TTPCIAM; Chapter 2

2136 Words
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA PAG UWI KO NG UNIT ko wala na akong naabutan, binaba ko muna ang hawak kong paper bag na may lamang ulam. Pagdating ko sa mesa sa kusina nakita ko ang sticky note sa glass table. Kinuha ko ito at binasa ng malakas. “Ava. Umalis na ako alam ko kasing matatanggap ka, dala ko ang mga alaga mo dahil alam ko din na ipapa alaga mo ito sa akin. Kung day off mo naman sana umuwi sa San Mateo ingatan mo sarili mo. Tita.” Basa ko dito at ngumiti ako at umiling. “Tulad ng alam ko, gagawin talaga ito ni Tita..” wika ko at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nag padala ako ng mensahe dito at sinabi ko na natanggap ako. Yung bahay ko? Okay lang yan ako na may ari nito. Uuwi na lang ako kapag sunday mag papa-alam ako sa boss ko para malinis ko naman dito. Matapos ko gawin ang dapat kong gawin, bago ako bumalik sa bahay ng mga Clemenza ay nag linis muna ako ng buong unit ko. Nang matapos ako sa lahat lahat, lahat ng pagkain ko sa ref tulad ng mga de lata ay nilagay ko na sa bag na dadalhin ko. May mga snack din ako yung iba ibibigay ko na lang sa kabilang unit mas lalo yung mga karne. Pinag hiwa-hiwalay ko ito at nang matapos ako doon ko napansin na para akong mag babalik-bayan sa bigat ng dala ko. Kinuha ko yung mga karne at lumabas ako ng unit ko. Kumatok ako sa katabing unit, mag ina ang nakatira doon yung asawa niya na lalaki DH o OFW sa Qatar. Pinindot ko ang maliit nitong doorbell dahil wala pang nagbubukas, naghihintay ako saglit. Nang bumukas, “Oh Savvy? May kailangan ka ba?” Tanong nito sa akin. Pinakita ko sa kanya yung mga dala ko. “Ito ibibigay ko sana kasi masisira ito sa akin. Natanggap na kasi ako sa trabaho ko.” Paliwanag ko dito. “Halika pasok, ay ganun ba? Sige sige hindi ko na tatanggihan yan..” naka ngiti nitong wika. Nakita ko ang baby nito. Nilipitan ko ito na nakakulong sa kanyang crib. “Hi baby..” bati ko dito at hinawakan nito ang daliri ko at akmang isusubo nito ng pigilan ko ito. “Bukas na kasi ang alis ko kaya naman talagang dinispatsya ko na yan sayang kasi. May mga de lata pa ako dun baka gusto mo? Iba lang dinala ko yung mga favorite ko lang.” wika ko kay ate Marie Belle. “Ay okay sige, kukunin ko kesa masira yan uuwi ka naman dyan ano??” Tanong nito. Tumango ako at ngumiti ako sa baby ni ate Marie. “Punta kana lang sa unit ko ate, mag aayos pa kasi ako ng damit ko, dalhin mo si Baby huwag mo iwan yan dito delikado..” paalam ko at paalala ko. “Sige sunod kami iayos ko lang ito..” sagot nito. Lumabas na ako at bumalik na ako sa unit ko. Dumeretso ako sa kwarto ko inayos ko ang mga dadalhin kong damit na pang araw araw at ang tatlo ko pang damit na pang chef. Problema ko paano ko ipapasok sa loob ng mansion na yun ang gamit ko at sniper ko? “Sa sasakyan ko na nga lang ilalagay..” pag kausap ko sa sarili ko. Matapos nito nilagay ko sa gilid lahat ng dadalhin ko at inayos ko ang kama ko. “Savvy?” Tawag ni ate Marie. Lumabas agad ako at nakita ko na buhat nito si Baby. “Tuloy lang po kayo!” Sagot ko at hinayaan ko na sila pumasok sa loob ng unit ko. Sanay na ako na ganito kami, sa tuwing may work ako ito ang kausap ni Tita dito. “Ito po pala binalot ko na po ngayon. Kasi baka mahirapan kayo buhatin..” wika ko at pinakita ko sa kanya. “Ang dami, salamat sa blessing chef ha?” Pasasalamat nito natawa naman ako sa tinawag nito sa akin. “Wala yun,” sagot ko at binuhat ko si Baby at sinayaw sayaw ko ito at pinag hahalik-halikan ko ang pisngi nito na kina iyak nito. “Hindi na po ikikiss hahaha!” Natawa kong wika dito at pinatahan ko ito. LUMIPAS PA ANG GABI hindi ako maka tulog matapos umalis ni ate Marie sa bahay ko. Kaya ginawa ko lumabas ako at nag tungo sa malapit na bar dito ang Oz bar. Nag lakad lang ako dahil sa harap lang ito ng condo na tinitirhan ko. Pumasok na lang ako sa loob at ingay ang bumungad sa akin dumeretso ako sa pinaka counter at nag order ako ng lagi ko lang iniinom na beer. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid hanggang magawi ang mata ko sa gilid at nagulat ako ng makita ko si Mr. Clemenza dito pero hindi ko ito balak pansinin. Inikot ko pa ang paningin ko hanggang.. “Miss ito na po..” wika ng bartender na lalaki at humarap ako dito hanggang kunin ko ito. Ramdam ko ang pares ng matang naka tingin sa akin, hindi na lang ako lumingon hanggang may lumapit sa akin at nag salita ito. “Are you alone?” Tanong ng lalaki binalingan ko ito at tiningnan ko ito ng malamig. “Hindi ako nakikipag landian sa lalaking pang one night stand lang ang hanap. Back off!” Diretso kong sabi dito. “Yabang mo ah?! Bakit anong tingin mo sa sarili mo kaya mo ako?!” Galit na tanong nito na naging dahilan para tumigil ang tugtog. Ngumisi ako at tiningnan ito. “Kung oo ang sagot ko? May problema ba? Ikaw ang unang lumapit sa akin wag kang pikon.” Sagot ko dito. Binigyan ako nito ng isang mayabang na ngisi. “Hindi mo ako kaya sa liit mong yan?” Tanong nito. Nagkibit balikat ako at tumayo, “Plano ko lang talaga ay mag pa antok at hindi para makipag away.. kaso pwede naman baguhin..” malaman kong wika at tiningnan ko ito. Tumayo ako at namulsa ako, “Pero warning lang, hindi ako yung tipo ng babae na basta nag papatalo..” pag bibigay ko ng babala dito. “Yabang pare oh! Pakitaan mo nga!” Pambubuyo ng kasama nito kaya napa iling ako. Tumalikod na ako at humarap ako sa counter upang bayad sana ng.. “Maka uwi na nga lang, kuy——” bago ko pa natapos ang sasabihin ko agad kong naiharang ang buong kanan kong braso sa bote ng isang alak. “Mayabang ka! Wala kang karapatan na——” hindi ko pina-tapos ito tulad ng hindi nito pag tapos sasabihin ko kanina. Sinakal ko ito at pinisil ko ang vital point nito sa leeg o ang litid nito. “Kapag tumigil ang pag daloy ng dugo sa litid mo paakyat sa ulo? Tingin mo ba mabubuhay pa utak mo?” Tanong ko dito at lalo kong diniinan ito. “T-tu-tulong!” Nang hihina ang boses nito sa paghingi ng tulong. Lalo pang humigpit ang pag pisil ko hanggang pinalo na nito ang braso ko. Nakita ko ang mga kaibigan nito na takot na takot, kitang kita nila paano nag tatalo ang pagka putla sa mukha at pamunula ng mukha ng kaibigan nila. Tinapat ko ang bibig ko sa teinga nito. “Bago ka mawalan ng malay sa oras na bitawan kita, sa susunod na magkita tayo tatapusin kita..” pag babanta ko at binitawan ko ito. “Saka palit ka ng kaibigan walang kwenta eh..” dagdag ko habang naka tingin sa mga kaibigan nito na tinutulungan ito. “Ito bayad ko..” wika ko at inabot ko ang limang daan at umalis ako ng walang lingunan. Pag labas ko napa buntong hininga ako. “Hindi ka nag enjoy miss?” Tanong ng bouncer sa akin. Nag kamot ako ng ulo bago sumagot, “May asungot kasi boss, sa loob.” Sagot ko na kina tawa bigla nito. Nag paalam na ako at tumawid ako upang umuwi na sa unit ko . KINABUKASAN MAAGA AKO UMALIS NG UNIT KO nag dikit ako ng sticky note sa pinto ni Ate Marie iniwan ko din ang number ko sa likod note. Nag tungo ako sa sasakyan ko at sumakay na ako bago ako bumiyahe patungo sa mga Clemenza. Mabilis lang ang biyahe dahil wala namang traffic kapag maaga ka. Hindi nagtagal nakarating na ako, kung mag taka man sila na may sasakyan ako ay madali na lang mag dahilan sa klase ng trabaho ko? Wala akong sasakyan para naman atang nakaka pag taka yun.. Easy lang sa katulad ko ito at baliwala sakin ang mag sinungaling kailangan ko ito gawin kundi, yari na! Binaba ko ang salamin ng bintana ko. “Hi po, natanggap po ako bilang chef kahapon po.” Paliwanag ko at bati ko. “Ay oo miss, sinabi ka sa amin ni Sir Clinton. Sige po pasok po kayo gising na sila..” sagot ni manong kaya nag pasalamat ako at nginitian sila. Pumasok na ako at nag tungo sa mga Clemenza. Yung buong lugar dito halos sila lang naka tira, kahit yung ibang bahay medyo may kalayuan na. Mukhang malaki ang pagmamay-ri nila. “Nakaka out of place naman ang mga mayayaman na ‘to..” hindi ko mapigilan na hindi isa-tinig. HINDI NAG TAGAL NAKARATING na ako sa mga Clemenza binaba ko lang ang bintana at nag salita ako. “Boss. Ako po yung natanggap. Ciara Savannah po pangalan ko..” magandang kong pakilala dito. Sumilip ito at agad ngumiti, “Kayo po pala sige po pasok na po kayo.” Sagot nito at binuksan ang gate ako naman ay pumasok na rin.. Bumaba na ako at kinuha ko ang gamit ko. “Ma’am nice car. Akin na po susi niyo.” Nagulat ako ng may nag salita sa likod ko. Agad akong lumingon. “Kayo po paka nagulat po ako. Ito po hindi po ba sila mag tataka na may sasakyan ako?” Tanong ko dito. “Naku Ma’am hindi po, ako na po bahala dito. Pasok na po kayo..” naka ngiti niyong sagot. Tumango na lang ako at binuhat ko lahat ng dala ko, ang nag pabigat lang dito ay yung pagkain ko. Kasi mukha ng madalang akong lalabas dito. Pumasok na ako dahil naka bukas naman ang pinto, nilibot ko ang mata ko hanggang may nakita akong babae na naka taas ang kilay at mataray ito kung tumingin. “Bakit nag hire ng isang babaeng chef ang fiancée ko? Nilandi mo ba?” Tanong nito. “Okay another bitchesa na naman.. tanong niyo po fiancée niyo Ma’am..” pambabara ko dito. “I don’t like you..” na niningkit ang mata nito habang nakatingin sakin. “Okay lang naman siguro na sagutin ko yan diba? Hindi naman ikaw mag papasahod sa akin. So the feeling is mutual Ma’am.” Naka ngiti kong sagot ulit dito. “Britney! Tigilan mo ang bago kong chef para kang bata!” Narinig kong dumagundong ang boses ng amo ko. Yumuko ako bilang paggalang. “What? I don’t like her babe, pwede ka naman mag hire ng lalaki bakit babae pa talaga? Are you testing my patience? O baka gusto mo na naman makita akong lampasuhin ito?” Pag babanta nito. “Gawin mo Ma’am, handa ako mawalan ng trabaho kapag sinaktan mo kahit hibla lang ng buhok ko. Lalampasuhin din kita..” tiningnan ko ito ng malamig habang nagsasalita. “Sir, asan po magiging kwarto ko? Mabigat kasi itong dala ko..” tanong ko sa amo ko. “Manay Lourdes? Paki hatid si Chef Corpuz sa magiging kwarto niya..” narinig kong utos ni Sir. Clinton. “Mag uusap tayo mamaya..” wika ni boss sa akin. Tumango na lang ako at sumunod kay manang. “Ito ang kwarto mo hija, hanggat hindi ka pinapatawag huwag ka muna lalabas dito ha?” Paliwanat ni Manang sa akin. Tumango na lang ako at nang umalis ito nilabas ko ang binigay ni Boss sakin kahapon. Nang mabasa ko ang mga condition niya.. Napagawi ako. “Ganun siya ka confident sa sarili niya para magustuhan ko siya? Ang lakas din pala ng apog nito?” Hindi makapaniwala kong tanong. Natawa lang ako at binasa ko ang iba, saka ko na iisa isahin ito sabihin sa inyo. Pumirma na lang ako dahil mukhang tanga mga condition nito. Para kang nasa high school sa mga condition nito. Yung tipong kinuha ka niya para mag panggap na gf niya for a months? Then rules don’t fall in love with him? Ang baho ng condition nito, natatawa parin ako habang pumi-pirma. Matapos nito nilabas ko ito para ihanda na mamaya sa pag uusap namin about this..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD