Nagising ako kinabukasan dahil sa tunog ng alarm. Inis kong pinatay ito bago ako nagmulat ng mata. Medjo inaantuk pa ako. Isang araw na ang nakalipas simula nong dinner. Nagpunta ako kahapon doon sa pinag trabauhan ko upang humingi another leave dahil total graduate na ako at makapag focus na ako doon.
Hanggang ngaun hindi parin ako makapaniwala na nakita ko si Dwayne Daniel Montero kahapon sa labas ng subdivision ng mga Alvarez. Hindi ko alam na meron pala siyang kakilala doon.
Dwayne is my boss sa isang kompaniya kong saan ako nag tatrabaho. In short part time job ko dahil madali lang naman ginagawa ko doon. Tuwing gabe ang trabaho ko dahil sa umaga hanggang hapon ay nag aaral ako.
Pag uwi ko dito kahapon ay sinagot ko na ang tawag ni Amara na naka uwi ako. Hindi ko sinagot ang isa sa mga tawag sa akin ni Kairus. Napag isipan ko rin ng buong araw na iiwasan ko na para sa ikakabuti ko.
Alam kong mahirap iwasan ko pero hanggang meron pagkakataon na pwedeng iwasan ay gagawin ko. Maasyado ng masakit at hindi ko alam kong ikakabuti ko ba.
Huminga ako ng malalim bago ako bumaba sa kama at dumiretso sa banyo at ginawa ang morning routine ko.
3 weeks akong live sa trabaho ko dahil graduate na din naman ako. Napag isipan ko na rin na tungkol nalang sa business ang kukunin kong course dahil alam kong magagamit ko balang araw.
Talagang pinakiusapan ko si Sir Dwayne na humingi ako ng tatlong linggong pahinga at buti nalang pumayag. Masaya din ako kase ang bait ng mga taong nasa paligid ko kaya hindi ko sila bibigyan ng ikaka disapoint nila.
Naligo kaagad ako at pagkatapos non ay nagbihis ng uniform bago ako lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag abalang mag luto dahil late na ako. Sa school nalang siguro ako kakain.
Pumara kaagad ako ng taxi. Pumasok kaagad ako ng huminto ito sa harapan ko. Sinabe ko kaaagad kay manong ang pangalan ng paaralan kong saan ako nag aaral. Kinuha ko ang bag ko na nasa tabi ko lang at binuksan ito upang kunin sana ang phone ko ngunit iba ang tumambad sa akin.
Isang notebook na punong puno ng diary at secreto ko tungkol kay Kairus. Kinuha ko ito at tiningnan. Isa itong notebook na ginawa kong diary. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Kairus na nakadikit sa notebook.
Wala sa sariling napangiti ako. Sinulat ko ang mga diary ko nong 16 pa ako. Sinulat ko ito nong nag simiula akong nagkagusto kay Kairus na hindi ko akalain na mamahalin ko pa pala.
Unti unting nawala ang ngiti sa mga labe ko ng maalala ko si Kairus at Amara, ang magkasintahan. Para akong sinampal sa katutuhanan na hindi na talaga pwede, na kahit ipilit mo ay hindi talaga maari. Sinira ko na ang notebook at binalik ito sa bag.
Gustong ihagis ito sa malau o sunugin man lang pero hindi ko kaya dahil iniisip ko na ito na nga lang ang meron ako sa lalaking mahal ko ay susunugin ko pa. Dibale nalang, mawawala din tong nararamdaman.
Tumingin ako sa unahan. Nanuyo ang lalamunan ko ng maalala ko na naman si Kairus. Ngumiti ako ng mapait. Bakit kaya sa kaniya pa ako nagkagusto? Ang daming daming tao sa paaralan pero sa kaniya ako tinamaan.
Ang hirap naman kapag nagkagusto ka sa isang taong merong ibang mahal. Napahirap habang nakikita mo ang mahal mong masaya sa piling ng iba na kailanman ay hindi mo maibibigay.
Isang malakas na sampal sa akin ang katutuhanan na hindi ko magagawa ang ginagawa ni Amara na pasayahin si Kairus. Tumingin ako sa bintana. Magiging masaya nalang siguro ako sa kanila. Ngumiti na parang hindi nasasaktan. Tumatawa na parang walang kinikimkim na sakit.
Gusto kong ilabas ang bigat sa dibdib ko para kahit papaano makahinga ako ng maluwag, pero sino naman kakausapin ko? Wala akong pamilya at hindi ko rin kayang ilabas to kay Amara.
Napasandal ako sa inuupuan ko bago ako pumikit ng maalala kong meron kaming task ni Kairus sa subject ni Miss Farah. Napahilot ako sa sintedo ko. Ang hirap hirap iwasan ang lalaking un dahil bukod sa partner kami sa task ay iisa lang kami ng pinapasukan at worst kasintahan niya ang kaibigan ko.
Hayst!
Minulat ko ang mata ko bago ako malakas na bumuntong hininga. Gustong gusto kong makawala sa nararamdaman kong ito dahil masyado ng masakit.
"Andito na tayo hija." Napatingin ako sa paligid at narating na nga namin ang paaralan. Inabot ko kaagad kay manong ang bayad bago ako lumabas. Dumiretso ako sa gate.
Nilagpasan ko ang mga guard at ngitian bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
"BESH?.."
Napahinto ako ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko sa likuran ko. Nakarinig ako ng yapak na alam kong tumatakbo ito palapit sa akin. Pumikit ako ng mariin.at hindi ko alam kong lilingon ba ako o hindi.
Marupok ako pagdating kay Kairus at kapag malapit ito sa akin baka magbago ang isip kong iwasan ito.
"BESH?." sumigaw ito ulit
Napabuntong hininga nalang ako at wala ng nagawa kundi ang lumingon.
Inaasahan kong kasama nito si Kairus pero hindi ko ito makita pero akala ko lang pala dahil lumipad ang mga mata ko sa likod at nakita ko si Kairus na patakbong palapit sa amin.
Kaagad akong naalarma.
"A-ahh besh mauuna na ako, meron pa pala akong gagawin, mamaya nalang tayo mag usap" ngiting sabe ko bago ako tumakbo. Hindi ko na ito hinintay na sumagot. Tiningnan ko muna si Kairus at halos mapalundag ako ng magtama ang mata namin pero umiwas din kaagad ako
Tumakbo ako palau sa kanila bago ko pa narinig ang isang sigaw ng kaibigan ko pero hindi ko na pinansin dahil buo na ang desisyon ko na iiwasan ko na si Kairus sa para sa ikakabuti naming lahat.
Humimto na ako ng tuluyan ng alam kong malayo na ako sa kanila. Napahawak ako sa tuhod upang doon kumuha ng suporta para kumuha ng lakas. Taas baba ang balikat ko dahil hinihingal ako. Kailangan ko pang mag inhale saka exhale bago ako muling lumingon.
I smiled painfully.
"Sorry besh kong pati ikaw ay kailangan kong iwasan." Malungkot kong sabe sa hangin habang nakatanaw sa kanilang dalawang nakatalikod narin sa akin habang naglalakad na mag ka holding hands.
Gagawin ko ito sa sarili ko dahil alam ko kong ipagpatuloy ko pa ang naramdaman ko ay ako lang ang mahihirapan. Huminga ulit ako ng malalim bago ako dahan dahan naglakad papunta sa locker. Gagawa nalang ako ng excuses kapag nagtanong si Amara sa akin.
STELLA POV.
Bagsak ang balikat ko habang naglalakad papunta sa locker. Labag sa loob ko ang iwasan ang kaibigan ko. Hindi ko gustong iwasan ito pero desidido din akong iwasan ang bf niya.
Binuksan ko kaagad ang locker ko gamit ang susi at nilagay doon ang notebook na hindi pa magamit dahil vacant namin lalong lalo na ung notebook ko na puno ng diary. Bakit ko nga ba ito dinala? Kong pwede naman itong sa bahay nalang at itago.
Siniksik ko ito, masyadong puno ang sa loob ng locker ko dahil sa uniform PE namin. Kinuha ko ang isang notebook na alam kong magagamit namin ngaun bago ko pinasok sa bag ko.
"Stella?.."
"Ahhhh!.." napatalon ako sa gulat. Napasigaw ako sa gulat ng biglang dumating sa harap ko si Jonas ang isa sa mga classmate ko noon na dati kong manliligaw.
Bigla bigla nalang itong sumusulpot sa harap ko. Sa harap pa talaga ng mukha ko. Halos hindi kami masyadong magkita dahil magkaiba schedule namin. Tumawa ito ng mahina ng makita ang itsura ko.
Napapikit ako bago ko ito hinampas sa braso.
"Sorry, nagulat ba kita?." Natatawa nitong tanong. Of course nagulat ako. Inirapan ko ito bago ko sinara ang bag ko.
"Anong ginagawa mo dito?." Takang tanong ko. Namiss ko rin ang lalaking to dahil kakulitan nito. Tumayo ako ng maayos at binigay ang buong atensyon sa kaniya. Pinagmasdan ko itong mabuti.
He's Jonas, isang basketball player dito sa paaralan na ito. Isa siya sa manliligaw ko pero hindi ko sinagot kase alam kong wala talaga akong nararamdaman sa kaniya. Tanggap niya naman ang pang busted ko dito kaya kami naging friends.
Ang dami nga halos magalit sa akin dahil binasted ko ang hinahangaan nilang lalake pero wala na akong pakealam doon. Hindi ako paasang tao dahil alam ko kong gaano kasakit kapag pinaasa kalang.
"I miss you." Ngiting sabe nito bago pinikot ang ilong ko. Ngumiti bago ako umirap.
"Sus bula pa." Natatawang sabe ko bago ko tinusok ang bewang nito.
"Sily, I really miss you" ngiting sabe niya sa akin. Napangiti naman ako at parang may mainit na kamay na humamplos sa puso ko. Kahit papaano meron rin palang naka miss sa akin.
"Namiss rin kita." Sagot ko naman dahil para masilayan ko na naman ang malaki nitong ngiti at ang paglabas ng dimple nito. Kumislap ang mata nito na ikinairap ko.
"Wag kang assuming brother HAHAHAHA namiss kita kase hindi masyadong makita, kumusta ang laro mo?" Natatawang sabe ko. Meron kasi silang isang malaking laban at kailangan nilang ipanalo un upang makapasa sila sa parating na exam.
Tumawa ito saka ginulo ang buhok ko. Aminin ko man o hindi, gwapo si Jonas Pierce Arevalo, mayaman din ito at ang lakas ng karisma pero wala paring makakapagtalo sa isang Kairus. Na kahit sinong lalake ay walang tatapat sa isang Kairus Dhan.
"Kapagud.." napakamot ito sa ulo. Huminga ako ng malalim dahil nakakapagod nga naman, imagine halos araw araw na kayong nag try out para lang hindi sumablay ang laro.
Ngitian ko naman ito.
"kaya mo yan, ikaw pa." pampapalakas loob ko. Umiling naman ito sa akin bago humalakhak ng mahina. Kaagad kong narinig ang malutong nitong mura.
"You look so d*mn beautiful everytime u wearing those smiles of urs" biglang sabe nito habang nakatingin sa mukha.
"E d araw araw na akong ngingiti para araw araw din akong maganda." Biro kong sabe dahilan para sabay kaming tumawa. Natulala na naman ito sa akin habang pinagmasdan ako na ikina iling ko. Alam kong maganda ako pero wala naman akong pakealam.
"Kumain kana ba?" Biglang tanong sa akin ni jonas. Tumigil ako sa kakatawa at tumingin dito bago ako ngumisi
"bakit? Libre mo?." Nakangising sabe ko habang nakatagilid ang ulo. Umiwas ng tingin sa akin si Jonas at kitang kita ko ang pamumula ng pisngi nito.
"Stop smiling please, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong manligaw ulit." Seryosong sabe nito. Mas lalo akong tumawa.
"busted kapa rin HAHAHA " natatawang sabe ko. Umirap ito sa akin bago ako hinila palabas ng locker. Hindi na ito nagsalita pero bakas sa mukha ni Jonas ang paghanga. Tumingin lang ako sa unahan at don ko lang napagtantong marami na palang nakatingin sa amin.
Unti unti ng nawala ang ngiti sa mga labe ko ng namataan ko si Kairus kakapasok lang. Ito kasing locker ay building din ito na merong intrance at exit na pinto. Bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko ang seryoso nitong mukha habang nakagingin sa daan.
Madami kaagad nakatingin sa kaniya. Nakarinig pa ako ng tilian sa mga kapwa namin student pero walang pakealam si Kairus dahil nanatili ang tingin nito sa daan.
Kumirot ang puso ko. Ito na naman ang puso kong nasasaktan. Yumuko at hinigpitan ang kapit sa bag ko upang kumuha doon ng lakas.
Napasinghap ako ng maamoy ko kaagad ang pabango nito ng nilagpasan niya kami. Hindi man ito lumingon sa akin na parang hindi ako nakita. Hindi ito tumingin sa akin at nanatili ang paningin sa daan.
Nahigit ko ang hininga ko ng bahagyang bumangga ang braso niya sa braso ko. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Nanindig ang balahibo ko ng maamoy ko ang pabango nitong mabango.
I'm nobody!
Para sa kaniya ay wala lang ako. Hindi naman kami closed kahit na matalik na kaibigan ko si Amara. Never niya akong tinapunan ng tingin na para bang merong ka interesado sa akin dahil ang tanging mata niyan ay nakatuon lamang sa kaibigan ko.
Oo sa kaibigan ko.
Sa girlfriend niya.
Ngumuso ako bago ako tumingin sa unahan. Bakit ba ang hirap kalimutan ang lalaking yan? Bakit ba kase sa kaniya pa ako nagkagusto. Iiwasan ko na diba? Iiwasan ko na nga pero bakit ang hirap hirap naman, bakit ang sakit sakit.
Hindi pa pwedeng maging masaya nalang ako sa kanilang dalawa pero bakit ang hirap hirap?
Nangingilid ang luha ko pero kaagad ko rin itong kinurap ko ng nakalabas na kami ng building. Nasa tabe ko parin si Jonas na hindi ko akalain na nakatingin na pala sa akin.
Hinarap ako nito bago hinawakan ang braso ko. Ngumuso ako.
"Are u okay?." Nag aalala nitong sabe ng makita ang mukha ko. Nakatingin ito sa mata ko at alam kong kitang kita niya ang luha sa gilid ng mata ko.
Tumango lang ako bago ako pumilit na ngumiti.
"O-oo naman, kumain na tayo, gutom na ako eh." Ngiti na sabe ko pero alam ko sa sarili kong peke ang ngiting un.
"what do u want? Order what u want, my treat." Kumindat ito sa akin habang may ngisi sa mga labe.
"Paano kong ung mahal na pagkain ang order-rin ko?." Ngising sabe ko habang nakatingin sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang nanghahamon. Umirap ako dahil alam ko.
"Oo na ikaw na mayaman." Irap na sabe. Tumawa ito ng malakas bago kinurot ang ilong ko. Tumingala ako upang tingnan ang menu na nasa taas. Ngumisi ako ng mahagip ng paningin ko ang red velvet na cake na favorite na favorite ko.
Tinuro ko kaagad ito.
"Gusto mo pala ng matatamis na pagkain ah." Tumango ako dahil totoo naman ang gusto niya. I like sweet. Nag order kaagad ito bago kami naghanap ng pwestong mesa.
"How's ur school?" Biglang tanong nito ng naka upo na kami. Ngumiti naman ako saka bumuntong hininga.
"Okay lang po tay!." Natatawang sabe ko. Mas lalo akong tumawa ng sumalubong ang makakapal na kilay nito. Sarap talaga asarin ang lalaking to. Like what I said, naging closed kami nong binasted ko ang lalaking to. Naging magkaibigan din kami tulad ng gusto niya.
Pinitik niya ang noo ko na ikina aray ko. Sinimangutan ko ito.