Francis Alcantara.
Sa wakas ay nalaman niya ang buong pangalan nito. His name was well suited to his looks. Kinabukasan at sa sumunod pang mga araw, hindi humuhupa ang pag-uusap ng mga pinsan niya tungkol dito, maging hanggang sa Sunday get-together dalawang linggo na ang nakalipas. Bukambibig si Francis.
“Ang gwapo niya talaga.”
“He seemed so thoughtful.”
“At ang gentleman pa.”
Her cousins just knew too well kung paano siya bubwisitin nang hindi man lang nalalaman ng mga ito. Hindi naman siya sinasali sa usapan. Katwiran ng mga ito, wala siyagng interes sa boys.
“Bagay kayo ni Francis, Viviene.”
Medyo umangat ang kilay niya. Napahinto siya sa pagkuha ng pasta sa buffet table nang marinig ang boses ng ina. Ang nanay pa talaga niya ang naglalagay ng ideyang iyon sa utak ng pinsan na halatang gustung-gusto naman si Francis. Halos ayaw na nga nitong humiwalay sa binata noong party sa bahay.
“Ano’ng si Viviene? Kami ang mas bagay, Tita.”
It was Kristina. Nang lumingon siya ay nakaumpok na sa mesa nila ang mga pinsan at nakahandang makipagkwentuhan sa mommy niya. Pati ang binakante niyang upuan, okupado na ni Sasha. Nawalan siya ng gana at ayaw na rin naman niyang bumalik sa mesa. For sure, si Francis na naman ang pag-uusapan.
Maingay niyang inilapag ang plato sa mesa. Tumilamsik pa ang crabmeat sa kulay lavender na table cloth ng buffet table. Nagmartsa siya papasok sa bahay ng Tito Simeon. Ang nakakainis pa ay muntikan na siyang matisod ng laruan ng mga mas nakababatang pinsan. Nasa sala ang mga ito at bukod sa kumakain ay naglalaro rin. She sat properly on the couch. Nakapangalumbaba siya habang nakatitig sa mga pinsan. Masyado siyang bata para sa mga usapan nina Ate Sasha, pero sobrang tanda niya naman para makipaglaro sa mga nakababatang pinsan.
Wala naman siyang pakialam dati, ngayon, she felt different. Gusto niyang umahon sa pagiging adolescent at sumapi sa pagiging teenager o hindi kaya adult.
“Bettina, ito o, bigay ni Juancho.”
Napahinto siya sa tahimik na pagbabasa ng pina-practice niyang salutatory speech. She never bagged the top spot. In a way, she failed her father. She didn’t live up to what was expected of her. Mabuti na lang at pinayagan pa siya ng daddy niya na mag-aral sa Maynila. Ang love letter na ibinigay ni May, isa iyong distraction.
“You should have not accepted it.”
Noon, ipinagkikibit-balikat niya lang ang mga palipad-hangin ng mga kaklase at schoolmates niya. Wala naman ding nangangahas na lapitan siya because she is the mayor’s daughter. Ayon kay May, intimidating daw siya. Ito nga lang ang nakakatagal sa kanya.
“Grabe ka naman,” anitong bahagyang siniko ang tagiliran niya. “He’s nice. Too nice, in fact, at matalino rin naman.”
“Ayoko.”
Boys their age do not appeal her. Iba ang gusto niya. It was him, always him. Isang taon na simula nang masilayan niya ito, her feelings for him, stayed the same. Francis Alcantara became her secret inspiration. Pinangako ng papa niya, kapag naging valedictorian siya, sa Maynila siya mag-aaral. Maybe, kapag nandoon na siya, makikita at mapapalapit siya sa binata.
And so, she studied even harder. Pini-perfect niya ang mga exams. Umabot sa punto na perfect lahat ang nakukuha niya. Kahit ang mga entrance tests sa lahat ng kolehiyo ay madali niyang naipasa. She had only one goal in mind, Francis Alcantara. Mas excited pa nga siya sa enrollment kesa sa graduation.
Dumating ang pasukan, magkasama silang inihatid ni May ng mga magulang nila. Sa isang dorrmitory nakatira si May, isang bupng apartment naman ang kinuha ng mga magulang para sa kanya. Inaya niya pa nga si May na tumirang kasama niya pero sa dormitory na lang daw ito. Kumuha ng pre-med si May, siya naman ay banking and finance. Bakit? Balak niyang pumasok sa bangko na pag-aari ng pamilya ni Francis. Yes, she had done her research already.
Nakakapagod ang enrollment, nakakalula ang Maynila. Sa huling gabi na nanatili ang mga magulang sa Manila, dinala siya ng mga ito sa isang dinner. Not knowing kung saan pupunta, hindi niya pinagkaabalahang mag-ayos. It was just dinner.
“Saan tayo magdi-dinner, Ma?”
“In a friend’s house.”
Itinulog niya ang buong biyahe patungo sa pupuntahan nila. Paggising niya ay papasok na ang sasakyan sa isang malawak na bakuran. “Wow!” hindi niya maiwasang mamangha sa gara ng bahay na pinuntahan nila. It was a mansion and it stood so grand in her sight. May malalaking bahay naman sa kanila, malaki ang ancestral house nila, pero iba ang isang ito. Pangmayaman talaga.
Even her mother looked intimidated.
Sa bungad ng pintuan ay may naghihintay na babae at lalaki. Aristokrata ang ayos at tindig ng babae. Ang lalaki naman ay napakatikas ng tindig. This was…Oh, no! napatingin siya sa ina.
“Ma, bahay ba ito ng mga…mga Alcantara?”
“Yes.”
Ngumiti ang mama niya at hinaplos ang pisngi niya.
God. Para siyang matutumba habang naglalakad sa may kahabaang pathway. Gusto niyang luminga sa paligid hoping na makita ang hinahanap niya but she fixed her gazes on the woman whom she thought was Francis’ mother. Ewan niya ngunit nakakaramdam siya ng matinding pagkabog sa dibdib. Nanginginig ang mga tuhod niya pero kinailangan niyang umaktong tama. Ngayon tuloy siya nagsisi. Sana man lang ay naghanap siya ng mas magandang maisusuot. Ang tatay at nanay nya ay parehong nakasuot ng akma sa okasyon, samantalang siya ay simpleng bestida lang ang hinablot sa closet.
“So, this is your daughter?”
The woman was formal pero halatang mabait. Soft ang features ng mukha nito at may mga matang tila laging nakakaunawa. Baka kagaya niya na nangingilala rin sa mga bagong nakakasalamuha.
"Ah, yes, our daughter, Bettina Layne."
Nasanay siyang makipagharap sa kahit na sinong tao, bagaman hindi siya ang pinaka-talkative at approachable sa kanilang magkakapatid, hinahasa naman sila ng ama na makiharap sa kahit kanino, pero ngayon lang siya nakaramdam ng intimidation.
Matapos ang kumustahan at batian, pinapasok sila sa loob. Napakagara ng sala na pinasukan nila at ang gaganda at halatang mamahalin ang lahat ng mwebles. Pinagmeryenda sila at maayos na inestima. Habang nag-uusap ang mga matatanda, tahimik lang siya sa isang sulok. Manaka-naka siyang isinasali sa usapan at magalang naman niyang sinasagot ang bawat tanong na ipinupukol sa kanya.
“Am I that late?”
Tila nakalimutan niya ang tamang paghinga nang sa isang iglap, ay bigla na lang sumulpot si Francis sa kinaroroonan. She felt her body tensed as Francis rushed through the door. Para siyang nakalutang sa ere na ang tanging nagawa na lang ay ang tahimik na sundan ang bawat galaw nito. She was mesmerized by his movements, by his handsomeness. Francis looked like a beautiful apparition, the most nice-looking, in fact. Ang ngiti nito, it was the kind of smile that would melt a woman’s heart. And when he looked right into her eyes, doon mas nagwala ang puso niya. Nagdadabog at parang may pakontes sa pag-indak sa kaibuturan niya ng kanyang dibdib.
“Hi, finally, I get to see you up close. The last time we were in Laoag, nagtatago ka sa itaas ng bahay ninyo.”
And when he shook her hand, she almost melted under the tight grip of his hand. Hinanap niya ang tamang lakas na umastang okay pero sadyang nahirapan siya. Hindi siya nakapagsalita at napatingin lang sa magkaugnay nilang mga palad.
‘Ang init ng kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam.’
But as soon as she got accustomed to that warmth, bumitaw si Francis sa kanya. Kung sana huwag muna nitong bitiwan ang kamay niya. She could cling on to it for as long as she could.
***
She didn’t know how she survived the night, ngunit natagpuan na lang niya ang sariling tila walang naiintindihan sa nangyayari. Kumakain siya ng hapunan na hindi man lang umaabot ang lasa sa kanyang lalamunan. Maganda ang dining room na pinagdalhan sa kanila at ang ambience ng buong dinner. The dining table was filled with laughter. There were exchanges of pleasant words. Ngunit ni isa man ay wala siyang maunawaan at tila lumalagpas lang sa kanyang pandinig. She was so lost in her own reverie.
“Kumpadre, your daughter is so shy and quiet,” puna ni Senora Constancia sa pananahimik niya. "Are you always like this, Bettina?"
Magalang niyang tiningnan ang nakatatandang babae. Ngayon niya lang napuna, malaki ang pagkakahawig ni Francis sa matanda. Magkapareho ang kulay ng mga mata ng mga ito. 'Hindi naman po, Ma'am."
“Nangingilala kasi ‘yan kapag hindi masyadong pamilyar sa kanya ang mga kaharap niya,” paliwanag ng papa niya.
Paano ba siya magsasalita kung tila parang nakalimutan niya ang bumuo ng mga salita. Magkatapat pa sila ni Francis sa upuan. Kada angat niya ng mukha ay ang mgagandang pares ng mga mata nito ang nakaksalubong ng sa kanya. Kaya naman ay nakatungo siya lagi. She looked so engrossed with food. Masasarap lahat ng iyon pero hindi maramdaman ng palate.
“Hijo, you can free your schedule tomorrow, and maybe, you can tour this young lady around town.”
Siya ang young lady na tinutukoy ni Don Federico.
“I can make some arrangements, Pa.”
Hindi niya maiwasang huwag mag-angat ng paningin. Francis was smiling at her. It was a friendly smile.
“Bettina, ipapasyal ka bukas ng anak ko.”
Parang kalampag ng kampana ang sinabing iyon ni Don Federico. Ipapasyal siya at mismong si Francis pa ang makakasama niya. It was something she would look forward to. Ipapasyal lang siya pero para sa kanya, napakalaking bagay na. Napupuno na ng antisipasyon ang puso niya.
Ano kaya ang gagawin nila?
Ano kaya ang isusuot niya?
Sa unang beses sa buhay niya, naging conscious siya sa kung ano ang magiging hitsura niya.
This was all new to her. All new and exciting.
Pag-uwi na pag-uwi niya sa tinutuluyan nila, ang magsulat sa kanyang diary kaagad ang inatupag niya. Ipapasyal niya ako bukas. It was her entry for that day. Namalayan na lang niyang napapahaba na pala ang naisulat niya.
“What is that?”
Kaagad niyang itinago ang kwaderno sa kanyang likuran nang mapasukan siya ng mama niya.
“Nothing, Mom.”
Naupo ito sa tabi niya at tinitigan siyang mabuti sa mukha. She held her cheeks and gently hugged her. “You have something for that boy.”
Paano ba niya itatangi?
“A-alam po ninyo?”
“Hm? I am not your mother for nothing.”
Nakakahiya. Buking na pala siya sa nanay niya.
“I saw your diary, accidentally.”
“H-hindi kayo galit?”
Bahagyang inilayo ng nanay niya ang katawan niya. Nakangiti nitong hinaplos ang kanyang mukha. “Bakit naman ako magagalit?”
“I am supposed to focus on my studies.”
Iyon ang palaging naririnig niya sa mga matatanda.
“Bettina, sweetheart, I trust you. Alam kong anuman ang mangyayari, you would always do what is right. Akala mo ba ay papayagan ka naming ng papa mo na lumayo sa amin kung wala kaming tiwala sa’yo?”
Nakatataba ng puso ang mga sinabi ng ina.
“Can we have a little secret?”
Tumango siya.
“Among my children, sa iyo ako mas nagtitiwala. I trust that you wouldn’t do anything na magpapahiya sa pamilya mo. Alam ko naman, lagi mong gagawin ang tama, iiwasan mong magkamali. You are such a responsible girl, Bettina, and I trust you, so much.”
Humigpit ang yapos niya sa ina. “Thank you, Mommy. I promise, I will always do what is right.”
Hinagkan siya nito sa noo. "I know you will.” Her mother tucked her to bed. Katwiran nito, it might be the last time na gagawin nito ang bagay na iyon. Bago ito lumabas ng silid at pinatay ang ilaw niya at pinalitan ng lampshade, bumulong pa ang ina sa kanyang tainga. “Masarap ang magmahal, anak. It’s just that, you have to know your limits, at hindi dahil nagmamahal ka, you can expect that someone to love you back.”
Ilang ulit niyang binabalikan sa isip ang sinabi ng ina. Saka niya dinama ang pintig ng kanyang puso. It was beating fast, at iisa lang ang dahilan. It was him. It would always be him the moment she knew him.