Chapter 8: Tradition

1467 Words
Thamara "THANK you, Zkat," pagpapasalamat ko sa kaniya. "Pero pag-iisipan ko muna bago ako magdedesisyon kung papayag ba ako." Bumuntong-hininga siya at tumango. "Sana makapagdesisyon ka nang mas maaga." Tumango ako at tipid na ngumiti. Kinukumbinsi niya akong tanggapin na lang ang offer niyang trabaho pero bukod sa nahihiya ako, nagdadalawang-isip din ako. Ginagawa niya ito dahil may gusto siya sa 'kin, paano na lang kung hindi na niya ako gusto? "Sige na, Zkat. Gabi na rin, salamat sa pakikinig. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko." Tumango siya at ngumiti. "Mauna na ako. Please, mag-ingat ka, Thamara." Nang tuluyan na siyang makaalis ay tyaka ako nagsara ng pinto at humigang muli sa nilatag kong karton. Nakatingin lang ako sa kisame habang naglalakbay ang isip ko. Gaano nga kaya kalalim ang nararamdaman ni Zkat para sa 'kin para bigyan niya ako ng ganoon kagandang pabor? Ganoon na lang ang concern niya sa 'kin kahit na palagi ko naman siyang sinusungitan. Natatakot ako. Baka kasi ay pinaglalaruan niya lang talaga ako. Ayaw kong mahulog sa maling tao, ayaw kong madagdagan ang sakit na nararamdaman ko, ayaw kong maiwan ulit. Kung tatanggapin ko ang alok niya, papasok ako sa buhay niya at ibig sabihin no'n ay hinahayaan ko na rin siyang pumasok sa buhay ko... Handa na ba akong magpapasok ng panibagong tao sa buhay ko? Paano kung iwan lang din niya ako kagaya ng ginawa ni Nico sa 'kin? Si Nico ay matalik kong kaibigan na naging nobyo ko, pero iniwan niya lang din ako sa panahong kailangan ko siya. Nagpatuloy ako sa pag-iisip hanggang sa tuluyan na akong nakatulog nang hindi namamalayan. Nagising ako ng ala-singko ng umaga gaya ng nakasanayan. Ginawa ko ang nakasanayan ko nang gawin tuwing umaga, ang maghanda para sa pagpunta ko sa school. "Alis na po ako, Aling Nina," paalam ko kay Aling Nina. "Oh sige. Ah mag-ingat ka, Thamara." "Opo. Kayo rin po." Nagsimula akong maglakad papunta sa eskwelahan. Mamaya pang alas-otso ang klase ko pero pupunta na ako ngayon doon dahil magri-review pa ako sa library. "Thamara!" Napatigil ako sa paglalakad nang may humintong sasakyan sa harapan ko at nang tingnan ko ang bintana ay naroon si Zkat. "Zkat..." "Good morning," maaliwalas ang mukha na bati niya sa 'kin. "Nag-breakfast ka na?" Umiling ako. "Tara, sabay na tayo." "Hindi na," tanggi ko. "Doon na ako sa school." "Tara na," sabi niya at lumabas siya ng sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto. "Wala rin akong kasabay eh, hindi ako umuwi sa bahay." Napilitan akong sumakay sa sasakyan niya, alam kong hindi siya papayag kung tatanggi ako. Nagsimula siyang magmaneho habang ako naman ay halos hindi na gumagalaw sa kinauupuan ko dahil sa kahihiyan. Mula sa kinauupuan ko ay amoy na amoy ko ang halatang mamahalin na panlalaking pabango niya. Kahit hindi ko yata siya tingnan, kapag naamoy ko ang pabango niya, makikilala ko na siya. "Are you comfortable?" tanong niya sa 'kin nang hindi ako tinitingnan. "Oo naman," sagot ko sa kaniya agad. Huminto ang sinasakyan namin sa harap ng isang kainan na alam kong mahal, Sunshine's Morning Restaurant. Pancake pa lang ang i-order ko dito, paniguradong ubos ang budget ko sa buong araw. "Let's go—" "D-Dito tayo kakain?" utal kong tanong. Hindi ko kayang kumain sa ganito kamahal na restaurant! "Yes." "Sige, ikaw na lang," sabi ko. Nag-iwas ako ng tingin at ramdam na ramdam ko na ang pag-init ng pisngi ko. "What? Sabay tayong—" "Hindi ako kumakain ng pancake." Iyon ay isang malaking kasinungalingan! Noong nandito pa ang mga magulang ko, palaging nagluluto si Mama ng pancake dahil paborito ko 'yon... Ilang taon na rin akong hindi nakatitikim ng pancake, halos limot ko na nga ang lasa ng paborito kong pagkain na 'yon. "Bakit hindi ka gumagalaw d'yan?" tanong ko sa kaniya nang mapansin kong hindi siya umalis sa kinauupuan niya. Sinulyapan ko ang mukha niya at nakita ko siyang nakatingin lang sa 'kin nang diretso. "Zkat..." "Let's go," pagyaya niya sa 'kin. "Kung ayaw mo ng pancake, mag-order tayo ng iba para sa 'yo." "Pero—" "Pero ano?" tanong niya, naghahamon ang tono. Naiilang akong ngumiti sa kaniya. "B-Bente lang kasi ang budget ko, hindi ako makaka-afford—" "I brought you here because I can afford this restaurant, hindi ako 'yong klase ng lalaki na dadalhin ka sa isang kainan at pagbabayarin ka sa nakain mo," seryusong aniya. "N-Nakakahiya." "Anong nakakahiya naman?" natatawang tanong niya. "Tara na." Wala na akong nagawa nang buksan niya ang pinto ng kotse na malapit sa 'kin at inalalayan niya akong makababa ng sasakyan. "Good morning, Maam, Sir... table for two?" "Yes please," ani Zkat. Iginiya kami ng babae papunta sa isang table at ilang sandali pa ay may lumapit na waitress at binigyan kami ng menu. Ang ibang mga branch ng SMR ay self-service, pero dito ay hindi. "Isa nito at isa nito," narinig kong sabi ni Zkat habang may tinuturo siya sa menu at pinapakita sa waitress ang tinuturo niya. Binalingan niya ako. "Ikaw, Thamara?" "Ahh... kahit... kahit ano, ikaw na lang ang bahala," nahihiya kong sabi. Nakita ko siyang bahagyang natawa habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. "Wag kang mahiya." "Ano kasi..." napakamot ako sa noo ko, nakakahiya talaga. Napabuntong-hininga na lang ako at muling tumingin sa menu, nakakabutas ng bulsa ang presyo, nakalulula. "Ito na lang." Tinuro ko ang cake na pinakamura at tumuro rin ako ng kape na pinakamura. "Is that all, Maam?" "O-Opo," napapalunok kong sagot. Nang makaalis ang waitress ay tyaka lang ako nakahinga nang maluwag, hindi kasi ako sanay na mag-order eh. Kahit nga sa mga fastfood restaurant na pinupuntahan namin nina Papa at Mama, nahihiya akong mag-order kaya palaging si Papa ang nag-o-order ng pagkain namin. "Are you comfortable?" tanong ni Zkat sa 'kin. Naiilang akong ngumiti at tumango. "Sorry. Hindi ko alam na hindi ka pala kumakain ng pancake, best seller nila 'yon dito," sabi niya sa 'kin. "H'wag kang mag-alala, babawi ako sa susunod." "Hindi na," nahihiya kong sabi. "Nakakahiya lang sa 'yo kasi—" "Bakit ka naman nahihiya?" natatawang tanong niya. "Ako lang 'to. I want you to be comfortable, maging komportable ka sa 'kin, Thamara." "Eh kasi... mayaman ka," nakanguso kong sabi. "Nakakahiya..." "Mayaman ka rin naman ah," nakangisi niyang sabi. "Mayaman sa ganda." Natawa ako sa sinabi niya, iyong tawang mahina lang na hindi ko naman alam kung anong nakatatawa. "Bolero ka." "Hindi kita binobola," aniya. "Wag mong ikahiya ang estado mo, walang masama sa pagiging mahirap." Ngumiti ako sa kaniya. "Madalas ka ba rito?" tanong ko sa kaniya. Inangat niya ang balikat niya. "Siguro?" "Bakit hindi ka sigurado?" natatawa kong tanong sa kaniya. "Mahilig kasi ako sa lutong-bahay," simpleng aniya. "Pumupunta lang ako rito kapag hindi ako umuuwi sa bahay namin." "Hindi ka marunong magluto?" Napalabi siya at inangat niyang muli ang mga balikat niya. "Nagluluto ako. Pero ayaw kong kumakain mag-isa sa condo, nami-miss ko lang ang kapatid ko at ang parents ko," aniya. Nangunot-noo ako. "Nami-miss mo pala eh bakit hindi ka umuwi sa bahay niyo?" "Sinasanay ko ang sarili ko," sagot niya. "Aalis din kasi ang kapatid ko sa bahay, lilipat na siya sa ibang bahay." "Bakit?" "Because that's what she needsbto do," sagot niya gamit ang tono na parang logic ang sagot niya. "We have a family tradition, that is to marry the person that our parents like for us." "Ahh," napatango ako nang makuha ang ibig niyang sabihin. "Fixed marriage?" "Yeah. Modern fixed marriage, kasi pwede naman kaming umatras kung sakaling hindi namin gusto 'yong gusto nilang ipakasal sa 'min," sagot niya. "Actually, gusto ng parents ko na maaga kaming mag-asawang magkakapatid." "That's weird," bigla kong komento. Ang ibang mga magulang nga halos ikadena na ang mga anak para hindi makapag-asawa ng maaga, pero ang mga magulang niya gustong-gusto? "Tradisyon na sa pamilya namin 'yon," sagot niya. "Lalo na kapag babae, gusto kasi nila na makitang nasa maayos nang kalagayan ang mga anak nila bago man lang sila mawala. Kaya ayan ang kapatid ko, hindi pa nga matured, ipagkakasundo na sa kasal." Napasimangot ako. Parang wala naman silang kalayaan pumili ng taong gusto nila. I mean, paano kung dumating 'yong taong para sa kanila pero huli na ang lahat dahil nagpakasal na sila? Napaka-complicated. "Eh ikaw?" tanong ko sa kaniya. "Na-engage ka na ba?" Natawa siya ng bahagya at umiling. "My parents tried but I said no." "Bakit? Hindi ka pa handa?" Ngumiti siya. "I'm ready but I can't see myself marrying a woman I don't love. Marriage should not be treated as a safety net. Isang beses lang akong ikakasal, pipiliin ko 'yong babaeng mahal ko." "Eh paano kung hindi gusto ng mga magulang mo ang babaeng napili mo?" "Well..." Mahina siyang natawa at tumitig sa mga mata ko. "I'm sure magugustohan ka nila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD