Normally, it would only take her a minute to dress up and prepare herself. Ngayon, halos umabot na siya ng isang oras sa banyo at isang oras pa sa pag-aayos. Kinuskos niya ang lahat ng libag at duming maaaring maiwan sa kanyang balat. She chose the most presentable dress. She wanted to look her best. Mamang-mama na si Framcis at gusto niyang kahit papaano ay magmukha namang mature na. Iyong damit na nahihila ang pagiging baby-faced niya. She wore her royal blue dress. Hanggang itaas ng tuhod at medyo may malaking hikab sa balikat. Exposed ang magagandang hubog ng shoulders niya. Medyo maluwang iyon sa bandang waist but over all, nakuha niya ang appearance na naiisip.
“Wow, you look so beautiful, anak. Siguradong luluwa ang mga mata ni Francis niyan.”
Niyakap siya ng nanay niya mula sa likuran. Her mom never failed to make her feel confident in herself. She was her biggest fan and support.
“Really, Ma?”
Iniharap siya nito at ikinulong ang mukha niya sa dalawang malalambot nitong mga palad. Her mother was always an epitome of beauty. Sa lahat ng anggulo, maganda at feminine ito.
“Yes, you are perfect. Kaya, pumunta ka na sa veranda at doon mo na hintayin si Francis.”
Sinunod niya ito. Dinaanan pa niya ang ama sa silid at binati. Ngayong araw ang balik ng mga ito sa Laoag. She took the chance to kiss her father goodbye and thank him.
“Be good in here.”
“I will, Pa.”
“Siya, pumunta ka na sa sala at hintayin ang manliligaw mo.”
Pinamulahan siya ng mukha. Her father was not the most comical but he was throwing punches of jokes about Francis. Gustong-gusto ng ama niya si Francis. Gusto ng mama niya at mas lalong gusto niya.
Habang naghihintay sa binata ay hindi siya mapakali. Maya’t-maya niyang sinusuri ang sarili. Nininerbyos siya na hindi mawari.
“Good morning!”
Tinig na iyon ni Francis. Her body tensed automatically. Gaano nga ba kalayo ang nilakbay ng isip niya at ni hindi man lang niya namalayang nasa loob na pala ito ng bakuran. Suddenly, his scent enveloped her senses. Base sa kalkulasyon ng panunuot ng amoy nito sa kanyang ilong, nasa mismong malapit lang ito.
God.
Dahan-dahan niya itong nilingon at pinipilit na maging matatag ang tayo kahit pa nga ang totoo ay halos mabuway na siya. As always, he was a sight to behold. Polo at faded maong at rubber shoes lang ang suot nito pero mas lalo pa itong nagmumukhang gwapo sa kaswal na ayos. Medyo may angas ang kabuuan nito sa ngayon. It suited him well.
“Hey!”
Para siyang nagising sa mahimbing na pagkakatulog. Francis was smiling at her. Bago pa man maghugis star ang mga mata ay kusa niyang nilapatan ng matipid na ngiti ang mga labi.
“Nasa loob pa sina Tita at Tito, I believe?”
Nakatitig ito sa kotse ng mga magulang na katabi ng kotseng maiiwan para sa kanya. Nakakahiya talagang nagmumukha siyang tanga sa harapan nito. Tumikhim siya at umaktong okay. “They are still inside.”
Hindi na nila kailangang pumanhik sa loob. Kusa nang lumabas ang magkaakbay na mga magulang kasunod ang katulong na may bitbit na tasa ng mainit na kape.
“I don’t know what you usually drink in the morning, Francis, but I guess, you have to taste my homemade ground coffee.”
Pinaunalakan ni Francis ang alok. Inubos nito. Laking tuwa ng mga magulang niya nang magbigay kumplimento ito. Tila napakalaking bagay na. Hindi masukat ang tuwa sa mukha ng nanay niya at kumindat pa ang ama sa kanya. It was as if saying na tamang lalaki si Francis. They were smiling from ear to ear. Hindi lang naman masyadong halata na boto kaagad ang mga ito kay Francis. Sa kanila, walang sinuman ang pinayagan ng papa niya na manligaw sa kanya. Now, she understood. Gusto lang ng ama na mapunta siya sa mabuting mga kamay. Kahit ang pinakamayaman sa lugar nila, hindi makaporma.
Matapos ipagapaalam sa mga magulang, heto siya ngayon, katabi ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso. Seated next to him made her feel uneasy. Halos hindi na gumagalaw ang leeg niya. Breathing also became a difficult routine. Gusto niya itong lingunin pero nakakahiyaan niyang gawin matapos nang magkahulihan sila nito ng titig. Napapaso siya sa titig nito. Pakriamdam niya, may paru-paro sa sikmura niya lalo na nang matamis pa itong ngumiti sa kanya.
“Are you scared of me?”
Kaagad siyang napalingon kay Francis. Kaagad din ang pagpakawala niya ng sunud-sunod na iling. Natawa naman ito. Unang beses na nakita niya itong ganito. Mas naging gwapo pa ito. Wala na talaga siyang maipipintas dito. Kahit hininga ay sobrang mabango.
“You’re too shy, Bettina. Dapat masanay ka na sa company ko.”
Somehow, his laughter made her feel relaxed. Kinampante niya na rin ang sarili. Hindi pwedeng aligaga siya sa buong araw na magkasama sila. Slowly, she found herself again. Nakikisabay na siya sa mga sinasabi at manaka-nakang biro nito.
“Ano ang una mong gustong gawin?”
“Ikaw ang bahala.”
They toured the university. Para raw hindi na siya mahirapang hanapin ang mga classrooms niya sa pagsisimula ng pasukan sa darating na Lunes. Ito ang may hawak ng classcards at class schedule niya. Ito pa nga ang nagsulat sa mga iyon. Even his penmanship, napakaperpekto rin. Sa kanilang paglilibot, may mga nakakasalubong silang faculty members na nakakakilala rito. He was a somebody here. Nalaman niya sa munting exchanges of words ng mga ito, dito nagtapos si Francis at hindi lang basta nagtapos, magna c*m laude ito. Malabong mauubos ang bilib niya rito. Idagdag pa ang annual donation ng pamilya nito sa eskwelahan.
“Lunch?”
Tumango lang siya. Papalabas na sila ng school at kasalukuyan siyang inalalayang makatawid ng pedestrian gate. Makipot ang daan at hindi sinasadyang nagkakasabay pa sila. Tuloy ay nagkabungguan sila ng mga katawan. Muntikan na siyang ma-out balance. If it wasn’t because of him ay napasubsob na siya sa semento.
“Ang dali-dali mong matumba, Bettina.”
Nakatawa ito habang nakahawak sa likurang baywang niya ang palad. Magaang lang ang pagkakalapat ng palad at katawan nito sa kanya pero ang baliw niyang sistema, iba ang naging reaksyon. Para siyang nakaramdam ng pagkapaso na bigla niya itong naitulak palayo at naibaba ang paningin na hinihigop na naman ng mga titig nito. She was afraid that Francis might read something. Mahusay siyang magtago ng nararamdaman but her mother always told her, her eyes always gave her away.
“I…I am just okay.”
Kinabahan siya nang makitang binaybay nito ng titig ang kanyang kabuuan. Nanayo ang mga balahibo niya. Iba ang hatid sa kanya. Iba ang dantay ng titig nito sa kanya. She was so young but she understood her body very well.
“You need to eat more.”
‘Yon lang pala. Akala niya kung ano na.
‘Ano ba ang inaasahan mo, Bettina?’
Nagpatiuna siyang humakbang palapit sa sasakyan nitong nakaparada sa hindi kalayuan. Again, pinagbuksan na naman siya ni Francis ng pintuan. Muli, naging aligaga na naman ang puso niya sa simpleng mga aktwasyon.
He was such a gentleman.
Sa isang Italian restaurant siya nito dinala. Hinayaan niyang ito ang pumili sa kanya. ‘Date nga, ‘di ba?’ ang pilyang sabi ng utak niya. And Francis proved to be an attentive date. He always took care of her needs. Busog na busog hindi lang ang sikmura niya, maging ang puso niya.
Ipinasyal siya ni Francis pagkatapos ng lunch. Halos buong araw yata silang magkasama. She was worried na baka nangangamoy na siya kaya naman panay ang palihim na pasok niya sa restroom ng bawat puntahan nila para mag-retouch. Dapat maganda at mabango siya.
“Did you enjoy?”
“Sobra.” Sana mault pa.
“I’m glad you did.”
Muli, naroroon na naman ang matamis nitong ngiti. There was just something in his eyes, in his stares, in his…touch.
“Pumasok ka na sa loob.”
Halos mapaigtad siya nang guluhin nito ang buhok niya. Ayaw niya na gusto. Ayaw niya dahil pakiwari niya, isa siyang batang pinagkakatuwaan nito. Nagbihis dalaga na nga siya. Sa isang banda naman ay gusto niya. That small gesture made her feel special. Sana, lagi niyang napapangiti nang ganito si Francis. Kuya Francis ang gusto nitong ipatawag sa kanya but she just resented the idea.
Natulog siya sa gabing iyon na napuno ng pag-asam ang puso. She was looking forward as to the days that were about to unfold. Gusto na niyang dumating muli ang sabado. Nangako si Francis na ipapasyal siya para makabisado niya naman ang Maynila. She had only been here twice at dietso pa sila ng mga magulang sa pakay.
Before the night ended, muli siyang nagtala sa kanyang diary.
You will never be my Kuya. Magiging asawa kita. That, I vowed.
Asawa.
***
Ganoon nang ganoon ang senaryo. Every weekened, she would get to spend a slice of Francis’ special time. Kung hindi man buong araw, buong maghapon. Plus, she got herself a personal tutor. Ito ang napagtatanungan niya sa mga hindi niya maunawaan sa eskwela. Kaya naman, lagi siyang masaya. Inspired na inspired at kusang pumipinta ang madalang na bumibisita sa mukha niya- ngiti.
“Happy na naman?” puna ni May nang magkasama sila sa cafeteria. Pinagsaluhan nila ang desserts na dala nito. Pasalubong daw ng Tita nito na galing sa Cebu.
Magkaiba sila ng kurso kaya naman madalang nang madalan na magkakasama sila. Good thing that she had her Francis. Her Francis. Hers alone. She became too possessive of him, sa isip niya lang naman. Too possessive na kapag hindi kaagad ito lumilitaw sa bahay kapag Sabado ay nag-iisip na siya ng kung anu-ano. She was jealous over faceless women whom Francis might have dated.
“Ngayon naman biglang sisimangot? Psychotic ka lang, Bet.”
Inilihis niya ang usapan. Alam na alam niya itong kaibigan niya na kapag nagsimula na ang pagiging imbestigador, wala na siyang kawala pa. Buti na rin lang at gahol din ito sa oras. May mga kailangan pa itong aralin. Patapos na silang kumain nang mapalingon sila ni May sa pinakadulong mesa. Almost everyday, ganoon ang senaryo sa mesang iyon. Magulo, maingay. May kumpol ng mga kabataan na tila ba nagiging pwesto na iyon.
“Ayan na naman ang mga maiingay at magugulo.”
They were some bunch of rich kids na walang pakialam kung nakakabulahaw na sila sa mga katabi. They were untouchables. Napapailing iniwan nila ang canteen pero si May ay hindi pa rin matapos-tapos ang litaniya. Na kesyo ang iingay, ang ba-brat. Wala na siyang pakialam pa. All she cared is that it was a friday and fridays were days when Francis would call. Inaalam nito kung ano ang bakanteng oras niya. Kung busy siya kinabukasan. Nami-miss niya na ang boses nito. Nami-miss niya ang magaang pagkakausap nito sa kanya.
She missed everything about him.
Just everything.
Plain and simple.
Pero, sa gabing iyon, lumundo ang pag-asa niya. He never called. Buong magdamag halos na katabi niya ang telepono pero wala pa rin. Naiiyak na siya. Naiinis. Naghihintay siya sa wala. Nakatulugan na niya ang sama ng loob at pag-iyak. Kinaumagahan, wala pa rin. Hanggang sa sumapit ang sumunod na weekend. Sa loob ng isang linggo, maasim ang pakiramdam niya, wala siyang gana sa eskwela, pinipilit niya nga lang.
“Hi! Can I borrow your notes?”
Walang ganang nilingon niya ang kung sino mang kaklase na umantala sa pananahimik niya. She was caught by surprise. Kaklase niya pala ang isa sa kinaiinisang babae ni May sa buong university.
“Claudette.”
She was extending her hand. Nagtitinginan naman ang mga kaklase niya. Siguro dahil snob ito at una pang lumapit sa kanya. Akalain ba niyang classmate niya pala sa minor subject ang babae.
“I am showing my fine gesture.”
May lambong na ng inis ang babae dahil sa katagalang nakabitin sa ere ang kamay nito. Wala siyang pakialam, ito ang may kailanagan sa kanya. Isa pa, mainit ang ulo niya. Hindi nga lang halata. Mabilis niyang tinanggap ang palad nito.
"Ikaw kasi ang nakikita kong pinakamatalino sa klase."
Kinuha ang notebook sa bag para sa subject na ito at iniabot sa babae. Hindi niya binigyang-pansin ang papuri nito.
“Just make sure to return this next meeting.”
She grabbed her things and immediately stormed off the room. Wala siya sa mood para umastang interesado siya sa kahit na kanino. All she wanted was to go home and lie comfortably on her bed. Nasa bungad na siya ng gate nang maagaw ang pansin niya ng isang pamilyar na bulto ng katawan. He was smiling so widely at her. Kaagad na nagwala ang puso niya. It just beat so wildly. Halos magdadalawang linggong nadyeta ang mga mata niya sa nakabubusog na tanawing ito. Binaybay ng mga mata niya ang kabuuan nito.
‘Kagagaling lang ba niya sa opisina?’
Naka-suit pa ito. Ang yamot sa puso niya dala nang hindi nito pagpaparamdam ay kaagad na napalitan ng pangungulila. She missed him, big time. Bago pa man niya namalayan, natawid na niya ang pagitan nila. Tila nahawi ang lahat ng tao sa paligid and what mattered the most was him.
“Bakit ngayon ka lang nagpakita, ha?”
May hinampo sa boses niya, hindi niya maikubli. She was almost crying as she swang her arms around his mascular body. Dinama niya ang tigas ng dibdib nito at hinayaang masamyo ang natural nitong bango.
“I missed you.”
Mas humigpit ang yakap niya. Nakalimutan niya kung nasaan sila. Nasa gitna lang naman sila ng maraming tao. Nakalimutan nyang hindi dapat ang inasal niya. None of it mattered anymore. Then, realization hit her. Sobrang lapat na lapat ng mga katawan nila. Halos mapiga na ang umbok ng dibdib niya sa matigas nitong katawan and that rfealization made her reacted so wildly. For the first time in her life, she felt heat running through the fibers of her body.
“Bettina…”
Naliyo siya sa parfaan ng pagsambit nito sa pangalan niya. Something whispered in her ear to look up and see his eyes. Dahan-dahan nga ay nag-angat siya ng mukha. Once again, she was led to fantasy land upon seeing his beautiful pair of eyes. Mga matang hindi niya pagsasawaan, mga matang gusto niyang unang mamulatan sa gabi at natatanaw sa gabi. Isa pang katotohanan ang nagsusumigaw sa utak niya. She was not just simply infatuated with him.
She loves him.
She loves her Francis.
So deeply.
It was a truth that stiffened her. Namalayan na lang niyang may mga brasong pumulupot sa kanyang baywang. It was his. She was held in his arms so tight. Tagpong tanging sa pangarap niya lang nagkakaroon ng katuparan.
And his eyes…
Napipintahan ng kakaibang kislap ang mga iyon. May suyo, may lamlam ang mga titig na nakatunghay sa kanyang mukha. Nakita niya ang paggalaw ng lalamunan at panga nito.
Alam niyang hindi dapat, but she was enjoying every minute na magkalapat ang mga katawan nila at magkahinang ang mga mata. She didn’t want for this to end. It felt like magic. She just wanted to become captive in his arms. She wanted to….maybe….kiss him.
Parang may kapangyarihan ang mga labi nitong doon napako ang kanyang paningin. They were red, tila napakalambot.
‘I wonder how many times has he kissed a girl.’
Gumapang ang kilabot sa buong pagkatao niya sa naisip, sa katotohanang gusto niyang maranasang mahalikan nito.
“Francis.”
It was almost a whisper that made his body tensed. Ramdam niya iyon.
“Francis.”
He looked confused. May lumambong na kung anong emosyon sa mga mata nito. But then, his expression changed after a while. Naging seryoso ito. Dahan-dahan ay lumuwang ang pagitan nila. Kasabay nang pagbitaw nito sa kanyang katawan ay ang pagpinta ng pilit na ngiti sa mukha nito.
“I…I can see that you’ve missed your kuya.”
Para siyang nawindang sa narinig. She hated what he had to say. She hated how he could undermine her feelings. She despised the fact that she was head over heels with him, pero wala lang kay Francis ang lahat. Nevertheless, she had to act sane and brush off her tears away. Nangangamba na iyong mamalisbis sa mga mata niya. Naalala niya ang sinabi ng mama niya, “masarap ang ma-in-love.” ‘Yon nga lang, may kaakibat ding sakit.