Smack . . Nakakatawang isipin pero nakatitig ako sa kanya habang tinatakbo namin ang karamihan sa hallway. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at talagang 'yon pa ang una kong tinitigan sa kanya. Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. . Hindi kami dumaan sa harapan. Inakyat pa namin ang hagdanan at lumabas sa fire exit area. Napahinto ako nang makita ko ang hagdanan sa likod ng fire exit. . Dadaan kami rito? Sa likod? Ang kitid at ang liit lang neto. Nakakatakot, dahil baka mahulog pa ako. I'm into this kind of thing. Hindi ako akyat bahay na magaling umakyat at tumalon sa bawat gusali. Natatakot ako. Napakurap na tuloy akong nakatitig sa kanya at namuo ang takot sa dibdib ko. . "Give me your hand," sabay lahad niya sa kam