"Yes, dad... She's fine with me... Alright. Please take care her family. Ako na ang bahala kay Celyn." Pasulyap-sulyap ako kay Austine habang nagmamaneho siya sa kanyang kotse. May kausap siya sa cellphone. Ang kanyang ama na si Sir Martin. "No... We're alright. She's safe. Magtatrabaho lang siya sa akin." Seryoso lang siyang nag-da-drive habang nagsasalita. Papunta na kami ng Manila. Aniya'y aabutin raw ng 8 hours ang byahe namin kaya magpahinga muna ako. Bago kami umalis nagpaalam muna kami sa mag-asawang Salazar. Pinaalam ko sa magulang niya na pumayag na akong sasama sa Manila. Hindi na ako nagulat nang sumang-ayun sila na sasama nga ako kay Austine para maging katulong niya. Laking tuwa nila sa pagkat wala nang tutol si Austine sa gusto nilang mangyari. Ngunit may isang kondisyo