C4

1521 Words
Napatingin kaming lahat kay Amara ng nagsalita ito. Napalunok ako dahil mukhang alam ko na ang sasabihin niya. Sumubo ako ng isang beses at sinubukan kong lunukin ito. "Hmm? What is it sweatheart?" Malambing na tanong ni tita at tumigil sa pagkain at binigay ang lahat ng atensyon sa anak. Napatingin ako sa kaibigan ko na malaki ang ngiti habang nakatingin sa ina. Kinuha ni Amara ang kamay ni Kairus at pinagsiklop ito. "WE'RE OFFICIALLY TOGETHER." Anunsyo niya sa lahat. Tahimik akong yumuko at parang nawalan na akong gana pero pilit parin akong kumakain para meron akong pagka abalahan. Ilang sandali silang natahimik bago unti unting ngumiti si Tita. "Really?" Paninigurado ni Tita. Tumango naman si Amara ng sunod sunod bago sumandal sa balikat ni Kairus. "Kailan pa?." Tanong ni Tito. Lumipat ang paningin namin dito. "Kanina lang po Dad!." Nakangiting sagot ni Amara. Tumango si Tita at bumungong hininga. Kumunot ang noo ko dahil parang merong mali? Umiling ako dahil baka guni guni ko lang. Ngumiti si Tita bago nilingon si Kairus na nakangiti rin habang pinagmasdan si Amara. "Hindi ko na tatanungin pa kong mahal mo ba ang anak ko kairus dahil ako mismo saksi kong gaano mo kamahal ang anak ko. Naghintay ka sa kaniya ng matagal at sapat na un para maniwala ako na mahal mo talaga ang anak ko." Mahabang sabe ni Tita. Kumurap kurap ako ng maramdaman kong nangingilid ang luha ko. "Congrats both of u!." Dagdag ni tita. "Of course tita, mahal ko po si Amara, and I promise, hindi ko ho sasaktan si Amara" Ouch! Nagpatuloy kami sa pagkain. Pinag usapan nila ang tungkol sa negosyo nila Amara. Kumain lang ako ng dessert at sumasagot naman ako kapag sa akin sila nagtatanong. "Kumusta ang trabaho mo Stella?" Tanong sa akin ni Tita ng napunta ang usapan sa trabaho. Tumigil ako sa pagkain saka tumingin kay Tita. "Maayos naman po, mabait po si Mr. Montero" nakangiting sagot ko "That's good then!" Ngiting sukli na sabe ni Tita. Napatingin ako sa unahan ko na kong saan si Kairus na nakikinig din pala sa amin pero nakatingin ito kay Tita. Ang gwapo niya talaga kaya hindi ako magsasawang titigan ito eh. Umiling kaagad ako sa naisip ko. May girlfriend na yan at hindi na pwede. Yumuko ako at sumubo ng isang pirasong cake. Uminom din ako ng tubig ng maramdaman kong nanuyo ang lalamunan ko. "How about u hijo? How's modeling?" Seryosong tanong naman ni Tita. Napatingin kaming lahat kay Kairus. Oo nga pala nakalimutan kong isa ding model si Kairus sa sarili nilang agency. Isang fashion designer ang magulang ni Kairus at isang business man naman ang ama nito. Nag iisang anak si Kairus at nag iisang taga pagmana ng Alvarez Corp. Kumirot ang puso ko dahil alam ko hindi ako karapat dapat sa kaniya. Tumingin ako sa dalawa. Palipat lipat ang paningin ko sa dalawang magkasintahan. Napangiti ako ng mapait ng napagtanto kong they look good together. Mayaman at mayaman = perfect match Bumuntong hininga ako saka tumingin kay Kairus na nakangiti habang kausap si Tita. Hawak nito ang kamay ni Amara na ngayoy nakatingin din sa kaniya na para bang proud na proud ito. "Wala ka bang balak pumasok sa isang showbiz?" Tanong ulit ni Tita. Tumigil ako sa kain at binigay ang atensyon kay Kairus. Pagdating talaga sa kaniya ay nagiging interesado ako. Pag tungkol sa kaniya ang pag uusap ay nagiging active akong makinig. "Not yet hanggat hindi pa natupad ang pangarap ni Amara na maging model" nakangiting sagot nito bago nilingon ang kaibigan kong malaki rin ang ngiti. Pangarap nilang pareho ang maging model, ang mag kaiba nga lang ay madelo na talaga si Kairus at tanging si Amara nalang ang hindi pa. Kilalang kilala nila ang isat isa, sa tagal ba naman na panahon silang magkasama. Halos kalahating buhay ni Amara naging magkasama sila ni Kairus. Nagpatuloy ang pag uusap nila at pagtatanong sa trabaho ni Kairus lalong lalo na ang magulang nito. Bumalik ako sa pagkain habang nakikinig parin. Hindi ko alam kong ilang oras kaming nasa hapag kainan bago kami natapos. Ngumigi ako kay manang ng lumapit ito sa amin upang ibigay ang tubig. Namiss ko sila at gustuhin ko mang makausap sila ay hindi pwede dahil kailangan kong umuwi ng maaga. Tumayo na ako dahilan para mapatingin sila sa akin. Ngumiti ako bago ako yumuko bilang respeto. "Maraming salamat po sa dinner, aalis na po, marami pa po akong gagawin." Magalang na pagpaalam ko. Tumayo si tita bago lumapit sa akin. "No hijq, dito kana matulog." Ngiting alok sa akin ni Tita. Ang bait talaga ni Tita. Ngumiti lang ako saka umiling. "Hindi na po, marami pa po akong gagawin." Nakangiting sabe ko. Bumuntong hininga si Tita at parang hindi kumbinsido. Ngumiti lang ako. Napalingon naman ako sa kaibigan ko ng tumayo ito at lumapit sa akin bago ako hinalikan sa piangi. "Sumabay kana kay Kairus para meron kang kasama" nagulat ako sa sinabe ni Amara. Hindi ako makapagsalita. Nagulat ako pero nakabawi rin kaagad. "Hindi na talaga." Tanggi ko bago ko nilingon si Kairus na naka kunot noo habang nakatingin sa kasintahan na para bang naiinis ito. Lumunok ako. Umiling ako. Pakiramdam ko hindi nagustuhan ni Kairus ang sinabe ni Amara. Kumirot ang puso ko bago ako bumuntong hininga. "No!.." ngusong sabe nito bago ito lumingon kay Kairus. " Babe? Ihatid mo muna." sabe nito sa kasintahan. Nanlaki ang mata ko at hindi kaagad nakapagsalita. Lumingon ako ulit kay Kairus. "She can handle herself Amara, I wanna stay here with you. I wanna be with u." Mabilis na sagot ni Kairus. Natulala ako ng ilang sandali sa sinabe niya. Yumuko ako at ramdam na ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa ni Kairus. Pansamantalang huminto ang t***k ng puso ko at parang gusto kong umiyak. Kumurap kurap ako ng maramdaman kong nangingilid na ang luha ko. "Sabe ko sayo hindi na eh, kaya ko naman ang sarili ko, HAHAHA" kunwaring natatawang sabe ko upang hindi mahalatang nasaktan ako. "Babe?." Saway ni Amara sa boyfriend. Ngumiti lang ako ng matamis sa kaibigan ko upang hindi siya mag alala. "M-mauuna n-na a-ako," pilit kong hindi mautal pero bigo ako dahil nanginginig talaga ang boses ko. Ngumiti lang ako saka ko nilagpasan ang kaibigan ko at nag nagsimula ng maglakad papunta sa pintu upang makalabas sa bahay na ito. Hindi na ako lumingon sa kanila lalong lalo kay Kairus lalo nat tumulo na ang luha ko habang palakad palabas ng pintuan. Inabot ko ang doorknob at hinigpitan ang kapit nito upang pansamantalang kumuha ng lakaa bago ko pinihit at lumabas. Nag uunahang umagos ang luha ko ng nakalabas na ako ng pintuan. Ang sikip sikip sa dibdib habang harap harapang sinabe nito na hindi niya ako gustong ihatid o makasama man lang. Nagsimula narin akong naglakad papunta sa gate. Nilagpasan ko ang fountain saka ako lumabas ng malaking gate. Tumingin ako sa paligid bago ako tumingala Mas lalo akong naiyak. Mas lalongnag uunahang umagos ang luha ko habang nakatanaw sa mga bituin na nag niningning. Gustong gusto kong umiyak ng malakas upang mailabas ko ang sakit sa puso ko. Yumuko ako bago ko pinunasan ang luha ko. Madilim na ang paligid kaya kinuha ko ang phone ko upang mag silbing ilaw ko upang makalabas ng subdivision na ito. Hindi parin humuhupa ang luha ko. Nag uunahang umagos parin habang naglalakad ako sa madilim na daan, palabas sa subdivision ng mga Velasquez para maka hanap na ako ng taxi. Napatalon ako sa gulat ng biglang kumidlat. Napatingala ako sa langit at napapikit ako ng may biglang tumulong tubig sa noo ko. Nanlaki ang mata ko ng napagtanto kong mukhang uulan pa ata. Napamura ako sa isip ko ng nagsimula ng pumatak ang ulan. Paunti unti itong pumatak hanggang sa lumakas ito. SH1T! Napamura ako bago ko tinakpan ang ulo ko gamit ang palad ko. Tumingin ako sa unahan at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang guard house. Tumakbo kaagad ako papunta doon. Halos mabasa ako dahil sa lakas ng ulan. Ang ginaw ginaw. Narating ko kaagad ang guard hourse at sumilong doon. Pinagpag ko ang dress kong basang basa na. Pinunasan ko ang kamay ko dahil parin ito ay basa. Pinunasan ko na ang luha ko bago ako tumingala sa langit na ngayoy wala ng bituin. Ang ganda ganda pa ng langit kanina eh. Sumandal ako sa dingding bago ko niyakap ang sarili ko. Napatingin ako sa paa kong basa na dahil sa talsik ng ulan sa daan. Basa ako kaya mas lalo kong naramdaman ang lamig. Napabuntong hininga ako ng napagtanto kong mag isa nalang talaga ako. Walang uuwiang pamilya,.walang mag aalaga kong magkasakit man. Ngumiti ako ng mapait bago ako tumingala ulit upang pigilan ang bagong luhang gustong kumawala. Napatingin ako sa phone ko ng biglang tumunog ito. Tiningnan ko ang caller at muntik ko ng bitawan ang phone ko ng makita kong si Kairus ang tumawag at meron pa siyang isang message na kaka pop up lang sa notif ng phone. Kairus : Where are u?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD