Ang kaninang ngiti ko ay unti unting napawi ng makilala ko kong sino ito. Kahit na naka sunglasses sila, kahit na naka sumbrero sila ay hindi hadlang un upang hindi ko makilala ito. Si amara at Kairus! Natigilan ako at hindi ako makagalaw habang pinapanood silang dalawa. Nakahawak ang kamay ni Kairus sa bewang ni Amara. Bumulong bulong si Kairus sa tenga ni amara. Sinundan ko sila ng tingin at kong hindi ako nagkamali, mukhang pupunta sila sa isang shop rin na maraming cake na naka display. Napasinghap ako at ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko. Hindi ako makagalaw dahil nanatili ang paningin ko sa kanilang dalawa! Nakahawak parin ang kamay ni Kairus sa bewang ni Amara na parang inaalalayan ito. Pumatak ang isang butil kong luha habang nakatingin sa kamay na un ni Kairus. STELLA