TTPCIAM; Chapter 1

2062 Words
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Daig ko pa galing probinsya na may hawak na address at tinitingnan ko bawal block and street. “Ito po ba ang Clemenza Residence?” Tanong ko sa guard sa isang guard house. “Oo miss, anong kailangan mo?” Tanong nito sa akin. Pinakita ko ito sa kanya ang form ko. “Nag apply ka para maging chef sa mansion, sige pasok ka sinabihan naman kami Madam Amelia para sa anak niya..” paliwanag nito at pinapasok ako nito. “Salamat po manong,” pasasalamat ko at yumuko pa ako. “Wala yun, yung itim na bahay yun ang bahay na pupuntahan mo..” utos nito kaya naman tumango ako at nag lakad na patungo sa pupuntahan ko. Napa buntong hininga lang ako ng napansin ko na ang layo pala, nagpadala ako ng mensahe kay Bryant na dalhin ang motor ko. Tauhan ko ito at kanang kamay ko na rin. Hindi naman nag tagal nakarating na ako, namangha ako sa pagiging aesthetic ng bahay na ito dahil plain black lang talaga ito. “Gusto ko na mag duda..” bulong ko hanggang may nakita akong naka chef outfit. Huminga ako ng malalim dahil nakaramdam ako ng kaba. “Good morning po dito po ba yung bahay ng mga Clemenza?” Tanong ko. “Oo Miss, nag apply ka ba?” Tanong ng guard sa akin, tumango naman ako at agad nito ako pinag buksan ng gate. “Bago ka pumasok mag suot ka muna ng chef na damit niyo. Baka masabon sa loob, “utos nito kaya binaba ko ang gamit ko at kinuha ko sa loob ang damit ko. “Salamat po kuya guard!” Pasasalamat ko at yumuko ako bilang paggalang, tinuro sakin nito saan ako dadaan. HABANG NAKAPILA KAMI AT NAKATAYO ang iba kong kasamang chef ay halos babae kaming lahat. Iba naka makeup pa. Napa iling na lang ako at tumayo ako ng maayos. Pwede naman mag make up pero asahan mo lusaw yan mamaya kapag nag luto ka. Delikado din ito sa pagluluto, kaya dapat hindi sila nag aayos. Tinali ko lang ang buhok ko para hindi ito mahuhulog sa pagkain. “Isa lang ang gusto ipagawa sa inyo ni Sir Clinton yun ang Filet Mignon. Gusto nito ng lutuin niyo ito sa oven. But he want medium rare.. maliwanag?!” Tanong ng babaeng tingin ko ay mayordoma dito. “Opo!” Sagot namin lahat. Tinuro muna sa amin nito ang lahat ng pasikot sikot sa kusina. Kaya agad kami kumuha ng karne, “Narinig ko na picky eater daw si Mr. Clemenza tanging karne lang kinakain nito at hindi ito kumakain ng kanin.” Narinig ko na pag uusap ng dalawang babae sa likod ko. Kaya siguro may pa cooking showdown pa ito, mukhang hindi basta basta ang magiging amo ko. “Ma’am? Pwede po ba kami mag add ng iba sa pagkain ni Mr. Clemenza?” Tanong ko sa babaeng nag babantaya sa amin. “Oo wala naman sa rules ang plain meat lang. basta siguraduhin niyo na walang kanin..” bilin nito. Tumango ako at agad akong kumuha ng patatas at binalatan ko ito. Anim na patatas ang kinuha ko upang gawing Risotto. Gagawin ko ang Filet Mignon-Risotto, kumuha din ako ng asparagus at mabilis akong nag luto nilagay ko na ang karne sa oven. Sinet ko ito sa oras, hindi oras dito sa bahay na ito kundi sa oras ko mismo. Para makuha ko ang saktong lambot ng karne at the same time ay medium rare. Pinakuluan ko ang pataaas ng tatlong minuto, ng matapos agad kong nilagay sa cold water at binalatan ko ito. Doon ko na ito ginawang mash potato. Naglagay ako ng olive oil sa non-stick pan at nilagay ko na ang patatas hindi kailangan lagyan ng onion. Tulad ng tinuro sa akin ng mentor ko, kung walang white onion wag na itong lalagyan dahil tatapang ang lasa ng pulang sibuyas. Matapos nito nag hiwa at nag linis na ako ng Asparagus at sa bukod na pan hinandan ko na ito lahat. Napa lingon ako ng makita ko ang taas ng apoy sa kabila. “Leave it! Leave it!” Utos ko at iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko at nag titili na ang mga babae na kasama ko. Kinuha ko ang puting towel at binalot ko sa braso ko at agad kong inalis ito tiniis ko ang init ng hawakan ng mailayo ko. Pinatay ko ang apoy. “Use another pan, you can use a non-stick pan..” mahinahon kong suhistyon at binalikan ko ang niluto ko. Saktong time na para kunin ang karne. Kinuha ko ito at pinag pahinga ko muna, hinalo ko ang Risotto, nag tungo ako sa ref nila at kumuha ako ng Parmesan para sa Risotto ko. Ito ang favorite ko na klase ng Risotto bukod sa patatas ito ay mabigat pa ito tyan para ka ng kumain ng kanin. Hinawakan ko ang karne at nang makita ko na nag cool down na ang temperature ay agad kong binuksan ang apoy at naglagay ako ng olive oil at doon ko lulutuin ang Filet Mignon. Nang mainit na ang pan nilagay ko ng dahan dahan ang karne. Muli akong tumingin sa orasan ko sa pambising ko at tinikman ko naman ang Risotto ko at napa tango ako ng malasahan ito at masasabi ko na masarap na. Pero nilagyan ko pa ito ng kaunti pepper and salt pa at hinalo ko muli. Matapos nito binalikan ko ang Filet Mignon ko at binaliktad ko na ito upang mag pantay ang luto. Hinawakan ko ito at alam ko na nakuha ko na ang tamang luto. Mahirap ito sa akin dahil hindi ako expert sa karne pero sa tuwing nag luluto ako, lahat ng sinasabi ng aking mentor ang naalala ko. Binalikan ko ang Risotto ko at tinikman ko ulit. Agad kong pinatay ang apoy at kumuha na ako ng malinis na white plate. Pinunasan ko muna ito, napa lingon ako ng makita ko yung babae kanina. “Napa mabusisi mo kanina pa kita pinapanood. Alam mo ang gagawin mo at kailan mo babalikan ang niluluto mo..” puna nito. Ngumiti lang ako ng tipid at nag plating na ako. Binalikan ko ang karne at nag lagay na ako ng butter at rose marry para bumango at ang Asparagus. Matapos ko niluto ko muna ang gulay bago ko alisin ito. Nakita ko ang mga babae na nag plating na rin. Sakto lang pala kaming lahat. “Magugustuhan ito si Sir Clinton, sure yan!” Narinig kong wika ng babae. Matapos nito hiniwa ko muna ang karne para kakainin na lang, nang makita ko ang luto napa ngiti ako dahil nakuha ko ang medium rare. May mga tao talaga na mas gusto nila ay may nalalasan pang dugo sa karne. Minsan gusto ko ito minsan ayoko, but sa loob ko natatakot ako paano kung hindi magustuhan? “Haist bahala na..” bulong ko at nang matapos ako inayos at nilinis ko na ang pinag lutuan ko. Ni-isa wala akong naiwang na kahit anong dumi maliban sa hugasin. Alam ko naman na sila ang gagawa niya mamaya. “Lahat ng dish niyo ay ilagay niyo nasa malaking mesa sa likod pababa na si Mr. Clinton..” utos ng Mayordoma ng mansion na ito at binalingan nito ang katulong na babae din. “Sumunod po kayo sakin..” utos nito at nag lakad na ito. Dahil nasa unahan ako nauna akong sumunod dito. “Sabi nila gwapo daw si Sir Clinton..” narinig kong wika ng babae sa likod ko. “Malamang gwapo din ang ama niya, kaya sigurado mas gwapo yun saka maganda si Ma’am Amelia,” sagot ng kasama nito. Huminga na lang ako at umiling nag lakad na lang ako mg maayos. Hindi ko naman habol ang mukha ng amo ko, at hindi ko din kilala ang mga Climenza wala akong oras para dyan. Mas gugustuhin ko pa mag hanap ng trabaho para mabuhay. Pag labas namin nakita ko ang pangalan ng dish at pangalan ko din sa table ibig sabihin doon ilalagay ang dish na niluto namin. Kung tutuusin pare-pareho lang naman ang sinuluto namin. “Bawat pangalan niyo doon niyo din ilalagay ang mga pagkain niyo na niluto..” utos ng babaeng katulong. Tulad ng nasa isip ko ay tama ako. Nilagay ko na ang akin at sinabihan ako kung saan ako tatayo. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid masasabi nasa hardin kami may pool sa hindi kalayuan. Meron ding Gazebo at ang isa ay meron maliit na golf course dito. Malawak ang likuran nila tingin ko kaya ang labinlimang kotse sa lawak nito o higit pa. Nang ibalik ko ang tingin ko sa harap nagulat pa ako ng may mala-kapreng tao ang nasa harap ko mismo. “Done analyzing ny yard?” Naka ngisi nitong tanong sa akin. Nilingon ko ang paligid ko at binalik ko ang atensyon ko dito saka ko ito nginitian na pinaka ayaw ko gawin. “Namangha lang po, paumanhin..” pag hingi ko ng paumanhin. Tiningnan lang nito mula ulo hanggang paa at naglalakad na ito. “Isa isa ko ito tigikman kapag ayaw ko? Diretso sa trash can. Maliwanag?” Wika nito kaya lahat kami ay sumagot. Tulad ng sinabi nito tinikman niya isa isa ang pagkain na hinain sa kanya. “I said medium rare not raw!” Dumadagundong ang boses nito ng mag taas ito ng boses. Tinapon nito ang pagkain diretso sa basurahan na kina iyak ng nag luto. Gusto ko suntukin ito pero mali din ang nag lutong chef dahil malinaw ang sinabi na medium rare at hindi raw. “Thit one? Maybe this still moving it’s bloody raw!” Sigaw na naman nito na kina pikit kona lang. Umiyak na umalis yung babae ito yung kanina na babae na umapoy ang buong stove niya. Hanggang sa akin na at talagang inisa isa niya ang bawat parte kahit ang Risotto ko. “Potato Risotto? Who did this?” Tanong nito, natakot naman akong mag taas ng kamay. “Manang?” Tanong nito agad nag lakad ang babae at nag tungo sa harap. “Siya po sir,” turo sa akin nito na kina yuko ko. Tiningnan ko nito at tinikman nito, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa pag tikim nito. “I like this one, it’s very tasty. Mas lalo sa katulad ko na hindi kumakain ng kanin.” Sagot nito na kina luwag ng hininga ko. “Mamang paki tapon na ang lahat na ito, and you miss Ciarra? Sumunod ka sa akin, hindi ko na titikman ang iba ninyong niluto I already saw that using may two own eyes..” malamig nitong utos at paliwanag na kina nganga ko. “Sumunod kana Hija, huwag mo siyang pag hintayin. Huwag kana magtaka kung hindi na niya tinikman ayaw niya masira ang panlasa niya..” pabulong na paliwanag nito. Napa ngiwi naman ako at agad akong sununod sa lalaki, nakakatakot pala ang lalaking ito. Sumunod lang ako hanggang pumasok ito sa isang Titanium Door, natakot ako pumasok hanggang mag salita ito. “Pumasok kana, ayoko may nakakarinig ng sasabihin ko..” utos nito kaya nag madali na ako pumasok at ako na din nag sara. “First tanggap kana. I’m Clinton Mathew Howard Clemenza. So ikaw si Ciarra Savannah Corpuz?” Tanong nito habang hawak ang resume ko. “A-ah opo ako nga po. Salamat po sir.” Pasasalamat ko at inabot sa akin nito ang isang gray folder na may CLZ na logo sa likod at binuksan ko ito. “Huwag ko muna pirmahan ngayon. Basahin mo muna at bukas bumalik ka dito ar doon natin pag uusapan ang tungkol dyan maliwanag?” Utos nito. Kaya wala akong nagawa kundi tumango. “Okay po sir, klaro po.” Yumuko ako matapos ko sumagot. “You may go now, but bukas you will stay here at Clemenza Residence and house starting tomorrow..” deklara nito kaya naman tumango na lang ako at umalis na dito. Inalis ko muna ang chef dress ko at sinilid ko sa bag ko. Nakita ko pa ang mga katulong na naglilinis ng kusina. Lumabas na ako para umuwi na ng bahay para sabihin ito kay Tita Mynerva. Pakiramdam ko? Nakakasakal maging amo ang mga Clemenza, yun lang ang nakikita ko, walang biro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD