"Oo nga pala, sabi ng Señor ay mag-almusal pagkatapos ay maligo ka na."
"Po? Bakit po?"
Ngumiti si Mang Carpio, natutuwa dahil sa ka-cute-an ng kaniyang Señora. "May date ata kayo"
Namilog ang mata ni Rima. "Date?"
Parang sa mga magkasintahan?
Totoo ba ito?
Natatawa namang bumaling sa kaniya si Mang Carpio. "Siguraduhin mong magpaganda ka ha? Para mas lalong mabwisit si Señor."
Kumunot ang noo ni Rima. "Mabwibwisit siya?"
"Oo. Kasi madaming titingin sa'yo panigurado."
"Huwag na lang po ako magpaganda" ngumuso si Rima pero sa totoo lang ay nag-iisip na siya kung may maganda ba siyang damit no'ng naghakot siya ng damit.
Sana may naidala ako
"Wait dalhin ko muna ang almusal mo tapos ligo ka na at magbihis. Sana ol na lang talaga sa date niyo"
Nangingiti lang si Rima na mabilis na hinalungkat ang malawak na kabinet na tanging kakapiranggot lang ng espasyo ang nakuha para sa kaniyang gamit.
Para siyang isang tangang nakangiti lang mag-isa habang ginagawa iyon.
Hindi siya nakaranas ng date at ngayon pa lang.
At magdadate sila ng asawa niya.
Ilalabas talaga siya ng Señor.
Kung ano-anong mga senaryo ang pumapasok sa utak ni Rima pati na rin ang halik pumasok sa isip niya.
Napatigil tuloy si Rima sa pagtingin ng damit niya dahil do'n at napahawak sa kaniyang labi.
Parang may kung ano na namang kumiliti sa tiyan niya.
Gusto niya ulit maramdaman ang pakiramdam na iyon at marami pang matutunan pa ulit.
Nangingiti ulit siyang naghanap ng damit na susuotin bago makita ang isang dilaw na bestida na lampas hanggang sa tuhod. Halatang luma na iyon at iyon lang ang pinakamatino. Nawawalan na kaagad ng kumpiyansa si Rima na ayusan ang sarili pero wala naman siyang magagawa kung hindi iyon lang ang mapili!
Naiayos na ni Rima ang gamit nang pumasok si Mang Carpio, dala ang almusal niya dahil hindi siya pwede mag-almusal sa labas at mailakabok.
Kaagad namang kumain si Rima dahil ayaw niya ring paghintayin ng matagal ang Señor.
"Grabe ang dumi ng bahay. Parang nakaroon ng hamog sa labas. Sabi ng Señor huwag ka na daw lumabas." Reklamo ni Mang Carpio na tinanggal ang facemask niya.
"Po? Saan po ako dadaan?" Pagtigil niya sa pagkain.
"Balkonahe"
"Po?" Tumingin siya sa balkonahe at napalunok kaagad siya. "Gusto niyo po bang doon ako tumalon?"
"Hindi! Maglalagay ako ng hagdan. Huwag kang mag-alala, naghihintay na Señor ng buhay mo sa ibaba."
Kaagad na nakahinga ng maluwag si Rima. "Linawin niyo po Mang Carpio"
"Sorry na" nagpeace sign ito.
"Okay po. Pinapatawad na kita"
Muling bumalik sa pagkain si Rima ng almusal niyang hotdog at ham na may fried rice.
"Ang romantic ng pagbaba sa balkonahe hindi ba? Para kang isang suwail na bata na tatakas sa magulang mo para makipag-date?" Muling sambit pa ni Mang Carpio.
"Hindi po ako suwail na anak. Masunurin nga po ako ih. Hindi ko po magagawa 'yon" nagsalubong ang kilay ni Rima sa sinabi ng matanda habang puno ang bibig niya ng pagkain.
Pero sa isip-isip niya ay parang ganoon na rin siya noong araw na naglayas siya para ibenta ang sarili niya sa Señor na inalok niya rin ng kasal sa huli.
Malakas na tumawa ang matanda na ginulo ang buhok niya.
"Hay nako, ang cute mo Señora"
Umalis na si Mang Carpio para ilagay na ang hagdan sa balkonahe at nagsimula ng mag-ayos si Rima.
Mabilis siyang naligo at nagbihis. Sinuot niya ang dilaw na bestida at iniladlad lang niya ang itim at mahabang buhok.
Mukha siyang maputla dahil walang kulay ang kaniyang mukha. Kinailangan pa ni Rima na sampalin ang kaniyang pisngi at kagatin ng sobra ang labi niya para pumula-pula ng kaunti. Wala kasi siyang pampaganda o kahit ano.
"Señora okay na 'yong hagdan" pasok ulit ni Mang Carpio.
Tumango na lang si Rima na tumayo na kahit hindi pa siya sigurado sa itsura niya bago pumunta ng balkonahe.
Kaagad niyang nasilayan ang Señor.
Ang kisig nito sa kulay itim na t-shirt at kulay khaki na cardigan short. Nakaayos ang buhok nito at nakamaskara.
Biglang nahiya si Rima na bumaba. Ang panget niya.
"Baba na kayo Señora. Aalalayan ko po kayo"
Tumingin naman si Rima sa matanda. "Mang Carpio...parang ayaw kong bumaba"
"Bakit naman? Ayaw mo makipagdate?"
Umiling si Rima bago tiningnan ang sariling suot. "Ang gwapo po ni Beid tapos....ang....panget ko"
"Ha? Gwapo?!" Hindi makapaniwala si Mang Carpio sa sinasabi ng Señora. Parang ngayon lang may nagsabi sa Señor niya na gwapo ito.
"Opo. Gwapo siya!"
Napafacepalm na lang si Mang Carpio. "Malabo ba mata mo?"
Umiling si Rima. "Hindi ho. Malinaw na malinaw"
Ngumisi na lang si Carpio at umiling. Natutuwa siya at mukhang kakaiba talaga si Rima sa ibang babae.
"Okay na 'yan Señora. Ang ganda ganda mo. Sige na baba na"
Kahit nahihiya ay walang nagawa si Rima kung hindi bumaba. Inalalayan siya ni Mang Carpio at nang matapakan na niya ang hagdan ay tiyaka lang siya binitawan ng matanda.
"Enjoy kayo!" Sigaw pa ni Mang Carpio.
Sa baba naman ay nakalahad ang kamay ni Beid at kaagad siyang inalalayan pagbaba.
At kaagad na sumalubong si Rima ng yakap.
Oo niyakap niya agad ang Señor.
Ramdam niya ang paninigas nito pero wala siyang pakielam.
"Salamat. Nabalitaan ko kay Mang Carpio na pinalinis mo ang bahay dahil sa akin"
Ito talaga ang unang pakay niya. Nakakataba ng puso ang ginawa ng Señor para sa kaniya.
Tumikhim si Beid na nag-relax na ang katawan bago naramdaman ni Rima ang pagtapik nito sa kaniyang likod.
"It's time to clean the house especially that you have an asthma. Kapag hindi pa ako naglinis, baka hikain ka na naman kaya pupunta tayo sa hospital ngayon"
"H-hospital?" Mabilis na lumayo si Rima sa asawa.
Kumunot naman ang noo nito. "Yes. May problema ba do'n?"
'Akala ko date!'
Gusto iyong isambit ni Rima pero pinigilan niya ang sarili. Kilala niya nga pa lang mapaglaro at mapangasar si Mang Carpio.
"Bakit?"
Mukhang napansin ng Señor ang pagiging matamlay niya.
Ngumuso na lang si Rima. "Wala ho."
"Eh bakit parang pinagsukluban ng langit 'yang mukha mo?"
Kaagad na umiling si Rima. "Hindi kaya! Tsaka bakit pa tayo pupunta ng hospital. Okay lang ako Beid—"
"Para sa kalusugan mo. Kailangan mo ng konsulta sa doctor at bilhin ang mga kailanga—"
"Hindi na kailangan" bigla na siyang lang nahiya. Ayaw niya na gumastos pa ang Señor sa kaniya nakakahiya iyon.
"Bakit marunong ka pa sa akin?" Masungit nitong sambit.
"Hindi naman sa gano'n. Ayaw ko lang ng gastos tsaka okay na ako. Nag-iingat na po ako"
"Pwes hindi pwede sa akin iyon. Nasa pamamahay kita at asawa kita. Ayaw kong maabutan ka na lang na hindi na naman makahinga. I'm doing this for your sake. You should be grateful"
Tumango na lang si Rima. Kung anong gusto ng asawa niya ay susundin niya kahit pa hindi na kailangan.
Tsaka maganda na rin siguro iyon.
Ayaw pang mamatay ni Rima.
"Okay. Pasok ka na ng kotse, pupunta tayo ng hospital"
"Okay po" nakanguso pa rin niyang saad.
Ipinasakay na siya ni Beid sa kotse at kaagad ding nawala ang lungkot kay Rima dahil ito rin ang unang beses na makakasakay siya ng kotse.
"Wear your seatbelt"
Hindi niya naintindihan kaya ang Señior na ang gumawa sa kaniya. At nang magkalapit ang kanilang katawan at halos kadangkal na lang ang pagitan nila ay tanging pagsinghap at pagpipigil ng hininga ang ginawa ni Rima.
Naramdaman iyon ni Beid kaya inangat nito ang tingin sa kaniya kaya naman nagtama ang kanilang mga ilong.
Kaagad na bumaba ang tingin ni Rima sa labi nito at ganoon din ang Señor na mabilis na sumalakay ang labi sa kaniya.
May sarili namang isip ang mga kamay ni Rima na pumulupot ang braso sa leeg ng Señor at kaagad na humalik pabalik.
Dahil alam na ni Rima ang ritmo, nakakaya na rin niyang ianggulo ang sarili para makakuha ng magandang pwesto.
Parehas nilang sinisipsip ang kanilang mga labi. Mabilis na nakakasabay si Rima na nakapikit habang dinadama ang malalambot na labi nito.
"f**k!" Hiwalay sa kaniya ni Beid na hinihingal pang umayos ng upo sa driver's seat at nagkabit na din ng seatbelt para hindi na siya makalapit sa asawa. Ganoon din si Rima na parang nagkakulay ang mukha sa pula.
"Mas lalo kang nagiging marunong ah? Fast learner?"
Tanging tango lang ang tugon ni Rima na nakakaramdam ng kiliti sa kaniyang tiyan. "Turuan niyo pa po ako Señor"
Muli na naman itong nagmura ng napakaraming beses.
"Control your self Beid. Control yourself" Rinig pa ni Rima na sambit ng Señor.
Maya-maya lang ay narinig na niya ang pag-andar ng makina.
"By the way bago pa ako masiraan ng ulo, punta na tayong hospital"
_____
Napakabanayad ng takbo nila. Tinuturuan siya ng Señor ng mga parte ng sasakyan at ano ang mga pipindutin at parang ignorante naman si Rima na pumapalakpak at namamangha.
"Ang galing!" Tuwang-tuwa si Rima habang inaadjust ang kinauupuan niya ngayon. Ang komportable niya habang nakahiga ang kalahati ng kaniyang katawan.
"Psst ignorante kong asawa, nasa hospital na tayo" nakangising tawag ni Beid na kanina pa ding nag-eenjoy sa kaniyang asawang ignorante.
Kaagad na inayos ni Rima ang passenger seat na ilang beses niyang inadjust.
Hindi niya alam kung paano matanggal ang seatbelt kaya naman tinulungan ulit siya ni Beid pero hindi na sila naghalikan.
Pinagbukas siya nito ng pinto na parang nakikita niya sa teleserye. Hindi maiwasan ni Rima ang kiligin.
"Halika na. Huli na tayo sa appointment"
Naunang maglakad si Rima papasok ng hospital.
"Beid publiko o pribad—" napatigil si Rima sa pagtatanong nang mapansin na wala ang Señor sa likudan niya.
Hindi pa ito pumapasok at naando'n lang sa harapan ng hospital. Kumurap si Rima.
Mariin itong nakapikit at may kung anong santong dinadasalan. Parang hirap na hirap ang Señor sa pagpasok.
Nalilito si Rima kaya naman muli siyang bumalik para alamin.
"Bei—"
Pagkalapit niya ay mabilis na sinakop siya ng braso ng Señor at niyakap siya ng mahigpit.
Ang unang napansin ni Rima ay ang panginginig ng katawan nito.
"Beid...." Kaagad nag-alala si Rima. "May nararamdaman ba kayo?"
Sumiksik si Beid sa leeg niya. "Sorry Rimacon. Sorry..."
Kinailangang yakaping pabalik ni Rima si Beid at tapikin ang likod nito para kumalma.
"Bakit ka nagso-sorry? Sobra kang nanginginig Señ—"
"Takot ako sa hospital. I can't go there. I tried but I can't..."
Ang makita lang si Beid na parang isang pusang takot sa tubig ay alam ni Rima ang sobrang takot nito sa hospital pero dinala pa rin siya nito dito.
Para sa kalusugan niya.
Malambot niyang tiningnan ang asawang hindi bumibitaw sa kaniya.
Bakit kaya ito takot? Sobrang sama ba ng karanasan nito sa hospital?
Hindi na muna niya in-entertain ang kaniyang mga naiisip. Ang unang ginawa ni Rima ay ilayo ito sa tapat ng hospital.
Para silang PDA dahil naglalakad sila habang magkayakap. Si Rima ang umaabante at si Beid naman ang umaatras.
Nang tama na ang distansiya nila ay tsaka lang siya binitawan ng Señor at kumalma.
"Ako na lang pupunta. Pwede bang maghintay ka na lang dito?"
Matamlay na tumango si Beid, disappointed pa rin siya sa sarili na hindi niya masamahan ang asawa sa loob.
Ngumiti naman si Rima bago nagpaalam at siya na lang ang pumasok sa hospital.
Ni-check up siya ng doctor at kaagad na nakinig sa lahat ng bilin nito at mga kailangan niyang iwasan dahil sasabihin niya iyon lahat kay Beid. Pati ang mga gamot at vitamins na binigay ng doctor ay tinandaan niya kahit may reseta pa.
Mabilis lang ang pagkonsulta at mabilis lang din siyang nakaalis.
Panay ang ulit ni Rima sa mga kailangan niyang tandaan hanggang sa makarating siya ng sasakyan nila.
Hindi pa niya nahanap kaagad kung hindi lang kumaway ang Señor ay baka pumasok na siya sa ibang kotse.
Pagsakay pa lang niya ay todo paliwanag na si Rima. Ibinigay niya ang bilin ng doctor at ibinigay din niya ang reseta. Sinigurado ni Rima na naikwento niya lahat ng sinabi ng doktor.
"Good job Rimacon.." Sabi ni Beid bago hinalikan siya sa labi.
Tanging pagpula lang ng pisngi ang tugon niya at ngumiti.
'Yey! Good Job daw ako'
"Okay, let's to the drugstore to buy your vitamins and then let's date"
Mabilis na napabaling si Rima sa Señor sa huli nitong sinabi.
"D-date?!" Hindi namalayan ni Rima na sobrang saya at sobrang excited pala ng boses niya.
May lihim na ngiti ang pumukol sa labi ni Beid habang pinagmamasdan nito ang kaniyang mga reaksyon.
"Dapat tatanungin ko kung ayaw mo akong makadate, pero sa reaksyon mo pa lang, alam ko na"
Masayang tumango si Rima. "Oo naman po. Gusto ko nga po 'yon maranasan ih."
"Kahit sa tulad ko?" Pagbababa na naman ng tingin sa sarili niyang sambit ni Beid.
"Hindi ka naman iba sa tao Beid." Inabot ni Rima ang kamay nito na mas lalong nagpalambot sa ekspresyon ng Señor.
"Tara na po, date na tayo"