CAMILA P.O.V
Isang bagong araw na naman. Maaga akong nagising, gaya ng nakasanayan, para pumasok sa school. Habang nakatingin sa salamin, inayos ko ang buhok ko sa simpleng ponytail. Suot ko na ang uniform ko bilang isang Education student—white blouse na may logo ng school, at navy blue skirt na lagpas lang nang kaunti sa tuhod.
Tiningnan ko ang sarili ko nang mabuti. “Okay na ‘to,” bulong ko. Hindi ko naman kailangang mag-effort masyado. Simpleng ayos lang, sapat na para maging presentable.
Pagkababa ko, naroon na si Mama sa kusina. “Kumain ka muna, anak. May niluto akong tapa,” sabi niya habang inaayos ang mesa.
Ngumiti ako. “Thanks, Ma! Pero konti lang, baka malate ako.”
Pagkatapos kong kumain, kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam. “Alis na po ako, Ma!”
“Oo, mag-iingat ka ha. Tapos wag mo kalimutan yung mga projects mo, baka mamaya nakakalimutan mo na naman,” paalala niya.
“Hindi po, Ma. Top student kaya ako,” biro ko habang tumatawa.
Pagdating ko sa school, ang dami na namang tao. Laging busy ang campus namin, lalo na’t iba-ibang departments ang naroon—may mga Criminology students, Accountancy, Nursing, at siyempre, Education.
Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin, nararamdaman ko na naman ang mga tingin ng mga tao. Sanay na rin ako sa ganito, pero minsan nakakailang pa rin.
“Hi, Camila!” bati ng isa sa mga kaklase kong lalaki sa Education.
“Hi!” sagot ko habang ngumingiti.
Hindi pa man ako nakakalayo, may narinig na naman akong tawag mula sa likod.
“Camila! Good morning!” sigaw ng isa pang kakilala ko mula sa Criminology department.
Napalingon ako at kumaway. “Good morning din!”
“Grabe, ang dami mo talagang fans, Camila,” sabi ni Bianca, isa sa mga best friends ko sa classroom. Nasa harap na siya ng pintuan, hinihintay akong makapasok.
“Stop it, Bianca. Napaka-over mo,” sabi ko habang natatawa.
“Hindi ako over! Totoo naman eh. Kahit mga taga ibang department, kilala ka. Naglalakad ka lang, pero parang may sariling parade,” sabi niya, tumatawa rin.
Pagpasok namin, agad akong naghanap ng upuan. Umupo ako sa usual spot ko malapit sa bintana. Gustung-gusto ko kasi yung pakiramdam ng hangin habang nag-aaral.
“Okay, class, settle down,” sabi ng professor namin pagpasok niya. “We’re going to discuss the next phase of your teaching practicum. Make sure to take notes.”
Habang nagtuturo ang professor, focus na focus ako sa pagkuha ng notes. Gusto kong ma-perfect ang practicum namin dahil alam kong ito ang magiging foundation ko bilang future educator. Gusto ko talagang maging isang teacher na magbibigay inspirasyon sa mga estudyante ko balang araw.
“Camila,” bulong ni Bianca habang nasa kalagitnaan ng discussion.
“Ano na naman?” sagot ko, hindi tumitingin sa kanya dahil busy ako sa pagsusulat.
“May tumitingin na naman sa’yo.”
Napalingon ako sa likod. Nandoon nga si Jerome, isa sa mga top students ng Criminology. Tumango lang siya at ngumiti nang mahuli kong nakatingin siya. Napailing na lang ako.
“Wala ka talagang kawala,” sabi ni Bianca, halatang nagpipigil ng tawa.
“Hayaan mo sila,” sabi ko, sabay balewala sa nangyari.
Pagdating ng lunch break, sabay-sabay kaming lumabas ng classroom nina Bianca. Pumunta kami sa cafeteria, kung saan puno na ng mga estudyante mula sa iba’t ibang departments.
Habang kumakain kami, lumapit si Nathan, isang Nursing student na kakilala namin.
“Hi, Camila. Kamusta? Nakita kita kanina sa corridor,” sabi niya habang hawak ang tray niya.
Ngumiti ako. “Hi, Nathan! Okay naman. Ikaw? Kamusta ang Nursing?”
“Stressful, pero kinakaya. Alam mo naman, buhay Nursing,” sagot niya, sabay tawa.
“Good luck sa’yo. Alam kong kaya mo yan,” sabi ko.
“Salamat. Well, enjoy your lunch!” Paalam niya bago siya umalis.
“Camila, aminin mo na. You’re like a magnet,” sabi ni Bianca, na halatang aliw na aliw sa mga nangyayari.
“Ang OA mo talaga,” sagot ko, pero hindi ko napigilan ang tumawa.
Pagkatapos ng huling klase namin, nag-decide akong pumunta sa library para tapusin ang isang research paper. Gusto ko nang matapos agad para hindi na ako mag-cram.
Habang nasa library, naisipan kong mag-focus sa mga notes ko. Pero hindi ko maiwasang marinig ang bulungan ng mga tao.
“Si Camila Torres yan, diba?”
“Oo. Grabe, ang ganda niya talaga.”
Pinilit kong mag-focus. Sanay na rin akong makarinig ng mga ganitong comments, pero minsan gusto ko ring mag-blend in. Hindi naman ako naiiba. Normal lang din ako na estudyante.
Pagkatapos ng ilang oras, nagpasya na akong umuwi.
*********
Pagkalabas ko ng campus, naisip kong dumaan muna sa flowershop namin. Alam kong bukas pa iyon dahil mahilig si Mama mag-overtime para lang maayos lahat bago isara ang shop. Medyo pagod na ako pero parang gusto kong mag-relax sa harap ng mga bulaklak namin. Lagi namang nakakagaan ng loob ang presensya ng mga halaman at bulaklak, parang nawawala lahat ng stress ko kapag nasa shop ako.
Pagdating ko doon, agad kong naramdaman ang bango ng iba’t ibang bulaklak. Ang lamig ng hangin na galing sa aircon ng shop at ang tahimik na ambiance ay parang niyayakap ako. Nasa counter si Mama, mukhang inaayos ang listahan ng mga order para sa susunod na araw. Napansin niya agad ang pagdating ko.
“Oh, Camila! Bakit andito ka pa? Akala ko derecho ka na sa bahay,” bati niya habang inaayos ang glasses niya.
“Napadaan lang po, Ma. Nakakapagod sa school kaya naisip kong dumaan dito para ma-relax naman kahit saglit,” sagot ko habang binababa ang bag ko sa gilid. Tumungo ako sa isang bahagi ng shop kung saan naka-display ang mga bagong dating na bulaklak. Ang gaganda nila—may mga rosas, lilies, sunflowers, at orchids. Agad kong hinaplos ang ilang petals, ang lambot sa pakiramdam.
“Ang ganda ng mga bagong dating, Ma,” sabi ko habang lumalapit sa counter.
“Bagong deliver yan kanina lang. Hindi ko pa nga naaayos yung iba sa storage,” sagot niya. “Kung gusto mo, tulungan mo na ako dito.”
Napangiti ako. Kahit pagod na, hindi ko kayang tanggihan si Mama pagdating sa flowershop. Mahal ko rin naman talaga ang lugar na ito. Lumaki ako rito, kaya parang bahay na rin ito para sa akin.
Kinuha ko ang isang bundle ng sunflowers at inayos ito sa isang vase. Habang ginagawa ko iyon, narinig ko ang tunog ng bell sa pintuan ng shop—hudyat na may bagong customer na dumating.
“Good evening!” bati ko agad habang tumingin sa bagong dating.
Isang babae ang pumasok, mukhang nasa late twenties na siya, at may suot siyang simpleng damit. Ngumiti siya sa akin bago tumingin sa paligid. “Hi, pwede bang makahanap ng magandang bouquet para sa anniversary gift?” tanong niya.
“Sure po! Anong klase pong bulaklak ang gusto niyo? Roses po ba or gusto niyo ng mixed?” tanong ko habang nilalapitan siya. Napansin kong medyo nahihiya siya, pero excited din.
“Siguro mixed na lang. Gusto ko kasi medyo unique yung dating,” sagot niya.
Ngumiti ako at sinamahan siya sa section kung saan naka-display ang mga mixed bouquets namin. Pinakita ko sa kanya ang ilang design na nasa cooler. “Ito po, magandang kombinasyon ng roses at lilies. May kasama rin siyang fillers na nagbibigay ng eleganteng vibe,” paliwanag ko.
Napangiti siya habang tumango. “Perfect ‘yan! Sige, ito na lang.”
Kinuha ko ang bouquet at dinala ito sa counter para i-wrap nang maayos. Habang ginagawa ko iyon, tinanong niya ako, “Ikaw ba ang anak ng may-ari ng shop na ito?”
“Opo, ako nga,” sagot ko, nakangiti. “Actually, madalas din akong tumulong dito kapag wala akong pasok. Pero full-time si Mama dito.”
“Ang ganda ng shop niyo, sobrang relaxing. Parang ang saya siguro ng trabaho dito,” sabi niya habang pinagmamasdan ang paligid.
“Oo naman po. Nakakawala ng stress kapag nasa paligid ka ng mga bulaklak. Parang ang gaan-gaan lang ng mundo,” sagot ko habang tinitingnan siya.
Matapos kong i-wrap ang bouquet, iniabot ko ito sa kanya. “Ito na po. Sana magustuhan ng pagbibigyan niyo.”
“Sigurado akong magugustuhan niya ‘to. Salamat!” sabi niya bago siya nagbayad at nagpaalam.
Pagkaalis ng customer, bumalik ako sa pag-aayos ng ibang bulaklak. Tahimik na ulit sa shop, pero masarap sa pakiramdam ang ganitong moment—yung hindi ka nagmamadali at malaya kang gawin ang gusto mo.
“Ang sipag mo talaga, anak,” sabi ni Mama habang pinapanood akong mag-ayos ng vase.
“Syempre, Ma. Hindi ko kayo pwedeng pabayaan dito,” sagot ko habang ngumiti. “Nakakatuwa rin naman kasi talagang tumulong dito. Hindi na parang trabaho.”
Tumango si Mama at ngumiti. “Alam mo, kung sakaling hindi ka magtuloy sa teaching, pwede ka talagang mag-focus sa business natin.”
Napatawa ako. “Ma, gusto ko po talagang maging teacher, pero huwag kayong mag-alala, hindi ko pababayaan itong shop. Lagi akong andito kapag kailangan niyo.”
Nagpatuloy kami sa pag-aayos hanggang sa halos maubos na ang oras. Napatingin ako sa orasan at napansin kong medyo late na. “Ma, isasara na po ba natin?”
“Konti na lang, tapusin lang natin ito. Sige na, ikaw na ang bahala sa mga bulaklak diyan sa gilid,” sagot niya.
Sumunod ako at inayos ang mga natitirang vase. Habang nag-aayos, hindi ko maiwasang humanga ulit sa ganda ng mga bulaklak namin. Sa simpleng paraan, parang nagbibigay sila ng kaligayahan sa kahit sinong tumingin.
Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na rin kami.