Chapter 7: Family

1862 Words
Thamara NANUBIG agad ang bagang ko nang maihain sa harapan ko ang lahat ng inorder ni Zkat. Ngayon lang yata ako ulit makakakain na hindi magtitipid ng ulam. Wala siyang in-order na kanin, pero alam kong mabubusog na ako sa dami ng order niya. "Thank you, Ate," sabi ko sa tindira. Ngumiti lang si ate sa 'kin at bumalik na siya sa pwesto niya. "Smells good," narinig kong komento niya. "Akala ko ba hindi ka kumakain nito?" "Hindi nga... dati," diin niya at kinuha niya ang isang stick ng tocino, kinuha niya ang platito at nilagyan niya ng toyo at kalamansi. "Hindi naman siguro ako mamamatay kung kakain ako ngayon." Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na akong pumili ng kung anong una kong kakainin, una kong dinampot ang tinuhog na karne ng baboy na hiniwa sa maliliit na cube. "Salamat nga pala rito." Nagsimula akong kumain, grabe. Nanuot sa bibig ko ang sarap ng kinakain ko, at least ngayon, iba naman, hindi na isaw at skinless na may libreng sabaw. "Madalas ka ba dito?" tanong niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko. "Oo... nitong nakaraan, dito ako laging naghahaponan, mura kasi dito tyaka mabait ang tindera," sabi ko sa kaniya sabay sulyap sa tindira na abala sa pakikipag-usap sa costumer. "I see," aniya habang tatango-tango. "Mahilig din sa ganito ang kapatid kong babae, lahat yata ng street food gustong-gusto niya." "Edi baliktad kayo?" sabi ko at kumuha ng tocino, ang tocino at manok ay halos pareho lang ang itsura dahil parehong maninipis, nagkakaiba lang sa lasa. Sinulyapan ko naman siya bago ko kinain ang tocino. "My sister and I are different." Bumuntong-hininga siya at ngumiti. "She's hilarious. Hindi 'yon mahilig sa mga formal party, simple lang siya. Tama ka, baliktad kami." Napatango-tango ako habang ngumunguya. "Dalawa lang kayong magkapatid?" tanong ko. Umiling naman siya at kumuhang muli ng isang stick ng tocino bago nagsalita. "Tatlo kami. May anak ang daddy ko sa pagkabinata, ang kuya ko. Tapos ako, panganay ni Daddy sa Mommy ko, at ang kapatid kong si Jenny Ahbighael," mahaba niyang sabi tyaka niya ako tiningnan. "Ikaw?" "Ako?" ulit ko. "Wala," tipid kong sagot. Mahina siyang natawa. "Anong wala?" "Wala akong kapatid," paglilinaw ko. "Solong anak lang ako." "I see," sabi niya at nagpatuloy na sa pagkain. Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain ng order niya. Minsan ay tinatanong niya ako at nagkukwento siya, pero hindi na ako nagbubukas ng pag-uusapan. Nagtuloy-tuloy kami sa gano'n hanggang sa tuluyan nang maubos ang order niya nang hindi namin namamalayan. "Ito na po, Ate. Keep the change," ani Zkat bago kami tumawid ng kalsada para puntahan ang sasakyan niya. "Oh sige na. Uuwi na ako, salamat sa libre," sabi ko. "Ihahatid na kita sa apartment mo." "Hindi na," sabi ko. "Hindi na rin ako sa apartment ko nakatira." "Ha?" nakita kong nagdikit ang mga kilay niyang makakapal. "Eh saan ka na nakatira ngayon?" Mariin akong napapikit at agad pinagsisihan na binanggit ko pa sa kaniya. Kailan pa ako naging madaldal? Sa lahat ng pwede kong masabihan, siya pa talaga? Ganoon na ba ako kakomportable agad sa kaniya?! "Tara na, ihahatid na kita, delikado kung hahayaan kitang maglakad mag-isa." "Hindi na," sabi ko kasabay ng pag-iling, ayos na talaga. "Mauna na ako. Salamat ulit." Sabi ko at agad nang naglakad palayo, wala nang lingon-lingon. Nang makarating ako sa tinutuluyan ko ay nadatnan ko si Aling Nina na nagliligpit na, mabilis ko siyang tinulungan. "Pasensya na po, nagabi ako ng uwi, Aling Nina. Naghaponan pa po kasi ako." "Ayos lang. Oh, mauna na ako ha? Eh may pera ka pa ba d'yan?" tanong niya. "Oh, heto, mabuti nang may panggastos ka, medyo malaki-laki rin ang kita ngayon dahil may kasal d'yan sa malapit na simbahan, maraming tao." "Hindi na po. Salamat na lang po, Aling Nina, nakakahiya naman po," tanggi ko sa bigay niyang pera. "Sige na, tanggapin mo na," sabi niya at kinuha ang kamay ko at inilagay doon ang pera. "Mauna na ako. Mag-iingat ka rito, i-lock mo ang pinto." "Salamat po, Aling Nina. Hindi ko po alam kung paano ko po masusuklian itong kabutihan na pinakita niyo po sa 'kin." Ngumiti si Aling Nina, hinaplos niya ang pisngi ko. "Hanga ako sa determinasyon mo, sana eh lahat ng anak at estudyante ay kagaya mo, hindi sumusuko." "Salamat po talaga, Aling Nina." Ngumiti siya at kinuha na ang bag niya. "Oh s'ya. Paano? Aalis na ako, mag-iingat ka rito." "Opo. Kayo rin po, ingat rin po kayo." Nang makaalis si Aling Nina ay kinuha ko ang walis at dust pan tyaka ako nagsimulang magwalis na sahig. Malamig dito sa tinutuluyan ko, hindi naman kasi konkreto ang pader nito, hindi talaga iyong lugar na mabibigyan ng privacy ang isang tao. Ang nakapaligid lang nito na nagsisilbing pader ay mga bakal, hindi naman kasi talaga ito bahay, makikita ako mula sa labas kung tutuusin, pero mas mabuti na rin ito dahil mas ligtas ako rito, hindi ako malalapitan ng kahit sino dahil pwede ko namang isarado ang pinto, hindi rin ako mababasa tuwing umuulan dahil may bubong naman, hindi hamak na mas malinis rin ito kumpara sa kalye. Matapos kong magwalis ay inilatag ko na ang karton, inilagay ko ang kumot at unan ko tyaka ako kumuha ng damit pambahay sa bag ko at nagbihis ako. Nilabhan ko ang uniform ko tyaka ko isinampay sa sampayan ko ng damit at kinuha ang tuyo kong uniform na nilabhan ko kaninang umaga. Nang matapos ako sa lahat ng dapat kong gawin ay tyaka ko sinarado ang pinto at naupo ako sa nilatag kong karton. Malalim akong napabuntong-hininga. "Ma, Pa..." sambit ko sa kanila gaya ng nakasanayan. "Salamat po, alam kong binabantayan at ginagabayan niyo po ako. Natapos na rin po ang araw na 'to, salamat po kasi safe pa rin po ako hanggang ngayon." Tipid akong ngumiti tyaka ako humiga sa karton. "Salamat, Lord. Salamat sa araw na 'to, sana bukas gabayan niyo pa rin po ako." Inayos ko ang kumot ko at dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. "Thamara!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na boses na tumawag sa 'kin. Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay nakita ko na agad si Zkat na naroon sa labas. "Z-Zkat..." nanlalaki ang mga matang sambit ko. "A-Anong... anong... ginagawa mo rito?" Tumayo at lumabas ako para lapitan siya. Nang makalapit ako ay doon ko lang napansin ang pagtatagis ng bagang niya, ang masama niyang tingin sa 'kin at ang nakakunot niyang noo. "What the hell is this Thamara?!" malakas ang boses niyang tanong ngunit ramdam ko rin ang pagpipigil niya. "Zkat—" "Bakit ka nandito? Thamara! This place is not safe for you! What the hell?! Anong oras na pero nandito ka? What are you doing here?!" Nangilid ang luha ko dahil sa iniasta niya. "Dito na ako natutulog." Hindi na ako makatingin sa kaniya dahil sa nararamdaman kong hiya. Atomatikong pumasok sa isip ko ang mga pagpapansin niya sa 'kin at paghahabol. Naninikip ang dibdib ko at nanliliit ako sa sarili ko. Si Zkat, mayaman, matalino at gwapo... lahat ng gugustohin niya, pwede niyang makuha... pero bakit nga ba siya nagtitiis sa tulad kong wala naman maibibigay sa kaniya? Sinulyapan ko ang mukha niya upang makita ko kung anong reaksiyon niya. Nakaawang ang mga labi niya, mukhang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. "Bakit umalis ka sa apartment mo?" Mas kalmado na ang boses niya ngayon. "Thamara, this place is not safe for you, babae ka. Paano kung pasukin—" "Alam ko!" Tuluyan nang tumulo ang luha ko kasabay ng pagpiyok ng boses ko. "Pero may choice ba ako?" "Tham—" "Please, h'wag kang maawa sa 'kin," pakiusap ko sa kaniya. "Hindi ako kawawa, kaya ko." "Hindi ako naaawa sa 'yo! Nag-aalala ako sa 'yo! Paano kung magkasakit ka?! D*mn! Thamara! Ilang araw ka na bang nandito? Ilang araw ka nang natutulog dito?" "H-Higit dalawang linggo—" "What?!" hindi makapaniwala niyang tanong, nag-iwas siya ng tingin at matunog na napabuntong-hininga. "U-Umalis ako sa apartment ko... kasi wala na akong pambayad at pinapaalis na ako ng landlady." Napalunok ako ng ilang beses para mapakalma ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko, halos manginig na nga ako habang tuloy-tuloy ang daloy ng luha ko. "Kailangan kong makatipid. Kaya umalis na lang ako doon at—" "At dito ka na lang natutulog," siya na ang nagtuloy. "Thamara, alam ba 'to ng mga kaibigan mo?" Mabilis akong umiling. "Please, wag mong sabihin sa kanila—" "No, Thamara," giit niya, naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Look at me." Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya kaya inangat niya ang mukha ko at sapilitan niyang hinuli ang paningin ko. "Come with me..." halos pabulong niya nang sabi sa sobrang hina, napakaraming emosyon ang naroon sa mga mata niya. "Ako ang mag-aalaga sa 'yo. Hindi kita pababayaan." "Zkat..." Nag-iwas ako ng tingin. "Ano bang kailangan mo sa 'kin? Wala kang makukuha sa 'kin, bakit ba panay ang pangungulit mo?! Higit isang taon na kitang sinusungitan pero nandito ka pa rin! Wala kang makukuha sa 'kin... Iba na lang... I-Iba na lang ang kulitin mo. Iyong mas babagay sa 'yo. Iyong kasingyaman mo... Iba na lang... hindi ako babagay sa 'yo." "Is that the real reason why you hate me?" mahina niyang tanong sa 'kin. "Hindi. Babaero ka—" "Dati pa 'yon." "Zkat..." Huminga ako nang malalim at mabilis na pinunasan ang mga luha ko. "Please... uulitin ko ang palagi kong sinasabi sa 'yo... ayaw ko. Ayaw ko, Zkat. B-Basted ka sa 'kin. Kaya please lang, tigilan mo na ako. Wala kang makukuha sa 'kin." "Mahal kita, Thamara," mabilis niyang sabi. "I know that it's hard to believe, pero mahal kita." "Zkat, hindi mo ako mahal—" "D*mn! Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?!" singhal niya, hindi na nakapagpigil. "Bakit mo ba ako mahal?!" balik kong singhal at muli na namang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. "Zkat, wala kang makukuha sa 'kin. Heto ako oh. Walang-wala! Hindi ako babagay sa 'yo." "Thamara, ano bang dapat kong gawin para maniwala kang mahal kita?!" giit niya, nakita mismo ng mga mata ko ang pagtulo ng luha niya na ikinagulat ko. "Tingin mo ba maghahabol ako at mangungulit sa 'yo nang sobrang tagal kung hindi malalim 'tong nararamdaman ko?" Tiningnan niya ako sa mga mata, ganoon na lang ang pagbilis lalo ng t***k ng puso ko. "Alam kong mag-isa ka na lang, wala ka nang pamilya. Trust me... Just give me a chance para alagaan ka. I'm willing to be your family, Thamara." "Zkat—" Sinapo niya ang mukha ko at tinuyo niya ang luha ko sa pisngi. "My love for you is not shallow, Thamara. Just please... Trust me, live with me and I promise, hindi ka na mag-iisa pa ulit. I will be your family, mamahalin kita at aalagaan kita, hindi ka na mahihirapan pa." Bahagya niya akong hinila palapit sa kaniya at marahan niya akong niyakap at habang nakabalot sa 'kin ang mga braso niya, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. I felt safe... calm... comfortable... His embrace feels like home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD