrang yaman na nito. Tapos tinitingala pa namin. Nanliit si Mama sa pamumuhay na meroon siya at sa napapangasawa niya na isang lasinggero. Kaya halos hindi na niya matingnan ang matalik niyang kaibigan noon pa man na walang iba kundi ang ama ni Austine. "Puwede bang manatili muna si Celyn dito sa bahay namin? Gusto ko lang may katulong si Grace sa pagliligpit rito. Kung okay lang sa'yo, Joanna? Ipahahatid ko na rin sa aming driver ang anak mo pauwi," pigil ni sir Martin nang matapos sumakay ng magulang ko sa kotse. Wala na rin kasing choice si Mama kundi ang magpahatid na lang sila sa driver ng Salazar subalit namimilit ang mag-asawa kaya ngayon pauwi na sana kami ngunit natigil lang sa sinabi ng ama ni Austine. "Okay lang sa akin Martin... Pero si Rocelyn pa rin ang masusunod kung gusto niya bang manatili rito para tumulong sa paglinis." Baling ni Mama sa akin. "Susweldohan namin si Celyn ngayong araw. Padalhan na rin namin ng mga pagkain kapag naka-uwi na siya. Hindi namin ito idagdag sa kanyang kinsenas na sweldohan bilang katulong rito," sabi ni Ma'am Grace. May parte sa akin na gusto nang umuwi dahil alam kong hindi ako belong sa mga taong natira na nandito pero may parte rin sa akin na gustong manatili para makita ko pa si Austine... "Okay lang po sa akin, Ma... Dito na muna ako sa bahay nila Ma'am Grace at sir Martin. Okay na rin po ito, may pambili tayo ng bigas bukas kapag susuweldohan ako ngayong gabi," sabi ko kay Mama saka ako umatras palayo sa kotse. "Sigurado ka ba anak? Okay ka lang ba rito? Malalim na ang gabi. Hindi ka pa ba pagod?" pag-alala niya na agad kong inilingan. Galing pa kasi ako pagsasaka kanina kaya nag-alala agad ito. "Hindi po. Okay lang ako... Mag-ingat po kayo sa byahe. Uuwi din po ako pagkatapos kong maglinis rito." Kaya naman nang makaalis ang kotseng maghahatid kina Mama Joanna at sa mga kapatid ko. Nagsimula na rin akong magligpit sa mga lamesa at upuan na wala nang gumagamit. Umalis na rin ang kaibigan kong si Anjanett at ang pamilya niya dahil malalim na rin talaga ang gabi at kukunti na lang talaga ang natirang nag-iinuman sa labas ng bahay ng Salazar. Nandito pa rin ang grupo nila Marina nakikipag-inuman kina Austine. Maingay na sila sa lamesa dahil mga lasing na sila. Ang mag-asawang Salazar naman nakita kong hinatid ni Ma'am Grace si Sir Martin papasok ng bahay dahil lasing na rin talaga ito. "Babalik ako, Celyn para tulungan ka sa pagliligpit. Ihahatid ko lang ang asawa ko sa kuwarto, lasing na kasi," sabi ni Ma'am Grace. Nasa tabi nito si Sir Martin. "Baby, I'm not drunk," narinig kong bulong ni sir Martin sa kanya. Namula naman ang asawa saka niya ito inakay papasok ng bahay. Tinulungan pa siya ni sir Rickson para paakyatin ang kanyang ama. Sinundan ko na lang sila ng tingin. Humahanga na naman sa pamilyang meroon sila. Kung sana ganyan ka sweet ang magulang ko, wala sanang awayan araw-araw. Habang nagbubuhat ng mga upuan papunta sa likod ng bahay upang ligpitin na ito sa kanilang bodega, nadadaanan ko lang ang lamesa nila ni Austine. Lima na lang silang nandoon. Tanging si Marina na katabi niya pa rin si Austine sa upuan, at ang isa niyang kaibigan na babae at ang dalawa pang lalaki na nagdadala ng ingay sa kanilang lamesa. Sa tuwing nadadaanan ko sila nakita ko talaga na palaging seryoso si Austine sa kanyang upuan. Namumula na siya at mukhang nalalasing na rin. Pero hindi pa rin siya umakyat sa kanilang bahay para magpahinga. Nanatili itong sa kanyang upuan habang nakikinig sa mga kasamahan niya sa lamesa. "Lasing na ako... Puwede ba akong matulog rito sa inyo, Austine? Ayaw kong umuwi sa amin," narinig kong sabi ni Marina sabay haplos sa dibdib ng lalaki nang madadaanan ko na naman sila bitbit ang upuan. Kahit ano'ng iwas kong huwag silang tingnan hindi ko talaga mapigilan lalo na't tawag atensyon talaga ang babae sa tuwing hinahawakan niya si Austine sa iba't-ibang parte nito na wala namang reklamo. "Naghihintay na sa'yo ang driver mo. Kung lasing ka na, you need to go home," sabi ni Austine sa baritonong boses. "Pero gusto ko pa rito e!" Hinawakan niya muli ang dibdib ni Austine. Nakasuot ng puting polo ang lalaki. Nakabukas ang dalawang butones nito kaya na lantad ang dibdib niya at nakita ang suot niyang cross na kwentas. Nakasulyap lang ako sa kanilang dalawa habang naglilinis ako ng lamesa. Naririnig ko bawat tawa ng babae. Hindi ako makaalis sa puwesto ko. Kahit malinis na ang lamesa, paulit-ulit ko itong pinahiran ng basahan. "You need to go home now. Bumalik ka na lang bukas," si Austine. Nakita kong hindi niya talaga tinatanggal ang paghaplos ni Marina sa kanyang dibdib. Sa paraan din ng pagsasabi niya nun hindi man lang ito nagpakita ng reaksyon. Babalik bukas? Kung ganoon pinaanyayahan niya ang babae na magkita ulit sila. Kinagat ko ang labi sa naramdaman init sa kalooban ko. Bakit nakaramdam ako ng inis. "Promise mo 'yan, ah? Babalik talaga ako rito... Bukas... Para makita ka..." Ngumiti si Marina nang makahulugan. Pinagtatawanan na siya sa mga kasama niya at sinabing kailangan na nilang umuwi dahil lasing na talaga ito kaya inakay na siya ng mga kaibigan niya patayo. Nagpupumiglas naman ang babae dahil gusto pa talagang manatili sa tabi ni Austine. "Send her home... Lasing na rin ako. Kailangan ko na rin umakyat," sabi ni Austine sa walang kabuhay-buhay na boses. Hinawakan niya si Marina sa braso para hindi ito matumba. "Salamat pre... Nice meeting you," sabi ng isang lalaki na kaibigan yata ni Marina. Tinulungan nilang akayin ang babae palabas ng gate kaya ang naiwan ngayon sa lamesa, tanging si Austine na lang. Nakasandal siya sa kanyang upuan. Ininom niya ang lamang alak sa baso. Akala ko huling shots na niya at papasok na ito nang bahay pero nanatili pa rin siya roon sa kanyang lamesa. Wala ng tao sa labas ng bahay nila. Sobrang tahimik ng paligid. Kaming dalawa na lang ang nandito. Naglilinis naman ako sa mga lamesa at nagbubuhat ng bangko habang siya seryosong sinasalinan ang kanyang babasaging baso saka ito tinungga. Hindi ko alam kung na papansin niya ba ako dahil kanina pa ako panay daan sa kanyang harapan. Nakalimang balik na ako sa pagbuhat ng gawa sa plastic na upuan mula noong maka-alis iyong mga Marina at ang kaibigan niya, pero maski isang beses hindi pa rin talaga ako binabalingan ng tingin ni Austine. Naiiisip ko tuloy kung normal lang ba na hindi tayo papansinin ng mayayaman lalo na't isa lang naman akong hamak na katulong sa hacienda nila. "Buti na lang nakauwi na ang Marina na 'yun," bulong-bulong ko sa kawalan. Hinatid ko na ang panghuling upuan sa likod ng bahay pero nandoon pa rin si Austine sa kanyang puwesto. Nakasandal nang mariin sa kanyang inuupuan habang nakapikit ang mga mata. Nakatingala siya sa kalangitan kaya nakikita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple at ang tangos ng ilong niya. Kahit sa ganitong view, iba talaga ang meroon sa mukha niya. Parang ang sarap na lang titigan. "Sir... Hindi po ba kayo papasok sa bahay niyo? Mukhang lasing na po kayo," tanong ko rito sa marahang boses. Nililigpit ko ang mga bote ng alak na walang laman sa kanyang lamesa. Sinulyapan ko siya. Sobrang pula na talaga ng kanyang dibdib patungo sa kanyang leeg hanggang sa tenga. Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingala. Pinagpahinga ang ulo sa upuan habang naka pikit. Ngumuso ako. Tulog na kaya siya? Iniling ko ang ulo. Pagkatapos kong ligpitin ang mga bote sa kanyang lamesa. Nilapitan ko ang medyo magkalapit niya lang na lamesa. Nilalagay ko ang mga boteng alak sa sako habang hindi pa rin mawala ang tingin ko kay Austine na malaya kong natingnan sa pagkat naka pikit ito. Hawak niya sa isang kamay ang baso ng alak na nasa lamesa nakapatong. "Grace? Pasensiya na kung natagalan ako. Pinapatulog ko pa kasi si Martin... Ang dami mo na pa lang nalinis... Tutulungan lang kita." Nakuha ang atensyon ko kay Ma'am Grace na kalalabas lang ng kanilang bahay. Nagmadali itong lumapit sa akin at na pansin niya ang anak na si Austine na hindi pa pumapasok. Napa-iling siya ng ulo nang makita ang lalaking nag-iinom mag-isa sa labas ng bahay. "Austine? Go to your room. Mukhang lasing ka na. Lilinisin na namin ni Celyn ang lamesa mo. Stop drinking," sita ng kanyang ina. Medyo tinapik ang pisnge ng kanyang anak para gumising ito. Nagmulat siya ng mata para tingnan ang kanyang ina pero binalik rin agad sa pagsarado. "Later, Mom... I will stay here for a while. Magpapawala lang ako ng hilo. Damn it... My head hurts" sabi ni Austine sa walang kabuhay-buhay na boses saka niya hinilot ang noo. Hindi man lang ito nagbukas ng mata. Akala ko nakatulog na siya sa kanyang upuan dahil kanina pa ito nakapikit. Mukhang nakikinig lang siya sa paligid. Pero bakit hindi niya ko sinagot kanina kung gising siya? Narinig niya rin kaya ang sinabi ko? O sadyang ayaw niya lang talaga ako pansinin. "Alright... Pumasok ka na sa bahay kapag mawala na ang pagkahilo mo. Huwag ka ng magtagal rito sa labas, masiyado ng gabi," sabi ni Ma'am Grace na tinanguan lang ng kanyang anak. Napa-iling naman ang ina at napatingin sa akin. Nahuli niya akong nakatingin sa kanilang dalawa. Nakaramdam ako ng hiya dahil nahuli niya akong nakikinig. Pero ngumiti lang si Ma'am Grace. "Pasensiyahan mo na,iha. Kapag talaga naka inom itong anak ko. May ganitong ugali talaga siya na ayaw nang umalis sa kinauupuan. Gusto na lang maglunod sa alak. As a result na pa sobra ang inom kaya hindi na makatayo," hinging paumanhin niya. "But don't worry. He knows what he was doing. Kahit lasing siya, alam niya ang ginagawa. Walang dapat na ikatakot." Nag-iwas ako ng tingin. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil alam kong nahuli niya ako kanina nakatitig sa kanyang anak habang naglilinis. Pero wala man lang itong reaksyon. May kaya pa siyang ngumiti sa akin. "Okay lang po 'yun. Ako na lang po ang maglilinis rito. Konti na lang po ito. Puwede na po kayong magpahinga." "Are you sure, iha?" tanong niya. Mukhang pagod na rin ito pero pinipilit niya pa ring tumulong sa paglinis. Naglalagay na rin siya ng mga bote sa sako. "Opo, Ma'am... Okay lang po ako rito. Tatapusin ko lang itong paglilinis saka po ako uuwi. Ako na rin po ang bahala sa anak niyo para bumuti ang pakiramdam niya. Para po mawala ang sakit ng ulo ni sir Austine, gagawan ko siya ng mainit na sabaw," sabi ko sa kanya. Tumingin ako kay Austine. Hindi pa rin ito gumagalaw sa kanyang upuan. Nakapikit pa rin ang mata. Mukha siyang walang buhay sa kanyang pagkakaupo. "Thank you, iha. Ipahahatid kita sa driver namin. Just tell him, okay para mahatid ka niya? Kapag natapos ka na rito. You can go home. May binalot akong ulam para may dalhin ka pauwi. Nasa counter ng kusina iyon nakalagay. Kunin mo lang." "Maraming salamat po..." Nagpaalam na si Ma'am Grace sa akin para makapasok na siya ng bahay. May huling pag-uusap pa kaming dalawa bago siya pumasok ng tuluyan. Medyo hinila niya ako palayo sa kinauupuan ni Austine na ipinagtataka ko. "Bukas Celyn... Bumalik ka ulit rito. Para maglaba sa mga kurtina at maraming hugasin sa bahay. Kailangan rin namin ng tagaluto ng agahan lalo na't nandito na ang mga anak ko. Kaya ko naman lahat ng iyon pero ayaw kasi ni Martin na mapagod ako kaya kailangan ko talaga ng katulong sa bahay namin." "Opo... Trabaho ko naman po ang pagtulong sa inyo. Dahil katulong po ako rito sa Hacienda niyo. Wala po 'yun sa akin, Ma'am. Makakaasa kayo na babalik ako bukas," nakangiti kong sabi. Hinawakan niya ang balikat ko. Tumingin siya sa gawi ni Austine. Napatingin na rin ako at naabutan kong naka sandal pa rin ang anak niya sa upuan. Nakapikit pa rin ang mata. Hinilot-hilot ang noo. Medyo nag-angat siya nang tingin sa amin ng kanyang ina at sa pangalawang pagkakataon nagkatitigan kami nang dumiretso ang mga tingin niya sa akin. Namungay ang mga mata niya bago siya nag-iwas ng tingin. Ilang sandali pa ininom niya ang basong nasa lamesa saka ito tumayo. Nagpaalam na papasok na siya sa loob ng bahay. "Nasa kuwarto lang ako... Ipaakyat mo sa kanya, Mom. Ang mainit na sabaw. I really need it," aniya at muli akong tiningnan sa walang kabuhay-buhay nitong mga tingin. Para akong na paso sa mga titig niya sa akin. Nanlaki rin ang mata ko. Akala ko hindi niya narinig na gagawan ko siya ng sabaw. And wait... Ano'ng sabi niya? I-aakyat ko sa kanyang kuwarto? "Alright, son... Don't worry ipagawa kita ng mainit na sabaw kay, Celyn..." sabi ng kanyang ina. "Celyn?" Nagtatanong niyang tingin sa ina. "Yes... She's Celyn... Siya ang katulong namin ng daddy mo rito sa Hacienda. Anak siya ng friend ng daddy mo. Be nice to her, Austine." Tiningnan ako ni Austine. Nagkasalubong ang kanyang kilay. Mas gusto ko na lang pala na hindi niya ako tinitigan kay sa ganito siya makatitig sa akin. Kinikilatis niya ako ng tingin. Mula kanina ngayon niya lang na pansin ang presenisya ko. Para akong lalamunin ng lupa sa paraan nang pagsuri niya sa akin. "I see... Celyn, please bring me a hot soup in my room, after you clean everything in here." Nagtaas siya ng kilay. "O-opo sir..." kinakabahan kong sabi. Nagsisi na tuloy ako kung bakit nag-alok pa ako na gawan ko siya ng mainit na sabaw. He took a loud deep sighed. Tumalikod na si Austine. Naiwan naman kami ng Mommy niya rito sa labas. Hinarap ako ni Ma'am Grace. Nahuli ko siyang nakangiti sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil nahuli niya rin akong nakatitig masiyado sa likod ng kanyang anak habang papasok ito sa loob ng kanilang bahay. "Ma'am... Magpapatuloy na po ako sa paglilinis rito." Nahihiya kong wika sa pagkat kakaiba ang ngiti niya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko sabay iling ng kanyang ulo. "Isang taon ka na ring naninilbihan rito sa Hacienda namin kaya laki ang pasasalamat ko sa'yo. Sobrang sipag mong bata..." Humarap muli sa akin si Ma'am Grace. Ngumiti siya sa akin nang malawak. "Ginagawa ko lang po ang trabaho ko sa inyo." Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. "That's why, I really like you, iha. I have something to offer with you. Gusto kitang tulungan. Hindi ba't high school graduate ka lang at hindi ka nakatapos? I wanna help you..." "Po? Ano'ng tulong?" pagtataka ko. "Gusto ko sana, iha.. ikaw ang ipadala ko sa Manila para maging katulong ni Austine sa malaking bahay namin roon. Mas malaki ang sahod kapag nandoon ka at makapag-aral ka pa, sagot na namin ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Basta samahan mo lang siya sa Manila. Sa susunod na linggo ang alis ng mga anak ko. It means, mag-isa na naman sila roon sa Manila." Nanlaki ang mata ko. Hindi inaasahan na aalukin niya ako nang ganito. Ilang segundo akong hindi maka-imik. "Pupunta po ako ng Manila?" gulat na gulat kong wika. Hindi pa ako naka punta sa lugar na iyon. "Yes... At si Austine ang pagsilbihan mo roon. He really needs you. Naawa na kasi ako sa anak ko, palaging mag-isa sa malaking bahay. Mailap kasi sa tao. Ilang beses na akong nagpumilit sa kanya na mag-hire kami ng katulong para may taga-luto siya pero ayaw niya. Mas gusto niya na siya lang ang gumagawa ng lahat. Noong bumalik kami rito sa Hacienda lahat ng katulong sa bahay tinanggal niya. He doesn't like people." Napalunok ako nang makitaan ko ng pag-alala at kalungkutan si Ma'am Grace. Mukhang problemado sa ugaling meroon ang kanyang anak na si Austine. "Maski ang mga bodyguards niya roon pinatanggal niya kaya mag-isa lang talaga ang anak ko sa malaking bahay. Dahil ang tatlo niyang kapatid hindi naman doon tumutuloy dahil may mga kanya-kanya silang hotel. Si Austine lang talaga ang nandoon. Noong una okay lang sa akin na mag-isa lang siya. Pero ngayong isa na siyang CEO ng Company namin. Baka mapapabayaan na nito ang kanyang sarili dahil sa sobrang busy sa trabaho kaya kailangan kita sa tabi niya, Celyn. Alagaan mo ang anak ko. Sa'yo ko siya ipagkakatiwala." Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. Napakurap ako nang wala sa sarili. For me, it's a big opportunity na makapunta ako ng Manila sa pagkat matagal ko nang pangarap ito. Tapos makapag-aral pa ako sa isang University. Pero... "P-papayag po ba si sir Austine na kasama ko siya sa iisang bahay? Papayag po ba siya na maging katulong niya ako? Baka po ayaw niya sa akin?" singhap ko. Nanghihina bigla ang kalamnan ko. "Kahit ayaw niya, iha... Wala siyang magagawa kung gustuhin talaga namin ni Martin na magkaroon siya ng katulong. Medyo hindi maganda ang pag-uugali ng anak ko kaya sana matagalan mo," makahulugan siyang ngumiti sa akin. "Pero Ma'am Grace—" "Alam kong ikaw lang ang makapagpabago sa anak ko. I can see that... I can see how you look at my son. Naalala ko ang sarili ko sa'yo noon kung paano ko rin titigan ang ama nila. Masiyadong determinado. Please, iha... Make my son... change the way you like. Don't leave him...no matter what. This days... He need someone like you, who's very strong to handle his worst attitude."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD