Sisid Ilang minutong katahimikan ang namuo sa amin. Narinig ko sa itaas ng puno ang mga ibong naghahabulan roon at ang iba ay dumadapo na sa mga sanga. Ngumiti ako ng matamis at sinundan ang kanilang bawat galaw. "Ang cute naman ng mga birdie!" narinig kong sigaw ni Rinka at itinuro pa ang mga grupo ng mga ibong lumipad sa ere. Humagalpak agad ng tawa ang dalawa. Ngumuso naman ako at nagpigil ring matawa dahil alam kong ibang bagay na naman ang naiisip nila. Lahat ata ng bagay ay nakokonektahan nila ng mga kahalayan. Bumangon sa pagkakahiga si Israel. Napatingin ako sa kanyang likod na may dumikit na iilang maliit na d**o. "May damo..." Itinuro ko ang mga iyon. Lumingon siya sa kanyang likod at pilit iyong inabot. Kitang kita ko ang paggalaw ng muscle sa kanyang braso. "Can you get