Chapter 9: Together

1624 Words
Thamara NAGING normal na para sa 'kin na araw-araw kaming nagkakasama ni Zkat, unti-unti akong naging komportable na kasama siya, nasanay na akong nakasasabay ko siya sa agahan at hinahatid niya ako sa tinutuluyan ko pagkatapos naming maghaponan sa labas. Pinagaan niya ang buhay ko. Pinadali niya ang lahat para sa 'kin, pinasaya niya ako at unti-unti kong naramdaman na nahuhulog na ako sa kaniya. Kaya naman, nang muli niya akong kumbinsihin na lumipat sa condo niya, hindi na ako nagdalawang isip na pumayag. Naging masaya kami sa condo niya. Naging responsibilidad ko ang lahat ng may kinalaman sa condo niya at sa pag-aalaga sa kaniya. Ako ang namamalantsa ng mga damit niya, ako ang naglilinis at nagpapanatili ng kagandahan ng condo niya. Unti-unti, nakilala ko si Zkat. Taliwas sa una kong pagkakakilala sa kaniya na babaero, mayabang at walang respeto sa babae, nakilala ko ang totoo niyang ugali. Isa siyang mapagmahal na kuya at anak, alam ko 'yon dahil nakita ko mismo kung paano siya umusok sa galit nang malaman niyang sinaktan ang kapatid niya ng fiance nito. Hindi rin siya pumapalya sa pagbisita sa kaniyang mga magulang, hindi niya nakakalimutang dalhan ng bulaklak ang Mommy niya. Habang nakikilala ko siya, minahal ko lang siya nang mas minahal at hindi nga naglaon ay naging kami rin sa wakas ngunit hindi alam ng mga magulang niya na may girlfriend siya dahil hindi pa ako handang magpakilala, nirespeto niya naman ang kagustuhan kong 'yon. "LOVE!" narinig kong tawag niya sa 'kin. Lumabas siya sa kaniyang kwarto bitbit ang cellphone at may malaking ngisi sa mga labi. Saglit kong tinigilan ang pagluluto upang ibigay ang atensiyon ko sa kaniya, lumapit siya sa 'kin at niyakap niya ako nang mahigpit. "Love, magna c*m laude ako!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Talaga?!" "Oo. Nag-text ngayon sa 'kin ang professor ko sa major! Yes!" "Ang galing mo!" niyakap ko siya nang mahigpit. "Congrats! Ang galing-galing mo!" "Thank you, Love. Saglit, tatawagan ko si Mommy, paniguradong matutuwa 'yon." Naging karamay namin ang isa't-isa sa pagkabigo, naging sandalan ko siya sa panahong hinang-hina na ako, binigyan ako ni Zkat ng panibagong rason para sumaya muli, binalik niya ang buhay ko. Walang pagkakataon kahit isang beses na gumawa siya ng bagay na ikaseselos ko o ikadududa ko, pinaghirapan niya ang lahat at hindi niya hinayaang masayang 'yon. "PWEDE na tayong magpakasal, Love. Tapos na akong mag-aral. Malago na rin ang ZAL Con. Pwede na tayong magsimula ng sarili nating pamilya." Matapos niyang maging opisyal na engineer, pinalago niya ang ZAL Construction Company, ang kompanyang itinayo niya noong kasisimula niya pa lang sa college, nakatutuwang nasaksihan ko ang tagumpay niya. Lumaki lalo ang kaniyang sariling kompanya at nagkaroon pa siya ng napakaraming negosyo. "Pagkatapos na ng college ko, Love. Graduating naman na ako." "Okay," nakangiting aniya. "Hindi na ako makapaghintay. Alam mo ba? Excited na si Mommy na makilala ka niya." "Ayaw kong humarap sa pamilya mo nang hindi pa ako nakapagtatapos kasi ang diploma ko lang ang maipapakita ko sa kanila at maipagmamalaki," sagot ko sa kaniya. Mahina naman siyang natawa. Nalaman nga ng pamilya niya na may girlfriend siya ngunit hindi ko pa nakikita ang mga magulang niya. Napakarami rin kasi ang nangyari, naging abala ako sa pag-aaral habang si Zkat naman ay naging tutok sa kompanya at sa kapatid niyang nabuntis at iniwan ng lalaking nakabuntis, inintindi ko na rin ang madalas niyang hindi pag-uwi sa 'kin sa mga panahong 'yon dahil alam kong kailangan siya ng kaniyang kapatid na si Jenny Ahbigael. Nang makapagtapos ako sa college ay agad akong nag-exam at pumasa naman agad kaya naging CPA ako. "BAKIT ka pa magtatrabaho, Love?" tanong niya nang minsan ko siyang tinanong patungkol sa pagtatrabaho. "Experience? Para naman magamit ko ang pinag-aralan ko. Pwede ako sa kahit anong negosyo mo, Love," suhestiyon ko sa kaniya. "Mapapagod ka lang," naglalambing niyang tugon at niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Dito ka na lang sa bahay para hindi ka na mag-adjust kapag nagka-baby na tayo. Trabaho ko at responsibilidad ko na buhayin ka, kayo ng mga magiging baby natin." Napangiti ako sa sinabi niya. "Eh wala pa naman tayong anak, hayaan mo muna akong magtrabaho para makatulong naman ako sa pagbayad ng mga bills natin dito sa bahay." "No, Love," mariin niyang sabi. "You'll stay here at home. Wala pa ba talagang laman 'to?" natatawang aniya habang hinahaplos ang tiyan ko. "Ewan ko. Magpa-check up kaya ako?" suhestiyon ko sa kaniya. "Pwede. Samahan kita, gusto mo?" "Ako na," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Kung may laman na nga anong gagawin natin?" Mahina siyang natawa. "Wala kang ibang gagawin kundi ang ingatan ang baby natin, Love. Ako naman ay magtatrabaho para sa kinabukasan ng baby natin. " Hinalikan niya ang noo ko. "I love you." "I love you too." "Marry me," bulong niya dahilan upang biglaan akong mapalingon sa kaniya. "Zkat..." Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko at inilabas niya ang maliit at pulang box at binuksan 'yon sa harapan ko. Nagkatinginan kami sa mga mata. "Zkat..." sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang dahil doon. "Marry me, Thamara Clarisse Villanueva." Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano at paano ko ipapakita 'yong tuwa ko at pagsang-ayon. Sunod-sunod na lang akong tumango, isinuot niya sa daliri ko ang singsing at sinalubong niya ng halik ang labi ko bago niya ako niyakap nang sobrang higpit. "Hindi mo pagsisisihan 'to," bulong niya. "Thank you." Tiningnan ko ang singsing na bigay niya. Kumalas siya ng yakap sa 'kin at nakita ko siyang nagpunas ng mukha kaya tinawanan ko siya. "Umiiyak ka ba?" "Hindi," mariin niyang tanggi sabay iwas ng tingin. "Bakit ka naman umiiyak? Ayaw mo pang matali?" biro ko. Tumawa siya nang malakas at niyakap niya akong muli. "Kahit pa bukas na bukas tayo magpakasal, payag ako." "Gusto kong gawin nating ring bearer ang anak ni Jenny Ahbighael, Love," suhestiyon ko. "Hindi pa 'yon pwede," natatawang aniya. "Baka bigla na lang ihagis 'yong singsing kapag napikon 'yon, baby pa 'yon, Love." "Edi hintayin natin na pwede na si Sev." "Matagal pa 'yon, Love. Baka magka-baby na tayo hindi pa tayo kinakasal." "Edi hindi na muna tayo mag—" "No way!" mabilis niyang kontra na tinawanan ko ng sobrang lakas. "Baka nga may laman na 'to eh," aniya at niyakap niya akong muli mula sa likod habang hinahaplos niya ang tiyan ko. "Sana babae." "Sana lalaki," aniya, "Para may junior na ako." "Gusto ko ng babae," sabi ko sa kaniya."Gusto kong makita ang girl version ng mukha mo." "Si Ahbi, girl version ng mukha ko 'yon," natatawa niyang sabi. "Kambal na lang, babae at lalaki." "Wow! Sharpshooter ka?" sarkastiko kong biro sa kaniya na ikinatawa niya. "Bakit? Hindi ba? Pustahan, Love. Kapag may laman na 'to papakasal ka agad sa 'kin sa susunod na buwan pero kapag wala, sige, payag akong hintayin natin si Seven na mag-five." "Sige. Game ako d'yan." "Sige." Ayon sa napagkasunduan, nagpa-check up nga ako habang nasa trabaho siya at nang malaman ko ang resulta ay agad ko siyang pinuntahan sa kaniyang opisina. Nadatnan ko siyang pinagsasabihan ang sekretarya niya. Hindi niya ako napansin agad, mukhang masama ang timpla niya ngayon. Bumalik siya sa pagbabasa ng kung ano man 'yon na nasa folder. "Oh." Inihagis ko ang brown envelope sa kaniyang mesa, kunot-noo siyang nag-angat ng tingin at bubulyaw na sana ngunit napagtanto niya yatang ako ang naghagis no'n. "Love..." napangiti ako nang pilit siyang ngumiti. "What are you doing here?" "Hinatid ko lang 'yan, panagutan mo ako," natatawa kong sabi. Nanlaki ang mga mata niya at mas mabilis pa sa alas-kwatro niyang binuksan ang envelope na bigay ko. "Ano 'to?" "Ano nga ba yan?" Pinagkatitigan niyang mabuti ang ang naroon sa papel, kunot-noo niya 'yong tiningnan at muli niya akong tiningnan. "Sh*t!" Iyon agad ang nabigkas niya at bigla na lang siyang tumayo, lumapit sa 'kin at niyakap ako. "Sh*t, Love!" Tawa lang ang naging tugon ko. "You're pregnant?" tanong niya habang sapo niya ang mukha ko. "Really?" Sunod-sunod akong tumango at ibinigay ko sa kaniya ang tatlong pregnancy test na pinagamit sa 'kin kanina ng doktor. "God!" Natawa ako sa reaksiyon niya. "D*mn!" "Magiging Daddy ka na." "Yes!" nagulat ako ng bigla na lang siyang nagtatalon sa tuwa at bumulalas ng tawa. "Yes! Yes! Yes!" "Zkat—" "Yes! Thank you! Thank you!" niyakap niya ako ulit bago siya lumabas ng opisina niya. "Maureen! Maureen!" tawag niya sa kaniyang sekretarya na lumabas kanina. "Boss?" "Maureen!" Bumulalas siya nang tawa ulit. "Buntis si Thamara, magiging daddy na ako! Yes!" "Good news 'yon, Boss Amo!" natutuwa ring sabi ni Maureen. "Congratulations! Tagal mong hinintay 'yan. Sana sumipag ka pa!" "Thank you, Maureen. Sabihin mo sa lahat ng empleyado na umuwi na silang lahat para makapag-relax," sabi ni Zkat na mukhang hindi napansin ang biro ni Maureen. "Boss? Pero sabi niyo—" "Forget it! With pay 'yan," ani Zkat at muli akong binalikan. "Thank you, Love! Thank you!" seryusong aniya at nakita ko pa ang iilang butil ng luha na tumulo galing sa mga mata niya. "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon. I love you." "I love you too," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Tara na. Bili na tayo ng gamit ng baby." Napatigalgal ako sa sinabi niya. Hindi pa nga umaabot ng isang buwan ang baby namin sa tiyan ko, bibili na kami agad ng gamit? "Love—" "Let's go," aniya at kinuha niya ang cellphone niya at susi ng kotse at hinila na lang niya ako palabas ng opisina at habang naglalakad kami palabas ng building, nakita ko kung gaano kasaya ang mga empleyado niya habang binabati nila kami, ganoon kabilis kumalat ang balita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD