Kabanata 39: Pagtatampo ni Sullivan

2609 Words

Nakatingin lang ako sa likod ni Sull habang binabagtas namin ang mahabang hallway papunta sa meeting room. Nandoon na raw ang lahat ng members ng board at siguro'y maging si Sir Amorsolo. Halos hindi ako makahinga nang maayos dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Namumuo na rin ang malamig na pawis sa aking noo. Ilang beses na rin akong bumuga ng hangin mapagaan lang ang pakiramdam ko, pero wala. Hindi rin tumalab ang assurance na ibinigay ni Sull na siya ang bahala sa lahat, na poprotektahan niya ako kung sakali mang mapunta sa akin ang sisi. Huminto kami sa tapat ng wooden, double door. Lumingon sa akin si Sull at ngumiti. "I'll handle this. Don't worry," aniya bago ito binuksan. Nauna na siyang pumasok at agad naman akong sumunod sa kanya. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay ramda

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD