"I'M EXHAUSTED f**k!"
Pagod na pagod si Beid pagkatapos ng meeting niya at mga gawain na tinapos niya sa kaniyang office. Having surrounded with many people is exhausting him. Kung hindi lang para sa kapakanan ng kaniyang business, hindi siya lalabas para salubungin ang mga mapanghusga at pekeng mga tao. Mas gugustuhin pa ni Beid na doon na lang siya sa mansyon niya at doon gumawa ng trabaho.
But he is the boss and the employees needs his presence once a week.
Inabot na siya ng hating gabi sa sobrang daming ginawa. Inaantok na siya pero mas ginusto niya pa ring umuwi sa lugar kung saan alam niyang belong siya. His mansion...
Pumasok na siya sa kaniyang kotse at pagkapasok ay kaagad niyang hinubad ang maskarang lagi niyang suot para hindi makita ng tao ang kaniyang itsura na kahit maging siya ay kinasusuklaman. Ni hindi niya nga matingnan ang salamin ng kaniyang kotse because he is disgusted with his own face.
Kahit malayo ay nagdrive si Beid hanggang tumigil siya sa isang mansyon na kasing panget niya. Sinadyang magmukhang haunted house ang bahay niya para bagay na bagay sa kapangitan niya. A haunted mansion with a monster living inside.
As usual, Carpio is waiting for him outside. Kaagad na lumapit ito sa kaniya dala-dala ang flashlight nito. Sinadya niyang huwag palagyan ng ilaw ang labas ng kaniyang bahay. He wants it dark, scary and lifeless.
"Magandang umaga Senor, malapit ng sumikat ang araw ah?"
Sumalubong ang kilay ni Beid. "Hindi. Baka papalubog pa lang. Hindi ba obvious Carpio?"
Napangiwi si Carpio. "Ito naman ang sungit-sungit."
"Just open that damn gate. I want to sleep"
"Areglado boss" sumaludo pa si Carpio bago binuksan ang nangangalawang nilang gate.
Hindi na niya ipinarke ng ayos ang kotse niya. Inihagis na lang niya ang susi kay Carpio para ito na ang mag-park ng ayos at pumasok na sa loob.
Ganoon na lang ang kaginhawaan ni Beid nang makita ang kaniyang bahay.
Ah...my lovely place.
Kaagad niyang hinubad ang coat na suot niya at inihagis na lang kung saan pagkatapos ay pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig.
"Oo nga pala Señor. May bisita kayo" ani ni Carpio na dala-dala ang ilang gamit na dala ng kaniyang Señor.
Napatigil si Beid sa pag-inom at kaagad na kumunot ang noo.
"Sino?" Tanong niya bago inubos ang laman ng baso at lumabas ng kusina.
"Maganda at mahinhin na babae Señor. Balak kayong kausapin"
"Maganda?"
Seriously?
Sino namang 'MAGANDA' na babae ang bibisita sa kaniya?
"Oo nga sir. Gusto ka nga daw makausap"
Na-curious na nga si Beid na lumapit na sa kanang kamay niya.
"Where is she?"
"Nasa kwarto ko sir, natutulog."
"Why she's in your room?" Naging matulis ang titig ni Beid kay Carpio.
Kaagad namang itinaas ni Carpio ang mga kamay.
"Hindi po ako pumapatol sa bata Señor. Kwarenta na ako! Wala lang talagang malinis na ibang kwarto dito sa mansyon niyo"
Nawala rin kaagad ang tulis ng kaniyang tingin bago umakyat na ng hagdan at nasa likudan niya si Carpio na sumusunod sa kaniya.
Ano pang silbi ng paglilinis niya ng ibang guestroom? It's not like mayroong gustong tumira dito kasama siya.
"Nakita niya ang larawan mo, sabi niya ang kisig at ang gwapo mo daw"
"Talaga?" Muntikan ng mabalaukan si Beid sa kwento ni Carpio.
Siya? Gwapo? Napakalayo.
"Oo nga Señor. Crush ka pa nga ata eh. Yieee"
Lumingon siya sa kaniyang kanang kamay at sinamaan ito ng tingin. "Gago!"
Ofcourse, that picture is a scam. Nakakagwapong tingnan dahil nakamaskara siya.
"Gusto niyo po ba masilip Señor?"
"Nah, I'll see her tommorow."
Hindi na niya pinansin si Carpio at binilisan na ang lakad patungo sa aking kwarto.
I'm really tired and want to sleep.
The next day, Beid woke up sweating bullets. Tiningnan niya ang orasan. Three hours lang ang tulog.
At normal lang sa kaniya iyon.
Normal lang na maaga siya magising dahil laging may gumigising sa kaniya.
Hindi na siya makatulog kaya naman bumangon na siya at nag-exercise na.
Habang nagpupush up, Carpio knock at his room door.
"Señor gising na kayo?"
"Why?!" Sigaw niya habang nagpu-push up.
"Gisingin ko na 'yong bisita mo. Kausapin mo na"
Mabilis na napatayo si Beid nang maalalang may bisita nga pala siya.
"I'll just take a bath" paalam niya bago pumasok sa banyo.
Mabilis siyang naligo at nagbihis ng komportableng kasuotan bago sinuot ang kaniyang maskara.
Habang hinihintay ang bisita na sinasabi ni Carpio, tumambay si Beid sa balkonahe upang pagmasdan ang pangit niyang bakuran.
That's what he did before she feel the presence of the woman that wanted to talk to him.
"Gusto mo raw ako makausap?"
"Ako si Rima Bonado. Anak po ako ni Rosa at Gregorio Bonado. Ang aming pamilya ay may malaking utang sa in-"
As expected. It's always about the debt.
"Kung ang intensyon mo ay pahabain pa ang palugit ang utang ng pamilya mo, pwes lumayas ka na. Wala akong pla-"
"Ako po."
Kumunot ang noo ni Beid.
"Ako po ang pambayad"
Tuluyan ng nakuha ng dalaga atensyon ni Beid na nagulat sa sinasabi ng dalaga.
"Huh?"
Madidiin ang hakbang niya papasok ng kwarto. "Ulitin mo nga ang sinabi mo."
"Ako ang dahilan kung bakit naghihirap kami ng pamilya ko at bilang pagtanaw ng utang na loob..."
Paghawi niya ng kurtina ay nakita ni Beid ang babae na lumuhod at nangungusap ang matang tumingin sa kaniya.
"Nakikiusap ako Señor, tanggapin niyo ako bilang kabayaran sa lahat ng utang ng pamilya ko..."
"Tanggapin niyo ako"
Nahigit ni Beid hininga.
Fuck!
He couldn't believe it.
A young pretty morena girl is on her knee begging him to accept her as a p*****t for their family debt.
What the actual f**k?!
______________
NABIBINGI si Rima sa katahimikan habang nakaluhod siya. Magkalapat pa rin ang kaniyang palad at nangungusap pa rin ang mata habang nakatingin sa nakamaskarang Señor.
Kumpara sa larawan na nakita ni Rima, mas nakakatakot at mas may intensidad ang tindig at titig nito. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit ito may suot na maskara. Akala ni Rima ay isa lamang iyong dekorasyon para sa larawan ngunit mukhang lagi niya ito suot.
Para saan? Anong tinatakpan nito sa kahalati ng kaniyang mukha?
O ginagawa niya lang ito para magpakamisteryoso?
Ngunit kahit ano man 'yan ay wala siyang pakielam. Wala sa oras na ito ang tanungin at magtaka.
"Gusto mong ipangbayad ang sarili mo sa akin. Tama ba?" Sa wakas ay nagsalita na ang Señor at binasag ang katahimikan.
Nagtaasan ang balahibo ni Rima dahil sa tindi ng hugong ng boses ng Señor at kaakibat no'n ay isang nakakatakot na kahulugan ang ibig sabihin niya.
Yumuko si Rima bago binaba ang magkasiklop na palad sa kaniyang mga hita.
"Opo Señor. Bilang kabayaran sa utang ng mga magulang ko sa inyo"
Lumunok siya nang umupo ang Señor para ipantay ang at ilevel ang kanilang mga mukha. Nanatiling nakayuko si Rima, pinipigil ang hininga dahil sa lapit nila ng lalaki. Hindi siya sanay na may ganitong kalapit na lalaki sa kaniya.
Lumapat ang daliri nito sa kaniyang baba para inangat ang mukha niya kaya muling nagkatama ang kanilang mga mata.
Ngunit sa mas malapit na distansya.
Nahigit niya ang hininga.
Walang buhay.
Iyan lang ang nakikita ni Rima sa mga mata ng Señor. Kulay madilim na abo ang kulay ng kaniyang mata.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong nito at hindi tinanggal ang kamay sa kaniyang baba.
Lumunok si Rima at kahit kinakabahan ay diretsyo siyang sumagot habang nakatitig sa Señor.
"Rimacon Bonado Señor."
Bumaba ang tingin ng Señor sa kaniyang labi. Napalunok ulit si Rima at bahagyang nanginig.
"Alam mo ba kung anong pinapasok mo? Kung anong ibig sabihin ng hinihiling mo Rimacon?"
Pumikit si Rima nang lumapat ang hinalalaki nito sa kaniyang mga labi. Pilit niyang na pinatapang ang kaniyang tuhod na nanghihina at gusto umatras.
"Alam mo ba?" Bulong ulit nito. Nagtaasan ang balahibo niya at matindi ang pagpipigil ang ginawa ni Rima habang ramdam niya ang init ng daliri nito sa kaniyang labi at init ng hininga na tumatama sa kaniyang balat.
"Sumagot ka" maotoridad nitong ani ng hindi nito narinig ang sagot niya.
"Alam k-ko.." sagot ni Rima sa mahinang boses at nanatiling nakapikit. Ramdam niya ang lapit ng Señor sa kaniya at kapag minulat niya ang mata, paniguradong lalayo at aatras na siya. Paniguradong tatakbo siya palabas ng mansyon na ito at pagsisisihan ang desisyon niya kaya nanatili siyang nakapikit habang iniisip ang makikinabang ng hindi niyang pinag-isipang aksyon.
Para ito sa pamilya mo Rima.
Para hindi na sila maghirap.
Para hindi ka na maging pabigat.
"Imulat mo ang iyong mata"
Hindi siya sumunod.
"Kung hindi ka mumulat, hindi ko tatanggapin ang alok mo"
Mabilis na nagmulat si Rima sa sinabi ng Señor. Umusli ang ngisi sa labi nito bago muling sumeryoso.
"Kung alam mo, sabihin mo sa akin kung anong ibig sabihin ng pinagsasabi mo. Kung ano ang ipinahihiwatig mo...."
Kinagat ni Rima ang labi at huminga ng malalim para palakasin ang loob. Hindi pa ba naiintindihan iyon?
Bakit kailangan niya pang ipagkandalakan kung anong gagawin niya?
Ngunit bilang utos ng Señor, walang nagawa si Rima kung hindi sambitin ang mga salitang ayaw niyang lumabas sa kaniyang bibig pero kailangan.
"Kapag tinanggap niyo ako bilang pambayad...." Nararamdaman ni Rima ang pag-init ng kaniyang mata. "Magiging pagmamay-ari niyo na ako. Magiging s-sayo na ako. Ang lahat sa akin. Ang buo kong katawan at kaluluwa..."
Naramdaman na lang ni Rima ang mga daliri ng Señor sa kaniyang pisngi at pinupunasan ang mga hindi namalayang nalaglag na luha sa kaniyang mata.
Umiiyak na pala siya.
Ang hina niya pa rin.
Natatakot siya.
Natatakot siyang maging pagmamay-ari ng isang lalaking hindi naman niya kilala.
Tiningnan ng Señor si Rima na umiiyak at kahit anong pigil ng pagtulo ay patuloy pa rin iyon sa pag-agos. Bumuntong hininga ang Señor bago naisipang tumayo.
Kaagad na nataranta si Rima na sinundan ang pagtayo ng Señor.
"Maganda ka. Kung ikaw ang pambayad sa utang, tatanggapin kita. Panget nga ayaw sa akin, ikaw pa?" Ramdam ng Señor ang pait sa boses niya. "Pero base sa nakikita ko, hindi ka handa. Hindi mo kayang panindigan ang mga sinasabi m-"
"Kaya ko" putol ni Rima sa Señor at mabilis na pinunasan ang luha at tumayo. "Mamimiss ko lang talaga ang pamilya ko."
"Talaga? Kaya mo?" May panunuyang sambit nito at may panghahamon ang boses.
Suminghot naman ng ilang beses si Rima at sinigurado niyang wala ng bahid ng luha sa kaniyang mata bago matapang na tumingin sa Señor. Pinatunayan niya pa sa pagkipot niya sa kanilang distansya. "Opo kaya ko Señor..."
Binigyan lang siya ng isang ngisi ng Señor bago ito tuluyang humakbang ng mabilis palapit sa kaniya.
Kaagad na nataranta si Rima na panay ang atras hanggang sa madagil ng kaniyang likudan ang kamay ng sofa dahilan para mawalan siya ng balanse. Nahulog ang kalahati ng kaniyang katawan sa sofa at ang kaniyang mga binti ay nakalaylay sa kamay ng sofa.
At sa kaniyang pagkalaglag, hindi na siya nakalayo sa Señor na mabilis siyang naikulong. Inilagay nito ang braso sa sandalan ng sofa at sa gilid ng kaniyang leeg. Inibaba rin nito ang kalahati ng katawan para mukha itong nakadagan sa kaniya.
Sa pagkataranta ni Rima ay mabilis na gumalaw ang kaniyang mga braso para takpan ang kaniyang mga dibdib, pinoprotektahan ang sarili.
"Akala ko ba kaya mo?" May panunuya muling sambit ng Señor na muli siyang hinahamon.
Mabibigat ang paghinga ni Rima. Hindi siya handa sa bigla nitong pag-atake pero hindi siya dapat umatras! Hindi siya pwede...
"Basta....ipangako mo muna sa akin na mawawalan na ng utang ang aking pamily-"
"Okay. Tatanggapin ko na ang alok mo"
Mabilis ngunit nagkaroon ng kaginhawaan ang puso ni Rima sa nalaman. Sa wakas at mawawalan na sila ng napakalaking utang.
Mapait na ngumiti si Rima na ibinababa ang mga brasong nakayakap sa kaniyang dibdib.
Ito na ba talaga ang kapalaran niya?
Hindi, ito talaga ang pinili niya.
Ito ang magiging sakripisyo niya.
"Salamat Señor.." mahinang bulong ni Rima. "Gawin niyo na ang gusto niyo. Katulad ng ating usapan, sayo na ako"
"Sigurado ka na?"
Tumango si Rima bago kumuyom ang kaniyang kamao, nagpipigil umiyak at pinipigilan matakot.
"Good. I will have my way with you then.." ani nito sa salitang ingles na hindi niya maintindihan ngunit alam na niya ang ibig sabihin dahil bigla nitong hinuli ang kaniyang mga pulsuhan para iangat sa kaniyang ulo at gamit ang hita nito, pinaghiwalay ng Señor ang kaniyang hitang nakasabit sa kamay ng sofa.
Dahil sa mapangahas nitong paghawak at sa gulat, mabilis na gumalaw ang mga binti ni Rima para sipain ang binata.
"Ouch! My balls f**k!"
Mabilis namang napatayo si Rima at kahit siya ay nagulat sa ginawa niya. Napaluhod na lang siya hanang pinapanood mamilipit sa sakit ang Señor.
"S-sorry. Hindi ko talaga sinasadya!"
Sumama kaagad ang tingin ng Señor sa kaniya.
"Just f*****g go!"
"Carpio!" Tawag pa nito sa kaniyang kanang kamay.
Panay ang paghingi ng tawad ni Rima habang kinakaladkad na siya ni Manong Carpio palabas.
"Teka lang Señor. Hindi ko talaga sinasadya. Binigla niyo kasi ak-"
Naputol na ang pagmamakaawa niya nang malakas na sumarado ang pinto.
"Lagot na!" Napasalampak na lang si Rima at napaupo hanang sapo sapo ang mukha.
Anong ginawa niya? Paano na ito? Babawiin na ba ng Señor ang sinabi niya kanina?
"Tayo ka na diyan ineng. Mukhang na-bad trip mo ang Señor ko ah?"
"Hindi ko naman sinasadya eh" parang maiiyak na naman si Rima.
Bigla kasing ibinuka ang binti nito ang binti niya kaya nataranta siya at nasipa niya ang gitnang bahagi ng Señor.
"Carpio kick her the hell out of here! I don't want to see her presence anymore!"
Muling sigaw ng Señor. Hindi man naiintindihan ni Rima ng ayos dahil ingles ay alam niyang pinapalayas na siya.
"Layas ka na raw" Bulong pa ni Manong Carpio.
Umiling lang si Rima. Hindi siya papayag na makaalis agad. Masasayang lahat ng pinaghirapan niya kapag gano'n. Naandito na siya eh.
"Ahmm...nagugutom na po ako eh. Pwede po b-bang pakain muna?"
"Gumawa ka pa ng palusot ah?" Natatawa si Manong Carpio na inilahad ang kamay niya kay Rima. "Sige lang kumain ka muna at baka mapagbigyan ka pa ni Señor"
Nagpasalamat naman si Rima at inabot ang kamay ng matanda para alalayan siyang tumayo.
Aalis lang si Rima dito kapag alam niyang wala ng utang ang pamilya niya.
"Ano bang ginawa mo sa Señor ko ineng?"
Ngumuso si Rima habang papasok sila sa kusina.
"Aksidente ko pong nasipa"
"Bakit mo sinipa?"
Hindi na sumagot si Rima dahil nahihiya siya. Sasabihin niya bang dahil hahalikan siya ng Señor?
Pinaghanda siya ni Manong Carpio pagdating ng kusina. Nagluto ito ng ham at itlog para sa kaniya. Nahihiya man ngunit tinanggap niya ang alok. Gutom na rin siya.
"Maraming salamat po"
Ngumiti lang ang matanda. "Walang anuman. Kumain ka na ineng"
Hindi pa man din nakakasubo si Rima ay narinig na naman niya ang mabibigat na paa at sigaw.
"Carpio napalayas mo na ba?! Make sure na hindi m-"
Napatigil ang Señor sa patuloy na pagpasok ng kusina dahil kaagad tumutok ang mata nito sa kaniya.
Habang nakanganga naman si Rima at nakaangat na ang hotdog na dapat ay isusubo na niya.
Nagkatinginan lang sila ng ilang segundo bago natauhan ang Señor na kaagad sumama ang timpla ng makitang naando'n pa si Rima.
"Carpio hindi ba't sinabi ko sa'yong palayasin mo na ang babaen-"
"Hindi pa siya kumakain simula kagabi Señor tsaka bisita natin siya, dapat mabusog muna siya bago umalis"
"Huwag mong pinuputol ang sinasabi ko!"
Kaagad na itinaas ni Carpio ang kamay na parang sumusuko.
"Huwag kang mainitin ang ulo Señor mas lalo kang pumapangit"
Akmang susugudin ng Señor ang matanda ay tumakbo na ito palayo, naiwan si Rima mag-isa na para bang pinapahiwatig ni Manong Carpio na sa kaniya nakasalalay kung tatabuyin siya ng Señor o hindi.
Kaya mabilis na umalis sa upuan si Rima at lumuhod kaagad sa harapan ng Señor.
"Patawad Señor. Hindi ko talaga sinasadiya na masipa ka. Iyon ay reaksyon ng aking katawan dahil sa pagkabigl-"
"Hindi" matigas na sabi ng Señor. "Hindi iyon pagkabigla. Ang tanging rason no'n ay hindi ka handa. At hindi ako tatanggap ng babaeng gustong maging bayad sa utang nila ngunit hindi naman handa at kayang panindigan ang kaniyang sinasabi tss"
Mariing pumikit si Rima. Alam niya naman sa sarili niya iyon. Hindi naman talaga siya handa.
Natatakot kasi siya.
Isa pa, wala siyang karanasan sa gano'ng bagay. Oo at mulat siya at alam niya iyon pero wala siyang naging kasintahan.
"Hindi ba pwedeng maging katulong niyo na lang ako Señor. Pagsisilbiha-"
"Sabi mo magiging pagmamay-ari na kita? Na ang buong pagkatao, kaluluwa at katawan mo ay akin na hindi ba? Hindi ata tayo nagkakalinawan. Kung gusto mong maging katulong, kaya kong maghanap ng ibang katulong na walang utang kagaya mo"
Kumuyom na lang ang kamao ni Rima.
Hindi niya matanggap na ganito na lang mawawala ang puri niya. Oo at sinabi niya na ang kaniyang buong pagkatao, kaluluwa at katawan ay sa Señor na pero ang isiping gano'n na lang mawawala ang puri niya? O maging parausan lang ng Señor na nasa kaniyang harapan ay labag sa loob ni Rima.
Nangako siya sa sarili na ibibigay niya lang ang kaniyang puri sa taong mapapangasawa niya. Pakiramdam kasi ni Rima ay labag iyon sa mata ng diyos kung mawawala na lang ang tanda ng kaniyang pagkadalaga ng hindi pa kinakasal.
Kaya naman...
Inangat niya ang tingin sa Señor na umuusok pa rin ang ilong sa galit.
Aminado si Rima na makisig ang Señor at kahit kalahati pa lang ng mukha ang kaniyang nasisilayan, halata na may itsura ito.
Gamit ang natitirang lakas ng loob ni Rima ay matapang na tumitig siya sa Señor at sinabi ang pinakamatapang na gagawin niya sa tanang buhay niya.
Wala daw siya paninindigan hindi ba?
Edi paninindigan niya ito.
"Kung ayaw niyo akong maging katulong...." Lumunok si Rima.
"Pwede bang maging asawa mo na lang?"