"Nasaan na ang sahod mo kahapon, Romulo! Bakit wala ka na namang pera pagka-uwi mo kagabi?!"
Nagising ako sa iyak ni mama sa labas ng silid. Kahit inaantok pa ako dahil sobrang aga pa napilitan akong bumangon. Napahilamos ako sa pagmumukha. Nag-aaway na naman ang magulang ko. Hanggang kailan ba magtatapos ang ganito?
"Ubos na! Bakit hanap ka nang hanap sa sahod ka. Magtrabaho ka rin para magkapera ka!" sagot ni papa sa pagalit na boses.
"Nakita mo namang ang daming anak natin. Paano ko sila maalagaan kung magtatrabaho ako! Ang pera ang hinahanap ko sa'yo! Saan na?!" bulyaw naman ni Mama habang umiiyak pa rin.
"Tinaya ko sa sabong ng manok kahapon. Akala ko mananalo ako pero pota! Natalo ang pera ko. Dinaya yata ako ng Ronaldo na 'yun. Ang sabi niya mananalo ang manok niya pero punyeta natalo. Magtatrabaho na lang ulit ako para kikita ng pera kaya manahimik ka na riyan!"
"Limang libo ang winaldas mo sa sugalan. Nag-iisip ka pa ba? Kailan mo ba titigilan ang pagsusugal? Iyang pag-iinom mo? Kailan ka ba matatauhan na kailangan natin ng makakain rito sa bahay pero mas inuna mo ang pagpusta sa sabong na 'yan! Ano'ng ipabaon ko sa mga anak mo sa skwela kung ganyan ka na lang parati?" sigaw ni Mama.
Habang nakikinig sa kanilang dalawa. Naiiyak na lang ako sa sitwasyon naming magkakapatid. Alam kong naririnig nila kung gaano ka irresponsableng ama si papa Romulo sa amin.
"Tumahimik ka, Joanna! Maghanap ako ng pera. Aalis ako ngayon. Ibabalik ko ang perang natalo para tumahimik ka. Sobrang ingay mo! Makaalis na nga rito kay sa makinig ako sa sermon mo!" Narinig ko ang pagtayo ni papa.
"Walanghiya ka! Walanghiya ka talaga! Napaka-irresponsibleng ama mo sa mga anak natin!"
Narinig ko ang malakas na lagapak ng kamay ni Mama, sinasapak-sapak si papa at hinila pabalik para hindi ito makaalis. Mabilis naman akong tumayo sa pagkakaupo nang marinig ko ang galit na boses ni papa, gusto nang saktan si mama dahil sa pananakit nito sa kanya.
"Sabing magtatrabaho ako! Aalis nga ako para maghanap ng pera! Ano'ng kinapuputok ng putanginang bibig mo!" sigaw ni papa Romulo.
Pagkalabas ko ng kuwarto. Naabutan ko siyang hinawakan si mama sa dalawang braso saka niyugyog. Nanaliksik ang kanyang mga matang nakatingin kay Mama. Gusto ng katayin ng buhay. Naglandasan ang luha ni mama. Nakaramdam ng takot sa kausap.
"Kahit magtrabaho ka ngayon. Wala pa ring silbi dahil ang perang kinita mo, ay mapunta lang din sa sugalan. Wala ring mangyayari. Kung hindi sa sugalan, sa inuman naman mapupunta!" Nagpumiglas si mama at sinapak-sapak niya si papa sa pisnge, sa dibdib at tinulak palayo.
"Ma! Pa! Tama na nga 'yan!" Napahilamos ako sa pagmumukha. Lalapitan ko na sana silang dalawa para lumayo na sila sai isa't-isa ngunit biglang sinampal ni papa si mama nang pagka lakas-lakas. Natigil ako sa nangyari. Nanlamig ang buong katawan ko.
"Huwag mo akong pangunahan, Joanna!" Tinuro-turo niya si mama sa noo.
Natuod naman ako sa tagpong iyon. Alam ko namang sinasaktan talaga ni papa si mama pero hindi ko talaga kayang may dugo na nakikita. Namumula ang pisnge ni mama at duguan ang kanyang labi dahil sa lakas ng sampal.
"Wala kang kwenta, Romulo!" Sinapak-sapak pa uli ni mama si papa, tanging pagtulak ang ginawa nito para lumayo si mama sa kanya.
"Pa! Huwag mong saktan si mama! Tama na sabi!"
Sasampalin niya sana ulit si Mama nang bigla akong humarang sa pagitan nilang dalawa. Pumikit ako nang mariin nang makita ang kamay niyang umangat. Parang matanggal ang ngipin ko sa lakas ng pagkadapo ng palad ni papa Romulo sa pisnge ko. Natabingi ang mukha ko. Nalasahan ang dugo sa labi. Nanlaki ang mata ko sa nangyari.
"Ano'ng ginawa mo kay, Celyn! Walanghiya ka talaga! Pati anak mo sinasaktan mo!" Nilagay ako ni Mama sa kanyang likuran saka niya tinulak si papa.
Nangingilid ang luha ko sa sakit ng pagkakasampal. Nawindag ang buong mundo ko. Narinig ko ang iyak nang mga kapatid ko nang masaksihan din nila ang nangyari. Tumakbo si Letlet at niyakap ako sa bewang. Umiiyak siya roon.
"Papa, tama na po!" sigaw ng mga kapatid ko.
"Sino ba kasing may sabi sa batang 'yan na pumagitna siya! Magsama kayo ng mga anak mo!" Tinulak ni papa si Mama kaya sumandal ito sa aking balikat. Hinawakan ko si Mama upang hindi ito matumba. Pareho kaming nanghihina.
"A-anak? Okay ka lang ba?" Hinarap ako ni Mama nang may pag-alala. Hinawi niya ang buhok ko at tiningnan ang namumula kong pisnge. "Jusko... Nangingitim agad ang pisnge mo, Celyn. Ang laki pa ng sugat sa labi mo. Gamutin natin 'yan," pag-alala ni Mama.
Malakas lang akong nagbuntong hininga. Hinarap ko si Mama nang nakangiti. Pinipigilan ko ang luha. Ayaw kong ipakita kay Mama na mahina ako sa kanyang harapan. Alam kong gusto niyang sundan si papa pero dahil sa natamo kong sugat sa labi hindi siya makaalis.
"Hindi na kailangan, Ma. Maliligo lang po ako para makapagtrabaho na sa bahay ng mga Salazar," wika ko sa naghihingalong boses. Animo'y walang nangyari sa akin.
Pareho kami ni mama na may marka ng palad sa pisnge. May sugat rin ang labi niya. Pero mas inaalala niya pa ako kay sa kalagayan niya.
"Pasensiya ka na anak kung nadamay ka sa awayan namin ng papa mo. Ang tigas ng puso ng ama mo. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya." Muli siyang humagulhol. Niyakap ko na lang si mama. Nag-iyakan kami sa umagang iyon. Naawa na ako kay Mama pero pilit niya pa ring nilabanan ang sarili.
"Sa susunod huwag ka ng pumagitna para hindi ka niya masaktan. Hayaan mo akong haharap sa papa mo."
"Hindi naman puwedeng hayaan ko kayong masaktan, Ma. Kung maari iwasan niyo ng mag-away dalawa. Naapektuhan na po ang mga kapatid ko sa awayan niyo. Araw-araw na lang ganito ang bungad namin tuwing umaga. Nagsusumbatan kayo sa pera."
Sa araw na iyon, kahit hindi maganda ang pakiramdam ko at nanghahapdi pa rin ang pisnge. Pumasok pa rin ako sa trabaho sa Hacienda ng Salazar bilang katulong.
Kahit mahilig akong magtali ng buhok pero sa araw na iyon nilugay ko ang lahat ng buhok ko para kahit paano matatakpan ang marka ng sampal ni papa Romulo sa aking pisnge. Ayaw kong magtanong ang mga Salazar sa akin tungkol sa nangyari ngayong umaga.
Habang pinaghandaan ko ng agahan ang pamilyang Salazar. Seryoso lang ako sa ginagawa ko. Nilalagay ko ang lahat ng pagkain sa lamesa. Nasa hapag na silang lahat, kasama na roon si Austine na nakipag-usap sa kanyang ama pa tungkol raw sa kanilang negosyo.
"So far, dad. Nag-adjust pa ako sa mga gagawin sa Company natin. But I can handle our business well, sinunod ko lahat ng utos niyo," sabi ni Austine sa mahinahon na boses.
Nasa harapan niya ako. Sinulyapan niya ako saglit nang nilagay ko ang pagkain sa gitna ng lamesa. Nang inangat ko ang tingin sa kanya muntik na akong mataranta nang magtagal ang titig niya sa labi ko. Walang emosyon ang kanyang mga tingin. Kinagat ko ang labi, nagbakasakali maitago ang sugat roon pero mas lalong sumeryoso ang tingin ni Austine sa aking labi na ngayo'y kagat ko nang mariin. Napansin niya siguro ang pasa.
Mahina akong suminghap. Nginitian ko siya kaunti para hindi maging awkward ang biglaang pagtitig ko sa kanya pagkatapos nag-iwas ako ng tingin. Wala itong reaksyon sa pagngiti ko. Umayos siya sa pagkakaupo sa hapag bago hinarap ulit ang kanyang ama para kausapin.
Pumasok na ako sa kusina para kuhanin pa ang dalawang putaheng ulam na niluto ko ngayong umaga.
"Sa'yo ko pinagkakatiwala ang negosyo natin dahil alam kong kaya mo ito. As I can see, tumaas lalo ang sales stock natin noong ikaw na ang mamahala. Good job son..." sabi naman ni sir Martin na nakaupo sa pinakadulo ng lamesa. Katabi nito ang kanyang asawa na si Ma'am Grace.
"Hindi ko hahayaang bumagsak ang negosyo natin, dad. You can trust me on this. Pinamana mo ito sa akin kaya dapat kong ingatan," tikhim ni Austine habang kumakain na sila sa hapag kainan.
Marahan ko namang nilagay ang huling ulam sa lamesa. Sa gilid ng mata ko na pansin ko ang pag-angat ng tingin ni Austine sa akin. Hindi ko na siya matingnan. Ayaw kong mapatitig na naman siya sa labi kong may sugat.
"Can we not talk about business here? Mas maiging pag-usapan natin kung ano'ng balak niyo pagkabalik niyo ng Manila? Tatlong araw na lang, uuwi na kayo pa balik roon. Tahimik na naman itong Hacienda, kami na naman ng Dad niyo ang nandito," sabi ni Ma'am Grace. May lungkot sa kanyang boses.
"As usual babalik ako sa isang plantation natin na kasalukuyan ko ring mina-manage ang negosyo roon," sabi naman ni Rickson.
"What about you, Devina?"
"Sa hotel pa rin ako mananatili, Mom while studying my course," sagot ng dalaga.
Aalis na sana ako hapag nila upang gawin ang mga trabahong kailangan sa labas ng kanilang bahay. Kapag kumakain kasi sila, nagdidilig na ako ng halaman sa kanilang malaking garden.
Ngunit sa oras na iyon, dumapo ang tingin ni Ma'am Grace sa akin. Pinigilan ako sa pag-alis.
"Oh... By the way, Celyn... Since you're here, my son Austine, needs to know what we're talking."
"Po? Ano'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko. Walang maalala sa pinag-uusapan namin.
"Nakalimutan mo na ba? Tungkol sa pagiging katulong mo sa kanya. Right, iha?"
Natigil ang lahat sa usapan. Nanuyo naman ang lalamunan ko. Nasa akin ang kanilang atensyon lalo na si Austine na matamang nakatitig sa magiging reaksyon ko. May dumaang galit sa kanyang mga mata pero agad ring nawala nang hinarap niya ang kanyang mommy.
"What do you mean, Mom?" medyo iritado niyang tanong sa kanyang ina. Nagtagis ang kanyang panga habang naghihintay sa sagot.
Ngumiti si Ma'am Grace. "Sasama si Celyn sa iyo papuntang Manila. Siya ang magiging maid mo roon."
Natuod na ako sa kinatatayuan. Napaatras ako kaunti palayo sa lamesa. Pakiramdam ko ngayon lang ako nagkaroon ng tensyon habang kaharap ang buong Salazar. Tumingin ang mga kapatid ni Austine sa akin pagkatapos pa balik sa kanilang nakakatandang kapatid na hindi makapaniwala sa narinig.
"Di ba, ayaw ni kuya Austine na may kasama sa bahay? You already knew about that, Mommy. Isa iyon sa request ni kuya sa'yo na bawal ang maids o maski bodyguard sa Mansyon," basag ni Devina sa katahimikan pagkatapos marahan siyang nagpatuloy sa pagkain. Mahalatang takot siya sa kuya Austine niya nang dinapuan siya ng tingin ng lalaki nang ilang saglit.
"I know... Ayaw niya. Bilang magulang nag-alala din naman ako. Kami ni Martin, we're worried dahil mag-isa lang siya palagi."
"Kuya won't like your idea, Mom," pag-iling ni Rena.
"It's been 2 years since we left in Manila. Hindi namin alam ang nangyayari roon. Kailangan niyang may katulong,lalo na't ang kuya mo ay isa na siyang CEO. Magiging busy na siya. Wala ng time para asikasuhin ang kanyang sarili. She needs Celyn so that someone can take care of him."
"Hindi na ako bata, para magkaroon ng maid sa bahay natin. I can handle myself," Austine enterupted. Kahit galit siya nandoon pa rin ang pagtitimpi niya sa kanyang boses para hindi ito lumakas. Malaki pa rin ang respeto niya sa kanyang ina kahit mababakas sa kanyang mukha ang pagiging iritado sa naging desisyon ng magulang niya.
"Your, Mom is right, son. Kailangan mong may kasama sa bahay na 'yun. Kailangang may mag-aasikaso sa'yo. Dahil ang gusto kong gawin mo, mag-focus ka lang sa trabaho mo. Iyon lang ang gawin mo, wala ng iba," sabi naman ni sir Martin ang kanilang ama na kalmadong tiningnan ang kanyang anak na hindi maipinta ang pagmumukha habang nakikinig sa kanya.
"You already approved this thing, dad? Alam mo namang ayaw kong may kasama sa iisang bahay. As I have said... I can handle myself—"
"I know... I know about that. Mas maganda pa rin kung may kasama ka. Wala kami sa Manila ng Mommy mo, wala rin ang mga kapatid mo sa bahay na iyon. Gusto lang namin na may mag-aasikaso sa'yo. Celyn can handle you well...Mabait ang anak ni Joanna, she knows everything. She can handle your household chores. Your everything para gumaan ang trabaho mo."
Nilagay ni Austine ang kanyang kubyertos sa plato. Animo'y nawalan na ng ganang kumain.
Ang hirap sumingit sa kanilang usapan lalo na't sobrang seryoso nilang lahat. Nakakatakot din ang pinapakitang ugali ni Austine.
Nakatayo lang ako rito sa dulo ng lamesa. Naghihintay kung kailan ako puwedeng magsalita. Si Austine naman bumaling ang tingin sa akin. Nagtama ang mata namin, sumiklab ang galit niya roon. Umigting lalo ang kanyang panga nang mapansing wala akong masabi ukol rito. Tutol talaga siya sa gusto ng kanyang ama at ina na magkaroon siya ng katulong roon sa Manila.
"Are you sure she's good enough?" may kahulugang sambit niya. Hindi niya pa rin ako tinantanan ng tingin.
"Yes... She's good, iho. Siya ang katiwala namin rito sa bahay ng Hacienda natin kaya alam naming maalagaan ka ng maayos, masipag na bata ang anak ni Joanna at Romulo. Isa pa... Gusto ng Mommy mo na pag-aralin doon si Celyn. Kaya habang nagtatrabaho siya sa Mansyon bilang katulong, she will study too," Si sir Martin sabay tukod ng siko nito sa lamesa para mas maharap ang kanyang anak.
Tinagilid ni Austine ang kanyang mukha para tingnan ako sa kinatatayuan ko. Bigla akong nanliit dahil hindi na ako maka-imik sa mga oras na iyon. Bigla akong na hotseat sa paraan ng pagkilatis niya ng tingin sa akin.
"I'm not sure lang, dad, ha? Pero mukhang hindi magtatagal si ate Celyn doon sa Mansyon ni kuya. Ilang maids na ba ang na patalsik niya roon? Hindi ko na mabilang. Mismong mga maids na ang umaalis dahil hindi natagalan ang ugali ni kuya Austine, do you think she can handle him?" malamig na sabi ni Rena.
Narinig ko ang pagtawa ni Rickson at umiling. Parang may idea na rin sa magawa ni Austine sa akin para makaalis lang ako bilang maid. Tumingin siya sa akin at ngumisi. May parte sa mukha ni Rickson na nakakatakot kapag ngumiti. Kahit guwapo siya pero may tinatago siyang aura na hindi mo kayang tagalan.
"I think kaya naman niyang tiisin ang ugali ni kuya," ani Rickson. Hindi pa rin mawala ang ngisi niya. Napansin ko ang masamang tingin ni Austine sa kanya na agad siyang napailing nang magtitigan ang dalawa. "Don't worry kuya, I won't touch her. She's all yours," makahulugang sabi ng kanyang kapatid na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.
"Alagaan mo siya roon, Austine. Sana huling katulong mo na siya doon sa bahay. Please lang, iho. Be good to Celyn," sabi naman ni Ma'am Grace. Nag-alala sa kalagayan ko. "Don't give her trouble. As much as you could. Protect her. Alam kong magtatagal siya roon. I trust her. Alam kong magugustuhan mo ang presensiya niya sa Mansyon."
Umayos ng upo si Austine. Sumeryoso ang kanyang mukha sa hapag kainan bago ulit siya tumingin sa akin gamit ang madilim niyang pagmumukha. Nanliit ang mga mata niya bago siya nagpakawala ng mabigat na paghinga.
"Magtatagal ang babaeng 'yan pag hindi siya magkagusto sa akin." Tumigil siya saglit para bigyan ako ng babala sa mga tingin niya. " Ang ayaw ko sa lahat 'yung babaeng habol nang habol sa isang lalaki. Kaya nga maraming katulong ang natanggal dahil sa pagkagusto nila sa akin... imbes mag-focus sa trabaho. Mas focus sa pagpapansin. Sana hindi siya maging katulad sa mga katulong na nagdaan, nagtatapon ng kanilang sarili...Hindi pa naman ako marunong maawa." Strikto siyang umiling.
Para akong na buhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon. Kahit hindi ako kumakain o umiinom sa mga oras na iyon para akong nabilaukan. Lumakas ang pagtibok ng puso ko nang magtaas ng kilay si Austine sa akin, binabasa ang nasa isipan ko. Pinapahiwatig na ako ang sinabihan niya nun.
"M-Maam and sir... Pupunta lang po ako sa labas para magdilig ng halaman sa hardin niyo," paalam ko sa pagkat hindi ko na matagalan ang titig ni Austine sa akin. Para na akong lalamunin nito. Tagos hanggang kaibuturan ko ang mga tingin niya. Nakakapaso rin ang bawat tingin niya sa akin.
Sumang-ayun naman ang nasa lamesa na umalis na muna ako. Agad na akong tumalikod sa kanila pero ramdam ko pa rin ang tumutusok na tingin ni Austine sa akin mula sa likuran. Sinusundan ang paglalakad ko. Bago ako tuluyang makalabas ng dinning room narinig ko pa ang sinabi ni ma'am Grace sa kanyang anak.
"Come on, iho. Iba si Celyn sa mga babaeng nakilala mo. Mas focus siya sa trabaho niya. I've never heard her having a boyfriend. Kaya alam kong hindi siya mahilig sa lalaki. Hindi ka niya magustuhan. Kaya nga may tiwala ako kung siya ang kasama mo sa Mansyon. So, be good to her."
Ilang beses kong pinuno ng hangin ang dibdib. Kung alam lang talaga ng pamilyang Salazar na humahanga na ako sa anak nilang si Austine sa litrato, bago ko pa ito makita sa personal... Baka magbago ang isip nila na hindi ako iba sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanilang anak.
Kung ganoon pala... Normal lang talaga sa mga babae na magkagusto sa kanya? Kaya pala mailap siya sa mga tao. Kung ayaw niya pala sa babaeng may naghahabol sa kanya. Pero bakit pagdating kay Marina gustong-gusto niya itong kausapin? Halata namang gusto rin siya noong babae.
Pala-isipan tuloy sa akin. Bakit kaya ayaw ni Austine na may kasama siyang tao sa kanilang Mansyon?
Napahilamos na lang ako sa pagmumukha. Habang nagdidilig ng halaman wala ako sa sarili. Iniiisip ko pa rin ang kalagayan ko kung sasama ba ako kay Austine sa Manila para maging maid niya. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko nang malalim. Nakarinig ako ng baritonong boses sa aking likuran.
"Mag-usap tayo..."
Naigtad ako pagkarinig ko sa familiar na tinig. Nabitawan ko ang hose na may lumalabas pang tubig roon. Dahan-dahan kong pinihit ang sarili para harapin ang taong nasa likuran ko. Kahit alam kong siya itong nandito sa garden hindi pa rin maiwasang manlaki ang mata sa gulat sa kanyang presensiya.
"A-Austine... I mean... Sir Austine..." tawag ko sa pangalan nito. "A-ano'ng pag-uusapan natin?"
Sobrang seryoso ng kanyang mukha. Titig na titig siya sa akin nang mariin. Kung paano niya ako titigan ng seryoso doon sa hapag kainan. Mas dobleng seryoso ang mga tingin niya ngayon. Nakakaba ang pagtagis ng kanyang bagang. Nag-iisang hakbang siya bago nagsalita.
"Huwag kang pumayag na maging katulong kita kung ayaw mong masira ang buhay mo," babala niya sa nakakakilabot na boses.
"A-ano'ng ibig niyong sabihin sir?" I gulped in too much fear in his presence.
"Kung gusto mo pang magkaroon ng kalayaan. Tumanggi ka sa alok ni Mommy at Daddy sa'yo. Stay in this province and don't you dare live with me in the same house. Are we clear here?" pinal niyang wika.
Para na akong malugutan ng paghinga nang mas lumapit pa siya sa akin. Nanunusok ang mga tingin nito. Kahit blangko ang isipan ko sa pagharap naming dalawa. Ginawa ko pa rin ang lahat para sumagot.
"P-Pero sir... Hindi pa naman ako pumayag. Pinag-iisipan ko pa—"
"Ang sabi ko tumanggi ka...Huwag ng maraming sinasabi." Hinawakan niya ang braso ko nang mariin. Galit na galit ang mga tingin niya. His voice was so intimidating and scary.
Kinurap ko ang mga mata habang sinasalubong ang nanaliksik niyang titig sa akin. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko nang lumapat ang kamay niya sa aking braso. Nagtaas-baba ang aking dibdib.
"A-ayaw ko rin namang pumunta ng Manila. Huwag kang mag-alala. Tatanggi naman talaga ako," matapang kong sambit.
Dumaan sa kanyang mga mata ang labis na galit pero naging blangko rin agad. Binitawan niya ang braso ko saka siya umayos sa pagkakatayo. Masiyadong nakaka-distract bawat suyod niya ng tingin sa mukha ko.
"That's good...Mabuti nang maliwanag sa'yo ang lahat. Dahil kung tatanggapin mo ang pagiging katulong..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hanggang sa huminto ito sa aking mukha. Tumitig siya sa aking mga mata pababa sa ilong. Nagtagal ang tingin niya sa labi ko. "Hindi ka lang magiging katulong sa Mansyon..." He stopped.
"A-ano'ng ibig mong sabihin sir A-Austine?" kinakabahan kong tanong.
He tilt his head. Mariin niyang tiningnan ang mukha ko. Nag-isang linya ang kanyang kilay hudyat na ayaw niya sa pagtatanong ko.
"You're not just a maid in that damn house. Iba ang magiging trabaho mo at alam kong hindi mo 'yun magustuhan...So, stay and save your damn self. Don't put yourself into danger. And lastly..." Tumigil muna siya para tingnan pa ulit ang labi ko. "Ayaw ko ring binabantayan bawat galaw mo sa loob ng pamamahay ko," makahulugan niyang sabi sabay namulsa.
Tumalikod na siya para iwan ako rito sa garden. Naiwan naman akong pala-isipan sa akin ang sinabi niya.