Dalawa! Dalawang oras akong naka upo sa dulo ng kama habang umiiyak parin. Dalawang oras umaagos ang luha ko na parang walang katapusan. Dahil sa matinding pag iyak at dahil narin siguro sa pagod, nakatulog kaagad ako. Binuhos ko lahat ng effort ko sa birthday ko pero walang dumating na kairus. Lahat ng excitement na naramdaman ko kanina ay parang bulang naglaho. Alam kong walang kairus dati na nasa birthday ko pero kase anim na taon kaming magkasama at lagi itong present sa birthday ko, at nasanay ako dahil sinanay niya ako. "D-dati kase ako lang mag isang mag diwang ng kaarawan ko hehe" sabe ko gamit ang marahan na boses. Sa araw na un ay ang kaarawan ko nong naging officially naging kami. Umiiyak ako sa araw na un dahil hindi ko akalain na meron pa pala akong kasamang mag celebrate