ANG SIKIP ng dibdib ni Rima. Ang hirap huminga. Parang kahit anong hinga niya ay walang pumapasok na hangin sa kaniyang sistema. Nanlalabo ang kaniyang mata at nabibingi. Nararamdaman din niya ang malakas na t***k ng kaniyang puso.
Kailangan niya ng hangin.
Hangin...
Pahinging hangi-
Iminulat ni Rima ang mata at kaagad na lumanghap ng hangin.
Sa wakas may hangin na!
Talagang malalakas ang kaniyang mga paglanghap sa takot na maubusan ng hangin sa baga. Doon lang din niya narealize na nakasuot na siya ng nebulizer at nasa kwarto siya ng Señor.
Kaagad na sumalubong sa kaniyang mga mata ang mukha ng kaniyang asawa.
Kitang kita sa madilim na abong mata nito ang pag-aalala.
At ang unang ginawa ni Rima ay umiyak. Oo umiyak siya habang nakatingin sa Señor. Patuloy ang pagluha niya habang patuloy naman ito sa pagpunas ng kaniyang luha.
Ganoon lang sila hanggang wala na siyang mailabas.
Akala ni Rima mamamatay na siya. Nang nasa kwarto na siya at naglilinis, inasahan na ni Rima na hihikain siya kaya nga dala niya ang inhaler niya. Pero ng atakihin siya ay wala naman sa timing na wala ng laman 'yong gamot ng inhaler.
Ubo siya ng ubo at para siyang mamamatay dahil hindi siya makahinga. Hirap na hirap siyang lumanghap ng hangin. Hindi siya sanay na wala ang magulang niya tuwing inaatake siya. Takot na takot siya.
"Kamusta pakiramdam mo?" 'Yon ang salubong ni Beid sa kaniya.
"Okay na a-ako. Ahm..tubig" mahinang sambit ni Rima na kaagad namang sinunod ng lalaki.
Kinuha siya nito ng tubig at maingat na inalalayan siyang uminom.
"Kakausapin kita kapag nakabawi ka na ng lakas." Tumalim ang titig nito sa kaniya at paniguradong alam ni Rima na may kailangan siyang ipaliwanag. Ngumuso lang si Rima at tumango. "Just rest for awhile."
Nawala rin ang talim ng mata nito at inayos ang unan niya at ang kaniyang comforter na nagpalambot ng puso ni Rima.
Bukod sa mga magulang niya, ang Señor ang isa sa mga nag-alaga sa kaniya.
Nang medyo umibabaw ang Señor dahil sa pag-ayos ng comforter niya ay kaagad iyon sinamantala ni Rima. Ipinulupot niya ang mga braso sa bewang ng Señor.
Naramdaman niya ang paninigas nito sa gulat pero ngumiti lang si Rima at hindi iyon pinansin.
"Salamat sa pag-aalaga.."
Si Beid naman na nakarecover na sa pagkagulat ay suplado siyang binalingan.
"Huwag kang magpasalamat. Galit ako sa'yo. Alam mo naman pa lang may hika ka bakit ka pa naglinis ng kwarto?"
Ngumuso ulit si Rima. "Akala ko po ba mamaya na lang natin pag-uusapan? Pwedeng mamaya na 'yan?"
Tumikhim ito. "Edi tigilan mo ako sa pagsasalamat mo dahil naiinis ako sa'yo. Willing ka talagang maglinis ng kwarto para lang magkahiwalay tayo ng kwarto? Kahit pa alam mo na maalikabok at hinihika ka?"
Inis nitong tinanggal ang mga braso niya sa bewang nito at tumingin sa kaniya ng may pagtatampo.
"Dahil kahit hindi mo ipakita alam kong nadidiri ka diba? Kaya ayaw mong magkasama tayo sa iisang kwarto dahil pangit ako at natatakot ka sa akin."
Dumaan ang sakit sa mata ni Beid at tanging pag-awang lang ng bibig ang nagawa ni Rima.
Kaya ba ito galit sa kaniya noong umaga?
Hindi niya akalain na ganoon pala ang naiisip nito.
"Hindi iyon ang intensyon ko" sagot naman ni Rima.
Sarkisto itong tumawa bago tuluyang umalis at tumayo. "Sus. Pare-parehas lang kayo."
Kumirot ang puso ni Rima at kaagad nakonsensiya. Masiyado pa lang sensitibo ang asawa niya. Iba ang dating nito sa ginawa niya.
Hindi na siya nakahingi ng tawad dahil lumabas na ito.
Bumuntong hininga na lang si Rima at nilukob ng bigat ng pakiramdam ang nangyare sa kanila ng kaniyang asawa.
At pinagalitan niya din ang sarili bago siya nakatulog.
Pagkagising niya ay si Mang Carpio na ang kaniyang nakita.
'Mukhang galit pa si Beid sa akin'
"Buti gising ka na Señora. Kumain ka na muna"
Ayos na ang pakiramdam ni Rima dahil okay na ang supply ng hangin niya sa baga. Hindi na rin siya nakanebulizer kaya naman bumangon na siya at inabot ang pagkain na nakalagay sa isang folding bedside table para siya na ang mag-asikaso sa sarili.
"Si Beid po?" Kaagad niyang tanong habang kumakain.
"Nasa sala. May ginagawa eh"
Nalungkot naman si Rima sa nalaman. Mukhang talagang nagalit ito sa kaniya.
"May nangyari ba sa inyo ineng?"
Kaagad na iniwan ni Rima ang kinakain at lumapit kaagad kay Mang Carpio para magpabata. Oo umaktong nagdadabog.
"Galit po sa akin si Beid Mang Carpio. Akala po kasi niya ay nilinis ko 'yong kwarto dahil ayaw ko sa kaniya. Na takot ako at ayaw ko siya kasama sa iisang kwarto. Kaya daw siguro kahit may hika ako ay gusto ko pa rin daw na maglinis kahit alikabok..."
"Eh baka nga gusto mo?"
"Hindi po!" Depensa kaagad ni Rima. "Natutulog po kasi siya sa sahig Mang Carpio dahil....hindi pa nga po ako handa at nirerespeto niya ako kaya nga gusto ko na maging komportable siya at gusto ko rin po na pagsilbiha-"
"Salamat kung ganoon"
"Po?"
Ngumiti si Mang Carpio bago bumaling sa akin. "Salamat na hindi mo siya hinuhusgahan at kinatatakutan dahil sa itsura niya"
Nahawa si Rima sa ngiti ng matanda. "Bakit ko naman po siya huhusgahan? Ang bait niya nga po eh. Biruin niyo iyon, isang hamak na nangungutang lang ako na inalok siya ng kasal. Tapos kahit may karapatan po siya sa akin ay hindi niya ako ginalaw at nirespeto. Matutumbasan ba no'n ang itsura niya? Sa totoo nga lang po mas ayos pa siya doon sa mga naging nobyo ng ate ko eh."
"Talaga?"
Tumango si Rima na medyo kunot ang noo nang maisip na naman niya ang mga naging nobyo ng ate Rhea niya. "Nako ang sarap nga pong mainis eh. Biruin niyo po iyon, pinagsabay nung lalaki 'yong ate ko sa ibang babae. Tapos 'yong isa pa niyang nobyo, ayon pinagtaguan siya at hindi nagparamdam!"
Natatawa namang bumaling ang matanda sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok.
"Ay talaga namang napakagago ng mga naging nobyo ng ate mo ano?"
Tumango tango si Rima. "Oo nga po eh. Mas maayos pa si Beid sa kanila"
Ngumuso ulit si Rima nang maisip na naman ang galit na mukha ng asawa niya. "Pero galit po sa akin si Beid Mang Carpio. Mali naman talaga ang pagkaintindi niya"
"Alam mo ineng, intindihin mo ang Señor. Masiyado kasing mababa ang tingin ng Señor sa sarili niya. Kahit noong no'ng unang salpak ko dito ay lagi kong naririnig ang mga ganoong katwiran niya dahil nasanay siya na ganoon ang tingin sa kaniya ng mga tao."
"Ano po kayang nangyari sa kaniya..." Nasasaktan siya sa Señor. Nasasaktan si Rima na halos mag-init ang mga mata niya.
"Hindi ko din alam ineng. Matagal na ako dito pero ni minsan hindi siya nagkwento pero nakwento niya na ang pilat sa kaniyang mga mukha ay dahil sa sunog pero bukod do'n ay wala na akong alam"
Sunog....
Kaya pala napakalaki ng sakop at halos mawala na ang kaniyang kalahating mukha.
"At nasaktan ko pa siya Mang Carpio dahil sa ginawa ko" mas lalong nalungkot si Rima.
"Ipaliwanag mo na lang sa kaniya ineng. Maiintindihan ka no'n tsaka bumawi ka na lang"
Kaagad namang gumaan ang pakiramdam ni Rima at medyo nagkaroon ng kompyansa. "Oo nga. Tama ka diyan Mang Carpio. Kailangan ko pong bumawi!"
Sinenyasan naman siya ni Mang Carpio na may mapaglaro sa mga mata. "Halika, may suhestiyon ako kung paano ka babawi"
Mabilis namang sumunod si Rima na inilapit ang tainga sa matanda.
Sobra ang konsentrasyon ni Rima sa pakikinig hanggang sa matulala siya at mag-init ang pisngi sa suhestiyon ni Mang Carpio.
"P-po?"
Tumango-tango si Mang Carpio at mas lalo siyang kinumbinse sa pamamagitan ng tingin.
"Gawin mo na. Tingnan natin kung hindi 'yon manlambot."
"Pero...."
"Kaya mo 'yan ineng! Puntahan mo na sa sala pero tapusin mo muna ang pagkain mo"
"P-pero-" kumindat lang ito bago lumabas ng kwarto.
Naiwan namang namumula si Rima na bakas ang kaba sa mukha habang iniisip ang mga sinabi ni Mang Carpio.
Hindi ba masiyadong mapangahas iyon?
Sa isip isip ni Rima ay parang hindi niya kakayanin. Kinakailangan iyon ng lakas ng loob. Hindi pa iyon nagagawa ni Rima.
Hindi ba't parang nakakahiya iyon?
Pero sabi ni Mang Carpio ay baka hindi na mainis sa kaniya ang Señor kapag ginawa niya iyon.
Huminga muna ng malalim si Rima bago kumain ng marami. Pampalakas man lang ng loob.
Iyon lang ang laman ng isip ng Rima nang marinig niya ang pagbukas ng pinto at iniluwa doon ang laman ng isip niya.
May kung anong tumusok sa puso ni Rima nang makita niyang nakamaskara ulit ito. Kaagad na tumama ang mata nito sa kaniya pero saglit lang iyon dahil mabilis itong nagtungo sa opisina nito sa loob ng kwarto nila.
Naiwang nakatulala si Rima na nawalan na ng gana sa pagkain pero nagkaroon siya lalo ng kompiyansang kausapin ang asawa.
Kaya naman inisang lagukan niya ang tubig na natira sa kaniyang baso bago niya natagpuan ang sarili na naglalakad papasok ng opisina ng kaniyang asawa.
"Magandang gabi Beid..." Paunang bati ni Rima.
Mukha namang nagulat si Beid na hindi inasahan ang mapangahas niyang pagpasok pero kaagad nitong pinatigas ang ekspresyon.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't dapat nagpapahinga ka?"
Umiling si Rima na nilakasan ang loob para mas lalo pang umabante ang lakad.
"Nakapagpahinga na ako at...maayos na po ang pakiramdam ko"
"Okay..." Suplado nitong saad na hindi man lang siya binalingan ng tingin. "Kung iyan lang ang ipinunta mo dito then go"
Pero matigas ang ulo ni Rima na mas lalong naglakad palapit hanggang sa mapunta na siya sa mesa.
Inangat siya ng tingin ni Beid.
"What?"
Ngumuso si Rima na medyo kabado. Ang daming naglalaro sa utak niya tsaka halata ang inis sa mata ng asawa niya.
"Ano...'yong tungkol sa kanina. Mali kasi ang pakakaintindi-"
"Anong mali ang pakakaintindi ko?" Ibinaba nito ang folder na hawak ng may kaunting pagdadabog.
Lumunok si Rima. "Mali nga! Hindi naman sumagi sa isip ko na ayaw ko na magkasama tayo sa isang kwarto. Inaya pa nga kita kagabi na tumabi sa akin hindi ba?"
"Inaya mo ako para lang sa excuse mo. " Tumayo ito at magkaharapan na sila.
Tanging lamesa na lang ang nakapamagitan sa kanila.
"Hindi nga"
Inilapat ng Señor ang mga kamay sa lamesa at nilapit ng kaunti ang mukha sa kaniya. "Kaya pala kahit may hika ka todo linis ka pa rin ng kwartong 'yon"
"Ginawa ko iyon dahil gusto kong maging komportable ka sa pagtulog. Gusto ako maglinis ng kwarto kasi masaya akong napagsisilbihan kita. Hindi ko naman alam na ganiyan ang naiisip mo sa pagmamagandang loob ko" pagpapaliwanag pa ni Rima pero mukhang sarado ang tainga ng Señor.
"Pagmamagandang loob? Sabihin mo na lang sa akin na ayaw mo akong makita dahil nakakatakot ka. O baka naman kaya hindi ka handa dahil hindi mo masikmura ang itsura ko?"
Kinagat niya ang labi at papaiyak na. Masiyado siyang minamaliit ng lalaki. Tingin ba nito na ganoon na lang kasarado ang isip niya sa ganoong mga bagay.
"Sabagay, bakit ko naman iniaadjust ang sarili ko kung pwede naman kitang angkinin? Binili kita. Pinalit mo ang sarili mo sa utang ng pamilya mo. I can take you even if you don't want t-"
"Okay lang po kung iyon ang gusto niyo Señor. Gawin niyo lang po ang gusto niyo sa akin kung iyan ang nakikita niyo" medyo nadismaya si Rima at nasaktan sa mga sinabi nito pero iyon ay pawang mga katotohanan lamang. Tama naman si Beid. Isa siyang pambayad ng utang. At kahit angkinin man siya ng asawa niya ay wala dapat siyang reklamo. Siya ang humiling nito. "Pero kahit kailan wala akong pake sa itsura niyo. Wala akong pake kung ano man 'yan. Hindi ako natatakot sa inyo. Gusto ko pa ngang makilal-"
"If hindi ka talaga natatakot sa akin...." Hinubad nito ang maskarang suot at mas lalong lumapit, hindi man lang naging hadlang ang mesa.
Tumuon lang ang mata ni Rima sa mga mukha ng Señor at hindi nagpatinag sa kanilang lapit.
"....kaya mo bang halikan ang mga peklat ko?"
Wala ng sinabi pa si Rima. Mabilis niyang hinawakan ang pisngi nitong may peklat na magaspang sa kaniyang mga palad. Hindi iyon kaaya-ayang hawakan sa totoo lang pero walang pandidiri si Rima.
Naramdaman niyang nanigas ito sa kaniyang ginawa, hindi inaasahan ang mapangahas niyang paghawak. Hinawakan pa iyon ni Rima ng may pag-iingat bago niya tuluyang tinanggal ang kanilang distansiya at masuyong hinalikan ang peklat nito sa mukha.
May diin at hindi lang basta magaan ang kaniyang halik na pinahatid. Ipinakita niya sa Señor habang bukas ang kaniyang mata na wala siyang katakutan at kadirian sa mata. Hinalikan niya ito mula noo, pisngi at baba.
At ang tanging nagawa lang ni Beid ay manood at magulat.
At nang matapos siyang halikan ang pisngi nito ay tumuon ang atensyon ni Rima sa mga labi ng Señor.
Ito ang sinasabi ni Mang Carpio kanina. Bigyan lang daw ng halik ang Señor at hindi na daw ito magagalit sa kaniya.
Isa ng mapangahas ang ginawa ni Rima nang halikan niya ang mga peklat nito. Aatras ba siya sa labi?
Lumunok si Rima bago dahan-dahang ipinikit ang mata bago lumapat ang nanginginig niyang labi sa labi nito.
Nagtaasan ang balahibo ni Rima. Pati ang kaniyang dugo ay tumaas ata dahil ramdam niya ang pag-init ng kaniyang pisngi at ang lakas ng t***k ng puso niya.
Ang init at ang lambot katulad din noong araw ng kasal nila.
Ramdam niya ang pagsinghap ng hangin ng kaniyang asawa kaya naman inilayo na niya ang mga labi bago iminulat ang mga mata.
Wala na ang salubong nitong kilay. Wala na ang malamig na ekspresyon nito sa mukha. Sa unang pagkakataon ay nanginginang ang mga mata nito. Nakaawang ang mga labi habang nakatingin sa kaniya.
Mukhang tama si Mang Carpio.
Kaagad namang pinadapo ni Rima ang daliri sa bibig at nahihiyang mag-iwas ng tingin.
"Alam kong karapatan mo na angkinin mo ako pero..." Mas lalo pa atang nag-init pisngi ni Rima. "...pwede bang hanggang halik na lang muna ngayon—"
Hindi na natapos pa ni Rima ang kaniyang mga sinasabi dahil sa isang iglap ay nakadikit na naman ang mga labi nila at wala ng planong lumayo si Rima dahil ayaw na niya ulit isipin ng asawa niya na lumalayo na naman siya. Tanging tiningkayad niya lang ang mga paa at sumuporta ang kamay sa gilid ng mesa para hindi siya madapa.
Iba ang klase ng halik na ibinibigay sa kaniya ng Señor na halos manginig ang buong kalamnan ni Rima.
Bahagyang sinisipsip at idinidiin nito ang labi sa kaniya at napakabago no'n kay Rima na hindi siya makagalaw at hayaan lang ang asawa na lamutakin ang labi niya.
Grabe ang klase ng halik na kahit lumayo na ang Señor ay nanatili iyon sa kaniyang labi.
Hinihingal siyang tiningnan ni Beid na hinawakan ang kaniyang pisngi.
"Tasty..." Ngumisi ito na mas lalong nagpapula ng mukha ni Rima.
"Hindi ka na galit?" Tanong ni Rima na nakarecover na sa halik na ibinigay ng Señor.
"How? How can I be angry after that?"
Kumunot lang ang noo ni Rima. Inenglish na naman siya nito pero base sa ekspresyon ni Beid ay hindi na ito galit.
Halik...
Halik lang pala ang solusyon.