Ngayon lang humiling si Rima na sana bumagal ang oras o kaya tumigil.
Nasa hallway na sila sa ikalawang palapag at papunta na ng kwarto.
Ibig sabihin lang no'n, unang gabi na nila mag-asawa. Sobra ang kaba ni Rima na pinagpapawisan kahit hindi naman mainit.
Kakatapos lang ng celebration. Mabuti na lang talaga at prank lang ang pagkaing lamay dahil mayroon pa lang hinanda si Mang Carpio na matinong makakain. Ginawa niya lang iyon para bwisitin Señor. Mayroon ring wedding cake na may nakasulat na 'Happy holloween Wedding Mrs and Mr. Dela Vega'
Doon pa lang din talaga naproseso na hindi na siya Bonado kung hindi Dela Vega na.
Ni-welcome lang siya ni Carpio bilang asawa ng kaniyang Señor bago sila kumain at pagkatapos kumain ay nagkayayaan pang mag-bingo para daw sulit ang celebration. May pagames daw.
Na-enjoy naman iyon ni Rima na minsan ay nagkasunod-sunod ang panalo habang si Beid naman ay parang laging masama ang loob dahil nakailang beses silang naglaro pero ni isa hindi ito nanalo.
Hindi akalain ni Rima na ang bilis ng oras at eto na nga silang dalawa ng Señor.
Nauuna ang Señor sa kaniya ng ilang hakbang. Binabagalan talaga ni Rima ang paglalakad.
Kumukuha pa kasi siya ng lakas ng loob. Kahit alam niya na kasal na sila at ito naman talaga ang dahilan bakit niya inalok ang Señor ay nakakaramdam pa rin siya ng takot.
Una sa lahat ay dahil wala siyang karanasan. Hindi niya alam kung paano gawin ang bagay na iyon. Kung anong mararamdaman niya. Hindi rin siya sanay na may makakita ng kaniyang katawan. Parang ang bilis lang ng lahat kahit siya naman talaga naglakas ng loob.
"Ano ka pagong?" Masungit na tanong ng Señor na tumigil sa paglalakad dahil naiinis ito sa kabagalan niya
Tumigil din si Rima sa paglalakad at inosenteng tumingin sa Señor. "Hindi po. Tao po ako"
Nagsalubong ang kilay ng Señor na binigyan siya ng 'ako ba niloloko mo' look.
"Nahawa ka ba kay Carpio at namimilosopo ka na rin?"
Ngumuso lang si Rima. "Totoo naman po na hindi ako pagong"
"Ang ibig kong sabihin ay mabagal kang maglakad"
"Hindi po ako mabagal. S-sadyang mahaba lang po ang inyong biyas kaya po malayo ang agwat nati-ay!"
Hindi pa natatapos ni Rima ang kaniyang sasabihin nang mabibilis na humakbang ito palapit sa kaniya at binuhat siya ng pabridal style.
Kumapit ang isang kamay nito sa kaniyang bewang at ang isa naman ay sa ilalim ng kaniyang mga tuhod.
Sa gulat ni Rima ay tanging pagyapos sa leeg ng Señor ang nagawa niya, takot mabitawan at malaglag.
"Señor!" Bulalas ni Rima na medyo nahimasmasan sa nangyari.
Tumama lang ang matutulis nitong mga mata sa kaniya at naramdaman ni Rima ang higpit ng mga palad nito sa kaniyang bewang.
"Beid" ani nito. "Hindi ba't sinabi ko na Beid ang itawag mo sa akin"
Hindi na iyon ang pinansin ni Rima dahil bumugso ang taranta sa katawan niya dahil buhat siya ng Señor.
"Bakit niyo ako buhat? P-pwede ako maglakad! Ano ibaba mo na ako.."
Hindi siya pinansin ng Señor na para lang siyang isang bulak na binuhat ng Señor na parang wala lang ang bigat niya at nagsimulang maglakad.
"Una, ayaw ko sa mabagal at pangalawa, pinaghanda na kita simula pa kanina. Hindi na hahadlang ang takot mo ngayon para maangkin ka"
Napalunok si Rima at hindi na mapakali habang nakakapit sa Señor.
Mabango ang Señor sa totoo lang at ramdam din ni Rima kung gaano siya kaliit sa bisig ng Señor.
"A-alam ko naman 'yon Señor. H-hinanda ko naman ang sarili k-ko "
Inungusan siya ng Señor na hindi naniniwala sa kaniya bago nito sipain ang malaking two way na pinto para pumasok sila roon.
Hindi na nagawa pang mabigyan ng oras ni Rima ang patingin ulit sa kwarto ng Señor dahil ilang hakbang lang ay tumama kaagad ang likod niya sa malambot na kama at nang akala ni Rima ay papatong na sa kaniya ang Señor ay bigla nitong tinakluban ang kaniyang katawan ng comforter at kinuha ang isa mga unan sa kama.
Gulong gulo si Rima na biglang napabangon habang tago ang katawan sa comforter para proteksyon habang pinagmamasdan ang Señor na may hawak na unan at kumukuha ng bagong comforter.
At napaawang na lang ang bibig ni Rima nang makita niya ang asawa niya na naglalatag sa sahig.
Oo, sa sahig.
Unti-unting nabitawan ni Rima ang comforter sa kaniyang katawan na parang nawalan siya ng dahilan para proteksyunan ang sarili bago nagtungo sa gilid ng kama, sinisilip ang Señor.
"Señor..." Tawag ni Rima na may halong gulat.
"Beid nga sabi" inis nitong sambit bago nito ipwesto ang unan na hawak.
Napakurap ng ilang beses si Rima. "Diyan ka tutulog...?"
"Oo." Tipid na sagot ng Señor na hindi pa rin tinatanggal ang maskara nito.
"Pero...." Nakakunot ang noo ni Rima na tila naguguluhan pero naandon ang kaginhawaan sa kaniyang katawan.
Bumuntong hininga ang Señor. "Matulog ka na"
Iniisip pa rin ni Rima kung seryoso ang Señor pero mukha itong seryoso dahil humiga na ito.
Ibig sabihin ay wala siyang balak galawin ng Señor?
"Oo. Wala akong balak galawin ka." Sagot nito na parang naririnig ang kaniyang iniisip.
Nanlaki ang mata ni Rima. "Pero sabi mo kanin-"
"Gusto mo ba?"
Bahagyang napaatras si Rima nang biglang bumangon ang Señor sa pagkakahiga para harapin siya. Nahablot naman kaagad ni Rima ang comforter sa kaniyang katawan para ibalot iyon sa sarili.
Kahit walang kumpirmasyon ay alam na kaagad ng Señor ang sagot. "Tingnan mo? Sa inaakto mo pa lang parang ayaw mo na agad"
Kaagad na nakaramdam ng konsensiya si Rima.
Alam ni Rima na siya ang biglang pumunta dito para kausapin ang Señor at hingin na tanggapin siya bilang utang. Lingid sa isipan niya na siya ang nag-alok sa sarili pero ang Señor pa ang nag-aadjust para sa kaniya.
"Sorry Señ-Beid. " Pagpapaumanhin niya. "Sorry kung hindi ko pa kaya kahit ako naman...ang-"
Natigil na sa pagsasalita si Rima nang marinig ang sinasadyang hilik ng Señor na ipinahihiwatig na huwag na siya magsalita at okay lang iyon sa Señor.
May umalpas na ngiti sa labi ni Rima at kaagad napawi ang pangamba sa kaniyang puso.
Kaagad na sumagi sa isip niya ang sinabi ni Mang Carpio na mabait ang Señior.
Parang may kung anong kumibot sa puso ni Rima. Para siyang mangingisay. Natutuwa siya sa simpleng pagrespeto ng Señor sa kaniya.
Dahil do'n ay malaya niyang na-enjoy ang lambot ng kama. Para siyang naging ignorante dahil ngayon lang siya nakahiga sa sobrang lambot na kama.
Pagkatapos mahiya sa sariling kaignorantehan, dahan dahang sumilip si Rima sa kaniyang asawa.
Kaagad nag-init ang pisngi niya.
Talagang isang may bahay na siya.
Nakita niya ang Señor na malalim na nag mga paghinga at nakamaskara pa rin. Nangalumbaba si Rima habang pinagmamasdan ang asawa niya.
Naguguluhan pa rin siya kung bakit nakamaskara pa rin itong natutulog. Hindi ba't dapat tinatanggal na nito ang maskara.
O baka talagang nakamaskara ito magdamag?
O baka dahil sa kaniya?
Biglang nagrehistro sa kaniyang utak ang sakit sa mata nito nang umatras siya.
At dahil doon, kahit tulog ang Señor ay kusang bumuka ang bibig ni Rima para magdahilan.
"Sorry kung naramdaman mo na natakot ako sa...itsura mo Señ-Beid. Ang totoo niyan, nagulat lang talaga ako. W-wala akong intensyon na umatras para doon. Nagulat lang talaga ako..." Malambot na tumingin si Rima na kahit isang pangamba at kaba ay nawala na. "Hindi ako nadidiri o natatakot sa itsura mo Señor kaya sana bukas hindi ka na magmaskara habang nasa bahay tayo. Ipakita mo lang sa akin at papatunayan ko ang sinabi ko at salamat na hindi mo ako ipinuwersa na ibigay ang sarili ko sa'yo ngayong gabi at isa pa...Señor.."
Kagat ni Rima ang labi habang pinagmamasdan ang pikit nitong mata ang matangos nitong ilong at manipis na labi.
".....ang pogi mo sa paningin ko"
Lalo na ngayong alam ni Rima na mabait ang lalaking napangasawa niya.
Sobrang init na ng pisngi niya sa kahihiyan kahit alam niyang tulog na ang lalaki kaya tinikom na ni Rima ang bibig at nagpasiya ng matulog.
Samantala, wala namang tigil sa pagtibok ng puso si Beid na mulat na mulat na pagkatapos marinig ang sinabi ni Rima. Hindi siya makahinga ng maayos habang nakaawang ang bibig.
'Damn it. Did she say he is handsome?'
_________
Maaga nagising si Rima kinabukasan. Ang sarap ng tulog niya pero medyo nangulila siya sa pamilya niya pero alam naman niyang makakasanayan naman niya paglipas ng araw at ang mahalaga ay nasa mabuti na silang kalagayan.
Ito na ang araw kung saan bago na ang buhay niya.
Bago siya bumangon ay sumilip muna siya sa Señor at nakita niyang tulog pa ito.
Ayaw niyang maistorbo ang lalaki kaya naman maingat ang kaniyang pagbangon.
Plano niyang ipaghanda ito ng almusal para naman makabawi sa pagrespeto nito sa kaniya kagabi.
Hanggang ngayon ay tuwang tuwa pa rin si Rima sa ginawa ng Señor kagabi.
Nagtoothbrush muna siya bago lumabas ng banyo.
"Magandang umaga ho!" Masayang bati ni Rima kay Mang Carpio na naabutan niyang nagpiprito ng itlog sa kusina.
"Oh Señora ang aga niyo naman atang magising. Hindi po ba kayo napagod?" May pagkamaloko na sabi ng matanda.
Umiling si Rima na hindi naintindihan ang salitang 'pagod' na tinutukoy ni Mang Carpio.
"Medyo pagod po sa nangyari kahapon pero masarap po ang naging tulog ko. Ang lambot ng kutsyon!" Masaya pang kwento ni Rima.
Nahihiwagaan naman si Carpio na sobrang saya ng dalaga ngunit kaagad niya iyong naintindihan bagkus hindi palapwersa ang kaniyang Señor.
"Ang Señor? Tulog pa?"
Tumango si Rima bilang sagot.
"Talaga? First time niya atang late magising."
"Maaga po ba siya magising?" Curious na tanong ni Rima na nanonood sa ginagawa ni Carpio.
"Oo. Minsan madaling araw gising na agad"
Kaagad namang nakonsensiya si Rima. Iniisip niya na baka hindi kaagad nakatulog ang Señor dahil nakahiga ito sa sahig.
Dahil doon ay naalala niyang pagluluto niya pala ng almusal ang Señor.
"Ahm pwede po ba ako tumulong?"
"Oo naman señora. May natira kasing kanin kagabi, balak ko isangag. Gusto mo ikaw na lang ang gumawa?"
Mabilis ang naging pagtango ni Rima na kaagad na kumuha ng bawang at inihanda ang kanin.
"Nakakapanibago na may katulong na ako dito sa kusina." Ani ni Carpio na napatagal ang tingin sa dalaga.
"Masanay na kayo Mang Carpio" mahinang humagikhik si Rima habang nilalamas ng kaniyang kamay ang kanin para mas mabilis na ito isangag.
"Para kang anak kong babae. Kasing ganda mo rin"
"May anak po kayo?" Tanong ni Rima na nagulat.
Ngumiti ang matanda na ngayon ay nagpiprito ng hotdog.
"Oo. May dalawa akong anak. Lalaki at babae."
Ramdam ni Rima ang pagmamahal nito sa mga anak kaya naman kaagad siyang nakapagtanong.
"Bakit hindi niyo kasama at bakit naandito kayo at mag-isa kasama ang Señor?"
Kaagad na nawala ang pagiging masiyahin ni Carpio kaya kaagad nagsisi si Rima.
"Ahm..huwag niyo n-"
"Kaya hindi ko sila kasama kasi gago ako noon. Lasingero at babaero ako noon kaya nga ako napalayas. Naging gala at pulubi ako sa kalsada pagkatapos no'n. Kung hindi lang ako napadpad dito baka gano'n na lang ang ikot ng mundo ko."
Kaagad na nalungkot si Rima sa matanda. "Sorry po hindi ko po sinasadya na magtanong"
"Nako okay lang. Sa totoo nga lang ay grabe ang aking pagsisisi sa nagawa ko. Kung maibabalik ko lang talaga ang panahon"
Hindi akalain ni Rima na sa sobrang masiyahin ng Señor ay may nababalot pala itong kalungkutan.
"Pero kamusta na po kayo ng pamilya niyo?"
"Matindi ang galit sa akin ng aking asawa at gano'n din ang aking mga anak. Kaya nagtitiis ako sa social media at sa kanilang mga litrato"
Nasasaktan siya para sa matanda kaya naman gumawa si Rima ng paraan para matanggal ang malungkot na aura ng silid.
Ang ganda pa naman ng gising niya.
"Huwag po kayong mag-alala Mang Carpio, pwede niyo po akong ituring na anak."
Mabuti na lang at bumalik na ang sigla ni Mang Carpio.
"Ano pa nga ba ang ituturing ko sa inyo? Kayo na muna ng Señor ang magiging anak ko."
Mas gumaan ang pakiramdam ni Rima dahil alam niyang may ituturing siyang ama dito lalo na't nangungulila siya sa magulang.
Muli na silang nagpokus sa paghahanda ng almusal para makakain na.
______
HINDI NAKATULOG si Beid. Kahit anong gawin niya ay mulat ang mata niya.
Para pa ring paulit-ulit ang sinabi ni Rimacon sa kaniyang isipan.
Para kasing nananaginip siya.
The heck? Sinong matinong babae ang sasabihing gwapo siya?
Nababaliw na ba si Rimacon? Bakit na lang bigla siya nitong kakausapin sa kalagitnaan ng gabi kung kailan patulog na siya?
Para siyang tangang nakamulat lang sa kisame hanggang marinig niya ang pagbangon ng babae kaya nagkunware siyang tulog.
Nang maramdaman niyang wala na ang presensiya ni Rimacon sa kwarto ay tsaka lang siya bumangon.
Nagtatalon siya at mabilis na nagpush-up. Suddenly, Beid needs to release heat on his body at para gisingin na rin ang sarili.
Buong gabi ginulo ng kaniyang asawa ang isip niya dahil lang sa mga salita.
Yeah. My wife.
He has a wife now.
And his wife calling him handsome.
Kaagad niyang sinuntok ang sarili ng mahina.
Damn it.
He thinks that he is blushing right now. Ramdam niya ang init sa mukha niya.
First time lang may tumawag sa kaniyang gwapo pagkatapos niyang magkapeklat.
He still can't believe it.
Bago pa siya masiraan ng ulo ay kinuha na niya ang tuwalya para maligo.
Pagkatapos niya maligo ay napatingin siya sa salamin at nakita na naman niya ang itsura niyang nakakatakot. Hindi niya magawang tingnan iyon ng matagal kaya umalis na siya para magbihis.
Bago umalis sa kwarto ay biglang napatitig si Beid sa kaniyang maskara na hindi na mawawala sa kaniya.
Suddenly, he remember what Rimacon said last night.
'Hindi ako nadidiri o natatakot sa itsura mo Señor kaya sana bukas hindi ka na magmaskara habang nasa bahay tayo. Ipakita mo lang sa akin at papatunayan ko ang sinabi ko'
Will he believe it though?
Let's see then.
Hindi naman talaga siya nagmamaskara kapag nasa bahay kaya iniwan niya ang maskara sa kwarto.
Ramdam pa rin ni Beid ang bigat ng kaniyang talukap. Siguro mamaya na lang siya babawi ng tulog pagkatapos mag-almusal.
Pagpasok niya sa kusina ay tumutok kaagad siya sa isang babaeng napakaganda ng ngiti habang nag-aayos ng mesa.
Kaagad nitong naramdaman ang kaniyang presensiya na kaagad lumingon sa kaniya.
Rima stopped what she's doing and look at him.
Beid suddenly focus on her expression and that's what not he expect.
Medyo nagulat nga ito nang makita siyang walang maskara. Her eyes settled with his half face where his distorted face located.
And instead of disgust and fear, she smile cutely while walking towards him.
Like what she said that night.
Beid didn't expect that.
"Magandang umaga Se-este Beid!"
Beid can't help but to look at Rimacon.
He even blink twice, trying to convince himself that he was hallucinating but he's not.
She is smiling even though he has no mask. His imperfections are showing yet she doesn't even care at it.
"Ahm...sorry kasi hindi ka ata nakatulog ng ayos. Sa susunod ako naman sa sahig tsaka salamat sa pag...respeto mo sa akin"
Beid blink again. Hindi siya makapaniwala na parang nag-iinit ang pisngi ni Rimacon na parang nahihiya.
Beid admit that he wants to take her last night. He's been alone and pleasuring himself for how many years and having a beautiful girl laying on his bed, his s****l urges occur but he control it.
Because Rimacon is not ready.
He will not force someone for his selfishness. Even he has the right to.
Ang pangit na nga ng itsura niya, magpapakapangit pa ba siya ng ugali?
Beid cleared his throat. Hindi pwedeng maging tulala na lang siya. With his poker face on, he face Rimacon.
"Gusto pa rin kitang angkinin. Huwag kang magpasalamat."
Ngumuso lang ang dalaga at mukhang hindi na siya sineryoso.
Maybe she knew that he is just teasing.
"Ahmmm alam ko na gutom ka na. Kain na tayo ng almusal. Nauna na po si Mang Carpio kasi po magwawalis pa daw siya sa bakuran...."
Walang nagawa si Beid nang hawakan siya ni Rima sa pulsuhan para hilahin at ipaghila ng bangko. Pinagtimpla siya nito ng kape at pinaglagay ng pagkain sa plato.
And all Beid can do is to stare, letting his wife do the work for him.
So this is what it feels to have a wife.
Or just because Rimacon is different?
But one thing for sure...
He feels warm.