CHAPTER 6

2162 Words
Ang unang linggo ni Rima ay maayos lang. Walang pangmamalupit na nangyari. Sa totoo lang ay napakakomportable ni Rima sa haunted house na ito. Nakakapanibago sapagkat madilim ang lugar at walang dumadaan na tao. Walang maingay na chismoso at chismosa. Kakatapos lang ni Rima maligo at nasa balkonahe siya ngayon. Madilim ang paligid at wala ni isang ilaw ang makikita. Nakapangalumbabang tumingin si Rima sa mga bituin na tanging lumiliwanag sa kalangitan. Kaagad na pumasok sa kaniyang isipan ang itsura ng kaniyang asawa. Beid.... Medyo nasasanay na siyang tawagin ang Señor sa pangalan nito ngunit medyo nahihiya pa rin siya. Buong akala ni Rima ay magiging alila siya rito ngunit hindi. Napakabait ng Señor na hindi man lang siya ginalaw pagkalipas ng mga araw. Napakamakonsidera nito sa kaniya ngunit may konsensiya rin sa isipan ni Rima. Isang linggo na ring natutulog ang Señor sa sahig dahil sa pagiging konserbatibo niya. Muling napagmasdan ni Rima ang kalangitan. May kung sumakal sa puso ni Rima habang iniisip ang kaniyang asawa. Iniisip niya na ito pala ang natitingnan ng asawa niya tuwing gabi. At hindi niya rin makalimutan sa kaniyang isipan na kung hindi pa dumating si Mang Carpio ay mag-isa lang ang Señor dito. Bakit siya mag-isa sa lugar na tulad nito? Mag-isa.... Hindi lubos maisip ni Rima. Paano ka mabubuhay ng mag-isa sa tulad na lugar na ito? Kaya ba napakawalang buhay ng mata ng Señor noong una niya itong nasilayan? "Bakit hindi ka pa natutulog?" Muntikan ng mahulog sa balkonahe si Rima dahil sa biglang nagsalita. Buti na lang ay napahawak sa railings si Rima. Napalingon naman si Rima sa asawa niya na basa ang buhok. May tuwalyang nakasabit sa balikat niya at nakasuot na ng komportableng pang tulog. Nakapwesto ito na parang sasaluhin siya kahit naman ang layo ng pagitan nila. "What the hell?!" Mura pa nito nagulat din sa muntikan niyang pagkahulog. Ang lakas ng t***k ng puso ni Rima na halos manikip ang dibdib niya. Muntikan na talaga siyang mahulog. "Ahmm.." hindi alam ni Rima ang sasabihin dahil medyo naging lutang siya. "Anong ginagawa mo diyan? Dis oras na ng gabi!" Malalaki ang hakbang ni Beid na mabilis na hinila si Rima palayo sa railings. Sa paghila nito ay nabangga siya sa matigas na dibdib nito at hindi rin siya nakalayo dahil nakahawak ang kamay nito sa kaniyang uluhan. Kaagad na namula si Rima habang naaamoy ang mabangong amoy ni Beid. Nawala ang pagkatakot niya kanina dahil sa lapit nilang dalawa. "f**k. Muntikan ka na" mahinang saad nito. Sinilip ni Rima si Beid na nakatingin sa ibaba. "Nagulat kasi ako. Bigla kang nagsalita..." Ngumuso si Rima habang halos yakap siya ng lalaki na parang pinoprotektahan sa railings. Lumingon si Beid kay Rima na mabilis namang binitawan siya nang mapansin ang kanilang ayos. "Ano bang tinitingnan mo dito? Walang view" kaagad itong umiwas ng tingin at naunang pumasok pabalik sa loob. "Masarap lang ang simoy ng hangin tsaka...'yong mga bituin" pagdadahilan pa ni Rima bago inayos ang suot na para bang nagulo iyon bago pumasok na rin. Nakita ni Rima na muling kumukuha ng unan at bed sheet ang Señor. Tahimik lang na sumampa ng kama si Rima habang nakokonsensiya na naman na nasa sahig ang asawa. "Ako na lang sa sahig" Suplado lang siyang binalingan ni Beid. "Ilang beses mo ba 'yan sasabihin?" Dumapa si Rima sa kama at nangalumaba. "Nahihiya kasi ako Beid. Hindi ka dapat nakahiga sa sahig. Ako dapat ang naandiyan" Pinagpag nito ang unan at hindi man lang siya pinansin katulad ng laging ginagawa nito. Pero hindi tumigil si Rima. Nakokonsensiya na siya dahil hindi nakakatulog ng ayos si Beid. "Ako na lang diyan. Sanay naman ako sa matigas na higaan." Hindi pa rin siya pinansin nito. Mukhang ayaw talaga nitong humiga siya sahig. Nakakataba iyon ng puso pero hindi papayag si Rima na ganoon na lang lagi. Hindi mawawala ang konsensiya niya. Napatanuyan na ni Rima na mabait ang Señor at alam ni Rima na hindi siya nito gagalawin kahit may karapatan ito hangga't hindi siya handa kaya kahit nahihiya...... "Ahmm...gusto mo tabi na lang tayo?" Maliit na boses na sabi ni Rima. Nabitin ang paghiga ni Beid na biglang napabangon ulit habang nakatingin sa kaniya. "Ano?" "Kung gusto mo tabi na lang tay—" Sobrang bilis ng pangyayari. Namalayan na lang ni Rima na nakapatong na ang asawa sa kaniya. Nakapinid ang kaniyang mga kamay sa itaas ng kaniyang ulo habang isang dangkal lang ang layo ng kanilang katawan na halos maduling si Rima. Natigil sa paghinga si Rima pero hindi siya nagpumiglas. Nakakapanibago man pero hindi nakakaramdam ng takot ang katawan niya dahil alam niyang hindi siya pipilitin nito. Tanging lunok ang nagawa ni Rima habang nakatitig sa mata ng Señor na amoy niya ang amoy toothpaste na hininga. "Hindi ako...handa.." mahinang ani niya sa Señor na hindi niya nilulubayan ng tingin. "Hindi naman pala handa...." Lumapit pa ang mukha nito na halos magkabangga na ang kanilang mga ilong. "Bakit pinapatabi mo ako?" Gustong pumikit ni Rima dahil naduduling na siya pero nilakasan niya ang loob kahit nanghihina ang buo niyang katawan. "Alam kong rerespetuhin mo ako—" napasinghap siya nang lumapat ang mga pisngi nito sa kaniya at naramdaman niya ang hininga nito sa kaniyang tainga. "Respeto?" Nagtaasan ang balahibo ni Rima sa hugong ng boses nito. "Pwedeng meron akong respeto Rimacon pero maikli ang pasensiya ko....." Naramdaman ni Rima ang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang kamay. "You didn't know how much I want to take you. I've never been sexually active for how many years. And having my wife laying in my bed is too much for me. I'm just controlling myself so sleep together on a same bed is not possible because I may forget that I need to respect you" Umawang ang bibig ni Rima. Hindi siya magaling sa lenggwaheng ingles. Hindi rin niya naiintindihan ang ilang sinabi nito ngunit alam niya ang ibig nitong iparating.... na bawal sila sa iisang kama. "Pero nahihiya ako na sa...sahig ka natutulog" pagdadahilan ni Rima. Bumuntong hininga si Beid na sa wakas ay niluwagan ang hawak sa kamay niya kaya mabilis na nakalaya si Rima doon. Nagkaroon na din ng distansya ang mga mukha nila kaya naman "Napakaliit na problema ng paghiga ko sa sahig Rimacon tapos pinoproblema mo pa?" "Ipinangako ko kasing pagsisilbihan kita tsaka...siyempre sino ba naman ako para humiga dito tapos ikaw na may-ari ng bahay ang nakahiga sa sahig. Kung gusto mo sa ibang kwarto na lang ako" Matagal siyang tiningnan ng Señor. "Talaga bang problema sa'yo na matulog ako sa sahig?" Mabilis na tumango si Rima, hindi na naiilang kung nakapatong sa kaniya ang asawa niya. Hindi na siya natatakot sa señor. "Okay. Papalinis ko na lang 'yong isang guest room" "Ako na lang ang maglilinis" Tinaasan siya ng kilay ng señor. Parang nagalit sa pagpresenta niya kahit ang gusto lang naman ni Rima ay pagsilbihan ang asawa niya. Hindi dahil utang na loob pero gusto niya ito pagsilbihan dahil gusto niya. Gusto niyang napagsisilbihan niya ito sa kahit anong paraan. "Sige. Bahala ka" rinig ni Rima na galit si Beid pero hindi na iyon pinansin ni Rima bagkus ay napatingin siya sa kalahati ng mukha nito. Masaya siya na hindi ito nakamaskara. Na hindi ito naiilang sa kaniya. Ano kayang nangyari sa mukha nito? Bakit napakalaki ng peklat nito sa mukha? Biglang naramdaman ni Rima na gusto niyang hawakan ang mga peklat nito. Nang iaangat na niya ang kamay ay biglang nagsalita ang Señor. "Ang pangit ko noh?" Itinigil ni Rima ang gustong gawin bago lumipat ang tingin niya sa mga mata nito. Isa sa mga naobserba niya habang naandito ay ang pagiging mababang tingin ng Señor sa sarili. At gustong baguhin iyon ni Rima. Gusto niyang maramdaman ng kaniyang asawa na hindi niya nakikita ang Señor sa ganoong paraan. "Hindi Señ—" "Tss" Putol sa kaniya ni Beid at suplado pang umirap at umalis na sa ibabaw niya at humiga na. Ngumuso na lang si Rima dahil hindi niya nasabi na hindi ito pangit kasi pinutol siya ng Señor. Tsaka na lang ulit. Narinig na niya ang kunwareng hilik ng lalaki na ginagawa nito kapag ayaw na nito makipag-usap kaya umayos na rin siya ng higa bago natulog. ______ Pagkagising ni Rima ay nakita niya ang Señor sa office nito at nagtatrabaho na. Ang kalahati ng kwarto nito ay opisina. Bumangon na si Rima at sinigurado muna na wala siyang muta at panis na laway. Ipinuyod niya ang gulo niyang buhok bago ininat ang katawan dahil alam niyang magiging busy siya ngayong araw. Naghilamos at nagtoothbrush muna si Rima at bago lumabas ng kwarto ay kumatok muna sa opisina ng Señor. Nakaglass wall ang opisina kaya nasisilayan niya ang lalaki. Nakita niya ang pagsulyap nito sa kaniya pero hindi siya pinansin. Kumunot ang noo ni Rima. Baka sobrang busy. Pero dahil gusto niyang batiin ang asawa, ay pinasok niya ang ulo sa pinto. "Magandang umaga Beid" bati ni Rima sa asawa niyang may binabasang papeles. Ngumiti pa si Rima. Suplado itong tumingin sa kaniya saglit bago bumalik sa paggawa. Mas lalong kumunot ang noo ni Rima. Galit ba ito? O sadyang hindi maganda ang gising? Hindi na lang iyon pinansin ni Rima. Natural naman itong masungit. Pero nakaramdam siya ng lungkot. "Lilinisin ko na 'yong isang kwarto ah?" Paalam na lang niya at ngumiti pa rin kahit nasaktan siya sa trato nito. Katulad kanina ay hindi siya pinansin ng Señor at mas lalo pang nagsalubong ang kilay. Bago pa talaga sumama ang mood nito sa kaniya ay lumabas na si Rima. Nakasalubong niya si Mang Carpio na siyang naghanda ng almusal ngayong araw. "Oh bakit malungkot ka?" Tanong nito. "Ang sungit po ni Beid" medyo matamlay na sagot ni Rima "Ay gano'n talaga 'yon. Hayaan mo na" Walang nagawa si Rima kung hindi tumango. "Oo nga po pala. Pwede po ba makahingi ng susi para sa kwartong malapit po sa kwarto ni Beid. Lilinisin ko po" "Okay sige. Kain ka muna ng almusal at kung kailangan mo ng tulong tawagin mo ako" Tumango lang si Rima at nagalmusal muna. Ibinigay naman ni Mang Carpio ang susi kaya pagkatapos na pagkatapos ay nagsimula na siya. "Oh" Napatakip kaagad ng ilong si Rima nang matagpuan niyang sobrang alikabok sa paligid. May mga takip na tela ang mga gamit ngunit kaagad na naglumipad ang nga alikabok. Kaagad niyang sinara ang pinto para huminga. Alam ni Rima na maari siyang hikain pero gusto niyang pagsilbihan ang Señor at isa pa ay para hindi na ito sa sahig natutulog kaya naman kumuha muna ng panyo si Rima at tinakip iyon sa kaniyang ilong. Kinuha na rin niya nag inhaler niya kung sakali man bago bumalik sa silid na lilinisin niya. _____ MAINIT ANG ULO ni Beid. Oo. Paano hindi iinit ang ulo niya ay talagang gusto ng asawa niya na maglinis ng kwartong lilipatan niya pansamantala. He suddenly feel down again. Halata namang gustong gusto ni Rimacon na hindi siya makita o magsama sa isang kwarto. Naiinis siya na talagang nagpresinta pa ito na maglinis ng kwarto. Edi gusto talaga nito ang magkahiwalay sila. 'konsensiya my ass' Para kay Beid ay baka nadidiri at natatakot pa rin ang dalaga sa kaniya. Sabagay, sino ba namang babae ang gustong makasama siya? He's not close to 'okay na'. He is really ugly! Sa sobrang inis ay halos magusot niya ang report papers na hawak niya. He's really not in the mood. "f**k!" Mabilis na tumayo si Beid at nagpush up. Naiinis siya dahil kahit nagagalit siya sa dalaga ay nakokonsensiya siya na hindi niya ito binati man lang. Nakita ng mata niya kung paano ito nalungkot. Why? Because he was mad? Why did she care though? Nasaktan niya ba ang asawa niya? Imposible namang masaktan iyon. Pagkumbinse pa ni Beid sa sarili niya. He's not that important anyway. Pero mabilis pa rin siyang tumayo at umalis ng office. He wants to see his wife and apologize or just greet her goodmorning. He was about to find Carpio but he realize that Rimacon is in the room where he will sleep tonight. Kaagad siyang nagtungo doon. At nang makapunta na siya sa tapat ng pinto hindi kaagad siya pumasok. He is hesitating first. Beid practice a good greeting but it feels stupid so he stopped right away. Why is he nevous anyway? Mag-go-good morning lang naman siya. Kumatok na si Beid pero walang nagbukas. Kumatok ulit siya pero wala pa ring nagbukas kaya naman hinawakan na lang niya ang doorknob at siya na ang nagbukas and good thing he open it because his eyes darted to Rimacon who is in a weak state, pale and can't breath. "f**k!" Beid didn't waste any time. He carried his wife out of the room while calling for Carpio. "Emergency Carpio! Call a doctor nearby!" Worried indulge his system and at the same time he was angry. "What have you done Rimacon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD