TALE OF INNOCENCE 1

2211 Words
“I will only kiss the man whom I am going to marry.” Dumagundong ang pahayag na iyon sa apat na sulok ng entertainment room. It was spoken with so much confidence…with so much conviction. “You’re in a fantasy land, Bettina Layne Suarez.” “I am not and this is my reality,” giit ni Bettina sa pinsang si Kristina. Her pretty face was stained with a serious expression as she crossed her legs and sipped her four seasons. Alam niyang magiging mahabang discussion na naman ang mga standards niya sa buhay. Ang simpleng task na punishment niya sa truth or dare na tatawirin niya ang kabilang bahay at hahalikan ang matagal nang may crush sa kanya na anak ng may-ari. “Sinasabi mo lang ‘yan because you haven’t tasted a man’s lips. Not just yet. Pero kapag nakaranas ka ng halik, hahanap-hanapin mo na after.” “And she will be addicted to it, Kris,” Vivien retorted. "Nakakaadik, Bettina." “Have you kissed a man already?” Naupo lang si Vivienne at kumindat sa katabing si Kristina at nag-high five ang mga ito. “Not just a kiss, I supposed.” Nag-but in na rin ang isa pang nakatatandang pinsan na si Sasha. Being young and principled, she eyed her cousins in disbelief. Mas nakatatanda ang mga ito sa kanya ng dalawa hanggang limang taon. Lahat ng mga ito ay nagmula sa catholic school mula elementarya hanggang high school at nagko-kolehiyo sa primyadong mga universities sa Manila. She couldn’t believe they were making out already. “Is that what you learned from your universities?” She could almost sense too much liberation. “Bettina, hindi lahat ay natutunan sa eskwela. Tss, you’re still too naïve,” pabalewalang wika ni Sasha. All her cousins giggled. Nagkikindatan pa ang mga ito na tila nag-uusap ang mga mata. Siya naman ay napipikon. “Kris, nanggagalaiti na si Bettina'ng madre.” Pinulot nito ang chips na inihanda ng mommy ni Kris at nilamon. “You were not hearing it right. Tinuruan tayo ng mga magulang natin na umaktong tama, but I am so disappointed hearing your stories.” “Trust us, Bettina, life is more than that.” “How?” Ayaw niyang magpatalo sa argumento. “Women can do so much now. Modern na ang panahon, nagagawa na ng mga kababaihan ang dati inakala ng lahat na hindi nagagawa ng isang Maria. Gaya na lang ng kaklase at friend ko. Pinagsabay ba naman ang dalawang lalaki sa buhay niya. Kapag wala ang isa, the other boyfriend would come to her and bed her.” Umawang ang bibig niya sa narinig. She despised the action. Tila nakakagalit pero heto ang mga naturingang mas matatanda sa kanyang mga pinsan at nagtatawanan pa na para bang hapunan lang ang pinag-uusapan. Palibhasa at maluwang ang mga tito niya sa ibang mga pinsan, hindi kagaya niya na de numero ang kilos bilang anak ng politician. Laging bilin ng mga magulang niya, huwag silang gumawa ng anumang bagay na nakakasira sa pangalan at karera ng ama nila. “Well, in that case, I won’t ever join the bandwagon. I will never two-time a man. I will remain faithful to the man I am going to marry. My body, heart and soul will only be for him.” “Wow, quite a speech!” Pinangunahan ni Ate Vivienne ang pangangtiyaw sa kanya. “And too idealistic,” susog pa ni Sasha. “Paano, masyado pang bata. May gatas pa sa mga labi.” Sa inis niya ay marahas siyang tumayo at ibinato sa upuan ang nakapatong sa hita niyang throw pillow. It bounced back the couch. Saka niya pinulot ang bag at nagmartsa palabas ng emtertainment room. Malakas na tawanan ang naulinigan niya sa likuran niya at naghatid sa kanya hanggang sa makarating siya sa garahe. “Bye, Mother Superior!” Dinig pa niya ang kantiyaw ng mga ito. Dapat ay nasanay na siya sa mga biro ng mga pinsan niya. Madre. Manang. Old-fashioned. Uptight. Ganoon siya kung i-describe ng mga tao sa paligid niya. She acted mature way beyond her age. Ganito sila pinalaki ng mga magulang. She is politician’s daughter. Kailangan nilang maging modelo. “Manong, bakit dito tayo dumaan?” Maalikabok ang grabadong daan na nilikuan ng family driver na sumundo sa kanya sa bahay ng mga pinsan niya pauwi sa ancestral house kung saan sila nakatira. A party was about to start an hour from now. Sa dinaraanan nila ngayon ay gugugol pa sila ng extra minutes bago marating ang bahay. She hated delays in schedule. She abhorred chaos. Gaya ng ina at mga ate niya, nakasulat sa planner ang day to day activities. “Manong?” iritado na niyang untag sa driver na hindi yata narinig ang tanong niya kanina. “Ano po kasi, Ma’am, may ni-repair sa main road. Mas tatagal tayo sa biyahe kapag doon tayo dumaan.” She was almost losing her patience. Napasandal siya sa upuan. Hanggang ngayon naiinis pa rin siya sa mga pinsan kaya minabuti niyang aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pagtitig sa labas ng bintana. Ilang metro ang layo mula sa kanila ay may nakaparadang sasakyan. Itim, makintab at mukhang pangmayaman at hindi taga-kanila. Nakaparada iyon sa gilid ng daan, sa mismong tapat ng buko juice vendor. Nilagpasan nila ang sasakyan ngunit napahinto rin kaagad nang sa kung anong dahilan ay nabuhol ang daloy ng mga sasakyan. “Just great!” Ibabaling na sana niya ang ulo nang mahagip ng isang pigura ang kanyang buong atensyon. Sa tantiya niya ay bumibili ito ng buko. The man was facing backwards. Tanging malapad na balikat at matipunong katawan lang ang naaaninag niya. Sa tangkad ng lalaki ay nakayukod na ito upang pagkasyahin ang ulo sa malaking umbrella. He was wearing a gray polo shirt and faded denim pants. Hindi niya makita ang footwear nito ngunit base sa exposed na braso, maputi ang lalaki. Mestizo yata. Nakita niyang inabot nito ang nabalatang fresh buko at nalalagyan nan g straw. Sa ginawa nitong pagpihit at pagtayo ng maayos ay malaya niyang nakita ang kabuuang hitsura nito. The man who was smiling as he handled the buko juice to whoever was inside the car was immaculately handsome. He was the perfect picture of the man she envisioned her dream man would be. Pointed nose, kissable lips, gray eyes. Idagdag pa ang well-defined jawline. She was only sixteen but she knew already what she wanted in a man. This man with a set of sparkling gray eyes measured up to her standards. Bigla ay napahawak siya sa dibdib. Kumabog iyon nang malakas. Kumakalampag na tila nagwawalang kabayo. When suddenly, the man looked right in her direction. Sumipa na naman ang puso niya. Tila nag-slow motion ang lahat, tumigil sa pag-inog ang mundo at ang tanging nagawa niya lang ay ang makipagtitigan sa lalaki. Mali. Siya lang ang nakatitig dito dahil tinted naman ang salamin ng sasakyan niya. Pero sa pakiwari niya ay bumabaon sa kanyang kaliit-liitang ugat ang mga titig nito. Nagsimulang umusad ang mga sasakyan. Dahan-dahan silang lumayo sa lalaki. Papalayo nang papalayo, lumalakas naman nang lumalakas ang kabog sa dibdib. Naisipan niyang pahintuin ang driver at bumaba. Ayaw niya pang lumayo sa gwapong binatang iyon. It just felt so right looking at those beautiful eyes of his. “Ma’am, bakit po?” Namalayan na lang niyang nakasampa na pala siya sa upuan ng kotse at nakahawak sa backrest at nakatitig pa rin sa maliit ng anyo ng lalaki. There was a pang of disappointment in her heart. Naupo siyang muli at buong bigat na isinandal ang ulo sa sandalan. Her heart was beating so fast again. May panghihinayang doon. ‘Sino kaya ang lalaking ‘yon?’ Napatingin siya sa kanyang dibdib. Panay pa rin ang pagtaas-baba niyon. Hanggang sa makarating ng bahay ay walang pagbabago sa nararamdaman niya. Then, she recalled what her mother said. Kapag nakakita ka ng lalaking nagpapawala sa tamang huwesyo ng puso mo, trust me, girls, that’s love at first sight. If it was love at first sight she felt for that man, then, it was all worth it. She vowed to herself, aalamin niya kung sino ang lalaking iyon. Aalalamin at kikilalanin. *** Mabilis na lumipas ang isang oras. Lahat sa bahay ay nakapag-ayos na. Her mother, Mayra Liza, wore her expensive designer’s dress. Ang mga pinsan niyang kinayayamutan kanina ay dumating na rin. All of them, were all beautiful, they were dressed for the occasion. Hindi naman masyadong pormal ang event at okay na ang napili niyang classic design na damit. Ang mama niya ang pumili, bagay raw sa edad niya. Dahan-dahan ay nagsidatingan ang mga bisita. Unti-unti na ring napupuno ang garden kung saan nakalatag ang mga mesa at upuan. Sa pagyakap ng dili ay mas lalong tumingkad ang kagandahan ng ayos ng hardin. “Magmumukmok ka lang ba rito, anak?” Nakapangalumbaba siya sa sala. Nilalaro niya ng mga daliri ang laylayan ng kanyang damit. “I don’t feel like associating with people, Ma.” Sa totoo lang ay umiiwas siya sa mga pinsan. Nayayamot pa rin siya sa mga ito. “Okay. Suit yourself. Kapag naisipan mo nang makihalubilo sa mga bisita, don’t hesitate to go outside.” Tumayo ang ina niya at akmang aalis na nang tawagin niya ito. “Why, sweetheart?” Napaupo itong muli sa couch at hinaplos ang pisngi niya. Her mother’s gentleness was something. “I…I saw-“ “Divina, why are you here? People are looking for you.” Hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin nang lumapit ang ama. His father was the politician pero ang nanay niya ang laging umiestima sa mga bisita. Her mama was her father’s lucky charm. “What happened to you?” in a formal tone, her father asked her. Kaagad naman siyang umayos ng upo sa takot na baka mapagalitan siya ng ama sa walang poise na pagkakasubsob niya sa upuan. “She’s not feeling well, Anton.” Sinalat ng ama niya ang kanyang noo. “Take some medicine and get rest.” Muli itong bumaling sa ina. “The Alcantara’s will arrive any minute from now. Let us welcome them together.” Alcantara. Tunog-mayamang apleyido. Bago na naman sigurong kaibigan ng ama o hindi kaya ay ally sa politika o financier sa campaign nito. Inihatid na lang niya ng tanaw ang magkaakbay na mga magulang naglakad palayo sa kanya. Mas pinili niya namang bumangon at aakyat n asana sa itaas nang makarinig ng tunog ng papahintong sasakyan. Ilang sasakyan na rin ang huminto ngunit particular siyang na-curious sa isang ito. Imbes na tahakin ang hagdanan ay pomosisyon siya sa pintuan patungo sa garden at inantabayanan ang pinakahuling bisita. “Kumpadre!” Abot-langit ang ngiti ng ama niya habang kinamayan ang may edad na lalaking tila pamilyar ang habas ng mukha. Sumisigaw ang awtoridad sa lalaki. Ini-estima ito ng mga magulang. ‘Yan na siguro ang Alcantara na sinabi ng ama niya. Pipihit na sana siya nang mapansing nagkakagulong bigla ang mga pinsan niya. Nakakumpol sa isang mesa ang mga ito. Base sa mga ngiti ng mga ito, malamang nakakita na naman ng gwapo. Napasimangot siya. Kapag gwapo talaga, ang galing mag-hunting ng mga ito. Kung tutuusin, may boyfriends ang mga ito. It was cheating already. Sinundan niya ang tinitigan ng mga ito. Doon din nakatuon ang mga mata ng mga magulang niya. Tila hinihintay ng mga ito ang paglapit ng kung sino. A figure slowly emerged out of nowhere. A man that made her heart go crazy once again. God. It was him. It was really him, in flesh and blood. Hindi niya maunawaan kung bakit nangatog ang kanyang mga tuhod. Napahawak pa siya sa hamba ng pintuan habang nakatitig sa lalaki. Isa-isang ipinakilala ng mga magulang ang mga pinsan niya sa lalaking ngayon ay nakapagpalit na ng panibagong polo. Kung kanina ay hindi niya nakita ang footwear nito, ngayon ay alam na niyang black topsider ang sapin nito sa paa. Ang gwapo-gwapo niya. “Yummy.” She was meters away pero malaya niyang nababasa ang walang tunog na salita ni Viviene. And she felt so jealous of them. Malayang nakamayan ng mga ito ang lalaki. Ngayon tuloy siya nagsisi kung bakit nagkunwari siyang masama ang pakiramdam. Her heart almost leaped when all of a sudden, the man shifted his gazes on her. His was a soft gaze pero tila napapaso siya. Awtomatiko siyang nagkubli sa likod ng pintuan. She was never like this. Wala siyang problema kahit humarap sa mga may edad but this guest of theirs, he was able to give her so much emotions. Ang pintig ng puso niya ay hindi niya kayang sawatain pa. It was just so difficult to tame. Maingat at kalkulado niyang sinilip muli ang labas. Ang poging lalaki ay nakaupo na ngayon sa mesa ng mga pinsan niya. Seemed like he enjoyed their company. Nakakainggit. Nakakainis. Umakyat siya sa silid niya. Binalak niyang mahiga na lang ngunit bago iyon ginawa ay ilang minuto munang sinilip sa bintana ang binata. Before she slept that night, isang reyalisasyon ang pumukaw sa kamalayan niya. For the first time in her life, she finally found someone she liked, and it was that man outside. ‘I like him. So much.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD