"A-ako? Maging katulong mo?" gulantang kong tanong. Hindi pa rin makapaniwala na pumayag na siya. Namulsa siya saka tumango nang wala sa sarili. "That's right. Magiging katulong kita. Sasama ka sa akin sa susunod na araw papuntang Manila. But before that... Dapat makulong ang taong nanakit sa'yo. What I see right now, you're abuse. Kailangan niyang pagbayarin ang ginawa niya." Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Makikita mo sa kanyang mata na determinado nga siya sa kanyang desisyon. Nag-iwas ako ng tingin. "Please, Austine... Huwag ka na lang mangialam. Awayan lang ng pamilya namin ito," pag-iling ko sabay buntong hininga. When I turn my gaze on him again. Mas bumakas sa mukha niya ang iritasyon sa naging desisyon ko. Sa totoo lang mahirap para sa akin na ipakulong si papa. Hindi ak