Ilang araw na nang bumisita si Sull sa bahay, at walang ibang bukambibig si inay kundi kung kailan siya bibisita ulit. Pero dahil puno ang schedule ni Sull ay hindi siya makahanap ng pagkakataon na bumisita sa bahay. Gaya na lang ngayon, papunta kami sa isang hotel kung saan namin imi-meet si Mr. Xiao, ang potential investor ng kompanya. Plano kasi ni Sull na mag-expand ng business abroad at naghahanap siya ng mga investor na tutulong sa kanyang makapagsimula, at isa na room si Mr. Xiao. Isang mayamang businessman si Mr. Xiao. Ang focus ng negosya niya ay home furniture. Kaya siya nagdesisyong makipag-deal sa amin ay dahil na rin sa linya ng negosyo niya. Alam kong plano niyang ikontrata kami na sa kanya kukuha ng furniture. "Let's clear my schedule as soon as possible," sabi ni Sull s