TTPCIAM; PROLOGUE
WARNING ‼️
SPG ALERT!
May content violence and abusing and more k*lling!
If you are 18 years old below don’t read this, please hindi po ito pambata. And if you are old enough, please be responsible.
And don’t copy my story maging patas tayo! Plagiarism is a crime!
-
YEAR 2024 Kasalukuyan
Mabilis akong tumakbo dahil ayoko maabutan ng mga kalaban ko na humahabol sa akin. Nang makita ko ang liwanag doon ko mas binilisan ang takbo ko hanggang makarating ako sa dulo.
Doon ko napag tanto na dead-end na ito. “Haist! Bwis*t!” Mura ko.
“Paano ba yan Miss Mafia? Wala ka ng matatakbuhan. Kung ako sayo susuko ako o sasabihin mo sa akin sino ang Leader ng inyong Organization? Ang Los Charlines Miñanco Organization..” pagtatanong nito ulit sa akin.
Nang humarap ako dito nakita ko ang malamig nitong tingin sa akin. “Tingin mo ba sa gulo ng sitwasyon nila may oras pa ako alamin yun? Eh kanya kanya nga kaming kilos!” Sagot ko at pambabara kong tanong dito.
Napa atras ako ng tutukan ako nito ng baril sa mukha ko, “Alam ko alam mo anong pangalan nila, isa ka sa kanila isa ka sa mga kanang kamay at isa ka sa malalapit sa mga boss! Now i hate repeating myself, sino sila?!” Tanong muli nito.
Ngumisi ako at tumawa kasunod. “Ano ako tanga? Para sabihin sayo kung sino sila? Barilin mo na lang ako!” Sagot ko na may kasamang pang hahamon dito.
Tinutok ko din ang hawak kong 45 caliber sa taong ito. “Kaso nga lang kung kilala mo ako, dapat alam mo na kaya ko itong gawin?” Tanong ko.
Bago pa ito maka kilos agad kong sinugod ito at imbes na barilin ito, yumuko ako at kinuha ko ang dagger ko na naka tago sa aking hita.
Nag paputok dito sa direksyon ko kanina, mabilis ko na iwasan ito at walang pasabi kong hinagis ang dagger ko diretso sa dibdib nito.
Sunod sunod ang putok ng baril ang pinakawalan nito ng tamaan ko ito. Mabilis akong nag tago sa likod ng malaking puno, ka-muntikan pa itong tumama sa gilid ng ulo ko na kina takip ko ng tainga ko.
“Aba’t gago ‘to ah? Balak pa ako todasin rekta pa sa ulo?!” Asik ko at lumabas na ako sa pinagtataguan.
Nakita ko ang lalaki na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. Nilapitan ko ito at kinuha ko ang ring nito. “Akin na lang ito, bilang trophy na napatay kita..” pag kausap ko dito.
Tinaas ko ang manggas nito at doon ko nakita ang Tattoo nito, bungo iyon at may naka tarak na espada. “Cartel na naman.. ang notorious na kalaban ng lahat ng mafia mapa labas ng bansa at sa loob..” bulong ko.
Tumayo na ako at nag lakad na patungo sa ibaba ng burol na ito, kung saan naka parada ang motor ko. Pag baba ko ng burol na ito panibagong buhay na naman kakaharapin ko.
Hindi ko mapigilan hindi mayamot at mag kamot ng ulo, kailangan ko na kasi mag trabaho, yung trabaho na malayo sa pagiging mafia.
Napa hilamos ako sa realization ko na yun, isa ako personal chef yun ang trabaho ko. Madalas sa mga pamilyang pulitiko ako nag luluto o anything na malalaking tao o kilala. Syempre malaki din ang kita sa ganun, dahil hindi naman sila basta basta lang na tao sa bansa.
Sa nakaraan kong pinasukan nag resign na ako dahil ang baba magpasahod. Mabuti sana kung ako lang kakain.
Marami akong pinapakain, mga alaga kong aso at pusa kasama ko pa ang Tita ko. Nag kamot ako ng ulo ko at umiling ako, pag baba ko nakita ko ang motor.
Tinakbo ko na pababa at agad akong sumakay dito, sinuot ko muna ang helmet ko at pinaandar na ito. Paano ako napunta sa sitwasyon na ‘to? Simple lang..
Hinabol lang naman nila ako para alamin sino ang leader ng organization. Aba malay ko kung sino magulo ang line up nila, basta ako?
Hindi ako leader nila at hindi ako ang bumubuo nito.
Pwede din naman kung gusto ko pero komplikado. Basta alam nila kapag kailangan ako tatawag naman sila. Wala din naman akong balita sa kanila kung tutuusin.
Nakasalubong ko sa pag labas sa patag ang napakaraming itim na sasakyan, ngumisi ako at mas binilisan ko pa ang maneho ko hanggang makarating ako sa pinaka highway.
Sigurado ipa hahanap nila ang pumatay sa amo nila, pero hindi ako tanga para mag iwan ng bakas ko. Pero syempre alam ko ang karakas ng mga mafia, malalaman din nila kung sino ang may gawa sa kanang kamay ng Cartel nila.
Nang naka kita ako ng bakery sa gilid ng isang malaking kumpanya, tinigil ko ang motor ko at bumaba ako dito. “Good afternoon nay, pabili po ako ng ito, ito saka ito. “ turo ko sa gusto ko na mga tinapay.
Nang maibigay sakin ang pudding kumain ako agad at nag bayad na ako. “Keep the change po..” sagot ko at tumalikod na ako.
Pag lakad ko natapat ako sa may pinto ng isang kumpanya, doon ko nabasa ang karatula na nagsasabi ng. “Wanted: Personal Chef call this number.. blah blah..” wika ko at kinuhaan ko ng litrato ang pinto.
Matapos lumapit na ako at nag tanong sa guard. “Boss, totoo ba ito? Mag apply sana ako eh..” naka ngiti kong tanong.
Ngunit minata lang ako nito o tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa ko. “Boss tao ako, siga lang ako kumilos at seryoso ako!” Wika ko dito na kina tikhim nito.
“Oo miss, totoo yan. Kung mag apply ka galingan mo dahil pihikan sa pagkain ang amo namin. Marami na itong natanggap na chef sa mansion nito..” paalala nito.
“Para kang tatay ko boss, nanakot ka ba o nagsasabi ka lang ng totoo? Pakiramdam ko kasi yung unang tanong ko eh..” wika ko na kina gulat nito dahil sa mga lumabas sa bibig ko.
“Miss nagpapaalala lang ako dahil kung mapili ka, buwaya ang magiging amo namin.” Bulong nito.
Napa takip ako ng bibig at umakto pa ako na nanlaki pa ang mata ko. “Hindi kaya? Noong past life niya?” Tanong ko dito.
Napa simangot ito at tiningnan ako ng masama, kaya nag peace sign ako. “Hehe relax lang boss. Alis na po ako!” Paalam ko at kumaway ako.
Tumakbo ako at nag tungo sa motor ko, sumakay na ako at mabilis akong umuwi sa condo ko, kahit papaano hindi naman ako zero sa buhay. Kasi may trabaho naman ako.
HINDI NAGTAGAL NAKARATING NA AKO at agad kong pinarada ang motor ko sa underground parking ng condominium. Nag tungo ako habang dala ko ang helmet ko sa elevator at pinindot ko ang 16th floor. Ito ang pinaka huling floor dito, napa hikab ako sa antok at pagod.
Nang makarating ako lumabas ako at nag tungo sa aking condo. Si Tita Minerva alam ko naka luto na siya kasi ganun naman si Tita.
Dalawa lang kami ni Tita wala na akong magulang dahil noong 16 ako pinatay sila ng mga grupo na hindi ko kilala.
Sa loob ng sampung taon na paghahanap ko until now wala parin akong alam kung sino ba talaga ang pumatay sa magulang ko.
Napa iling na lang ako at pumasok na ako sa loob dahil alam ko naman ang passcode nito. “Mabuti at dumating kana, kumain kana..” salubong ni Tita sa akin nag aalis ito ng apron niya.
“Salamat po, nag hanap po ako ng trabaho ulit mamaya tatawag po ako sa number na nakita ko sa isang malaking kumpanya..” pag ku-kwento ko at binaba ko ang susi ng motor ko at ang helmet ko.
Inalis ko din ang jacket ko, “Mabuti kung ganun, baka sa susunod na araw kapag natanggap ka dyan? Uwi muna ako sa San Mateo.” Wika ni Tita kaya napa tingin ako dito.
“May nangyari po ba?” Tanong ko dito.
Umiling ito bago sumagot. “Hindi naman pamangkin, gusto ko lang doon tahimik doon at baka namatay na mga halaman ko doon..” sagot nito.
Napa ngiwi naman ako at umiling. “Sige po sabihan niyo po ako kung kailangan niyo ng pera mag papadala po ako agad.” Pag payag ko at nginitan ito.
“Salamat, sige na kumain ka na..” utos nito at nag tungo ito sa kanyang kwarto.
Umiling na lang ako at pumasok sa sarili kong silid at nag hubad na ako, nag tungo ako sa bathroom at naligo muna ako.
Nakita ko ang mga tattoo ko sa malaking salamin, inalis ko ang atensyon ko dito at binilisan ko ang pag ligo ko. Matapos ko maligo nag suot lang ako ng terno ko na pantulog.
Lumabas na ako ng hindi man lang sinusuklay ang buhok ko. Nag handa ako ng kakainin ko, nakita kong adobong baboy ang ulam kaya agad akong nag laway.
“Woah, maraming paminta!” Wika ko at kumain ako ng isang karne at nag lagay na ako sa kainin ko. Sakto tuyo pa siya mas masarap kapag ganito.
Mas lalo kapag maraming mantika. Umupo ako sa mesa at tinaas ko pa ang paa ko, kahit mainit ang kanin nag kamay ko at kumain ng may ngiti sa labi.
Kahit chef ako kapag nasa bahay si Tita Minerva ang nagluluto para daw makapag pahinga ako kahit minsan. Kung saan ako nag training bilang chef? Sa ibang bansa.
Sa London at doon din ako nag aral tinupad ko ang pangarap ng magulang ko para sa akin. Na maging isang professional chefs, and i made it..
Matapos ko kumain hinugasan ko na ang pinag kainan ko ay nag tungo na ako sa aking silid at kinuha ko ang cellphone ko.
Sinulat ko muna sa papel ang number na nakuha ko sa isang kumpanya. Agad kong tinawagan ito naka ilang ring pa lang ng sumagot ito.
“Hello, this Clemenza Residence who is this?” Tanong ng isang babae sa kabilang linya.
Astig ng pangalan ah? Clemenza?
Tumikhim ako at nag salita. “Hi, Good evening, nakita ko ang number na ito sa harap ng isang kumpanya. Gusto ko po sana mag apply as a personal chef. Pwede pa ba?” Magalang kong tanong.
“Oh? Aplikante ka pala, sige pumunta ka sa address na sasabihin ko sayo dito na ipapaliwanag anong gagawin niyo.” Sagot nito.
“Okay thank you..” pasasalamat ko at sinulat ko ang sinabi nitong address. Matapos niyo nag pasalamat kami sa isa’t isa.
Sinabi din nito na mag dala ako ng papers ko kaya yun ang gagawin ko. Matapos ko mag handa ang lahat kinuha ko ang chef uniform ko just incase na kailangan ito doon.
Matapos ko ilagay sa isang bag at nilagay ko ito sa upuan ko at hinila ko ang ilalim ng higaan ko. Nag tungo ako sa pribadong kwarto ko at kinuha ko ang sniper ko na naka sandal lang sa gilid.
Binuhat ko ito na akala mo isa lang itong magaan na kahoy. Magaan para sa akin ito dahil sa sanay na ako sa bigat nito.
Sa oras na makapasok ako sa trabaho ko hindi ko alam paano ko ito dadalhin doon, hindi dapat mawala sa tabi ko ang sniper ko, Ito ang weapon ko sa malayo-ang distansya.
Kahit isang baril lang sana madala ko pwede na. Ngunit paano kung mahuli ako? Napa buntong hininga na lang ako at maingat kong kinalas ang katawan mg sniper ko.
Para maipasok ko ng maayos sa loob, nilisan ko muna ito at isa isa kong nilagay sa loob. Inalis ko ang mga bala nito at inayos ko ang pag kaka hilera nito sa loob.
Inalis ko ang silencer at pinunasan ko ito. Inalis ko ang lense at nilisan ko din ito muna at maingat kong nilagay.
Ito ang nagsisilbing anak ko, ang mga alaga kong pusa at aso ipapadala ko ito sa San Mateo dahil doon ma-aalagaan sila ni Tita kesa sakin na wala lagi sa bahay.
Matapos ng lahat ng gawain ko nag pahinga na ako at nilock ko muna ang ilalim ng kama ko. Nahiga na ako para matulog dahil kailangan ko agahan bukas ang alis ko.
______________________________________________________
Hayah!
I’m back again! Sana po magustuhan niyo po si Ciara o Ava.
This is an another Mafia Collaboration story with Miss Linnea Dreame, pwede niyo po siya isearch sa Dreame or sss!
Salamat po at sana suportahan niyo po ako, but hindi po ito free story. Sory!!
Love y’all !!