Chapter 6: Nadulas

3546 Words
"Palagi na lang bang ganito, Romulo? Nasaan na naman ang kinita mo kahapon?" "Putangina ka talaga e, 'no? Araw-araw na lang ba ganito ang bungad mo sa akin!" Sa umaga na namang iyon sigaw ni Mama na naman ang bumungad pagkagising ko. Hindi pa nga naghilom ang sampal na natamo ko kay papa kahapon. May panibago na naman silang awayan. "Kahit kailan hindi ko pinangarap na ganito ang dadanasin ko sa'yo. Habang tumatagal nagiging walang kwenta ka ng lalaki!" "Ano'ng sabi mo! Ulitin mo nga! Ako? Walang kwenta?" puno ng pangigil ang tinig ni papa. Bago pa lumalala ang sagutan nang dalawa mabilis na akong bumangon sa higaan para awatin ang dalawa sa labas. Naririnig ko na ang iyakan ng mga kapatid ko. Sumigaw pa si Monica para matigil na sila sa awayan nila. Nataranta ako nang makarinig ako ng kalabog at ang sigaw ni Mama. "Bitawan mo ako! Hindi ka na nahiya sa anak natin!" Hirap na hirap si mama nun sa pagsambit. "Mamatay ka na, Joanna! Puro ka na lang sumbat sa akin! Tapos ngayon tingin mo sa akin. Wala akong kwenta?!" "D-Dahil iyon ang totoo!" Pagkalabas ko ng kuwarto nadatnan ko na lang si Papa na sinasakal si mama. Diniin niya sa dingding namin na gawa sa plywood ang katawan nito. Pilit namang nanlaban ang ina ko sa pagkakasakal niya ngunit animo'y na bingi na ang kausap dahil mas diniin niya pa si mama sa dingding. "Pa! Bitawan mo si Mama! Huwag mo siyang sakalin!" Nagmadali akong lumapit sa kanya para kunin ang isang kamay nito na nakasakal sa leeg ni Mama. Hirap na hirap naman ang ina ko para abutin si papa subalit matangkad sa kanya ang ama ko. Maski hilahin ang kamay nito palayo hindi ito natinag. Kinuha ko ang kamay ni papa palayo kay Mama para hindi niya ito masakal. Ngunit nagmamatigas ito. Kahit ano'ng hila ko sa kamay nito hindi pa rin paawat. Kahit kaming dalawa na ni mama ang nagtulungan. "Sumusobra ka na talaga... Puro ka pera! Tuwing gigising ako nanunumbat ka ng pera sa akin! Ang bagay sa'yo ang mawala!" sigaw ni papa. Nangalaiti ang tinig niya. Nanaliksik ang mga mata. Nandidilim ang pagmumukha sa galit. "B-bitawan mo ako... K-kung sana hindi ka lasinggero. H-hindi ako maghanap ng pera mo. W-wala ka nang nagawang tama sa pamilyang ito!" sigaw ni Mama pero naghihingalo na ang boses niya. "Pa! Bitawan niyo si mama! Tama na po!" sigaw ko nagpapadyak na sa pag-alala. Luhaan ang mga mata lalo na't lumakas na rin ang iyak ng mga kapatid ko. Pinigilan rin nila si papa Romulo para lumayo ito kay Mama. "Manahimik ka Celyn. Ang dapat sa mama mo mamatay!" Mas sinakal niya ang ina ko sa leeg. "Bitawan niyo siya sabi!" I shouted in fear. Panay landasan na ang luha ko dahil kahit ano'ng gawin kong pagkuha sa kamay niya mas lalo lang naninigas. Tumirik na ang mata ni mama. Tinulungan niya rin akong tanggalin ang kamay ni papa sa kanyang leeg. Ang kaso bigo kami, talo ang lakas namin sa lakas ng lalaki. "Mapapatay niyo si mama, Pa! Tama na po! Parang awa niyo na!" Sinuntok-suntok ko ang likod niya nang pagkalakas-lakas dahilan para matabig niya ako at nabitawan niya sa pagkakasakal si mama. Tumilapon ako sa bubong at natamaan ng kahoy ang braso ko. Impit akong dumaing sa sakit. "Ikaw na bata ka! Huwag kang mangialam rito!" Tinuro niya ako. "Tama na pa! Tama na, maawa naman kayo kay Mama!" pag-iyak ko kahit namimilipit na ako sa sakit ng aking braso. Pinilit kong makalapit sa kanilang dalawa. "Mga wala kayong kwenta! Lumayas kayo rito kung hindi niyo ako gusto bilang ama niyo!" Nanlaki ang mata ko nang sinampal niya si mama at sinipa pa ito sa bandang tiyan. Napa-upo si mama sa sahig. Mabilis naman akong tumayo para itulak si papa palayo. "Huwag!" pigil ko nang sisipain na naman niya si mama. Hinila ko ang braso ni papa pero sa pangalawang pagkakataon natabig na naman niya ako kaya tumama na naman ako nang pagkalakas-lakas sa kahoy. "Ikaw, marunong ka nang mangialam! Mas mabuti pang mamatay na lang kayo!" Lumapit si papa sa akin, hinawakan ang buhok ko at sinampal ako nang dalawang beses. Hindi pa siya nakuntento at sinakal niya ang leeg ko. Halos malugutan na ako nang paghinga. Ako naman ngayon ang hawak niya. "B-bitawan niyo a-ako..." Tumingkayad na ang mga paa ko para lang magkaroon ng hangin sa bibig. Hawak ko ang kamay ni papa. Pilit tinanggal ang kamay nito sa aking leeg na mariing nakakapit. "Romulo! Bitawan mo si Celyn!" Kahit hirap si mama sa pagtayo mabilis niyang hinila si papa. Nanghihina si mama nang pwersahan niyang tinulak ang ama ko. Nabitawan niya ako lalo na't pinagsusuntok-suntok na rin siya ng mga kapatid ko. Pinagtulungan nila si papa para hindi makalapit sa akin. "Wala kang kwentang ama!" sigaw ko nang hindi mapigilan. Unang beses na sinabihan ko siya nang ganito. Umubo ako para manguha ng lakas. Sumiklab ang pangalaiti niya gusto na naman akong sakalin. "Iyang anak mo, Joanna!! Hindi ko gusto ang bibig niyan!" "Tama na Romulo! Tama si Celyn wala kang kwenta! Lumayas ka sa pamamahay na ito kung sasaktan mo lang ang mga anak natin!" Umiiyak na si mama. "Bakit ako lalayas? Kayo ang lalayas sa bahay na ito kung hindi niyo gustong makita ang presensiya ko!" "Pa! Umalis na kayo!" sigaw ko rito. "Hindi ko na kayang makita si Mama na nahihirapan sa inyo. Hindi kayo nakakatulong sa totoo lang. Hindi na kayo naawa kay Mama! Sa mga kapatid ko! Pabigat lang kayo! Hindi kayo naging mabuting ama sa amin." "Aba't... Ano'ng sabi mo Celyn?!" Akmang lalapitan na naman ako ni papa pero pinigilan siya ni mama. Namumula ang mata niya sa pagkamuhi sa akin. Kuyom ang kamao. "Umalis ka na. Huwag mong saktan ang anak natin! Alis na..." Natapos rin naman agad ang awayan nang umalis si papa. Ang sabi niya mag-iinom raw siya kasama ang mga kapit-bahay namin. Huwag raw siyang pigilan. Nag-iyakan na lang kami sa bahay sa umagang iyon. Hirap na hirap na ako lalo na't nakita ko ang pangingitim ng braso ko. May panibagong sugat na naman sa aking labi. Nangingitim ang mga pisnge ko. Puno ako ng pasa. Pareho kay Mama, ganoon rin ang sinapit niya. "Huwag ka na lang kaya magtrabaho sa bahay ng mga Salazar, Celyn. Hindi maganda ang kalagayan mo. May sugat ka pa sa braso at labi. Baka makita ito ng pamilya ni Martin baka ano pang sabihin nila," wika ni Mama habang ginagamot ako. May namumuong luha sa kanyang mga mata. "Kailangan kong pumasok sa trabaho, Ma. Wala tayong makain kung hindi ako magsisikap. Wala tayong mapapala kung maghihintay tayo lagi kay papa. Puro pag-iinom at pagsusugal ang inaatupag niya. Ako na lang po ang maghahanap ng paraan para makakain tayo. " Malakas na nagbuntong hininga si mama saka tumango. Naiiyak na naman siya kaya niyakap ko ito. Kalaunan pinaalam ko sa kanya ang tungkol sa pag-alok ni Ma'am Grace na maging katulong ako ni Austine sa bahay nila sa Manila. Sinabi ko sa kanya na malaki ang sahod ko at pag-aaralin ako doon sa Manila. "Luluwas ka ng Manila? Iiwan mo kami rito?" tanong ni Mama. "Hindi pa ako sigurado, Ma. Ayaw rin naman ni Austine na magkaroon siya ng katulong. Baka hindi ko tatanggapin ang trabaho." Naalala ko bigla ang huling usapan namin ni Austine. Nangako na ako sa kanya na hindi ako sasama. Kaya para saan pa kung tatanggapin ko ito. "Pero magandang oppurtunidad din iyon, Celyn. Pag-aaralin ka pa ng mga Salazar. Matatapos mo na ang kolehiyo mo. Mas mabuting tanggapin mo na lang. Huwag mo kaming ala-lahanin rito sa probinsiya. Kaya kong dumiskarte para may ipapakain ako sa mga kapatid mo habang nagtatrabaho ka roon. Basta kapag nakaluwag-luwag ka padalhan mo na lang kami ng pera." Pinag-iisipan ko ang sinabi ni mama kung tatanggapin ko ba ang alok ni Ma'am Grace na maging katulong ni Austine sa Manila. May pumipigil rin kasi sa akin lalo na't sinabihan ko na ang anak ni Ma'am Grace na hindi ako sasama sa kanya sa Manila. Tatanggi ako bilang katulong niya. Nagdadalawang isip na tuloy ako, kung tanggapin ko na lang ba, lalo na't gusto ko rin ang idea na makapag-aral ako. Habang nagmo-mop sa sahig ng bahay ng mga Salazar nakarinig ako ng mga tinig na nag-uusap sa may hagdanan. Pababa sila. Dahan-dahang umusbong ang kaba ko habang naririnig ang yapak nila. "Ayaw kong sumama sa ilog. Baka mangati pa ako sa tubig," boses ni Rena ang narinig ko. "Stay here then. Kami na lang ni kuya ang sasama kina Marina. I wanna enjoy nature before we go home. Napaka-kill joy mo talaga," rinig kong wika ni Devina. Pagtingin ko sa may hagdanan. Nandoon ang apat na magkapatid na magka-usap tungkol raw sa camping nila sa ilog at kasama na naman iyong Marina. Talagang matutuloy na ang plano ni Marina na mag-aliw sa tabi ng ilog kasama ang mga kaibigan niya. "I'm not kill joy. I just don't like nature. Kung beach sana ang pupuntahan niyo. Maybe I can go with you... Pero ilog? Ew... Madumi," maarteng sabi ni Rena sa kapatid nitong babae. Walang ganang humakbang pababa si Austine, katabi nito si Rickson na may sinasabi sa kanya na agad niya lang tinanguan pagkatapos binaling niya ang tingin sa kung saan ako. "Basta kuya sasama na ako. Nakaka-bored rito sa bahay. Inimbita rin kaya ako ni Marina," sabi ni Rickson. "Suit yourself...Huwag ka lang magkalat roon. Wala tayo sa siyudad," Austine responded boredly while still looking on me. "Great... Of course, I won't." Bago pa magtagal ang titig ni Austine sa kinatatayuan ko nagpatuloy ako sa pagmo-mop. Nagpanggap na wala sila rito sa sala. As usual nakalugay ang buhok ko para hindi makita ang pasa ko sa pisnge. Ang sabi ni Mama sa akin, dapat huwag ko raw ipahalata na sinasaktan ako ni papa Romulo lalo na't close ni papa ang pamilyang Salazar. Close rin ni mama si sir Martin kaya alam niyang kakampi talaga ang mga Salazar sa kanya. Nahihiya rin siyang ipaalam sa ama nila na nanakit si papa Romulo. "Ate Celyn... Can you please clean my room while where not here. Aalis kami ngayon papunta ng Camping." Napilitan akong i-angat ang tingin sa kanilang apat. Si Devina ang nagsalita nun. Nakasuot siya ng puting t-shirt at isang shorts. May suot siyang summer hat at eyeglasses. Naka-rubber shoes siya. Sobrang classy niyang tingnan sa simpleng suot niya sa pagkat maputi siya. "Okay po. Lilinisin ko pagkatapos ko rito." Ngiti ko sa kanya. Tinago ang namumuong lungkot. Kanina pa ako wala sa sarili. Okupado ang isipan ko kung paano ko iiwasan si Austine lalo na't mapanuri bawat tingin niya sa akin mula noong makababa sila ng hagdanan. I was a little bit uneasy the way he stare on my face. "Thanks ate... By the way si Rena lang ang tao rito sa bahay. Si Daddy at Mommy nasa planta. Aalis naman kami kasama nila Marina at ang mga kaibigan niya para mag-camping sa ilog. Please take care my sister. Makulit pa naman ito," aniya sa seryosong boses. "Walang problema, Ms.Devina. Ako na ang bahala," wika ko rito sabay ngiti pa rin. "Tsk. Hindi na ako bata. Sa labas lang ako ate Celyn magpahangin sa garden. Don't find me. Huwag mong pakinggan 'yan. Ginawa na naman akong batang musmusin," sabi ni Rena. Naiinis sa habilin ng kanyang kapatid saka nauna ng lumabas. "What a brat, kuya... Look, oh... Nag-iinarte na naman si Rena. Tama naman ako, ah kailangan siyang bantayan," sumbong ng kapatid na babae sa nakakatanda. "Don't mind her a lot. She knows what she doing. She's grown up," si Austine sabay napailing. "Gusto mo lang pasamahin si Rena," tawang-tawang sabi ni Rickson. "Hindi kaya..." Sumimangot si Devina. "Ang arte kasi nun. Gusto ko lang naman mag-bonding kami," dugtong niya. Si Rickson at Devina ang kasama na ngayon ni Austine. Hindi ko mapigilang tumingin sa lalaking nakamasid sa akin at laking gulat ko nang mahuli ko siyang nakatitig pa din sa akin gamit ang walang kabuhay-buhay niyang mga mata. Wala man lang itong reaksyon kahit nagkatinginan na kami. Hindi ko mapigilang suyurin ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng black polo na naka bukas pa ang tatlong butones sa may leegan kaya bumalandarya sa mata ko ang dibdib niya at ang suot nitong cross na kwentas. He's wearing a black jeans and a white rubber shoes. Sa kanyang attire bagay iyon sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin nang palapit na sila sa puwesto ko. Nagpatuloy ako sa pagmo-mop sa marmol na sahig. Pilit kinalma ang sarili. "Mauna na kayo sa sasakyan. Susunod ako," rinig kong utos ni Austine sa mga kapatid niya. "Make it fast, kuya... Naghihintay na sila Marina sa atin sa labas ng Hacienda," sabi ni Devina. Hindi pa rin mapinta ang pagmumukha nito. Natigil ko ang paglilinis para balingan ang dalawang magkapatid. "Let's go, Dev. Hayaan na natin si kuya baka may kakausapin," sabi ni Rickson at tumingin sa akin ng seryoso. Nawala na ang mapagbiro nitong mukha. Bigla akong kinilabutan nang tiningnan niya ako ng makahulugan. "The fvck are you talking, Rick? Just go... Susunod ako," wika ni Austine. Hindi na gustuhan ang tono ng kanyang kapatid. "Wala kuya. Sabi ko nga, lalabas na kami." Inakbayan niya ang kapatid na si Devina. Napangisi sa kapatid bago sumulyap sa akin. Nawala na naman ang ngiti niya at naglakad na. Nilagpasan na ako ng mga kapatid ni Austine. Iniwan kaming dalawa rito sa sala. Tumikhim ako at nag-focus na lang ulit sa pagmo-mop. Binalik ang mga tingin sa sahig. Para naman akong walang pakialam sa presensiya ni Austine na ilang agwat lang ang layu sa akin. Akala ko babalik siya sa pag-akyat sa second floor. Baka may nakalimutan kaya pinauna niya sa paglabas ang kapatid. Ngunit natigil ako sa pagmo-mop nang huminto ang puting sapatos nito sa may dulo ng mop, kung saan ako naglilinis. Tinigil ko ang ginagawa para pagtuonan ng pansin si Austine na kalmadong nakatayo sa harapan ko. "S-sir?" nangangatal kong tanong sa pagkat nakatitig lang ito sa mukha ko. Ilang segundo siyang nakatayo lang. Pinagmasdan bawat kunot ko ng noo sa kanya. Hanggang sa nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang panga ko. Pinagmasdan ang labi ko. "Isang sugat lang 'to kahapon. Bakit nadagdagan. Mukhang bago lang ito?" Sinuri niya nang maigi ang lips ko. Naninigas ako sa mga oras na iyon. Hindi makapaniwala na hawak niya ang panga ko para lang itanong 'yon. "N-nakagat ko lang sir... kaya dumami." Tinakwil ko ang kamay niya sa sobrang gulat, dahilan para umigting ang panga niya sa ginawa ko. Nakaramdam ako ng takot baka magalit siya sa malakas kong pagtanggal sa kanyang kamay sa panga ko. Nanaliksik ang mga tingin niya sa akin ngunit wala siyang reaksyon. Mas hinarap niya lang ako. Muling inabot ang panga ko. "Sino'ng may gawa nito? I don't think it's a bite, Celyn," mariin niyang tanong. Galing sa labi ko umangat ang tingin niya sa mga mata ko. Hindi ko na kayang itabig ang kamay niya dahil buong katawan ko nanlamig na sa paraan nang pagtingin niya sa akin. Naghihintay siya sa sagot ko. Sobrang seryoso ng kanyang mga mata. "W-wala lang ito, sir. Nakagat ko lang talaga kahapon. Sinadya kong kagatin," pagdadahilan ko. Hindi sigurado kong maniniwala ba siya. What a lame excuses. Sa sobrang takot ko sa pagtatanong niya kung ano-ano na lang ang nasagot ko. "Nakagat? Bakit pati pisnge mo may sugat. Sinadya rin ba 'yan?" Tinanggal niya ang kamay sa panga ko para hawiin ang buhok ko sa may kaliwang pisnge kung saan may nangingitim na pasa roon. Nakitaan ko siya ng pagkagalit sa mga tingin niya. "Uh... Na slide lang po ako kahapon sa bahay namin. Natamaan po ang pisnge ko sa kahoy." Iniwas ko ang pagmumukha. Inayos ko rin ang buhok para matakpan ito pa balik. Inatras ko ang paa palayo sa kanya nang sa ganoon hindi niya ako maabot. "Do I look stupid to believe your stupid reason?" Nagtaas siya ng kilay. Pinuno ko ng hangin ang dibdib. Para na akong mabuwal sa paraan ng pagtingin niya sa mukha ko. "H-Huwag niyo akong alalahanin s-sir. Okay lang po ako—" "Sa tingin mo nag-alala ako sa'yo? I am just only asking you... Sino'ng may gawa ng mga sugat mo?" His jaw clenching when he tilt his head. His lips form into thin line while waiting for my answer. "W-wala po... Walang may gawa nito sa akin. Nadulas lang talaga ako," pagtanggi ko. Nakakapanghina na ang mga tingin ni Austine sa akin kaya yumuko ako para magpatuloy na sa pagmo-mop. Ang hirap talaga tagalan ng mga tingin niya lalo na't kakaiba ang hatid sa akin sa simpleng titigan naming dalawa. "And what about your arm?Who made this to you?" Akala ko matigil na siya ngunit nagulat ako nang hinablot niya ang braso ko nang malakas kung saan nagkaroon ng pasa noong natamaan ng kahoy sa pagtulak ni papa Romulo sa akin kaninang umaga. Sa puntong iyon nangatog na ang binti ko nang magkatinginan ulit kami. Nabitawan ko ang mop sa sobrang gulat kaya nagkaroon ng tunog sa bahay nila. "Who made this bruise, woman?" he asked with his scarier voice. Parang kulog iyon sa tenga ko. "Wala lang 'yan. Bitawan mo ako sir Austine. Nasasaktan ako." Kinuha ko ang braso nang humigpit ang kapit niya pero ayaw niyang bitawan. Sumiklab lalo ang poot sa kanyang mga mata nang wala siyang makuhang matinong sagot sa akin. "Sasagutin mo ako? O puro kasinungalingan na lang ang sasabihin mo.... Answer me. I'm giving you a last warning." His eyes was burning in irritation. Bawat segundong paghihintay niya sa sagot ko ay siya ring pag-usbong ng takot ko sa kanya. Ilang beses akong huminga para lakasan ang loob nang sa ganoon hindi ko siya magalit sa sagot ko. "N-nagsasabi ako ng totoo. Wala lang sabi 'yan. Nadulas lang ako kaya nagkaroon ng pasa ang braso ko." Utal-utal na akong nagsasalita. Hindi ko na matagalan ang nag-aapoy niyang mga mata. Yumuko siya para pagmasdan ang nangingitim kong sugat. Tumaas ang balahibo ko nang sinuri niya nang maigi ang braso ko bago niya binitawan. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nandilim na naman ang kanyang mukha. "Ayaw kong may tatanga-tanga rito sa bahay. Naintindihan mo?" giit niya sa walang ganang boses. Umawang ang bibig ko. Napilitang tumango para matapos na ang usapan. But he was not enough to insult me. "Ganyan ba ang ipapadala ng magulang ko para maging katulong ko sa Mansyon? I don't think you're capable enough to take care of me. Sarili mo nga, hindi mo kayang alagaan. Ako pa kaya? You're being irresponsible." asik niya sa tunog suplado. "S-sir Austine..." Singhap ko sa kawalan dahil sa masakit niyang salita. Bigla akong natameme. Ngayon lang ako nakatanggap ng salita na sinabihan ng tatanga-tanga. At irresponsible? Muli niyang tiningnan ang labi ko. Mariing nakatikom ang kanyang bibig. Naghihintay sa sasabihin ko ngunit nang makita niyang nanghina ako. Agad niyang dinugtungan ang sasabihin. "Ni hindi mo kayang alagaan ang sarili mo. Katangahan ang magkaroon lang ng pasa dahil sa pagkadulas. Tama nga ang desisyon ko, hindi ka nababagay na maging katulong ko kung sa simpleng pag-iingat hindi mo pa kayang gawin." Suntok sa puso ko ang bawat linyang binabato niya sa akin. Kinurap ko ang mga mata. Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso. Walang emosyon naman siyang nakatitig sa akin. "H-Hindi ko naman sinasadyang madulas," namamaos kong sabi. Nawawalan na ng kumpyansang magpaliwanag. Nawala ang mga tingin niya sa akin nang pumasok bigla si Rickson sa bahay nila at tinawag siya. "Kuya! Nandito na sila Marina. Let's go? Ikaw na lang ang hinihintay sa labas. We're ready." Hindi pa rin nagbabago ang kanyang ekspresyon. Madilim pa rin nang tinagilid niya ang ulo para sulyapan lang ang kanyang kapatid pagkatapos binalik niya agad sa akin ang mga tingin. Hindi pinansin ang kanyang kapatid sa may pintuan. "U-Umalis na kayo sir. Naghihintay na sila sa inyo. Huwag niyo na akong alalahanin pa. Sorry kung naging tanga ako sa paningin niyo," sambit ko sabay hinga ng malalim. Yumuko ako sa harapan ni Austine. Hindi ko na siya matingnan. Pinigilan kong itago ang kahinaan sa kanyang harapan. Umupo ako para pulutin ang mop na nabitawan ko. Kukunin ko na sana ito nang bigla niyang tinapakan ang mop. "Hindi pa tayo tapos... I don't believe your excuses. I'm not stupid para maniwala na nadulas ka lang. Mag-usap tayo pagka-uwi ko..." He suddenly hold my forearm. Gripping it tight. "I need your explanation, Celyn or else, pupuntahan kita sa bahay niyo para alamin ang totoo," seryoso niyang sabi saka binitawan ang siko ko. Inatras niya ang mga paa palayo sa mop hanggang sa makita ko ang mga paa niya na nilagpasan na ako. Ilang paghinga ang ginawa ko bago ko pinulot ang panlinis sa sahig. Kapansin-pansin ang panginginig ng kamay ko. Hindi ko makuha kung bakit ganito na lang ka sama ang ugali ni Austine sa akin. Para bang lahat ng galaw ko naka bantay siya. Kaya nahihirapan na ako kung paano magpaliwanag sa sarili. I don't think, kaya kong sumama sa kanya sa Manila kung ganito ka gaspang ang ugali niya. Siguro, hindi ko kakayanin. Ang hirap niyang pakisamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD