CHAPTER 8

2152 Words
"Charan!" Masayang ipinakita ni Rima ang higaan nila kay Beid Dahil ayaw na ni Rima na isipin pa ng kaniyang asawa na ayaw niya itong kasama sa iisang kwarto, gumawa na lang siya ng paraan para magkatabi na sila. Naglagay na lang siya harang sa kama. Malaki naman iyon na kasiya ang apat na tao. Naglagay na lang siya ng unan sa pagitan nila. "Tingin mo makakatulong 'yan?" Parang namomroblemang sambit ni Beid. Pinalobo ni Rima ang bibig. "Hindi ba?" "Pagkatapos mo ako halikan, tingin mo magtatabi tayo?" Namula ang mukha ni Rima nang maalala niya ang mapangahas niyang ginawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na ginawa niya iyon pero masaya siya na hindi na muli nakamaskara ang Señor at hindi ito galit sa kaniya. "Ahmmm....ano sige ikaw bahala hehe..." Napakamot si Rima ng ulo at hindi na makatingin sa asawa niya ngayon. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito bago niya naramdaman ang mainit nitong kamay sa kaniyang kamay. Napaangat siya ng tingin bago tiningnan ang magkahawak nilang kamay. Napadapo naman ang isang kamay ni Rima sa dibdib. Ang lakas ng t***k. "Pero okay na 'yan. Hindi ba't sinabi mo na pwede basta hanggang halik?" Nanigas si Rima sa kinatatayuan. Naging triple ata sa lakas ang puso niya na parang magkakaroon siya ng mini heart attack. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo?" Tumaas ang isang kilay ni Beid habang nakatingin sa kaniya. Lumunok si Rima matapos makabawi bago umiling. "Natandaan ko po." "Okay. Let's sleep" Hinila na siya ng Señor at wala siyang nagawa kung hindi magpadala at parehas silang bumagsak sa kama at madali lang no'ng nasira ang harang na ginawa niya sa kama. Kaagad siyang sinakop ng Señor na inilapit sa kaniyang dibdib. Para lang siyang unan na kandungan sa liit niya. Pero sa gulat na ni Rima ay mabilis niyang tinulak palayo ang Señor. "Bakit ka lumalayo?" Masungit na tanong ng Señor. Pakiramdam ni Rima ay namumula na naman ang pisngi niya bago sumagot. "'Yong harang..." Kaagad nagsalubong ang kilay ng asawa. "Ayaw mo talaga ako katab-" Mabilis na lumapit si Rima kay Beid at siya naman ngayon ang yumakap. Isiniksik niya ang sarili sa dibdib nito , ipinulupot pa niya ang kamay sa bewang nito at ang isang paa ay kumandong sa balakang ng asawa. "Gusto nga" ungot ni Rima na namumula at nahihiya pero ayaw naman niyang isipin ng Señor na ayaw niya itong katabi. Ramdam ni Rima ang malakas na t***k ng puso nito at ang mabibigat nitong paghinga. Ngunit hindi rin siya sigurado kung ang lalaki nga iyon dahil rinig niya rin ang lakas ng t***k ng puso. "I think that's too much" nahihirapang sabi ni Beid. "Po?" "Sabi ko sobra." Kaagad namang inalis ni Rima ang binti niya sa balakang nito at ang kamay niyang nakayakap sa bewang nito at hindi na lang siya lumayo. Ramdam ni ang kaginhawaan sa Señor na sunod-sunod ang mura. Masakit iyon sa tainga pero nasasanay na siya sa pagmumura ng Señor. Hanggang sa tumahimik ulit ang paligid at kumalma na ang Señor. Naramdaman niya ang mga daliri nito sa kaniyang baba na inangat ang mukha niya para magtama ang kanilang mata. Para na namang maduduling si Rima sa lapit nila. "Huwag mo na ulit gagawin 'yon. Huwag ka na ulit maglilinis kung may hika ka pala " Tanging tango lang ang ginawa ni Rima. "Gusto ko lang naman pagsilbihan ka" Naramdaman ni Rima ang pag-suklay ng daliri nito sa buhok niya at ang sarap no'n. "Kung hindi pa ako pumunta doon, baka maabutan kitang hindi humihinga" "May dala naman po akong inhaler kaso hindi ko nasigurado kung may laman pang gamot" "Kahit na. Alam mo ng maalikabok maglilinis ka pa rin. It's dangerous to your health" Ngumuso si Rima na medyo nagiging komportable na sa lapit nila. "Patawad kung hindi ko pala nasabi na may hika ako." "May iba ka pa bang sakit?" Umiling si Rima. "Wala pero mahina po ang aking katawan. Kaya nga kami nabaon sa utak. Mabilis kasi akong dapuan ang sakit at lagi kaming nasa hospital. Naalala ko pa noong nagkadengue ako. Akala nina nanay ay simpleng lagnat lang pero umabot na ng isang linggo ang lagnat ko kaya naisugod ako sa hospital. Noong araw na iyon ay uso ang dengue na napuno ang pampublikong hospital kaya kailangan po akong ipasok sa pribado. Kaya kinailangang manghiram ni Nanay at tatay ng malaking halaga para sa akin dahil noong mga panahon na iyon ay kakaunti na lang ang bilang ng platelets ko at muntikan na akong mamamatay. Kaya nga po ako naandito eh. Para hindi na ako maging pabigat." Walang narinig na tugon sa asawa kaya naman inangat ni Rima ang tingin at nakita niya ang paninitig nito sa kaniya. "Close kayo ng pamilya mo?" Napangiti si Rima na mabilis na tumango. "Oo naman. Mahal na mahal ako ng magulang ko. Si Ate Rhea....mabait siya pero minsan mataray pero naiintindihan ko naman....eh kayo po? Ang pamilya mo?" Mabilis pa sa segundong nawala ang emosyong nasa kaniyang mga mata na parang may nasabing masama si Rima. "Patawad" kaagad na hinging paumanhin ni Rima. "Hindi.." sagot ng Señor. "Wala akong pamilya" Hindi na muling nagtanong pa si Rima kahit sobrang daming katanungan niya sa isip dahil doon pa lang, alam niyang tinapos na ng asawa ang sagot. Wala siyang pamilya? Nakakalungkot isipin iyon. Upang hindi na malungkot at bumalik muli ang dating sigla ay ngumiti si Rima. "Huwag kang mag-alala, naandito na po ako. Asawa mo na ako hindi ba? Edi pamilya mo na ako?" Mukhang umepekto iyon dahil lumambot ang ekspresyon nito. "Hindi ka ba talaga natatakot sa akin? Sa mukha ko?" Umiling kaagad siya. "Hindi pa ba sapat na hinalikan ko ang peklat mo?" "Hindi. Gusto ko pa ng halik." Mapaglaro ang boses nito bago dumapo ang mata ng Señor sa kaniyang labi. Alam niyang kinakabahan siya pero hindi niya hahayaang mag-isip ng kung ano ang Señor kaya walang nagawa si Rima kung hindi ngumuso. At nang lumapat na ang labi ng kaniyang asawa, tanging mahigpit na kapit na lang sa damit nito ang nagawa ni Rima. Katulad sa nangyari sa opisina, madiin at may sipsip ang mga halik na hatid ng Señor habang si Rima ay nakatuod lang at walang ginagawa hanggang sa kumalas na muli ang Señor at nakaawang ang bibig habang nakatingin sa kaniya. "Ano pong tawag sa klase ng halik na ginawa niyo?" Hinawakan ni Rima ang labi. Ramdam niya pa rin ang labi nito sa kaniya. "A passionate one.." sagot nito sa mahugong na tono. "Passionate?" Tanong pa ni Rima na hindi pa sigurado kung tama ba ang pagkakabigkas niya. Isang ngisi lang ang sagot sa kaniya ng asawa na muli siyang hinalikan at maingat na hinawakan ang kaniyang pisngi. At katulad ulit ng kanina ay parang tuod lang si Rima na hindi makatugon hanggang sa lumayo na si Beid. Bahagyang namula si Rima sa kahihiyan."Patawad. Hindi ako marunong humalik" "Madali lang humalik" "P-paano?" Nahihiya niyang tanong. Gusto niya lang tumugon at hindi niya maitanggi na parang may naglalarong mga paro-paro sa tiyan niya kapag hinahalikan siya ng Señor. Ayaw din ni Rima na magmukhang tuod na lang. Bahagyang nagulat si Beid pero kaagad itong ngumisi. "Gusto mo matuto?" Umiwas ng tingin si Rima at pekeng umubo. "Nahihiya akong ikaw lang ang humahalik..." "Iniisip mo rin ako?" Tumango si Rima. "Gusto nga kita pagsilbihan" Lumambot lalo ang ekspresyon nito. Pinasadahan ng daliri nito ang pisngi bago nito hinawakan ang kaniyang panga para ianggulo ang kaniyang mukha. Alam ni Rima na parang naninigas siya sa kaba pero mukhang wala naman iyon sa Señor. Mas nakatuon ang pansin nito sa labi niya. "Iawang mo ang labi mo Rimacon.." "Ganito po?" Ngumanga si Rima. 'Yong sobrang nganga. "Ano ako dentista?" Sarkisto nitong sambit. Ngumuso si Rima. "Awang nga. Kaunting buka lang katulad nito" pinakita ni Beid ang bibig niya at kaagad iyong ginaya ni Rima. Pagkaawang pa lang niya ng labi ay kaagad siyang siniil ng halik ni Beid. Katulad kanina ay nanigas siya kaya tumigil si Beid. "Igalaw mo lang ang labi mo gaya ng paggalaw ng sa akin." kinuha ni Beid ang kaniyang dalawang kamay at ipulupot iyon sa kaniyang leeg bago muling tinanggalan ng distansya ang kanilang labi. Bitbit ang bilin ng Señor ay sinubukan niyang humanap ng tiyempo para sabayan ang halik ng asawa. Panay sipsip at diin ito sa labi niya. Salitan sa baba at itaas ng kaniyang labi at para pang nanggigigil. At nang maramdaman ni Rima na iniaanggulo siya ng Señor, doon siya kusang gumalaw. Kusa niyang sinabayan ang labi nito hanggang sa makakuha siya ng ritmong hindi niya aakalaing magpapabaliw sa kaniya. Nakakapanindig balahibo at nakakahilo. Ang init at masikip sa dibdib. Hindi dahil hinihika siya ngunit sa tindi ng bigat ng halik na hatid ni Beid. "Ugh!" Unti-unting pumikit si Rima na hindi na kayang magmulat ng mata. Nanghihina ang mga kamay niyang dapat nakapulupot sa leeg ng asawa kaya ito nasa balikat na lamang at doon kumukuha ng lakas. Kung hindi lang nila kailangang lumanghap ng hangin ay hindi sila bibitaw. Parehas silang hinihingal pagkatapos. Nagkatinginan sila at bakas sa kanilang mata ang pagiging kontento. "Ang....sarap..." hindi namalayang sambit ni Rima na namumungay ang mata. "Tangina" Mariing napapikit si Beid na parang isang nakakatakot siyang nilalang dahil mabilis itong bumangon papasok ng banyo at tanging naiwan lang si Rima na mabigat pa din ang paghinga. Ganoon pala humalik. Hindi akalain ni Rima na masarap pala iyong nakikita niya sa mga teleserye. Gusto niya pa ng halik. Gusto pa niya ng maraming halik. Gusto pa niya matuto. _______ Hindi na muling nasundan pa ang halik na iyon dahil sa tagal ni Beid sa banyo ay nakatulog na si Rima. Gumising si Rima na wala na ang Señor sa tabi niya katulad ng lagi niyang nadadatnan. Kinusot muna ni Rima ang mga mata bago bumangon at maghilamos at magtoothbrush. Tiningnan muna ni Rima kung nasa opisina ang asawa pero nang hindi niya makita ay lumabas siya ng kwarto at pagkalabas niya ay napaawang na lang ang bibig niya sa nasaksihan. "Excuse me ho!" Bahagyang napaatras si Rima nang makita ang isang habaeng may basahang dala at naglalampaso ng sahig. Ang ingay. Ang daming taong naglilinis. Higit sa sampo ang nakikita niya! Oo. Iyon ang nadatnan ni Rima. Puno din ng alikabok sa lugar dahil buong kwarto ata na nakalock ay nililinis na din. Pati ang kisame na puro sapot at alikabok ay may naglilinis. Dahil maalikabok ay bumalik si Rima sa kwarto at tulala pa rin sa nakita niya. Maya-maya ay biglang may kumatok kaya agad niya iyong pinagbuksan. Bumungad si Mang Carpio na may mask sa mukha. "Oh suotin mo Señora" inabot ng matanda ang kulay pink na mask at kaagad naman niyang sinuot dahil maalikabok talaga sa labas. "Nakita mo na ba ang labas?" Tanong nito. Tumango si Rima. "Oho. Sobrang alikabok at ang daming naglilinis. Anong nangyayare?" Hindi man kita ni Rima ang bibig ni Mang Carpio pero halata mata nito na masaya siya. "Isa kang hulog ng langit!" Kumunot kaagad ang noo ni Rima. "Po?" Kinapitan nito ang kaniyang dalawang kamay. "Milagro ang lahat ng paglilinis na ito Señora. Naalala mo ba kung gaano kadumi ang bahay?" Tumango si Rima. Mukha pa nga itong haunted house na walang nakatira. "Alam mo ba kung bakit hindi ito nililinis ng Señor" Umiling si Rima. "Kasi para sa kaniya, ito ang nababagay sa kaniya. Isang haunted house na bagay sa katulad niyang monster gano'n! Tingin niya ay hindi dapat ito nililinis. Gusto niyang maging kasing panget niya ang bahay niya" "Po? Grabe naman..." Nasaktan siya sa sinabi ni Mang Carpio. Kaya pala sobrang dumi. Kaya pala....mukhang haunted house. Gusto niya tuloy yakapin ang asawa niya ngayon. Gusto niya itong makita at pagsilbihan. "Pero 'yon na nga ineng!" Masayang pagpapatuloy ng matanda. "Dahil sa'yo ay nililinis na ang buong loob ng bahay" "Po? D-dahil sa akin?" Sunod-sunod ang pagtango ni Mang Carpio. "Oo. Dahil hinihika ka, advice ng doctor na pumunta dito ay iiwas ka sa mga alikabok at ito ang ginagawa ng Señor!" Hindi alam ni Rima kung anong tawag sa nararamdaman niya ngayon pero parang may kumiliti sa kaniyang sistema. Kinilig ba siya? Hindi niya alam. "Señora..." Tawag sa muli ni Mang Carpio sa kaniya. "Po?" Lumambot ang ekspresyon nito. "Pwedeng humingi ng pabor?" Kaagad na tumango si Rima. "Kahit ano Mang Carpio. Ano po ba iyon?" "Mahalin mo ang Señior" Hindi kaagad nakaimik si Rima sa gulat ng hinihiling ni Mang Carpio ngunit automatiko ding gumuhit ang ngiti sa labi niya at binigyan niya rin ng isang malambot na titig ang matanda. "Pagsisilbihan ko ho siya..." Tanging nasagot ni Rima habang nakatitig sa kaniyang singsing. Nangako sila sa kanilang kasal. Ipinangako niya na pagsisilbihan niya ang asawa. Ipinangako niya na si Beid lamang ang nagmamay-ari ng katawan, kaluluwa at pagkatao. At kabilang sa katawan, kabilang na rin sa pagmamay-ari nito.... ang kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD