Dapit hapon na nang matapos ako sa paglalaba ng mga kurtina. Tapos na rin akong magwalis sa labas ng bahay ng mga Salazar at tapos na rin akong magluto ng lunch nila.
Sa araw na iyon. Dumating bigla sila Marina at ang mga kaibigan niya sa bahay nila Austine. Agad silang nagkasiyahan sa labas para maglaro ng golf, kasama ang apat na magkakapatid na si Devina at Rena Salazar. Nag-iinuman ang mga lalaki habang naglalaro ng golf ang mga babae sa bermuda grass.
Mula rito sa loob ng bahay nila kung saan kasalukuyan kong nililinisan ang picture frame ng pamilyang Salazar. Titig na titig ako sa mukha ni Austine kasama niya ang pamilya sa litrato. Mariin kong nililinisan ang mukha niya. Na pangiti dahil ito ang unang litrato, nakita ko ang mukha ni Austine kaya magmula noon humanga na ako sa kanya. Inaasam na sana makita ko siya sa personal.
Natigil ako sa ginagawa nang marinig ko ang tawanan ng mga bisita nila Austine mula sa labas. Napailing ako ng ulo. Talagang bumalik iyong Marina para makita si Austine.
Tinanggap naman ni Ma'am Grace at sir Martin ang kanilang panauhin. Inalok pa na mag-aliw muna sila sa loob ng hacienda habang nandito sila. Mga nasa sampung tao ang nasa labas kasama na roon ang apat na magkapatid.
"Ano ba, Austine... Ang hirap naman nitong laruin," pagmamaktol ni Marina.
Tinapos ko muna ang paglilinis sa mga picture frame. Pumunta ako sa may bintana para linisin ang sliding window nila. Habang ginagawa ang paglilinis, namataan ko lang sila sa labas ng bahay. Kitang-kita ko sila mula rito.
Habang nagpapahid sa glass window. Ang mga mata ko naman ay nandoon sa kinatatayuan ni Marina at Austine. Sa daming tao na nandoon at kanya-kanya ang ginagawa, silang dalawa lang talaga ang nagpapukaw ng atensyon ko. Sa kanila ang lahat ng tingin ko kahit may ginagawa ako rito.
"This is so easy. Kailangan mo lang ikalma ang dalawang kamay bago mo ipalo ang bola." Pumunta si Austine sa likod ni Marina. Tinuruan ang dalaga. Medyo nakayuko siya sa likuran ng babae. Hawak nito ang dalawang kamay ni Marina na may hawak na golf bat para giyahin ito sa pag-go-golf.
Kapansin-pansin talaga ang pag ngiti ng dalaga sa simpleng dikit ni Austine sa kanya. Nag-iwas ako nang tingin at pinagpatuloy ang paglilinis sa bintana. Kahit malinis na ito, hindi pa rin ako makaalis sa puwesto para lumipat sa iba pang lilinisan. Masiyadong okupado ang tingin ko sa dalawang tao na nasa unahan.
"Oh come on... Bakit ang hirap nito!" Narinig ko ang malakas na tawa ni Marina nang pumalya na naman sa tinuro ni Austine sa kanya, kaya nakuha na naman niya ang atensyon ko.
Nahuli ko si Austine na nasa kanyang likuran pa rin. Nakatayo na lang ito habang pinapanood ang pagpalo ng dalaga sa puting bola.
"Just stretch your arm and make your posture straight," sabi ni Austine saka na naman nito hinawakan ang kamay ni Marina para maturuan paano gawin ang pag-golf. Sobrang dikit ng likod ng babae sa dibdib ni Austine.
Napasinghap ako sa kawalan nang makitang walang malisya lang iyon kay Austine o baka nagpapatay malisya lang talaga siya na masiyado silang dikit sa isa't-isa. Inaasar na nga siya ni Rickson, ang kapatid nito pero inilingan niya lang at binigyan ng death glare kaya tumahimik.
"Yes! There you are. Ang galing mo magturo, Austine. I made it!" Halos magtatalon na si Marina nang maipasok niya ang puting bola doon sa bilogan.
Yayakapin niya sana si Austine pero natigil rin ng tinanguan lang siya nito pagkatapos umalis na si Austine sa kanyang likuran. Naglakad patungo sa isang upuan nang nakapamulsa. Biglang dumiretso ang mga tingin niya dito sa bintana kung saan ako naglilinis.
Para naman akong nakakita ng multo nang magtama ang mga mata naming dalawa. His eyes was dark. His lips form into thin line. Just like his furrowed eyebrows darted on where I am. Nakakakilabot ang pagtitig niya sa akin mula sa unahan. Hindi ko akalain na mabalingan niya ako rito sa bintana ng bahay nila. Nahuli niya pa akong nakamasid sa kanila ni Marina.
Agaran akong nag-iwas ng tingin, bago pa ako malusaw sa mainit niyang mga mata, tinapos ko nang mabilis ang paglinis ng sliding window. Nagmadali na ako at nataranta. Ramdam ko ang tumutusok niyang tingin sa akin. Animo'y may nagawa akong mali.
Lumayo na ako sa bintana nang matapos. Ngunit sumulyap pa ulit ako sa labas kung na saan siya. Nanlaki ang mata ko nang muling magkasalubong ang mga mata namin. Hindi pa rin ako tinantanan ng tingin ni Austine. Nasa bintana pa rin ito kung na saan ako nakatayo. Kinuha niya ang ang bottled water na nasa lamesa bago ito ininom habang hindi iniiwas ang tingin sa akin. Nagtaas siya ng kilay. Kumunot ang noo.
Umatras ako palayo sa bintana. Tinalikuran ko na ang view sa labas at pumunta sa kusina para uminom nang malamig na tubig. Bigla akong na uhaw sa mga tingin ni Austine sa akin. Pakiramdam ko na ubos ko ang laway dahil panay lunok lang ako noong magtama ang mga mata namin.
Pagkapasok ko sa kusina agad akong nagsalin ng malamig na tubig sa pitcher. Sinandal ko ang likod sa counter. Malalim ang iniisip habang umiinom. Pinapakalma ko ang naghaharumentado kong pakiramdam. Hindi mawala sa isipan ko kung paano ako titigan ni Austine kanina nang mariin. Nang biglang may pumasok sa kusina...
"S-sir Austine..." bulalas ko. Nakaramdam ng takot sa kanyang pigura.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang nakapamulsa, prenteng-prente sa suot nitong itim na t-shirt at isang white maong pants. Nagkatinginan kami saglit pagkapasok niya pero ako na ang unang umiwas ng tingin. Kinagat ko ang labi.
Bakit nandito si Austine? Ang bilis naman yata niyang nakapasok ng bahay.
"S-sir? May kailangan kayo?" tikhim ko saka ko nilagay ang baso sa counter. Ayaw ko lang magkaroon ng awkward sa pagitan namin kaya uunahan ko na siya sa pag-imik dahil alam kong hindi naman niya ako papansinin.
Mabilis kong tinapos ang pag-iinom ng tubig kahit gusto ko pang uminom ulit. Pero dahil nandito siya sa kusina pakiramdam ko lumiit ang espasyo rito kahit sobrang lawak naman dito sa kitchen nila. Pinilit kong kinalma ang sarili nang dumaan siya sa harapan ko para buksan ang refrigerator sa aking tabi. Hindi man lang ito sumagot sa tanong ko.
"M-maglilinis lang po ako sir sa sala... Maiwan na kita rito," magalang kong paalam. Ayaw ko na talagang magtagal pa rito lalo na't nandito siya. Kahit tapos na ako sa lahat ng gawain sa bahay nila. Gusto ko lang magkaroon ng excuse. Baka sumbatan niya ako nang mahuli niya ako kanina na nakatitig sa kanila ni Marina.
"Kung may gusto kayong utos nasa labas lang po ako," huling sabi ko.
At least, hindi ako magiging bastos kung iiwan ko lang siya sa kusina. Naka isang hakbang pa lang ako palayo sa kanyang likuran nang bigla siyang magsalita.
"Just wait..."
Natigil ako sa kinatatayuan. Naghintay sa susunod niya pang sasabihin.
"Puwede mo ba kaming dalhan ng snacks sa labas, Celyn?"
Celyn? Naalala niya pa pala ang pangalan ko. Bakit iba yata ang hatid sa akin nang tinawag niya ako sa aking pangalan gamit ang malamig nitong boses.
Mabilis akong humarap kay sir Austine. Tumayo na siya nang matuwid saka siya humarap sa akin. May hawak na siyang soda sa kamay. Binuksan niya ito nang walang kahirap-hirap habang nakatingin sa akin nang walang emosyon.
"S-snack po? A-ano'ng gusto niyong meryenda?" Kinurap ko ang mga mata. Gusto ko na lang supalpalin ang bibig dahil na utal na naman ako sa harapan niya.
Paano ba naman kasi. Ngayon ko lang na pagtanto na kapag magkaharap kami sobrang tangkad niya pala. Kahit ilang agwat lang ang layo namin klaro sa akin kung gaano ako kaliit. Matangkad naman ako pero kapag nakakaharap ko pala siya, pakiramdam ko ang liit ko. Parang kaya niya lang akong sakupin.
Salihan mo pa na nakakawala ng sasabihin bawat pagbabago ng kanyang emosyon. Namumula ang kanyang mukha dahil sa alak, papunta sa kanyang leeg at dibdib pero nandoon ang pagiging mestizo. Hindi nagbabago kung gaano ito ka guwapo sa suot niyang black shirt. Sobrang tangos ng kanyang ilong, makapal ang kilay na magkasalubong habang nakatitig sa akin.
"Sandwich is enough for our snack. Bilisan mo sa paggawa. Gutom na ang bisita," walang kabuhay-buhay niyang wika pagkatapos nilagpasan ako habang iniinom na ang soda. Ang huli kong namataan ang kanyang leeg na gumagalaw pa ang lalamunan nang tumingala siya para uminom ng malamig na inumin.
Napahawak na lang ako sa aking dibdib. Bakit ganito? Bakit ganito ang epekto ni Austine sa akin? Normal lang naman ang usapan namin. Hindi niya ako pinagalitan, pero bakit pakiramdam ko nagwawala ako ngayon. Namumula ako kahit hindi naman ako lasing.
Napahilamos na lang ako sa mukha. Hindi puwedeng ganito na lang ang epekto niya sa akin. This isn't good kung magpatuloy pa ito. Hindi ako makapag-focus sa trabaho ko nito. Humanga lang naman ako sa kanya sa litrato pero hindi ko naman akalain na kapag sa personal titibok ang puso ko nang ganito.
Kinalma ko muna ang sarili bago ko ginawa ang utos niya na gawan ko ng meryenda ang mga bisita nila. Natapos ko rin naman agad. Naghanda na rin ako ng pizza at sandwich saka drinks sa kanila. Hindi ko naman kayang dalhin lahat kaya inuna ko muna sa pagdala ang sandwich sa labas ng bahay kung saan nandoon sila Austine at ang bisita nila nagkasiyahan.
Naabutan ko siyang mag-isang naka-upo sa round table. May katawagan siya sa kanyang cellphone. Nakasuot siya ng puting earphone kaya hindi ko narinig ang sinabi ng kausap niya. Ang huli kong narinig sa bibig ni Austine...
"Yes, I will go back in there next week, Roxan. Magkikita tayo pagka-uwi ko." Normal lang naman ang boses niya. Nang namataan niya akong palapit sa lamesa agad niyang pinatay ang tawag. Umayos siya sa pagkakaupo.
Tiningnan ko na lang ang mga kaibigan ni Marina. Nasa unahan sila, medyo malayo rito sa lamesa, kasama na ang kapatid nitong lalaki na si Rickson. Naglalaro sila ng volleyball roon. Including Marina na panay sulyap rito sa gawi ni Austine kahit naglalaro siya. Ang iba nanonood lang sa laro. Mag-isa lang talaga siya rito sa lamesa.
"Ito na po ang meryenda niyo. May pizza na rin po akong nilagay. Baka magkulang sa inyong lahat." Nilapag ko ang tray sa harapan niya. Hindi ko siya matingnan sa tabi ko. Nagpipindot siya sa kanyang cellphone kaya alam kong wala sa akin ang kanyang atensyon.
"Thanks," sabi niya. Hindi ako sigurado kung ako ba ang sinabihan niya nun sa pagkat kaharap naman nito ang kanyang touch screen.
"Kukunin ko lang ang juice sir Austine," wika ko pa saka ko siya iniwan roon.
Alam kong dapat akong umakto nang normal pero sa tuwing nakakaharap ko si Austine ang hirap mag-focus sa ginagawa. Kahit wala naman siyang imik o maski gawin feeling ko nadi-distract ako sa presensiya niya.
Nang makabalik ako sa lamesa niya bitbit ang tray ng juice. Hindi na siya nag-iisa sa lamesa. May katabi na siya...si Marina na tumatawa habang kausap si Austine. Tumatango naman ang lalaki nang may sinabi ang dalaga sa kanya. Hindi na rin siya nag-ce-cellphone.
Nang makalapit na ako sa kanilang puwesto bumaling ang tingin ni Austine sa akin. Sinundan ang bawat galaw ko nang nilapag ko sa lamesa ang tray ng juice.
"We should try maligo sa ilog. May alam akong puwede nating liguan. Bago ka bumalik ng Manila subukan nating mag-camping isasama pa rin natin ang mga kapatid mo at ang mga friends ko," wika ni Marina. Nakahawak siya sa hita ni Austine nang mabalingan ko silang dalawa. Magkatabi sila sa upuan.
"May utos pa po ba kayo? Baka may gusto pa kayong kainin," pagputol ko sa usapan nila.
Tumingin si Marina sa akin. Nawala ang ngiti niya dahil ang buong atensyon ni Austine ay wala sa kanya kundi nasa akin na ngayon.
"This is enough. You can go home now. Ano'ng oras ba ang uwi mo?" kalmadong tanong ni Austine.
Sinulyapan niya ako saglit bago siya umayos sa pagkakaupo para kuhanin ang iniinom nitong alak. Sumulyap siya saglit sa akin. Naghihintay sa sagot ko.
"Hanggang 4PM lang po ako rito."
Ramdam ko ang tumutusok na titig ni Marina sa akin. Hindi ko siya matingnan dahil nasa kay Austine ang tingin ko nang tumingin ito sa kanyang relo.
"Malapit nang mag-alas-kuwatro. Puwede ka ng umuwi. Tapos ka na ba sa trabaho mo?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.
Para naman akong malugutan nang hininga nang magkatitigan kami.
"Tapos na po, sir. Pero kung may ipagawa pa kayo—"
"Wala na akong ipagawa. You can go home now." He cleared his throat bago niya hinarap si Marina na kanina pa naghihintay sa atensyon nito. "Where are we again?" tanong niya sa babae.
Sumigla naman ang mukha ng kausap bago niya sinagot si Austine. "As I have said. Gusto kong mag-camping tayong lahat sa tabi ng ilog..."
Tiningnan ko nang panghuli si Austine na busy sa pagkausap sa babaeng kaharap. Ang kanyang buong atensyon ay nasa kay Marina iyon. Kahit papaano nagkaroon ako ng kasiyahan dahil kinakausap ako ni Austine ng mahinahon. Pero nandito ang inggit ko kay Marina. Sumulyap ako sa kamay nito na nasa hita ni Austine. Hinahaplos niya ang lalaki roon habang nagsasalita.
Ngumuso ako saka ako tumalikod para pumasok ng bahay para kunin ang gamit ko sa maids room nang sa ganoon maka-uwi na ako.
Nang madaanan ko ang bintana kung saan nakikita ko lang si Austine at iyong si Marina nag-uusap sa labas. Hindi ko talaga mapigilang tingnan ang dalawa. Seryosong nakikinig si Austine sa babae. Humalukipkip ito at tumango-tango. Ngiting-ngiti naman si Marina sa tuwing nagsasalita si Austine.
Para akong na sampal kung gaano kalaki ang agwat ng stado namin ni Marina. Sobrang sexy niya, maputi ang balat. Mga ganyang babae ang tipo ni Austine. For sure, sa siyudad mga ganyang babae ang naging girlfriend niya. I wonder, kung ilang babae na kaya ang naging kasintahan niya?
Kinagat ko ang pang-ibabang sa tanong na 'yun. Sa gandang lalaki ba naman ni Austine impossibleng wala itong girlfriend. May kausap nga siya kanina na Roxan ang pangalan, baka iyon ang girlfriend niya.
Kapansin-pansin na maganda ang turing ni Austine kay Marina, dahil mayaman ito. Maganda ito, malinis tingnan. Kompara sa akin na isang hamak na katulong lang rito sa kanilang hacienda.
Halos ayaw akong imikan ni Austine o kausapin kapag nakakaharap niya ako. Kung hindi importante ang sadya, hindi niya talaga ako kakausapin. Para bang may nakakahawa akong sakit kung tratohin niya ako nang malamig. And it hurts to know how our status can make me weak.
Napangiti na lang ako nang mapait. Kung sa bagay... Sino lang ba ako? Bakit kailangan ko pang mangarap na mapansin niya at tratuhin ng tama. Katulong lang ako... Isang mababang uri lang ang pamumuhay namin. Anak lang ako ng magsasaka.
Natural lang na hindi niya talaga ako pagtuonan ng pansin. Natural lang na hindi pantay ang pagturing niya sa kagaya ko. Kaya ang magagawa ko sa ngayon. Hanggang tingin na lang ako sa kanya mula sa malayo. Hanggang sulyap na lang ako sa lalaking hinahangaan ko mula pa noon.
Maski sa litrato ko lang siya nakita noong una, nakaramdam agad ako ng kakaibang paghanga. Ngayong nakita ko na siya sa personal. Parang ang hirap niyang pangarapin. Ang hirap abutin ng isang Austine Salazar. Parang nasa litrato pa rin siya na malaya ko lang natitigan kapag walang nakakita.