CHAPTER 4

2696 Words
HINDI ALAM alam ni Rima ang trip ng Señor ngunit araw nga ng patay ang araw ng kasal nila. Kasalukuyang nasa kwarto muli ni Manong Carpio si Rima habang nakasuot na puting bestida. Puting-puti ito na lalong nagpatingkad ng kaniyang kayumangging balat at mas lalong kita ang itim, bagsak at mahaba niyang buhok. Sa totoo lang, ayos naman ang kaniyang damit ngunit dahil nga araw ng patay ngayon, parang white lady tuloy ang ganap niya ngayong araw lalo na kung lalagyan ang mukha niya ng sangkatutak na pulbo. "Ineng!" Bahagyang napatig-ad sa gulat si Rima dahil sa biglaang pagkatok ni Mang Carpio. Napatayo siya bigla dahil doon. "Bakit ho?" "Ready ka na ba sa patay-este kasal?" Sambit nito mula sa labas ng kwarto. Ngumiwi si Rima sa linya ni Mang Carpio. Isang hindi pangkariniwan talagang araw ang ganapin ang kasal sa araw ng patay. Ngunit ang tanong ay handa na nga ba siya? Huminga muna ng malalim si Rima. Araw man ng patay ngayon o hindi, ang pinakamalaking kaganapan ngayon ay ang kaniyang kasal. Ipinikit ni Rima sandali ang kaniyang mata at ikundisyon ang kaniyang katawan at ang isip. Ikaw ang may gusto nito, panindigan mo. Isang hingang malalim muna ang pinakawalan ni Rima bago tuluyang lumabas. Bumungad sa kaniya ang itim na suit na suot ni Mang Carpio. Bumata siya ng onti sa kaniyang kasuotan. "Napakaganda mo namang white lady ine-este bride" ngumisi si Mang Carpio habang pinagmamasdan siya. Ngumiwi ulit si Rima at napanguso na lang. Sabi na nga ba't mukha siyang white lady. "Naghihintay na si Señor sa sala. Naandon na ang magkakasal" Isinukbit na ni Rima ang kaniyang kamay sa kanang kamay ng Señor at nagsimula na silang maglakad. "Sigurado ka na ba ineng? Hindi ka na aatras?" Tanong ni Carpio habang naglalakad sila. Nararamdaman ni Rima ang pamamasa ng kaniyang kamay ngunit ibinigay niya ang sagot. "Wala naman po akong pagpipilian. Kailangan eh" "Kung ganoon ay welcome sa bahay sa ni Señor. Tatlo na tayong magsasama dito at may señora na din akong tatawagin." "Nako, huwag na po. Hindi naman kailangan na tawagin akong señora..." "Magiging asawa ka na ng aking señor kaya kailangan na rin kitang pagsilbihan" Nag-init ang pisngi ni Rima at iniwas na lang ang tingin. Nakakahiya naman kung ganoon. Asawa siya ng Señor ngunit iba naman ang kanilang sitwasyon. Parang pananalbihan pa rin ang gagawin ni Rima ngunit sa titulong asawa lang. "Huwag kang mag-alala, mabait si Señor." Muling pagpapagaan ng loob ni Carpio kay Rima na naging epektibo naman. Sana nga ay hindi ito masiyadong malupit. Mananalangin na lang siya na tama ang ginawa niya at naging desisyon niya. Natahimik ang dalawa hanggang sa marating nila pababa ng hagdan. Sumikdo kaagad ang kaba kay Rima nang matanaw niya ang Señor na nasa ibaba. Kumpara sa kaniya ay itim na suit ang kaniyang suot. Nakaayos ang mga buhok at may maskara muling suot. "Tingnan mo nga naman, may naghihintay na sayong susundo sa kabilang buhay. Mukhang kamatayan ba naman ang itsura" Hindi maiwasang matawa ni Rima. Sa ikli ng panahon na nailalagi niya rito, mukhang talagang mapang-asar si Mang Carpio. Dahil doon ay biglang nangati ang mga bibig ni Rima at hindi na niya mapigilan ang hindi tanungin ang matanda. "Matagal na kayong nagsisilbi sa Señor?" Tanong niya. Ilang baitang pa ang hagdan at mabagal ang kanilang paglakad dahil sa pag-alalay sa kaniya Mang Carpio at pinababagal niya rin dahil kabado siya. "Ilang taon na din Ineng. Naaalala ko pa...isa akong pulubi na napadpad sa liblib na lugar na ito. Naghahanap ako ng tutulugan at nahanap ko itong mansyon na ito na akala ko ay abandonado kaya tumuloy ako. Pero pagkagising ko, may nakatira pala. Si Señor. Akala ko itataboy niya ako pero sa nakikita mo naman, kanang kamay na niya ako ngayon. Pinakain at binigyan niya ako ng tuluyan kaya heto ako ngayon humihinga pa" Parang may kung anong tumunaw sa puso ni Rimacon at napatingin sa Señor na nakatayo lang ng tuwid at naghihintay ng kaniyang pagdating. 'mabait pala siya...' Ikinaginhawa iyon ng paghinga ni Rima ngunit kaagad din siyang nalungkot nang may mapagtanto. "Edi ibig sabihin po...mag-isa lang siya dito nang wala pa kayo?" "Gano'n na nga" mahinang bulong nito sa kaniya bago sila humakbang sa pinakadulo ng baitang at nakalapit na niya Señor. Kaagad na humigpit ang kapit ni Rima sa braso ni Mang Carpio at nakalimutan na ang naiisip niya sa kaniyang utak. "Bakit ka pa nakamask Señor? Dapat nilubos mo na ang holloween wedding na ito." Sabat ni Mang Carpio na tinapik na ang kamay ni Rima na nakakapit sa kaniya. Kaagad naman iyong tinanggal ni Rima at pinagsiklop ang mga kamay at bahagyang pinisil-pisil ang kaniyang palad para mabawasan ang kaba. "f**k off Carpio kung ayaw mong paalisin kita ng bahay" Masungit na sabi naman ng Señor na tuluyan ng tumingin sa kaniya. Kaagad namang nailang si Rima sa titig na ibinibigay sa kaniya ng Señor. Pakiramdam niya tuloy ay may mali sa kaniya. Pero hindi niya maitatanggi at kakisigan ng Señor lalo na kapag suot ang maskara. Bumuntong hininga ang Señor bago inilahad sa kaniyang harapan ang palad nito. "Alam kong nakakadiri akong hawakan pero 'yan ang pinasok mo kaya magtiis ka" ani bigla nito pagkalahad ng kamay. Kumunot lang ang noo ni Rima at hindi mawari ang gustong ipahiwatig ng Señor. Nakakadiri? Hindi naman iyon pumasok sa isipan niya. Dahil doon ay dali-dali niyang inabot ang kamay ng Señor at hinigpitan pa ito. Nakita niya ang pasulyap ng Señor sa kaniya pero hindi na niya pinansin. Kunot pa rin ang noo ni Rima dahil sa sinabi ng Señor. Magkahawak nilang itinungo ang dalawang pang-isang sofa habang si Mang Carpio ay kumakanta habang nagsasaboy ng mga tuyong dahon na nawalis nito sa bakuran. "Paalam na~ aking mahal...." "Iingatan ka, aalagaan ka...sa puso ko ikaw ang kasama~" "Kung mawawala ka, hindi ko makakaya~" Mabuti na lang talaga at pinapagaan ni Mang Carpio ang tensyon sa buong paligid. Kaya nito kasi talagang pawalain ang madilim na aura sa buong silid dahil sa natural nitong mga kalokohan. Kumakanta ba naman ng kadalasang pinapatugtog kapag may patay. "That's so sweet of you Carpio. So f*****g sweet" komento pa ng Señor na palihim na binabato ng mga masasamang titig si Mang Carpio. Tanging tawa lang ang sagot ni Mang Carpio at may hirit pa. "Gusto niyo po ba ako tumawag ng iiyak para po kumpleto na?" "Just f**k off" iritang sabi ng Señor. Hindi naman magawang matawa ni Rima dahil sa kaba at tuluyan na silang pinaupo sa dalawang isahang sofa. Ang magkakasal ay katapat nila. Akmang tatanggalin na ng Señor ang magkahawak nilang kamay ngunit pinagsiklop iyon ni Rima. Kinakabahan kasi talaga siya. Kailangan niya ng lakas ng loob. Nanigas naman ang Señor na napatayo ng tuwid dahil sa ginawa niya. Hindi na iyon pinansin ni Rima dahil mas nakatuon ang pansin niya sa kasal na magaganap ngayon. Sa kanilang gitna ay may mesang yari sa isang matibay na kahoy at nakalagay doon ang isang papel at dalawang simpleng singsing. "Magsimula na tayo" panimula ng magkakasal sa kanila. Parehas silang hindi halos humihinga. Hindi na makapokus si Rima sa nagsasalita ganoon rin ang Señor na naiilang at hindi sanay sa hawak ng isang babae. "Beid Dela Vega, tinatanggap mo si Rimacon Bonado bilang iyong asawa?" "I do" sagot ng Señor. "Rimacon Bonado, tinatanggap mo ba si Beid Dela Vega bilang iyong asawa?" Hindi kaagad nakasagot si Rima. Kinailangan pang sikuhin siya ng Señor. Kaagad na napakakurap si Rima at napatingin sa Señor. "Po?" Parang nagtampo naman ang Señor na inis na binitawan ang kaniyang kamay. "Alam kong napipilitan ka lang pero makisama ka" nanggagalaiti na sabi ng Señor. Napakurap muli si Rima bago nakagat ang labi. Mukhang nagalit niya ang Señor. "Sorry..." Mahinang bulong niya. Kinakabahan lang talaga si Rima. Hindi pa rin kasi nagpoproseso sa kaniyang isip na ikakasal na talaga siya. Nag-tsk lang ang Señor at hindi na pinansin si Rima. "Ano nga po ulit 'yon?" Magalang na tanong ni Rima na nangako na sa sariling makikinig. "Kung tinatanggap mo ng asawa si Beid Dela Vega..." Lumingon muna si Rima sa Señor na kahit kalahati lang ng mukha ang kaniyang natatanaw ay alam niyang makasalubong ang kilay. Beid Dela Vega. Doon lang napagtanto ni Rima na iyon pala ang pangalan ng Señor. Bago pa muling magalit ang binata ay sumagot na si Rima. "Opo, tinatanggap ko po" "Kung ganoon ay isuot niyo na ang singsing na magsisilbing simbolo ng inyong pagiging mag-asawa at ibigay niyo na ang bow niyo sa isa't isa" Unang nagbigay ng bow ang Señor at inabot na ang kamay ni Rima para suotan ang singsing "Ang singsing na ito ang magsisilbing simbolo na pagmamay-ari na kita. Ang iyong pagkatao, kaluluwa at katawan. Sa akin ka na at wala ka ng magagawa kung hindi tanggapin iyon." Nagtaasan ang balahibo ni Rima dahil sa mapang-angkin nitong boses ngunit kaagad niya iyong inignora at kinuha ang singsing na isusuot naman niya sa Señor. "Bilang tugon sa inyong sinabi, ang singsing na ito ang magiging simbolo ng pangangako na ako'y magiging iyo...." Tumingin si Rima sa mga mata ng Señor habang binibitawan ang mga salita na alam niyang tutuparin niya at bago ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin ay pinagmasdan niya ang maskara kung saan nakatago ang kalahating mukha ng Señor. "....at tatanggapin rin kita ng buong buo.....ang iyong pagkatao, kaluluwa at katawan gaya ng pagtanggap mo sa akin Señor..." Iniwas na ni Rima ang tingin sa binata at sinuot na ng tuluyan ang singsing sa daliri nito. "Naibigay niyo na ang bow niyo sa isa't isa kaya oras na para sa unang halik niyo bilang ganap na mag-asawa" Nagkatinginan si Rima at ang Señor. Lumunok si Rima ng ilang beses habang pinapahupa ang kaba sa kaniyang dibdib. Ito na nga. May bibinyag na rin sa kaniyang labi. Nang magsimula ng lumapit ang Señor ay tsaka niya lang ipinikit ang mata at ngumuso. Guni-guni man o hindi ay narinig niya ang mahugong na pagtawa nito ng marahan bago naramdaman ni Rima ang mainit na palad ng Señor sa kaniyang pisngi at mainit na labi ng Señor sa kaniyang labi. Hindi alam ni Rima ang feeling pero isa lang ang nasa isip niya. Malambot. Parang may kung anong kumawala sa puso ni Rima nang idiin ng kaunti ng Señor ang labi sa kaniya dahilan para maiwan ang bakas ng labi nito sa kaniyang labi at hindi namalayan na lumayo na pala ang binata. Kung hindi lang sumigaw si Mang Carpio ng 'mabuhay ang bagong kasal' ay nakanguso pa rin siya. Pagmulat ng mata ni Rima ay nag-init ang kaniyang pisngi dahil kinakausap na ng Señor ang nagkasal at para siyang tanga na nakanguso mag-isa. Napahawak naman siya sa kaniyang labi at binasa iyon para mawala ang bakas. Nararamdaman pa rin niya kasi dahil may sipsip ng kaunti ang ginawa ng Señor. Ang unang halik niya... Tulala pa rin si Rima hanggang sa pagpirma ng marriage contract. ______ "Happy Halloween Wedding!" Sigaw ni Carpio habang may hawak na plus na juice na orange flavor. Nasa sala pa rin sila. Wala na ang nagkasal na pagkatapos ayusin ang dokumento at nagkaroon ng pagkuha ng litrato ay umalis na agad. Celebration na ng pagiging kasal nila kung selebrasyon nga ba itong ayos nila. Para kasi silang dumayo sa lamay. Sa mesa ay may mga biskuit na mula sa mga lata na karaniwang makikita mo sa mga lamay. Ang inumin nila ay plus na juice na hindi mawawala at may mga sitsirya na tig pipiso. Hindi lang iyon, may bingo-han din na nakalatag. "Ako ba niloloko mo Carpio?" Napatingin si Rima sa Señor na hindi na talaga natutuwa. Hawak ni Rima ang plus juice na may nakatusok na straw at kasulukuyang sumisipsip. Masarap ang lasa at matamis kaya hindi niya mapigilang uminom. "Hindi ho Señor. Sinabi niyo hindi ba na ako na bahala sa lahat?" "Nung sinabi kong ikaw na ang bahala, ibig sabihin no'n celebration Carpio but what the heck is this?!" Kumamot si Carpio sa batok. "Hindi ba't sabi mo iangkop sa theme? Hindi ba't araw ng patay ngayon? Edi ito sinulit ko na. Ito ang tinatawag kong 'may lamay starter pack!'" "Saan mo ba nalalaman 'yan Carpio!?" "Sa social media Señor. Di ka ba marunong gumamit no'—" "Isa!" Mabilis na tumakbo si Carpio na kahit may edad na ay nakatakbo pa rin ng matulin. Mukhang sanay ito tumakbo. Iniisip tuloy ni Rima kung lagi bang nangyayari sa dalawa ito. Akmang tatayo ang Señor ay pinigilan na ni Rima ang binata. Kaagad na bumaling ang Señor sa kaniya na salubong pa rin ang kilay. "Bakit?" Tanong nito. Kagat pa rin ni Rima ang straw ng juice niya at kumuha ng biscuit para iabot iyon sa Señor. "Huwag mo na habulin si Mang Carpio." Tinaasan siya ng kilay ng Señor. "Ahm ano kasi....hindi po ba dapat pasalamatan na lang natin dahil ipinaghanda niya tayo...hindi ba señor?" Hindi pa rin umimik ang Señor at hindi pa rin nito inaabot ang biscuit na kinuha niya. Nakatitig lang ito sa kaniya. "Ahmm.." muling nag-isip si Rima na kabado na. "Tsaka kasal...natin to kaya hindi po dapat maging...mainitin ang ulo Señor? Hehe.." Mukha namang gumana iyon dahil tuluyan na nitong nilayasan ang tingin ang kaniyang mukha bago kinuha ang biskuit na hawak niya. "Pasalamat ka at maganda ka" bulong nito na hindi masiyadong narinig ni Rima. "Po?" "Wala" tipid na sagot ng Señor na kinain ang biskuit na inabot niya. "Eto rin po juice baka gusto niyo. Ang sarap po niyan Señor. Ang tamis. Nakadalawa na nga po ako ih" alok pa ni Rima. Inabot naman iyon ng Señor pero ibinalik lang sa mesa. Napanguso na lang si Rima. Mukhang ayaw ng Señor ng matamis. "Beid" muling tinig ng Señor kaya muling napalingon si Rima. "Po?" "Huwag mo akong tawaging Señor. Beid ang itawag mo sa akin" Napakurap si Rima. "Ahm....bakit?" Hindi makapaniwalang tumingin ang Señor sa kaniya. "Anong bakit? Mag-asawa tayo" "Pero...parang hindi ko naman ata pwedeng tawagin sa pangalan mo lang Señor. Maaari ngang mag-asawa tayo pero alam naman po natin na tagapagsilbi—" "Bakit ba ang dami mong reklamo?" Putol ng Señor sa kaniya kaya hindi na nakaimik si Rima. "Call me Beid" ulit ng Señor. Tumango na lang si Rima. "Sige, Beid" "Good" Natahimik ng saglit si Rima bago muling nagsalita. "Ahm....salamat pala sa pagtanggap sa akin bilang asawa mo." Kinasal na sila lahat lahat nakalimutan pa niyang magpasalamat. "Bakit ka nagpapasalamat? May kapalit iyon" Ibinaba ni Rima ang juice at nagpasiyang kumain ng biskwit. "Ano kasi...salamat at tinanggap mo ang alok ko" Inangat ng Señor ang mga tingin sa kisame na puro alikabok at sapot habang nakamasid naman si Rima sa Señor. "Pasalamat ka dahil maswerte ka at walang balak magkagusto sa akin kaya tinanggap kita" Napatigil sa pagnguya si Rima at napatitig na lang sa Señor at muling pumasok sa kaniya ang itsura nito nang tinanggal ang maskara. Walang nagkakagusto... May parang sumakal sa puso ni Rima. Akala ba ng Señor na wala ng magmamahal sa kaniya dahil sa kaniyang itsura? Hindi lubos maisip ni Rima kung bakit iyon nasasabi ng kaniyang ganap na asawa pero hindi maganda iyon sa kaniyang pandinig. Kaya naman habang nakatitig sa señor ay nagbitaw ng kataga si Rima. "Huwag kayong mag-alala. Asawa niyo na po ako at tanggap kita." Umingos ang Señor. "Kailangan mo talagang tanggapin. Hawak ko na pamilya mo" Ngumuso na lang si Rima. Sinsero siya sa sinabi niya. "At oo nga pala maghanda ka na para mamaya. Honeymoon natin hindi ba?" Nanigas sa kinatatayuan si Rima sa sinabi ng Señor. Parang namutla siya bigla habang nanlalaki ang matang tumingin sa asawa niya. Honeymoon.... Alam niya ang salitang iyon! Mukhang oras na para mawala ang puri niya sa iisang lalaking nakakuha rin ng kaniyang unang halik. Muntik niyang makalimutan na kaakibat ng pagpapakasal ay mangyayari rin ang unang gabi nilang mag-asawa. "Oh bakit gulat na gulat ka? Akala mo may takas ka pa?" Lumapit ng kaunti sa kaniya ang Señor na may ngisi sa mga labi bago bumaba ang tingin nito sa kaniyang labi. Lumunok ito bago magsalita. "Maghanda ka na. Ayokong masipa ulit"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD