"Stop it!.." tumawa lang ako. Sumubo ako ng isang beses ng red velvet cake at halos mapapikit ako ng matikman ko ito kong gaano kasarap. Uminom naman ako apple juice na inorder din sa akin ni jonas.
"Maayos naman ang pag aaral ko at sana lang maka graduate ako." Seryosong sabe ko habang sumusubo ng cake. Pansamantalang nawala sa isip ko si Kairus ng narating namin ang canteen.
Mabigat parin ang dibdib ko pero hindi ko binigyan ng pansin dahil alam kong wala naman akong magagawa kong paano bawasan ang bigat ng dibdib ko.
"You can do it, Naniwala ako sau na makakamit mo ang pangarap mo." Ngiting sagot sa akin ni Jonas. Ngumiti naman ako ng malaki sa kaniya at sa oras na un gusto kong pasalamatan si jonas dahil kahit papaano pinagaan niya ang loob ko.
"Thank you." Sincere na sabe ko. Tumango lang ito bago ito kumuha ng cake ko at sinubo kaagad. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"Akin un." Bulalas ko at hahampasin na sana ng umiwas ito at tumawa ng malakas. Ngumuso ako bago ko ito sinamaan ng tingin pero ngumiti din kaagad. Sa kaniya naman tong perang pambili eh bakit pa ako nag reklamo kong kinuha niya ang cake ko.
Ilang minuto kaming kumain at nag usap.ni Jonas bago kami natapos. Sabay sabay kaming lumabas ng canteen. Ilang minuto nalang pasukan na kaya minadali na din namin. Tumingin ako kay Jonas at ngitian ito.
Ngayon ko lang din napansin na naka jersey na pala ito na mukhang handang handa na sa laro.
"Manood ka ah." Tumango ako at nag thumbs up saka bago ako nagpaalam dahil tulad ng sabe ko ilang minuto nalang mag simula na ang klase. Bago kami lumabas ng canteen ay pinag usapan namin ang tungkol sa laro niya na sa ibang paaralan ang venue.
Napatingin ako sa paligid habang naglalakad ako sa corridor ng wala ng masyadong tao. Napabuntong hininga ako bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
Napatingin ako sa relo ko at wala pa naman siguro ang unang subject namin. Binilisan ko ang lakad ko ngunit napahinto din ako ng lumipad ang isip ko sa locker.
SH1T!
Nakalimutan kong e lock ang locker ko at alam kong hindi pa un nasara. Napapikit ako ng mariin at halos mapamura ako sa isipan ko. Ang tanga mo Stella. Paano kong may mawala doon? Ang dami pa namang nag bibigay ng love letter doon sa locker ko at ang iba naman ay mga threat na.
Oo bawat bukas ko ng locker ko ay tatambad sa akin ang mga papel na alam kong love letter pero ung kanina hindi napansin kase siniksik ko mga notebook ko doon. Dinala ko nalang sa bahay ang mga letter na un at hindi na binasa dahil hindi naman ako interesado.
Tumakbo kaagad ako pabalik sa locker. Hinabul ko ang hininga ko ng narating ko ito. Taas baba ang dibdib ko dahil hinahabul ko ang hininga ko. Kailangan ko pang lumanghap ng isang hangin upang bumalik sa normal ang heartbeat ko.
Tiningnan ko ang locker ko at halos makahinga ako ng maluwag ng makita ko ang susi. Binuksan ko ito at nawala ang kaba sa dibdib ko ng wala namang nawala. Napatingin ako sa mga notebook ko na bahagyang nagulo lalong lalo na ung notebook ko na punong puno ng diary. Nag kibit balikat ako bago ko ito inayos at pagkatapos non ay ni lock ko na.
Paglock ko palang sa locker ko ay kasabay naman non ang pag bell. Halos mapapikit ako ng umalingawngaw ito sa buong building ng locker.
SH1T!
Tumakbo ulit ako ng ako nalang talaga mag isa dito. Late na ako!
Hinihingal kong narating ang classroom ko. Sinilip ko ang loob at nakahinga ako ng maluwag ng wala pa namang guro. Pumasok kaagad ako dahilan para mapatingin sila sa akin.
Tumingin ako sa paligid at kaagad nagtama ang paningin namin ni Kairus. Nahigit ko ang hininga ko ng makita ko ang mukha nito. Nakatitig ito sa akin na parang meron akong ginawa.
Napalunok ako bago ako umiwas ng tingin at yumukong lumapit sa kanila ni Amara. Kaagad napatingin sa akin ang kaibigan ko at ngitian ako.
"Bakit ngaun kalang? Saan ka galing? Bakit pawis na pawis ka?." Sunod sunod na tanong sa akin ni Amara. Umupo muna ako bago ako tumingin sa kaibigan ako.
"Galing akong canteen tapos tumakbo papunta dito." Ngiting sagot ko bago ako umiwas ng tingin dahil ramdam na ramdam kong nakatingin sa akin si Kairus.
Tumango si Amara na parang kumbinsido sa sagot ko bago ito humarap kay Kairus na ngayoy malamig na nakatingin sa akin. Kinabahan kaagad ako na hindi ko alam kong bakit. Umiwas nalang ako ng tingin at inabala ang sarili.
Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko na anytime pwdeng sumabog. Pumikit ako ng mariin ng makita ko mula sa gilid ng mata ko ang halikan ang dalawa pero nakamulat ang mata ni Kairus habang mariing nakatingin sa akin.
Kumirot ang puso ko bago ako yumuko at nag kunwaring merong kukuning sa bag.
"Gosh hindi ba tayo lalanggamin dito? Ang sweet sweet ng dalawang to." Maarting sabe ng isa sa kaklase ko. Tumawa lang si amara pero nanatiling seryoso si Kairus.
Tumingin ako sa bintana at hiniling na sana dumating na ang guro at hindi naman ako binigo dahil makalipas ng ilang minuto ay pumasok kaagad si miss Farah na may ngiti sa mga labe.
"Good morning" bati nito sa amin at sinuklian naman namin ito. Tumalikod ulit si Miss Farah na mukhang merong isusulat sa board at hindi nga ako nagkamali.
Tungkol un sa requirement namin. Bigla akong napatingin sa pwesto ni Kairus na nakatingin lang sa unahan na parang ang lalim ng iniisip. Bigla itong napatingin sa akin na ikinasamid ng laway ko. Naramdaman niya sigurong merong nakatingin sa kaniya.
Umiwas kaagad ako ng tingin bago nakinig kay Miss farah. Binigay ko ang lahat ng atensyon ko doon.
"Go to ur partner and talk about ur requirments."
Biglang sabe ni Miss na mas lalong nagpakaba ng dibdib ko. Halos hindi na ako makahinga lalong lalo na nong tumayo si amara upang puntahan ang partner niya.
Hinalikan nito ng mabilis si Kairus sa labe bago umalis dahilan para dalawa nalang kami ni Kairus ang natira sa upuan namin. Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Hindi ko alam kong anong dapat kong sabihin.
Kinakabahan ako.
"Stella?" Napatalon ako sa gulat ng bigla itong nagsalita. Malamig ang boses niya ng nagsalita ito.
Dahan dahan akong tumingin dito at tumambad sa akin ang naniningkit niyang mga mata. Nakasandal ito sa upuan na parang isang model na handa na sa photoshoot. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko dahil sa paraan ng paninitig niya parang meron akong ginawa.
"Let's go?." Malamig na sabe niya bago ito tumayo. Napatingala ako dito
"Saan?." Takang tanong ko. Kumalabog parin ang dibdib ko at halos nasasaktan na ako sa kabog ng dibdib ko.
Umiling sa akin si Kairus bago ako hinila palabas ng room. Hinila ako ni kairus papunta sa hagdan pataas. Hindi ko alam kong anong maramdaman ko sa sandaling un. Hindi ako maka angal dahil ang higpit ng hawak sa akin ni Kairus.
MAs lalo kaming umakyat at kong hindi ako nagkamali mukhang papunta kami sa roof top. Tama nga ako dahil sa roof top nga ang punta namin. Pumasok kami kaagad doon bago niya ako binitawan.
"Stella?." Napapikit ako sa paraan ng pagbanggit niya ng pangalan ko. Unti unti akong lumingon dito at halos masaktan ako ng makita ko ang disgusto niyang tingin.
"Isang sagot isang tanong?." Kinabahan ako sa sinabe niya. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko. Pasimple kong hinawakan ang puso ko.
Hinintay ko ang susunod niyang sabihin. Kinabahan ako. Mukhang may mali na hindi ko alam kong ano. Tinitigan ko si Kairus na walang emosyong nakatingin sa akin. Nakatitig ito sa akin ng mariin na parang meron akong ginawa.
"Do u like me? No, let me repeat the question? Do u love me?." Dagdag na sabe nito na tuluyan ng naghinto ng mundo ko. Natulala ako sa harapan niya habang laglag ang panga ko. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kong anong sasabihin ko.
Hinanap ako sa bibig ko ang pang tanggi pero hindi ko magawa. Hindi ako makapagsalita at pilit kong pinoproseso sa utak ko ang tanong niya.
"H-huh?." Tanging nasagot ko. I am speechless at hindi ko alam kong anong sasabihin dahil baka ano mang oras mawalan ako ng malay. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
Halos mapapikit ako ng mariin.
"Do u love me?" Ulit nitong tanong. Napa atras ako ng isang beses. Nangingilid ang luha ko bago ako umiwas.
"A-ano bang pinagsasabe mo?." Kunwaring biro kong sabe. Nanghihina ako at hindi ko alam kong anong gagawin ko. Hindi pa ako handang umamin. Hindi pa ako handang ma reject kase alam ko kong gaano kasakit ang ma reject ng taong mahal mo.
"Yes or No lang sagot Stella." Naiinip na.sabe nito. Paano niya nalaman ang naramdaman ko. Buong buhay ko ngayon pa siya nagtanong tungkol sa naramdaman ko kaya nakakagulat kong paano niya nalaman.
"N-no."
Nauutal kong sabe. Tumingin ako sa kaniya pero umiwas ito ng tingin sa akin at tumingala bago bumuntong hininga.
"Siguraduhin mo lang na wala ka talagang naramdaman sa akin Stella dahil ngaun palang sinasabe ko sayo hindi ko masusuklian ang pagmamahal na meron because I don't love you at hindi ko na kailangan sabihin sayo kong sino ang mahal ko dahil simula palang kilala muna ang mahal ko." Mahabang sabe nito na nagpadurog ng puso ko. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko upang pigilan ang luhang gustong kumawala.
Tumalikod na sa akin si Kairus at iniwan ako. Pagtalikod niya palang ay yon din ang pagtulo ng luha ko. Sunod sunod ang agos ng luha ko ng parang ulan. Nanginginig ang katawan ko at ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko.
Kumikirot ang puso ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Mas lalo akong umiyak dahil ang sakit talaga. Tumingala ako sa langit habang sunod sunod ang pag agos ng luha ko.
"H-hindi pa ako umamin non ah p-pero ni reject na a-ako." Umiiyak kong bulong sa hangin habang nakatingala sa langit. Mas lalong umagos ang luha ko. Ang sakit sakit. Another heart break.
Wala paring humpay ang pag agos ng luha ko. Sunod sunod ang pag agos nito na parang isang ulan. Lahat ata ng hinanakit ko ngaun ko nalabas. Humikbi ako. Taas baba ang balikat ko dahil sa pag iyak.
Hindi pa ako umamin non ah pero ni reject na kaagad ako. Hindi ko pa sinabe sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko pero inayawan na niya ako.
Pinunasan ko ang luha ko at suminghot. Kumurap kurap ako upang pinigilan ang panibagong luha. Tumingin ako sa paligid. Umikot ako ng isang beses upang libangain ang sarili ko.
Ang bigat bigat ng dibdib ko at gustong gusto ko pang umiyak para ilabas pa ang bigat sa dibdib ko pero pinigilan ko upang hindi mugtuin ang mata ko. Paulit ulit akong huminga bago ako humakbang papunta sa isang upuan na monoblock.
Naka tatlong hakbang palang ako ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan dito sa rooftop. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Hindi ko na alam kong kaya ko pang harapin si Kairus.
Lumingon ako sa kakapasok lang na tao at nagulat ako bago ko kinunot ang noo ng tumambad sa akin ang partner ni Amara. Humarap ako dito habang pakamot kamot itong lumapit sa akin.
Hindi ko mapigilang mapasinghap. Mas lalong bumigat ang dibdib ko sa naisip kong baka nagpalit si Kairus.
"Hi? Pasensiya kana kong nagulat kang andito ako, nagpalit kase kami ni Kairus ng partner, bigla bigla nalang hinila si Amara palayo sa akin tapos sinabihan akong magpalit ng partner." Bungad nito sa akin na ikinabagsak ng balikat ko.
Hindi ko alam kong anong maramdaman ko. Hindi ko alam kong anong dapat kong maramdaman. Bagsak ang balikat ko habang nakatingin dito. Mas lalo akong gustong umiyak pero pinigilan ko.
"S-sige.." nanghihina kong sabe bago ako dahan dahan tumango. Yumuko ako at sa oras na un gustong umiyak ng malakas. Ang sakit sakit mo naman Kairus. Bakit kase sayo ko pa ito naramdaman. Bakit sa dinami dami ng tao dito sa mundo bakit sa taong meron ng ibang mahal.
Bakit sa dinami dami ng tao dito sa mundo bakit lalaking meron ng ibang mahal? Bakit sa dinami dami dito sa mundo bakit sa kasintahan pa ng kaibigan ko, ako nagkagusto?
"Teka? Okay kalang? Bakit ka umiyak?." Napasinghap ako at natigilan ng maramdaman ko ang kamay ng lalaking to sa balikat ko. Tumingin ako dito bago ko hinawakan ang pisngi ko at don ko lang nalaman na tumulo na pala luha ko.
Hindi ko man lang alam na umiyak na pala ako. Pinunasan ko ang luha ko bago ako tumango at huminga ng malalim bago ako ngumiti ng pilit.
"Oo naman." Pilit na ngiting sabe ko.
"Malungkot kaba kase nagpalit kayo ni Mr Alvarez ng partner?." Biglang tanong nito na ikinatigil ko.
Umiling kaagad ako.
"Hindi ah, bakit naman ako magiging malungkot." Kunwaring naka kunot noong tanong ko. Umupo sa monoblock bago ko nilabas ang notebook ko. Mula sa gilid ng mata nakita ko ang lalaki na kumuha din ng upuan at umupo sa tabe ko.
Tumingin ako dito.
"Ano pala pangalan mo?" Biglang tanong ko dahil hindi ko ito kilala. Sa tingin ko nga ngayon ko pa ito nakita eh.
"Ivan." Maikling sabe nito. Tumango ako ng dahan dahan bago ako tumingin sa.notebook ko.
"Ako naman si--"
"Stella right?." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya itong dinugtungan. Napatingin ako dito na naka kunot noo bago ako tumango. Bakit niya ako kilala?
"Kilala ka kase sa buong campus, matunog ang pangalan mo kaya nakilala rin kita dahil sa kagandahan mo at pagiging matalino mo." Umiwas ito ng tingin pagkatapos magsalita. Uminit ang pisngi ko dahil sa huling sinabe nito.
Umiwas ako ng tingin bago ako tumikhim. Hindi ko naman alam na matunog pala ang pangalan ko sa buong campus. Hindi ko alam kase hindi naman ako interesado sa mga nangyayare sa paligid.
"Hindi ko alam." Tanging sagot ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Ivan bago tumango.
"I see." Marahang sabe nito. Ilang sandali kaming natahimik habang nag iisip ako. Mabigat parin ang dibdib ko at hindi man lang ito gumaan. Ang sikip sikip sa dibdib ko dahil sa ginawa ni Kairus.
Isang malaking katanungan sa akin kong bakit siya nagtanong sa naramdaman ko? Isang question mark sa akin kong bakit meron siyang alam, tungkol sa naramdaman ko.
Wala namang kahit sinong may alam sa naramdaman ko. No one know about my feelings toward him dahil wala akong pinagsabihin.
Bumuntong hininga nalang ako at hindi na nag isip pa. Masakit parin ang dibdib ko sa mga binitawan niyang salita kanina. Oo na si amara na ang mahal nito. Oo na, meron na siyang ibang mahal. Dapat tanggap ko na pero bakit ang hirap hirap para sa akin?
Bakit ako nahihirapan?
Hayst!