Natulala ako sa phone ko. Nanginginig na ako dahil sa naramdaman na lamig. Pinagmasdan ko ang pangalan ni Kairus dahilan para kumirot ang puso ko. Binaba ko ang phone ko dahil wala akong balak sagutin. Hinayaan kong paulit ulit magvibrate ang phone ko.
Muling tumulo ang luha ko ng maalala ko ang sakit. Napahawak ako sa puso ko at dinamdam doon ang t***k nito.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng unti unting tumila ang ulan pero kahit papaano meron paring maliit na ulan. Nagsimula akong naglakad palabas ng gate ng subdivision bago ako pumunta sa gitna ng daan upang maka abang ng kotse.
Muli kong naramdaman ang vibrate ng phone ko pero hindi ko na tiningnan. Masyadong masakit ang narinig ko at pakiramdam ko kailangan ko ng pahinga. Kailangan kong mawala ang naramdaman ko kay Kairus dahil alam ko sakit lang ang maidulot ng pagmamahal ko na ito.
Nasa kanan na daan lang ang paningin ko habang nag aabang ng taxi. Niyakap ko ulit ang sarili ko dahil sa lamig na naramdaman ko.
Gusto ko ng umuwi at matulog at hiniling na sana masamang panaginip nalang ito tapos magigising ako na hindi ko na mahal si Kairus.
Pumikit ako at kaagad ding napamulat ng maramdaman ko ang isang bagay sa balikat ko na kahit papaano nakawala ng lamig. Napatingala naman ako ng nahagip ng paningin ko ang payong sa uluhan ko.
Unti unti akong lumingon at nagulat ako ng tumambad sa akin si
"S-sir?" Gulat na ani ko ng makita ko sa harapan ko si Dwayne na naka business suit na mukhang galing pa sa trabaho. Hindi ako makapagsalita at nanatili ang gulat sa mukha ko.
"What are u doing here?."seryosong sabe nito. Madilim ang mukha nito habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
Hindi parin ako makapagsalita dahil pinoproseso ko parin na nandito talaga sa harapan ko ang boss ko.
"A-hh.." hindi ako makapagsalita. Hindi ko mahanap ang sasabihin ko hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Bumuntong hininga ito ng malakas at umiling bago ako kinabig gamit ang bewang ko.
"Let's go." Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil kaagad niya akong dinala sa kotse nitong mamahalin. Hindi na ako maka angal dahil tuluyan na niya akong pinasok sa kotse pero bago ako makapasok at ay hindi nakaligtaan ng mata ko ang kotse na hindi kalayuan sa amin.
Kairus?
KAIRUS POV.
Sinundan ko ng tingin ang kaibigan ni Amara, my girlfriend, hanggang sa nakalabas ito sa bahay nina Tita Lorena, Amara's mother
Binalik ko ang paningin ko sa babaeng nasa harapan ko habang nakanguso at nakasimangot sa akin. She's cute, bumaba ang mata ko sa mapupulang labe nito na kahit walang lipstick ay pula parin.
"What did u do that? Bakit mo sinabe un?" Inis na tanong nito sa akin habang nakanguso bago muling nilingon ang pintuan kong saan lumabas si Stella, ang matalik niyang kaibigan.
Inabot ko ang kamay nito at marahang pinisil.
"what?" Kunot noong tanong ko. Anong ginawa ko?
"Bakit mo sinabe un? Tingnan mo tuloy mukhang na offend si stella." Nakangusong dagdag nito bago ako kinurot. Tumawa ako bago ako tumayo at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang bewang niya bago ko niyakap
Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin at nakamasid sa amin dahil ang gusto ko lang mayakap ang babae ko. Siniksik ko ang ulo ko sa leeg nito bago ko hinigpitan ang yakap
"I'm sorry." Paos na sabe ko. Totoo naman ang sinasabe ko, Stella can handle herself at saka gusto ko pang makasama si Amara. I also didn't mean to offend if she's offended. Kakasagot lang nito sa akin kanina kaya pursigido akong makasama ang babaeng to.
I love this girl so much!
Pinatakan ko ng halik ang leeg nito dahilan para marinig ko ang mahinang daing nito. Tumayo ako ng maayos bago ako lumingon kina Tita na nakangiti habang pinagmasdan kami.
Finally, pagkatapos ng anim na taon sa panliligaw ay nakamit ko rin ang isang matamis niyang Oo. Worth it naman pala ang paghihintay ko ng matagal. Hindi niyo alam kong gaanpo ako kasaya. This is the best day ever.
AMARA LORRAINE VELASQUEZ
The girl I love the most. Pinangako ko na talaga sa sarili ko na wala na akong ibang mamahalin maliban sa magulang ko at sa babaeng mahal ko. Hindi ko maimagine ang sarili kong maging masaya kong hindi naman siya ang dahilan.
Siya lang ang babaeng gusto ko.
Only her!
"I love you.." bulong ko sa tenga nito bagp ko hinalikan ng marahan ang pisngi. Nawala ang usapan namin tungkol kay Stella kaya naging malapad ang ngiti ko dahil paniguradong magtatagal ako dito at makasama ko pa ito ng matagal.
Alam kong magkikita kami bukas at sa susunod na bukas, at sa araw araw pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong masilayan ang ngiti at mala anghel nitong mukha tuwing minuto.
"I love you too" bulong na sagot nito dahilan para mas lalong lumaki ang ngiti ko. Tumingin ako sa paligid at nong nakita kong wala ng nakatingin sa amin ay hindi ako nagdalawang isip na halikan ito.
Una kong napansin ang malambot na labe ni Amara. Mas pinailaliman ko pa ang halik dahilan para marinig ko ulit ang mahinang daing nito. Tuminding ang balahibo ko.
We kissed before kahit hindi pa kami pero masasabe kong ito ang pinaka special kase gf ko na siya at meron na akong karapatang ipagdamot ang babaeng to.
Napatigil kami sa halikan ng bigla kaming nakarinig ng kidlat mula sa langit. Sabay sabay kaming napatingin sa labas at sa hindi inaasahan ay basta basta nalang pumasok si Stella sa isipan ko.
Wth?
"Babe si Stella?." Bulong sa akin ni Amara. Bumaling ako dito dahilan para pumungay ang mata ko ng makita ko ang pag alala nito.
Bumuntong hininga ako bago ako tumango at ginawa ang gusto nitong gawin ko na ihatid si Stella sa apartment nito. Hinalikan ko ng isang mabilis si Amara sa labi bago ako tumalikod
Nilabas ko kaagad ang phone ko saka susi ng kotse. Tinawagan ko ang numero niya at pagkatapos ay nag send ako ng message kong nasaan ito
Nag riring ang phone niya pero hindi naman sumagot. Pinatunog ko kaagad ang phone ko bago ako pumasok ng paunti unting lumakas ang ulan
"BABE CALL ME IF U FIND HER!." sigaw nito mula sa loob ng bahay. Tumango ako kahit hindi niya nakita bago kinuha ang phone ko.
Ako :
I will babe, I love you.
Sagot ko sinigaw niya kanina. Paulit ulit kong tinawagan ang numero ni Stella pero ring parin ng ring pero hindi naman.sumasagot. Napabuntong hininga ako bago ko pinahurot ang kotse
Dumaan ako sa kaliwang daan at nilibot un pero hindi ko nakita. Huminto ako saglit upang tingnan ang phone ko. Baka naman naka uwi na un. Tumingin ako sa labas at napagtanto kong medjo tumila na ang ulan.
Nagmessage ako sa gf ko na hindi ko nakita dahil baka naka uwi na pero hindi nakinig si Amara dahil nag aalala parin ito at gusto pa akong pumunta sa apartment ng kaibigan para masigurong maayos ito.
"Tigas ng ulo." Bulong ko habang nakangusong nakatingin sa message ni Amara sa akin. Binulsa ko ang phone ko bago ako nagpatuloy sa pagmaneho palabas ng subdivision para puntahan si Stella at siguraduhing maayos ito
Gusto ko rin humingi ng tawad sa kaniya dahil sa sinabe ko. Mukhang na offend ko nga base sa nakita kong reaction niya kanina na hindi ko binigyan ng pansin.
Tuluyan ko ng nilagpasan ang guard house. Liliko na sana ako ng daan ngunit napahinto ako at kumunot ang noo ko mahagip ng mata ko ang babaeng nasa.gilid ng daan na parang nag aabang ng taxi dahil palinga linga ito sa paligid.
Basang basa ito at niyayakap ang sarili.
"Stella?."
Natulala ako ng ilang sandali ng makaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Napalunok ako. Pumikit ako ng mariin at sa isang mabilis na galaw ay tinanggal ko ang seatbelt bago ako lumabas pero bago nangyare un ay napahinto ako ng biglang merong isang kotsing lumagpas sa akin at huminto din kaagad.
Kumunot ang noo ko.
Napahinto ako ng makita kong lumabas doon ang isang lalake. Hindi ko ito makita dahil nakatalikod ito sa akin at merong hawak na payong. Hinuhubad nito ang jacket habang palapit sa nilalamig na stella.
Hindi na ako nakalabas at nanatili ang paningin ko sa kanila. Pinagmasdan ko silang pareho hanggang pumasok sila sa kotse bago umalis at naiwan akong tulala
What was that?