The next days, sinubukan niyang lagyan ng gap ang sarili kay Francis. She focused her mind on her studies. Sinikap niya kahit na pumapasyal ang lalaki sa utak niya. Pero hindi maiiwasang pagtatagpuin at pagtatagpuin ang mga landas nila. Gaya na lang ngayon, imbitado siya sa dinner sa mansion. Makakasabay niya si Francis. Kaya naman, she tried to look her best. Suot niya ang hanggang itaas ng tuhod na skirt na pinaresan niya ng maluwang sleeveless top. She looked pretty, aaminin niya. Sana, mapansin ng binata ang ganda niya.
“We’re glad na nakasabay ka na rin naming muli sa hapag, Hija.”
Napaka-attentive ng mga magulang ni Francis. Tito Federico and Tita Constancia were just exactly like their son, considerate and generous. Simula pa kaninang dumating siya, she was treated like a VIP. Natabunan na nga ang hiya niya.
“Bettina, you look so stunning. Baka naman pila-pila na ang mga suitors mo?”
“Naku, wala pa po sa isip ko ang mga ganyang bagay. I am waiting for the right one po.”
Na-tempt siyang lingunin ang anak ng mga ito na tumango-tango lang. Eh, ito nga ang pinatutungkulan niya. Ang ikinaiinis pa niya, mukhang wala kay Francis ang ayos niya. Even just a little compliment sana na manggagaling dito.
“Darling, maybe, you should bring Bettina to the orphanage.”
“Orphanage ho?” nanlaki ang mga matang tanong niya kay Tito Fed.
“Yes, Hija. Doon kami nagkakilala ng mga magulang mo,” si Tita Constancia na kasalukuyang nilalagyan ng cake ang dessert plate niya.
Busog na busog na siya pero natatakam siya sa chocolate cake na ayon kay Tita Constancia ay ito raw ang mismong nag-bake. Hindi siya makapaniwala. Aristokrata ito kung tingnan, ganoon din si Tito Fed pero mukhang mabababa ang kalooban ng mga ito. Medyo istrikta sa una si Tita Constancia pero mabuti naman pala.
“That’s Francis’ favorite place,” nakangiting baling ng ginangi sa binata na tinanguan ang sinabi nito.
“Bakit paborito mo?”
Ngayon niya lang yata direktang kinausap si Francis. Nahihiya pa rin kasi siya sa nangyari noong nakaraan. Malakas ang loob niya pero pagdating kay Francis, lumalambot siya.
“It’s a good place to stay.”
“Plus, naroroon ang pinakapaborito niyang tao sa buong mundo.”
“Dad.”
Namumula si Francis. Kinabahan siya kaagad. Maybe, Tito Fed was referring to a woman. Gusto niyang itanong kung sino pero naibaling na kaagad ni Francis sa iba ang usapan. Matapos ang masaganang dinner, Tita Constancia toured her around. Ipinakita nito ang mga baby pictures ni Francis. Ang cute. Isang larawan ang nakakuha ng kanyang atensyon. Isang magandang babae na katabi lagi ni Francis sa mga larawan nito.
“Sino po siya?”
Napalingon si Tita Constancia sa photo frame na hawak niya. “She is Claudia. Francis’ only sister. Nasa US, nag-aaral.”
Isa pang larawan ang nakakuha ng kanyang atensyon. Paano ay inaakbayan ito ni Francis. Maganda ang babae at mukhang napakabait. Kung titingnan, bagay na bagay ang dalawa. Only sister ang ginamit ni Tita Constancis kanina, malamang, hindi na nito kapatid ang naturang babae. Pinsan, maaari pa. Pero iba ang tinginan ng mga ito sa larawan.
Something was really odd.
Hindi pa man, nagsisimula na namang bayuin ng selos ang dibdib niya.
Naging palaisipan sa kanya kung sino ang babae. Ayaw niya namang magtanong, ayaw niyang marinig ang sagot na baka magpaakyat ng dugo sa ulo niya o hindi naman kaya ay magdudulot ng sakit sa puso niya. Hindi siya gaanong nakatulog. Ganon pa man, maaga siyang nagising at naghanda. Nagpahatid siya sa driver patungo sa bahay ng mga Alcantara.
Naratnan niyang abala sa paglalagak ng mga dadalhin sa orphanage ang mga katulong at ilang tauhan daw ng foundation. Nakitulong na rin siya. Tapos na silang maghanda at paalis na nga ang magka-convoy na mga sasakyan ngunit hindi pa rin dumarating si Francis. It was a Saturday, siguro naman ay walng pasok sa opisina. Kung mayroon man, pwede naman sigurong ipagpaliban muna.
Tuloy, nanamlay siya. Nabawasan ang sigla kanina.
Ilang sandali pa ay papasok na sila sa malawak na bakuran kung saan may malawak na bakuran at may lumang malaking bahay sa isang sulok. Para iyong old convent na gawa sa semento. Nagkalat sa bakuran ang mga bata, may mga madre at mayroong mga staff.
Kaagad na nagsitakbuhan ang mga bata palapit sa kanila.
She was just so amazed how kind Tita Constancia was. Kaagad nilang inayos ang mga dala at ilang sandali pa ay nakapila na ang mga bata at isa-isang kinuha ang mga regalo. Food packs, mga damit, mga laruan.
“Nakatanggap na ba lahat?”
May isang batang nakasiksik lang sa isang sulok. Tila nagtatago sa kalawanging traysikel. Siguro, nasa pito o walong taong gulang ito. kahit madungis, hindi maipagkakailang ang cute ng bata. Kumuha siya ng food pack at nilapitan ang bata. Akmang tatakbo ito nang mahagip niya ang palapulsuhan nito.
“Hey, hindi ako mangangagat.”
Matamis na ngiti ang inialay niya sa bata. Lumuhod siya para magpantay silang dalawa. Pinag-aralan niya ang yapis na mukha nito. Gwapo ito, ang lantik ng pilik-mata at Pilipinong-pilipino ang kulay ng balat. Kapag lumaki ito at naging binata, siguradong pag-aagawan ito ng mga babae.
“Ano’ng pangalan mo?”
Umupo siya sa tabi nito at binuksan ang styro.
“Huwag ka nang mahiya.”
Ilang beses pa niyang inalok ang bata. Sa huli, tinanggap nito ang pagkain. Sinamahan niya ito hanggang sa malapit nang maubos iyon.
“Rap-Rap.”
Napangiti siya. Ginulo niya ang buhok ng bata.
“Thank you.”
“Para saan?”
“Binigay mo kasi ang pangalan mo sa akin.” Niligpit niya ang pinagkanan nito at nagpaalam.
“Babalik ka pa po?”
“Oo naman. Next time, dapat nandito ka ha? Ulit.”
She waved at him and walked back towards Francis. Ang sarap ng ngiti niya ngunit napasimangot kaagad nang makita kung sino ang babaeng nakaangkla sa braso ng binata. It was the woman from the picture. Nakatagilid ito at nakatingala kay Francis kaya naman ay nagawa niyang pag-arlan ang kabuuan nito. ‘Di hamak na mas matangkad siya sa babae. Mas maputi siya. Mas maganda at mas makurba ang katawan niya.
‘Ano ba ang nagustuhan sa’yong bruha ka ni Francis?’
Naikuyom niya ang mga kamay. Nagbabanta nang magwala ang puso niya. Nagseselos siya. Ayaw niyang may ibang babaeng umaaligid sa binata lalo na ang babaeng ito. She squared her shoulders and with all confidence, she walked towards them.
“May hindi pa ba nabibigyan?”
She ignored Francis’ companion at sinadyang hagurin ang likod ng palad nitong nakahawak sa supot na may laman pa. Sa inis niya, pumitlag ito na tila ba nakakadiri ang ginawa niya. His adam’s apple moved as he gulped.
Napansin niyang titig na titig ang babae sa kanya at pagkatapos ay tumingin ito kay Francis. Tila ba lihim na inaarok kung sino siya.
‘Ako lang naman si Bettina, Francis’ future wife,” sa isip-isip niya.
Customary, kinailangan siyang i-introduce ng lalaki. Umatras ito nang bahagya at inakbayan ang babae. Hindi niya sigurado kung matagumpay niya bang naitago ang yamot na puminta sa mukha. She was just so pissed right now.
“Ahm, Liz, this is Bettina,” panimula ni Francis. So, she is Liz. Sa tunog pa lang ng pagbanggit nito ng pangalan ng babae, may kakaiba na. She felt threatened. “Bettina, si Ate Liz mo, special friend ko.”
Mas naghihimutok siya. Wala na talagang tanggihan. Inamin na ni Francis na special friend nito ang babae na tumamis yata ang ngiti na nakipagtitigan pa rito. There was something in their gazes. Iba ang kinang sa mga mata ng mga ito.
Umuwi siya ng bahay na nagpupuyos ang kalooban. Affected ang buong sistema niya. She couldn’t concentrate on her lessons. Ang nakikita lang kasi niya na pumapaibabaw sa mga letra at numerong inaaral niya ay ang matamis na ngitian nina Francis at Liz.
Dumaan pa ang mga araw. Mas napapadalas ang pagsama-sama niya sa mga charity works ng mga Alcantara. Ang ikinaiinis niya lang ay naroroon din ang Liz. She would witness their sweetness. Madalas na sinusubuan ni Francis ang babae kapag kumakain na para bang lumpo. Arg! Sa pinakahuli nilang event sa isang barangay sa Pasig, nauna pang umalis ang dalawa.
“Ma, we’re having a date.”
She hated how Doña Constancia smiled so widely because of what she heard. Aprubado ito sa ginang. Wala na siyang panlaban pa. Mabait naman talaga ang Liz. Sweet. Laging may matamis na ngiti at magaang ang bukas ng mukha. She was more beautiful pero mas magaang ang personality nito. Pag-uwi sa bahay, humarap kaagad siya sa salamin at prinaktis na ngumiti ng matamis.
“Argh!”
Patang itinapon niya ang sarili sa kama. Tumalbog siya sa waterbed nang gumalaw iyon. Kung sana lang ay kayang alugin ng kama ang utak niya at nang mawala ang nakakainis na damdamin niya. Hiding her true feelings wasn’t easy. Sobrang bigat na sa dibdib. Pakiramdam niya ay sasabog siya.
'Ano ba ang dapat kong gawin?'
Gulong-gulo na ang isip niya.
Nangangalumata na siya sa kaiisip.
“Hindi pwedeng lagi na lang ganito.”
Bumangon siya. Nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto.
‘Think, Bettina.’
She needed to act bago pa man siya mabaliw sa selos. Either she’ll lose sanity or gagawa siya ng paraang maayos ang buhay niya. The best way she could think of was to avoid Francis. The next day, nag-enroll siya sa iba-ibang clubs sa school. Kumuha siya ng music lesson kahit pa nga sintunado siya. She could play a guitar and that was enough. She just didn’t want to be stuck in one corner and think about Francis the whole time. Si May naman ay sa isang debate club sumali. Bagay rito at matabil ito.
Papasok na siya sa drama club na sinalihan niya nang aksidenteng makabanggaan niya ang isang magandang babae.
“Sorry.”
Hindi ito sumagot. Mula ulo hanggang paa lang siyang tinitigan at pabalewalang naglakad patungo sa isa sa mga high chairs sa loob ng theatre na kinaroroonan nila.
“Sino ‘yan?”
Narinig niyang tanong ng isa sa mga kasama na ang mga mata ay nakatuon sa babaeng kampanteng naupo sa upuan. She looked even more elegant with her legs crossed.
“Claudette.”
“’Yong modelo?”
“None other than.”
Claudette was someone na pinangingilagan nilang lahat. She was snob. Hindi rin naman siya friendly pero iba ang isang ito. Sa tingin niya, malabong magkakasundo ang isang kagaya nito at siya. But one day, Claudette came unprepared. Wala itong material na babasahin para sa presentation nila sa susunod na buwan.
“I don’t care if you are a senator’s daughter. You knew well enough na dapat masinsinan na ang ginagawa nating practice, but here you are, coming to the club empty handed. You are a disappointment!”
Walang sinasanto ang theatre coach nila. Hindi umobra ang pagiging suplada ni Claudette. Though still defiant, alam niyang napapahiya ito kaya sinubukan niyang ipahiram ang kopya niya. Maliit lang naman ang part niya at mas malaki ang participation ni Claudette. Kung siya lang ang masusunod, mas gugustuhin niya ang mag-work behind the camera.
“You can borrow mine.”
Walang pagdadalawang-isip na tinanggap iyon ni Claudette. That marked the beginning of their friendship. Naging magkaibigan sila. Ewan niya ngunit tanging siya lang ang dinidikitan ng anak ng senador. She was aloof to begin with pero sa palagian nilang pagkikita, napapalagay na rin ang loob niya sa babae. Claudette was her most needed distraction. Lagi nang ito ang kasama niya. Nagseselos na nga si May. Naiimbitahan na siya sa mga parties nito. It opened a whole new world for her. ‘Yong sense of fashion nito ay naipapasa na sa kanya. Masasabi niyang, she was enjoying life at the moment.
“Claude, hindi ba sobrang ikli naman ng palda ko?”
Tumirik ang mga mata ng babae na napahinto sa pag-a-apply ng makeup sa mukha. Mula sa salamin ng kotse nito ay nalipat sa kanya ang mga mata.
“Flaunt it.”
Ibinalik nito sa dashboard ang makeup at lumabas ng kotse. Sumunod na rin siya papasok sa isang bar. Unang beses niyang makaapak sa ganoong lugar. Ayaw niya sa ideya pero hindi niya naman matanggihan si Claudette. It’s just that Claudette knew how to convince her. Napatakip siya ng ilong nang nanuot sa ilong niya ang masangsang na pinaghalong mga amoy. Medyo naliliyo siya sa disco light kaya naman napahawak siya sa braso ng kaibigan. Sa isang pabilog na mesa na napapalibutan ng katerno ring pabilog na couch ay may mga naghihintay na mga kabataan ding gaya nila si Caludette. Kilala niya ang ilan bilang mga kolehiyala sa paaralan nila. There were men also.
“Napakamahiyain naman nitong kasama mo, Claud,” puna ng isa sa mga lalaking kung makahagod sa kanya ng tingin ay halos huhubaran na siya.
She swears, hindi na ito mauulit. Hindi na siya sasama sa mga ganitong lugar. This place was not meant for her. Sapat nang napagbigyan niya minsan si Claudette. Sa loob ng ilang minutong nandoon siya ay tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ni Claudette. Sa ikli ng palda ay panay ang hila niya para matabunan ang malaking bahagi ng mapuputi niyang mga hita.
“You’re stoned.”
Walanghiyang tumabi sa kanya ang lalaking bastos na ipinakilala ni Claudette kanina na Cris. Ang kamay nito ay nakapatong sa likod ng upuan at inilapit pa ang sarili sa kanya. Nababahuan siya sa amoy ng alak na nagmumula sa bibig nito. Nakarami na ito. Umusog siya, sumunod ito. Sa inis niya ay padarag siyang tumayo at ang tanging napuntahan ay ang dance floor. Sumunod ang gago at tumayo sa likod niya. Idinikit nito ang sarili sa kanya at napakislot siya nang maramdaman ang matigas na bagay na tumama sa pwetan niya.
“Bastos ka!” matapang na sita niya rito.
Cris just smirked. Wala yata sa bokabularyo nito ang susuko. Sa tingin niya, he was challenged. Luminga siya sa paligid at pilit na hinanap si Claudette sa gitna ng mapusyaw at papalit-palit na ilaw sa paligid. Claudtte was heading upstairs. Kahawak-kamay nito ang isa pang lalaki na ka-table nila kanina.
She felt helpless.
“Dance with me.”
“Never.”
Tinalikuran niya ito ngunit mabilis nitong nahawakan ang braso niya at sapilitan siyang iniharap dito. Sasampalin na sana niya ang lalaki nang matigilan siya nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na nangibabaw yata sa maingay na tugtog.
“Let go of her hand.”
Nanigas siya sa kinatatayuan. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na bagay. The voice was too familiar. Dahan-dahan niyang sinundan ang direksyon ng pinanggalingan ng boses. God! Tila nabingi ang paligid. Sa lahat ng tao, bakit ang lalaki pa ang kailangang makakita sa kanya sa ganitong klaseng lugar? He was angry, she could tell by the way his jaw tightened. Matiim din ang mga titig nito. Kaya naman, walang tigil din sa pagkabog nang malakas ang dibdib niya.
“F-francis."