Beat
.
.
Here I am drinking a few of shots of vodka with Carmela. Nasa loob kami ng isang exclusibong bar, at naka private separate room pa 'to. I don't want to mix with other people, magulo kasi. Mas mabuti na rito, dahil mababantayan ko si Carmela at nasa labas lang ang dalawang body guards ko, sa may pintuan.
.
"Venette, I can't stand this. Can we go out in the stage. Ang sikip dito, walang boys," reklamo ni Carmela.
.
I shook my head. Bahala siya sa buhay niya! Sumama lang naman ako sa kanya dahil na bo-bored na ako. Sa bawat araw na kaharap ko ang mga board of directors sa negosyo ni Papa ay nakakaloka na.
It's been six months! And in that six months ay natutunan ko na ang iba't-ibang pamamalakad sa negosyo ni Papa maliban lang sa Demoirtel.
.
Ayaw ko pang tuklasin ang maitim na mundo ng Demoirtel. Hindi pa ako handa. Abala pa ako sa iilang mga bagay sa negosyo at sa patuloy na paghahanap ko kay Papa. Temporarily si Drake ang tumatayong CEO sa lahat. Pero sa akin pa rin dumadaan ang bawat approvals at pirma na kakailanganin.
.
If you come to think of it, Drake is acting as my cover. Wala na akong reklamo roon. I know he's doing his best for the company that Papa built in. Hindi ko naman gustong makitang lumulubog 'to sa mga kamay ko. Kaya mas mabuti na siya muna ang acting CEO, dahil alam naman niya ang lahat.
.
Tumayo na si Carmela at hinila pa ako.
.
"Venette, sige na please..." pagpupumilit niya.
.
I took a deep breath and looked at her. Sumobra 'ata ang ayos niya, dahil nag mukhang prosti na tuloy siya sa paningin ko ngayon.
.
"Laplapin mo na lang ang isa sa mga body guards ko, Carmela," sabay inom ko pa sa isang shot ng vodka.
"What? Natikman ko na lahat ang labi nila," reklamo niya. Kamuntik ko pa tuloy maibuga ang nainom ko ngayon.
.
The hell Carmela! At lahat sila tinikman mo talaga? Mura ng isip ko. Kunot-noo pa tuloy akong napatitig sa kanya. Nabaliw na nga 'tong bestfriend ko, sobra pa.
.
"Are you crazy? Baliw ka ba?" taas kilay ko.
.
Tumawa lang din siya. It's okay, sanay na ako. Akala ko kasi may natira pang hindi niya natikman na labi Wala na pala dahil naubos na niya!
.
"Come on, Venette, sige na. You know what? Magiging madre ka na talaga kung ganito ka palagi. I know you don't like kuya Drake. Siya lang naman ang patay na patay sa'yo. Wala bang hinahanap ang puso mo?"
.
Naupo na siya sa tabi ko at nakangising tinitigan ako.
If you come to think of it, I'm 24, and yes, she's right, wala pang napupusuan ang puso ko.
.
"I have no time for love, Carmela. Hinahanap ko pa ang Papa ko," reklamo ko.
"Well, pwede namang um-extra si love life while naghahanap ka 'di ba?" pilyang ngiti niya.
I rolled my eyes at her. "Ewan ko sa'yo bruha!"
"See? Nag reklamo ka na kaagad. You'll be ended up in Kuya Drake arms soon, at wala ka nang kawala talaga. Pagsisisihan mo, makikita mo," pananakot niya.
.
Ininom ko na ang pang huling shot ng vodka. Naubos ko 'ata ang kalahating bote. Ang lakas din ng sikmura ko. Inayos ko lang ang buhok ko at tumayo na.
.
"Come on, hahanapin natin ang Mr. Right ko," sabay hawi ko sa buhok ko.
"Yay! That's the spirit!" masiglang tugon niya.
.
Nang lumabas kami ng pinto, ang dalawang security guard ko kaagad ang sumalubong sa amin ni Carmella.
.
"Sa labas na lang kayo maghintay," utos ko.
.
Kinindatan agad ako ni Carmela. Alam kong magwawala siya dahil wala kaming bantay ngayon. Mabilis namang sumunod ang dalawang bantay ko at pinanood ko pa ang pagbaba nilang dalawa sa hagdanan.
.
Tinali ko lang ang buhok at naka pony tail na 'to. As usual naka fitted jeans ako at tube lang din, may suot akong blazer na kulay puti. Samantalang si Carmela? Ayan mukhang ewan! That's her fashion style anyway, kaya hindi ko na siya pakikialaman pa.
.
"Baba na ako best friend," senyas niya.
.
Tumango lang din ako. Ang bilis niya nakahanap ng boylet, nakahawak sa braso pa siya. Napangiti ako habang nakatitig sa kanya ngayon. Nagpapacute pa siya sa lalaking nakilala niya. Ewan ko ba kung saan niya nakuha ang lalaking 'yan.
.
Tiningnan ko lang ang baba ng dance floor, nasa second floor kasi ako. Tanaw na tanaw ko ang lahat sa baba. The music is so loud and everyone was shaking their booty on. Mas inayos ko pa ang paningin ko. Medyo dim kasi ang paligid at ang ilaw sa loob ay kakaiba.
.
"Hi, Miis. Are you free?" isang boses sa gilid ko.
.
Napangiwi akong nakatingin sa kanya. I rejected him, kaya umalis agad siya. Pagkaraan ng isang minuto ay may lumapit na naman sa akin. And the same with the first one, ay inayawan ko rin. Hindi naman ako mapili sa lalaki, kaso hindi ko mahanap ang spark na hinahanap ko.
.
Tiningnan ko si Carmela, nagwawala na siya sa dance floor. Nabaliw na ang bruha! May kasayawan naman siyang iba. I shook my head again. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Kaya bumaba ako, para sabayan siya. Why not 'di ba?
.
"Venette! Dance baby!" sigaw nya.
"Wohoo!"
"Lasing ka na. Umuwi na tayo," bulong ko sa tainga niya. Napahinto agad siya at tinitigan ako.
"Ang KJ mo! Thirty minutes more please," sabay layo niya sa akin.
.
Susundan ko pa sana siya nang may biglang humila sa kamay ko. Nang nilingon ko kung sino ay nanlaki ang mata ko, si Bruno ito. Bwesit!
.
"Long time no see, Venette. My lady."
.
Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya, pero mas humigpit pa ang hawak niya.
.
"Let go of me, Bruno! Kung ayaw mong patayin kita rito," giit ko.
.
Tumawa lang siya. Walang pakialam ang lahat ng to rito dahil lahat sa kanila ay nagsasayaw sa gilid ko. Kinakabahan tuloy ako ngayon. I don't have my body guards with me, nasa labas sila ng bar.
.
"You know what I like about you, Venette? You're so furious, baby. Te Amo!"
.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Sasampalin ko na sana siya pero nahawakan niya agad ang isang kamay ko. Now he's holding both of my hands and I could not even move.
.
"I'll make you mine, my lady..."
.
Akma na sana niyang halikan ang pisngi ko. Napapikit pa ako dahil sa inis. I was about to headbutt him, but the heck. Mabuti na lang at may biglang sumipa sa leeg niya at natumba agad siya sa sahig.
.
Napaawang pa ang bibig ko habang nakatingin sa kanya. Not Bruno, no, not him! But to the man in front of me. My heart skip a beat when I saw how handsome his facial feature is. His muscly granite muscles is more visible again to me. Sa ikalawang pagkakataon ay naging scanner na naman ang mga mata ko sa kanya.
.
He's the same person who did the sexy thing back then. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa eksena noon.
Nakatitig lang din ako sa kanya. He's got a beautiful dark hazel eyes. Kahit dim ang ilaw ay kitang kita ko ang mapupungay niyang mga mata, napakagat labi pa ako sa kanya.
.
He then chuckled and smile back at me. Napatayo na agad si Bruno at hinarap siya.
.
"Who are you? Pagsisisihan mo 'to."
.
Lasing na nga si Bruno, dahil napaatras pa siya rito. O baka naman nahilo siya dahil sa lakas ng tama sa leeg niya kanina. Bruno was about to land his fist on him, pero nasalo niya at pinaikot lang 'to sa likod ni Bruno. Namilipit pa tuloy si Bruno sa sakit sa balikat niya. Napangiwi naman ako.
.
"I'll cut your neck next time if you do this again to her," baritonong boses niya.
.
When I heard him saying those words my whole world stopped! Nahinto ang lahat sa akin ngayon at tanging pintig lang ng puso ko ang naririnig ko. I never thought that this kind of feeling is oddly beautiful. Ang gaan ng pakiramdam ko.
.
Namangha pa tuloy akong nakatitig sa kanya. My mind can't process what my heart says, hindi ko maintindihan 'to, dahil nabaliw na ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito sa lood ko.
.
Hindi naman maipinta ang mukha ni Bruno ngayon at nang binitawan niya si Bruno ay natumba agad ito sa sahig. Nagkagulo na ang lahat, dahil dumating ang mga alepores ni Bruno sa gilid. Nalito na tuloy ako at hinanap ng mga mata ko si Carmela, pero may biglang humila sa palapulsuhan ko.
"Let's go," sabay hatak niya sa akin at napalunok sa sarili.
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell