Meeting . . Ang bilis nga naman ni Carmela, ang aga niya ngayon. She usually don't come here this early, pero ngayon? Milagro lang din. . "Hey, sino 'yung lalaki kagabi na kasama mo?" pangungulit niya. . Hindi ko muna siya pinansin at tinapos lang ang agahan ko. Maaga ako ngayon dahil may meeting ang board. Tungkol kasi 'to sa isang project na ginawa ni Papa noon. HIndi ko alam kung anong klaseng proyekto iyon. Dadalaw lang naman ako as per attendance at si Drake na ang bahala sa lahat. Tumayo ako at iniwasan si Carmela. Sumunod naman siya sa akin patungong kusina. . "Venette..." pacute niya. Ininom ko lang ang orange juice habang nakatitig ako sa kanya. "Wala bang nangyari sa inyo pagkatapos?" ngiting aso niya. . Napangiwi ako at tinalikuran ulit siya. Bumalik lang ako sa la