Chapter 7: Katawan

3164 Words
Alas kuwarto na nang hapon pero hindi pa rin umuuwi sila Austine sa bahay nila. Mukhang nag-enjoy pa yata sila sa pag-camping sa tabi ng ilog kasama sila Marina. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi magkatagpo ang landas naming dalawa. Makakauwi ako ng matiwasay nang hindi makaramdam ng takot. Until now. I can still remember how he threatening me with his words earlier. Nakakapanghina ng tuhod. Ang huling paalala niya sa akin mag-usap raw kami tungkol sa mga natamo kong pasa pagka-uwi niya. Pero wala pa naman sila kaya umuwi na ako sa araw na iyon. Saktong nandoon na rin ang mag-asawa na si Ma'am Grace at sir Martin kaya nagpaalam na ako. Bago ako tuluyang umalis. Pinadalhan nila ako ng pagkain nang sa ganoon may makain ang mga kapatid ko pagka-uwi. Binigay niya rin ang sahod ko sa loob ng 15 days, kaya marami akong dala nang makauwi, laking tuwa ng mama ko nang maibigay ko sa kanya ang kita ko. "Nag-iinom ang papa mo kina Berting. Hindi pa umuwi mula kaninang umaga," sabi ni Mama habang kumakain kami sa gabing iyon. Ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang boses. "Hayaan niyo na siya, Ma. Uuwi din 'yun," balewala kong sabi. Nawawalan na ng gana dahil na pag-usapan na naman si papa. Galit ang namumuo sa aking damdamin. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya saktan si mama at pagsalitaan ng masama nitong umaga. Nakakaya niya ring saktan ako nang walang pagdadalawang isip. Mula pagkabata ganoon na talaga ang turing ni papa kay Mama. Pero nang lumaki na ako mas lumalala lang kung paano niya tratuhin ang ina ko na walang ibang hangad kundi ang mabago ang ugali niya. "Kahit gustuhin ko mang palayasin siya hindi rin kaya ng konsensiya ko anak. Siya pa rin ang ama niyong lahat. Umaasa ako na mababago pa siya," mahinang sabi ni Mama. Malaki ang pagkapayat ni mama. Halos hindi na nito inaasikaso ang sarili dahil lahat ng atensyon niya ay nasa pag-aalaga ng mga kapatid ko. Dagdagan mo pa kay papa Romulo na walang ibang gawin kundi ang mag-inom at awayin si mama pagka-uwi. Kagaya na lang ngayon. Labis ang takot naming lahat nang sa kalagitnaan sa pagtulog namin sa gabing iyon, nakarinig kami ng kalampang papasok ng bahay at ang boses ni papa na umaalingawngaw sa malalim na gabi. "Hoy! Joanna! Nasaan ang asawa kong walang kwenta? Pati anak ko na suwail na rin sa akin! Pareho kayong lahat mga walang silbi!" sigaw ni papa sa nalalasing na boses. Pinukpok niya ang dingding para gisingin kaming lahat. "Nakikinig ba kayo sa akin... Gumising kayo! Harapin niyo ako!" Sa tuwing ganito na si papa sa amin. Nanginginig na kami sa takot. Pero sa gabing iyon hindi ko naramdaman ang takot ko sa kanya. Pinakalma ko ang sarili habang nakikinig sa bawat litanya nito. "Romulo! Manahimik ka nga. Binubulabog mo ang kapit-bahay natin. Tulog na ang mga anak mo." Lumabas si Mama sa kuwarto nila para harapin si papa na sumisigaw. Hindi na ako makatulog. Gising na ang diwa ko sa mga oras na iyon. Niyakap ko na lang ang maliliit kong kapatid na mahimbing na natutulog sa tabi ko habang nakikinig sa pag-uusap nila mama at papa na nauwi na naman sa awayan ng dalawa. "Pokpok ka 'no? Kung sino-sino na lang siguro ang tumitira sa'yo habang wala ako sa bahay kaya ayaw mo sa akin!" bulyaw ni papa nang sinabihan siya ni mama na maghiwalay na sila dahil hindi na nito nakayananan ang ugali niya. "Ano'ng pokpok pinagsasabi mo, Romulo? Halos hindi na nga ako lumalabas ng bahay kababantay ng mga anak natin tapos iisipan mo pa ako ng masama." Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Kahit ano'ng gawin ko para makatulog pa balik. Hindi na ako dinadalaw ng antok dahil sa palitan ng salita nilang dalawa na hindi maganda sa pandinig lalo na't sinabi ni papa kay Mama ang pinakamasakit na narinig ko... Na nakakasakit para sa akin bilang anak na sabihan niya ang ina nang... "Kaya siguro tayo tinutulungan ng mga Salazar dahil kapalit niyon ang katawan mo, Hindi ba? May nangyari ba sa inyo habang wala ako? Di ba't gusto mo si Martin? Ano? Nagkikita ba kayo ng patago? Ang landi mo rin talaga 'no." Nakarinig ako ng malakas na lagapak ng kamay at ang kasunod nito ang pag-iyak ni mama. "Nagseselos ka kay Martin? Matagal na panahon na 'yun. Walang nangyari sa amin. Magkaibigan lang kami. Wala na akong gusto sa kanya. May mga anak na siya. May asawa na rin ako. Huwag mo namang lagyan ng malisya ang pagtulong ng tao sa atin. Mabuti nga ang mga Salazar may binibigay para may makakain tayo. Ikaw ba? Wala, hindi ba?" "Aba. Putangina ka talaga! Pinagkompara mo pa kami sa kababata mong si Martin. Kayo na lang ang magsama! Umalis ka rito! Makisawsaw ka sa pamilyang Salazar!" Nakarinig na naman ako ng kamay na dumapo sa pisnge. Umiyak na si mama nang mahina. Kahit naririnig ko lang sila, alam kong nanakit na naman si papa sa kanya. Agad na akong bumangon sa pagkakahiga para awatin silang dalawa. Hindi ko na kayang nakikinig na lang kung paano niya bastusin si mama nang ganito. Kung kakausapin niya parang wala ng respeto. "Lahat na lang pinagseselosin mo. Wala ka namang ebedensiya na may nagawa akong mali!" hagulhol ni mama. As usual nagkaroon na naman ng pisikalan at sigawan sa dalawa. Inawat ko na naman silang dalawa pero sa bandang huli nagkaroon na naman ako ng sugat nang sinubukan kong awatin si papa para hindi niya masaktan si mama. "Huwag kang humarang-harang, Celyn! Pumasok ka sa kuwarto mo!" sita niya sa akin saka ako tinulak ng malakas kaya natumba ako. Napa-upo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact nang pagkakatulak niya. Kahit lasing si papa nandoon pa rin ang lakas niya. "Hindi ka na talaga naawa sa amin! Pinapahirapan mo kami ng ganito! Hindi ka na nahiya sa mga anak mo!" Agad naman akong dinaluhan ni Mama para matulungang makatayo. Napapikit ako nang mariin dahil panibagong pasa na naman ang natamo ko sa aking braso. Nangingilid na ang luha ko. "Ano'ng sabi mo? Sa tingin mo maawa pa ako sa inyo kung ang tingin niyo sa akin walang kwentang ama. Nagtatrabaho naman ako pero hindi pa pala sapat! Pinamukha mo sa akin na wala akong kwentang ama ng mga anak natin." Hinawakan ni papa ang buhok ni mama saka niya ito pinagsasampal. Nandidilim na ang paningin ko habang tinitingnan kung paano niya saktan si mama kaya tumayo ako at sinampal ko rin si papa nang pagkalakas-lakas. Tinulak ko siya para mabitawan niya si mama. "Tama na, pa! Tama na!" sigaw ko. Nagulat siya sa pagsampal ko kaya ako ang hinarap niya sa nangalaiting tingin. Binitawan niya ang buhok ni mama. Mabilis niya akong inabot. Hinawakan niya ang buhok ko at pinagsasampal niya ako. Hindi pa siya nakuntento kumuha siya ng sinturon at hinampas niya sa aking paa at likuran. Natatamaan ang braso ko. Pinadapa niya ako sa sahig. Tinapakan ang likod ko habang patuloy na naghahampas. "Ang dapat sa'yo maturuan ng leksyon! Wala ka ng respeto sa nagpalaki sa'yo!" si Papa habang hinahampas ako nang walang katapusan. Sumisigaw lang ako sa sobrang sakit ng sinturon na dumapo sa aking balat. Hindi ako makagalaw dahil nasa likod ko ang paa niya. "Tama na, Romulo! Huwag mong saktan si Celyn!" Niyakap ako ni Mama para hindi ako matamaan ng pananakit nito. Umiiyak lang ako sa mga oras na iyon kasabay ng pagising ng mga kapatid ko para yakapin ako. Nakita nila ang nangyari. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa natatamong sugat sa aking binti at likod na natatamaan ng bakal ng sinturon. Kinabukasan niyan kahit paika-ika ako sa paglalakad, pumasok pa rin ako sa trabaho bilang katulong ng mga Salazar habang iniinda ang pananakit ng buo kong katawan. Pinilit kong ipakita sa kanila na wala akong nararamdamang pighati pero hindi nakaligtas kay Austine ang mga pasa ko nang magkita kami sa umagang iyon. Habang naghahanda ako ng pagkain nila sa hapag sinusulyapan niya ang mukha ko na may namumula pa at sugat galing kagabi. Tumingin rin siya sa kamay ko na may nangingitim rin nang matamaan din iyon ng sinturon. Kahit kausap nito ang kanyang magulang hindi niya ako tinantanan ng tingin. Pilit kong iniiwas ang mga mata ko sa kanya. "Two days from now. We will go back to Manila, I will look forward to our business in there,"sabi ni Austine, while he keep on looking on me. Hindi ko mapigilang sulyapan siya sa kanyang upuan. Nagkatagpo agad ang mata namin. Ako ang unang nag-iwas ng tingin nang sumeryoso ang kanyang itsura. Sa tuwing minamasid niya ang mga tingin sa akin. Hindi ako makapakali, animo'y kakainin ako ng buhay. "You should take a rest son. Hindi ko naman sinabi na paglaanan mo masiyado ng pansin ang negosyo. Kung nahihirapan ka, just inform me, I can help you," wika ni sir Martin na tinanguan lang ng anak. "Dad and Mom? Kailan kayo pupunta sa Salazar's farm natin? So that you can see the improvement in our plantation?" singit ni Rickson sa usapan kaya sa kanya na nabaling ang tingin ng lahat pero si Austine palihim pa rin ang pagtingin sa akin. Magkasalubong ang kanyang kilay. Kahit marahan siyang kumakain. Lihim niya pa ring kinukuha ang atensyon ko. Hindi ko makuha kung bakit ganito siya makatitig sa akin. Para bang may nagawa akong mali. Mabuti na lang natapos rin ako sa pag-aasikaso ng pagkain nila sa hapag kaya umalis na ako sa dinning area bago pa ako malusaw sa nakaw tingin ni Austine sa akin. I heard him cleared his throat when I turn around. Kinagat ko ang labi. Nakasuot na nga ako ng jacket para itago ang mga natamo kong sugat. But he's still notice on it. Sa tuwing naglalakad ako, tiningnan niya rin ang bawat hakbang ko kanina kaya siguro tumikhim siya nang tumalikod ako paalis sa kanilang hapag. Napansin niya siguro ang paika-ika kong hakbang. Kasalukuyan na akong nagdidilig ng halaman sa kanilang hardin. Ilang sandali pa narinig ko ang mga yapak niya sa likuran ko. Sinusundan ako rito. "We need to talk. Hindi pa ako tapos sa'yo," he said reminding me what he was saying yesterday na mag-usap raw kami sa pagbalik niya. But obviously, hindi nangyari dahil umuwi ako kahapon nang hindi siya naabutan. Bago ko pa siya mabalingan naramdaman ko na lang ang pagkaladkad niya sa akin sa likod ng puno ng mangga kung saan walang makarinig at makakita sa amin rito. Sinandal niya ako sa matigas na puno. Tinukod ang isang kamay sa ulohan ko at ang isa sa tabi ng bewang ko, kinulong niya ako sa mga tingin niya. Blangko ang mga mata niya nang magkatinginan kami. "Bakit hindi mo ako hinintay kahapon?"He breathed heavily. Kinurap ko ang mga mata. Titig na titig siya sa pagmumukha ko. Bawat angulo sa parte ng aking mukha, sinusuyod niya ng tingin. Bago pa ako makapagsalita, agad nitong na pansin ang kaliwang bahagi ng aking pisnge. "Ano'ng nangyari rito? Namumula... Hindi 'yan ganyan ka pula kahapon. May panibago na naman..." He was asking with his serious tone. Cheeking my cheeks. Inangat niya ang kamay para hawiin ang buhok ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Hinawakan ang pisnge at tinakip ang nakalugay na buhok para hindi niya makita ang labis na pamumula ng sampal ng ama ko kagabi. "Wala lang ito—" "Sinasaktan ka ba sa bahay niyo?" pauna niyang tanong. Kahit walang reaksyon ang kanyang mukha mababakas naman sa mata niya ang pagtitimpi ng galit. Nakakatakot kung paano niya ako tanongin ngayon. "Hindi. Wala lang ito.Kailangan ko ng ipagpatuloy ang trabaho. Baka makita pa tayo ng mga kapatid mo o magulang mo, baka ano'ng iisipin nila." Aalis na sana ako sa kanyang harapan pero laking gulat ko nang hinaklit niya ang braso ko na may sugat. "Hindi importante sa akin kung makita nila tayo. Ang gusto kong malaman kung sino ang nanakit sa'yo? Huwag kang umiiwas sa tanong." I gulped and looked away. Hinuhuli niya ang mga mata ko pero hindi ko siya matingnan pabalik. Humigpit ang kapit niya sa braso ko kung saan may sugat. Impit akong dumaing sa paraan nang pagkakahawak niya, natatamaan nito ang pasa ko kaya kumunot ang noo niya. Bumababa ang tingin niya sa aking braso na hawak nito. Nakasuot ako ng jacket pero lumitaw pa rin sa bandang kamay ko ang mga sugat nang umangat ang dulo nito. Tinaas niya ang tela ng jacket sa braso kaya mas nakita niya ang pangingitim roon. At ang mga natamo kung sugat. "This ain't right? Sino'ng may gawa nito sa'yo? Answer me?" tanong niya sa nag-aalab na galit. Para na namang kulog ang boses niya. "W-wala lang ito, sir..." Kinuha ko pabalik ang braso. Tinabunan ang mga pasa. Nakaramdam na naman ako ng takot sa presensiya niya. "Answer me, Celyn? Huwag mo akong pakitaan ng pagkatakot. Sino'ng may gawa ng mga pasa mo?" Hinawakan niya muli ang braso ko. Nag-aalab sa poot ang kanyang mga mata. Gumalaw ang kanyang panga sa simpleng paghinga niya nang malalim. "Maiwan ko na kayo sir. Huwag niyo na akong pakialaman. Hindi niyo ako responsibilidad," wika ko sa naghihingalong boses. Kumuwala ako sa pagkakahawak niya. Akmang aalis na ako nang bigla na naman niyang hinablot ang kamay ko at pinabalik sa pagkakasandal sa katawan ng puno. Dumaing ako sa sakit nang matamaan ang sugat ko sa likuran. "Damn it!" He frustratedly said while reading my face. Napalunok ako nang makitaan ko siya nang samo't-saring emosyon. Ngunit mas nanaig sa ekspresyon niya ang pagiging iritado. "Turn around. Let me see your back." Laking gulat ko nang pinatalikod niya ako. Walang pagdadalawang isip niyang tinaas ang damit ko sa likod. I was literally shocked on his sudden moves. Tinakpan ko ang damit sa may bandang kili-kili ko bago niya pa makita ang dibdib ko. "Sir ano'ng ginagawa mo? Bitawan mo ako." Pilit akong humarap sa kanya pero mas lalo niyang diniin ang katawan ko sa puno. He was checking my back silently. Ilang segundo siyang tahimik habang pinagmasdan ang likod ko na may sugat gawa noong hinampas ni papa kagabi ng sinturon. "Tangina, Celyn... Magulang mo ba ang may gawa nito sa'yo? They need to put in jail for abusing you," mariin niyang wika saka niya binalik sa ayos ang damit ko na parang wala lang siyang ginawa. Muntik pa nitong makita ang gilid ng dibdib ko. "Just stay in there. I will check on you." Akala ko tapos na siya. Haharap na sana ako pero hindi niya pinahintulutan. Hinawakan niya ang likod ko. Pinatigil sa pagharap sa kanya. "This trace was mark by a belt, right?" aniya. Hindi pa siya na kuntento, nag-squat siya sa harapan ko at tinaas ang sweat pants kong suot at nakita niya agad mga namumuong marka ng sinturon doon sa aking paanan. "Tama na 'yan, Austine!" bahagyang pagtaas ng aking boses. Pinipigilan siya sa pag-check ng aking katawan. "Alam kong may mali. Kaya pala paika-ika ka ng lakad kanina. You have fvcking bruises in here too." Hinawakan niya ang likod ng aking binti. Parang may kuryenteng nanalatay sa buong katawan ko sa simpleng paghawak niya sa aking balat. Pumikit ako nang mariin. Halong takot at galit ang naramdaman ko sa walang pakundang niyang pangingialam sa akin. Nang tumayo siya pa balik. Doon niya tinanggal ang kamay sa aking likod kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na harapin siya. Malakas na sampal ang sumalubong sa kanya galing sa akin. "Ang bastos mo! Wala kang karapatang tingnan ang parte ng katawan ko! Sino ka ba para mangialam sa buhay ko. Muntik mo ng makita ang dibdib ko sa pinanggagawa mo! Manyak ka!" Huminga ako nang malalim pagkatapos kong isigaw iyon. I was shaking. Pakiramdam ko nahubaran ang pagkatao ko. Unang beses na may tumingin sa katawan ko. Siya pa lang ang nakakita pero parang balewala lang sa kanya kahit na sisilipan na ako. "Do I look like a maniac to you?" he asked in disbelief. "Nakita mo ang katawan ko! Halos lumabas ang dibdib ko nang tinaas mo ang damit ko. Sa tingin mo, hindi ka pa manyak sa lagay na 'yan?" Umaapoy ang mga mata niya sa iritasyon. Hindi na gustuhan ang pananampal ko at ang pagsabi ko sa kanya ng mga hindi kanais-nais na salita. Nagkaroon ng pulang marka ang kanyang pisnge. I was caught off guard when he pinned me on the tree. Hinawakan ang siko ko nang pagalit. Umigting rin ang kanyang panga. "Sa tingin mo pagnanasaan ko ang katawan mo? Let me remind you, Celyn. I'm not interested in your breast nor your body..." Tumigil siya saglit para magpakawala ng bayolenteng paghinga. He gave me a glare. "Balewala lang 'yan sa akin. You're far from my taste. Hindi ka nangalahati sa mga babae ko... Don't make me laugh with you. You're just nothing but a maid with no curve." He looked at me disgustedly. Proud pa itong nag-angat ng labi habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa na may pang-iinsulto sa kanyang mga mata. Pinanliitan niya ako ng tingin bago siya napa-iling ng ulo. "Ano'ng sabi mo?" hindi makapaniwala kong tanong. Lumayo siya sa akin. Binitawan ang siko. Nawala ang galit sa kanyang mukha. Nagiging walang ganang tingin ang ginawad niya sa akin. "Come on, woman. I just want to check your bruise—" "Wala kang permiso para hawakan ako, sir Austine. Kung sa tingin mo kagaya ako ng mga babae mo na pwede mong kapain sa kahit saang parte ng katawan. Hindi ako ganoon... At huwag kang mangialam sa buhay na meroon ako." I pushed him so that he can stay away from me. But he was so strong. Hindi niya ako hinayaang makaalis sa pagkakasandal sa puno ng mangga. Muli niyang hinawakan ang braso ko. Padarag akong binalik sa pagkakasandal. "Huwag kang bastos. Kinakausap pa kita," maowtoridad niyang singhal. Nilapit niya ang bibig sa punong tenga ko. Hinawakan niya muna ang aking bewang nang mariin bago siya nagsalita. "Magmula ngayon... Pwede kitang hawakan sa parte ng katawan mo... Alam mo kung bakit? Dahil tutuloy ka sa pagiging katulong. Sasama ka sa akin sa Manila," bulong niya sa nakakakilabot na boses. Natanga ako nang ilang saglit sa kanyang harapan. Pinoproseso ang sinabi nito. Tinagilid niya ang mukha para tingnan ang gulat kong reaksyon. "A-akala ko ayaw mo akong maging katulong?" nangangatal kong tanong. He smirked. Binitawan niya ang bewang ko. Tinukod niya pabalik ang kamay sa gilid ng ulo ko saka ako tiningnan nang mataman. "Nagbago na ang desisyon ko. Upon seeing what you're going through. I want to help. Ilalayo kita sa nanakit sa'yo para hindi ka niya saktan nang ganito... Ako na ang magiging boss mo. Pagmamay-ari na kita magmula ngayon... Lahat ng utos ko, gagawin mo. So you better respect me or you'll get your punishment." Natuod ako nang marinig ang sinabi niya. Para na akong himatayin sa init ng kanyang hininga na tumama sa aking tenga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD