Alam kong hindi ako lulukuhin ni Kairus. Baka dahil lang sa trabaho. Paulit ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hanggang trabaho lang ang ugnayan nila. Meron akong tiwala kay kairus na hindi niya ako lulukuhin. I trust him!. Malaki ang tiwala ko sa kaniya kase ganun ko siya kamahal. Dumating ang ilang minuto bago bumalik.si Kairus sa kwarto. Nakahiga na ako bago siya bumalik pero nag uunahang umagos parin ang luha ko. Naramdaman ko ang paghiga ni Kairus sa tabe ko. Anong pinag usapan nila? Pumikit ako ng mariin at palihim na kinalma ang sarili. Dahan dahan kong pinunasan ang luha ko ngunit muli akong nanigas sa kinahigaan ko ng maramdaman ko ang kamay ni Kairus sa bewang ko hanggang sa nakayakap na ito sa akin. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Hindi ko mapigilang hindi humagulg